Playboy's Jealous Girl

2659 Words
[Bella]   “Bella!”   Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko ang Girlfriends na papalapit sa direksiyon ko.   “How are you girl?” tanong ni Grace sa kanya.  “Ayos lang.”   “Good!” nakangiting sabi ni Princess.   “Napapansin ko lang girls, mula sa pagpasok ko sa school na ito ay panay bulungan ang lagi kong naririnig,” kunot noong sabi ni Angel   “You’re  right! Ano kayang meron?” napapaisip na tanong ni Ellen.   “May nabugbog kaya ulit or may napaalis na naman na student sa school natin?” sambit ni Angel.   “Have you heard the news? Si Emp, may dinidate ng babae!”   “Oo, nakita ko nga ’yung picture sa bulletin”   “Napakasuwerte ng babaeng iyon.”   “Hindi iyon susuwertehin sa akin kapag nalaman ko kung sino ang babaeng iyon.”   Nagkatinginan kami sa mga sinabi nila. Lahat kami ay nagpunta sa sinasabi nilang bulletin.   “I can’t believe this, may naka-date na si Kuya?!”   “Princess, hindi ba lapitin naman talaga si Kuya Jarvis ng mga babae?   Di na naman kataka-taka kung may dine-date na siya ’di ba? “Tama ka, lapitin si Kuya ng mga babae, pero masungit ’yun.   Walang sinuman ang magkakalakas na loob na landiin siya.”   Tama si Princess. Sino ba naman  kasi ang lalapit sa lalaking dinaig pa ang babae kung magsungit?   “At saka alam niyo naman  na  hanggang ngayon ay walang sineseryoso si Kuya simula nang maghiwalay sila ng girlfriend niya.”   Tinignan ko si Princess. Nagka-girlfriend ang kuya niya? Talaga ba?   “Oo nga! Two years na ang nakakalipas,” sabat naman ni Grace. “Curious ako, gf. Bakit sila naghiwalay ni Kuya Jarvis? Eh ‘di ba nga, tinagurian silang perfect couple dito sa RDU,” na-aamaze na kuwento niya.   Huminto sa paglalakad si Princess. “Ang alam ko, ipinagpalit ng b*tch na iyon si Kuya kay Kier.”   “Sino si Kier?” takang tanong naman ni Jessica. “Siya ang best friend ni Kuya Jarvis.”   “Gosh!” bulalas ni Grace.   “Mabuti na lang at hindi na nagpakita ang b*tch na iyon dito kundi kakalbuhin ko talaga siya,” naiinis na sabi ni Princess.   “Ang tanong  ngayon diyan, naka-move on  na kaya si Kuya Jarvis?” tanong ni Jessica.   “I wish! Para naman mabawasan ’yung pagkamasungit ng kuya ko.”   Lahat sila ay sumang-ayon sa tinuran ni Princess.   Napailing na lamang ako. Kaya pala! Broken hearted pala si Freak. Sa kabilang banda  naman  ay nalungkot  ako at  may kaunting kirot na naramdaman na hindi ko maipaliwanag kung saan nanggagaling.   Narating din namin ang lugar kung nasaan ang bulletin board. Ang sikip at halos ’di na namin maaninag ang board. Hindi ko alam paano sila nakakahinga sa kumpol ng mga tao na iyan.   “Excuse me, miss.” Kinalabit ni Princess ang isang babae.   “Ano ba?! Huwag ka ngang kalabit nang kalabit diyan. Hindi ko na nga makita ’yung picture eh.” Nagkatinginan kaming lahat. “Miss,” tawag ulit ni Princess. “Maghintay ka, pwede?” Nakasimangot  na  nilingon  siya ng babae. Nanlalaki ang mata  nito  nang  mapagsino  ang taong kausap. “Sorry, Princess”   Mukha namang narinig ’yun ng lahat, nahawi kasi ang mga nagkukumpulan. Napailing na lang siya sa ginawa ng babae at tinungo namin ang bulletin board.   “Oh my God,” bulalas ni Grace. “So sweet,” kinikilig na sabi niya. Napanganga naman si Princess sa kanyang nakita. Samantalang ako? Nananahimik. Dahil ang nasa larawan ay walang iba kundi ako at si Freak. Ito ’yung trial date namin. Biglang nag-ring ang cell phone na hawak ko. Hindi ko tinignan kung sino, sinagot ako na lang agad ang tumawag.   “Hello?” matamlay kong sabi.   “Bella.”Napakagat ako  sa  aking  labi  na  mabosesan  ko  ito. “What?”   “Pumunta ka ngayon din dito sa headquraters namin.” “Sure.” Namatay na ang call. Nilingon ko sina Princess.   “Girls, una na ako sa inyo,” nagmamadaling paalam ko sa kanila.   Tumango lamang sila bilang tugon. Parang nanghina  ako sa nakita kong picture sa bulletinboard.   Pagdating ko sa headquarters, nakita ko si Jarvis na prenteng nakaupo   sa black sofa. Tumayo siya nang makita niya ako. “Nandiyan ka na pala, ba’t ba ang bagal-bagal mo? Para kang pagong sa sobrang bagal mo,” naiiritang sambit niya sa akin.   Hindi na ako nagkomento pa. Mainit ang ulo ko ngayon kaya naman minabuti ko na walang salitang tinalikuran ko siya at naglakad ng palayo.   “Hoy Nerd!Huwag na huwag mo kong tatalikuran! Bumalik ka rito!” galit na bulyaw niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Paglabas ko, nakita ko si Jace na nakasakay sa motorbike niya.   “Ikaw pala Ms. Nerd, saan ang punta mo?” nakangiting tanong niya.   Napatingin naman si Jace sa pintuan na nilabasan ko. Napangisi ako na may pumasok na idea sa utak ko. Mabilis na  umangkas ako sa motorbike ni Jace.   “Hey, bakit ka umangkas?” gulat na tanong niya.   “Alis na tayo! Bahala ka na kung saan tayo pupunta. Bilis, baka abutan pa tayo ni Freak.” Napailing siya sa tinuran ko.   “LQ?” Nagulat ako sa tanong niya. “Hindi ’no!” mariin na tanggi ko.   “Okay.” Pinaharurot na niya ang kanyang motorbike palayo. Inihinto ni Jace ang motorbike niya sa tapat ng isang Bar na nakasabit na “Hard Rock Bar”.   “Bakit dito?” kunot noong tanong ko.   Ngumisi siya sa akin. “Ang sabi mo kasi kahit saan, naalala ko na may date ako ngayon.”   “What?!” malakas na bulalas ko.   Tinungo na niya ang pinto ng bar. “Anong tinatayo-tayo mo riyan? Tara!”   “Anong gagawin natin diyan?” tanong ko sa kanya na hindi gumagalaw sa aking kinatatayuan.   “Mamaya na kita ihahatid,” ang sagot niya na nagpagulo sa akin. Tila naman nabasa niya ang nasa isip ko.   “Ipapaalala ko lang sa iyo, walang dumadaan  dito na public vehicle kaya huwag kanang magbalak na umuwing mag-isa. Kung lalakarin mo naman, imposible, dahil masyadong malayo ito. Siguro mga pitong kilometro lang naman ang lalakarin mo,” natatawang paliwanag niya na ikinalaki naman ng aking mga mata.   “Bakit ngayon mo lang sinabi?” naiinis na tanong ko sa kanya. Napakamot siya sa kanyang ulo.   “Sabi mo kasi umalis na tayo agad at kahit saan tayo pumunta ay okay lang sa ’yo.” Napabuntong hininga na lamang ako. Tama nga naman siya.   “Tara na. Naghihintay  na  ang mga ka-date  ko.” Kahit nag-aalinlangan, sumunod na lamang ako sa kanya.   Sa loob ng bar, bumungad na sa akin ang madilim, mausok at maingay na kapaligiran. Feeling ko, hindi ako nababagay rito dahil sa suot kong maong pants at t-shirt na may mukha ni Mickey Mouse.   Isa-isang binati ni Jace ang mga kakilala niya. “Hi, honey!”bati niya sa isang babae at hinalikan nito si Jace sa labi.   “Babe, bakit nauna pa siyang kumiss sa’yo?”  tanong naman ng pangalawang babae sa gilid ni Jace.   