Hinatak ni Trix ang pisi at pinutol bago binalikan ang puwesto ng pana at quiver nya. Tumukod si Trix sa punong kinalalagyan nya. Lumapit kaagad si Fido kay Trix. "Emmet!" sigaw ni Trix. "Emmet!" ulit nito. "Emmet!" tawag ni Steve. Lumitaw ang taong tinawag nila na nakayuko at nakaluhod. Kaagad inangilan ni Fido si Emmet at dinamba. "Cool it Fido. I-I'm sorry, Sir. Nalibang ako sa kausap ko," anang binatilyo. Inangilan muli ni Fido si Emmet. "It almost costs a life. Sinabihan na kita to keep an eye dun sa Assassin na umaaligid," galit na sinabi ni Trix. "I'm sorry. He is ok now," sagot ni Emmet. Nilapit ni Fido ang mukha nya na galit kay Emmet. "That is not the point," galit na wika Trix na sinuntok ang katawan ng puno na tinukuran nya. "Tama na