Natulala ako sa mga pangyayari at naupo na lamang sa isang tabi. Nagkakatuwaan pa sila. Bigla na lamang ako hinila ni Jace patayo at iniharap sa mga kakilala niya. Buti naman at naalala niya ako.   “Sweethearts, bago tayo magkalimutan, ipapakilala ko nga pala, she’s  my friend, Bella.”   “Ooooohhhh! Friend daw? Baka more than friends?” panunukso ng isa pang babae.   “Nagbago na pala ang taste mo, Jace Monteverde, nerdy type na pala ang trip mo ngayon?” dugtong ng babae.   Pilit akong ngumiti sa kanila. Binulungan ko si Jace. “Pwede na ba akong umorder? Nauuhaw na ako.”   “Sure. Sabihin mo, for Jace Monteverde’s account, kilala naman ako rito.”   Pumunta na ako sa bar at umorder ng paborito kong Strawberry cocktail, sinabi ko sa waiter for Jace Monteverde’s account. Talagang kilala siya rito ah. Expected sa isang anak mayaman. Napatingin ako sa direksyon ni Jace na napapalibutan ng mga babae. Napailing na lamang ako. Buti na lang at medyo sanay ako sa ganoong eksena, dahil ganun din sila Kuya Rei laging napapalibutan ng mga babae.   “Give me one glass of s*x on the beach.”   Napalingon ako sa nagsalita at bumaling naman siya sa akin. She’s beautiful. No, she isn’t just beautiful. She’s gorgeous! Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngumiti siya nang matamis. “Hi, I’m Leigh Althea Patrice Miller Rodriguez, you can call me Althea. Nakita kita kanina with the ultimate playboy, Jace Monteverde.”   Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.   “Ohh... don’t get me wrong, we’re just friends,” nakangiting sabi niya.   “Actually, nagulat nga ako na may kasama siyang ooops...no offense meant ah.” Tumango ako sa kanya. “Na may kasama. siyang nerd, na hindi naman niya usually ginagawa.”   Napangiti ako sa kanyang sinabi. “You’re right. No choice naman kasi ako dahil dito niya ako dinala,” sabi ko sa kanya. “By the way Im Bella Uy,” nakangiting sabi ko sabay sipsip sa strawberry cocktail na inorder ko kanina.   “Babe, kanina pa kita hinahanap, andito ka lang pala,” sabi ng lalaki na papalapit kay Althea.   Napairap si Althea nang makita ito. “Maiwan muna kita, makulit itong lalaki na ito.” Tumango lamang ako.   Hindi ko namalayan na paubos na pala ang inumin ko. Napapasarap yata ang inom ko kaya umorder pa ako ulit ng isa pang strawberry cocktail, pero habang wala pa ang order ko ay pumunta muna ako sa comfort room.   Buti walang pila masyado kaya natapos ko agad ang ritwal ko sa C.R. Paglabas ko ay may biglang umakbay sa akin— isang lalaki na lasing na lasing.   “Hey sweetie, gusto mo bang mag-enjoy? Come with me.” Amoy alak ang hininga niya. Ang tapang.   “If you don’t take your hand off my shoulder, you’ll regret it.” “Wha—” Mabilis ko siyang ibinalibag sa sahig.   “Arrrrgh!” malakas na hiyaw niya.   Tumigil ang tugtog, ang mga taong nagsasayaw, at pati na ang mga nagkukwentuhan. Lahat sila ay nanlalaki ang mga mata na napatingin sa direksiyon namin.   “Oh my God!”bulalas ng isang babae na tinungo ang direksiyon ng lalaki. Siguro kilala niya ito.   “Anong ginawa mo sa boyfriend ko?’ naiiyak na bulyaw niya sa akin.   Boyfriend? Gross!   “You mean, boyfriend mo ang mukhang bisugo na ito?” “Oo! May problema?!” galit na galit na sagot niya sa akin.   Taas noong humarap ako sa kanya. “Magpasalamat ka sa akin dahil isa siyang m******s na bisugo. Ngayon pa lang, dapat mo na siyang hiwalayan dahil nalingat ka lang sandali eh kung saan- saan na siya dumadapo.”   “Ikaw? Minamanyak ng boyfriend ko? Sa tingin mo kagandahan ka?Tingnan mo nga ang itsura mo. Pasalamat ka pa nga at minanyak kang boyfriend ko, kasi ibig sabihin, kapansin-pansin ka din kahit pangit ka!” Nagtawanan ang lahat ng nasa paligid. Aba, sumosobra na siya ah. Relax, Bella!   “What’s going on here?” tanong ng isang magandang babae, na hindi ko napansin na nakalapit na pala sa amin. Natahimik ang lahat.   “Miss Alyana,  ibinalibag  lang  naman  niya  ang  kawawang boyfriend ko.” Tinignan niya ako nang masama.   “Bella?” tawag sa akin ni Jace. Napapikit ako ng mariin.   “Anong nangyari?” Napatingin siya sa nakahandusay na lalaki. Nagkibit-balikat lamang ako.   “Jace, kasama mo ba siya?” kunotnoong tanong ng nangangalang Alyana.   “Yeah...she’s my girl friend.”   Nanlaki ang mata ng babaeng nangangalang Alyana. Lalo yata siyang namuhi sa sinabi ni Jace.   “Ngayon ko lang nalaman, Jace Monteverde, na nag-iba na ang taste mo sa babae. Ayaw mo sa akin pero diyan sa pangit na iyan, pumatol ka?!” bulyaw niya kay Jace. “Ano bang nakita mo riyan?”   “Ah..eh.. Alyana, nagkakamali ka,” sabi ni Jace. “Ikaw babae.” Tinuro niya ako. “Hinahamon kita!”   “Ah? Tinatamad ako miss....” Alanganin akong ngumiti. “Jace ihatid mo na ako.”   “Marahil nga natatakot ka dahil isa kang ugly b*tch loser!” sigaw ni Alyana sa akin.   Napatigil ako sa paglalakad. Loser? No way!   Nilingon ko siya. “I’m not a loser Miss Alyana. Kung talagang desperada ka na makalaban ako, tara, doon tayo sa labas kasi sobra na tayong nakakaistorbo rito.”   “Mabuti pa nga! Sumunod kayo girls, ipapamukha ko sa iyo kung sinong mas magaling sa aming dalawa.”   “Alyana stop it! Bella ihahatid na kita...”Hinablot ni Jace ang aking kamay.   “Ayoko Jace, bitiwan  mo  ang  kamay ko,  kung  ayaw mong matulad diyan sa bisugo na iyan.”   Walang nagawa ang mokong at napasunod din ito sa labas ng bar.   Paglabas naming lahat, hinarap ko si Alyana. Napatingin ako sa paligid, bakit parang lahat ng nasa loob ng bar eh lumabas din? Ano ito, may shooting? Artista ba kami?   “Simple lang  ang  gagawin natin,  marunong  ka  bang  mag- motorbike?” Tumango ako bilang tugon.   Nanlalaki ang mata ni Jace. “No Alyana. You can’t do this—” Tiningnan siya ni Alyana ng masama.   “Dahil hindi mo kilala kung sino binangga mo, pagbibigyan kita. Magre-race tayo. Kapag nanalo ka, kakalimutan ko ang ginawa mo sa boyfriend ng isa sa mga under—I mean kaibigan ko, pero kapag natalo ka, magiging slave kita tapos makikipagbreak at lalayo ka sa mahal kong si Jace Monteverde.”   Ano raw?   “Jace, sobra namang magselos itong babae mo...” bulong ko kay Jace.   “Sh*t! She’s not my girl at hindi pwede ’no,” naiiritang bulong niya sa akin.   “Pwede ba?! Huwag kayong maglambingan sa harap ko! Magsimula na  tayo  para  mailampaso  na  kita,” mataray  na hamon niya sa akin.   “Marunong ka ba talagang mag-motorbike?” kinakabahang tanong ni Jace sa akin.   Tumango ako sa kanya. “May alam akong kaunti....” Bahagya akong tumawa.   Napabuntong hininga siya. “Sige, gamitin mo ang motorbike ko. Kahit anong mangyari Bella, sagot kita,” madamdaming sabi ni Jace.   Gago ka talaga Jace! Dapat ayusin mo iyang babae mo.” Saka ako tumawa. “Kung makapagsalita iyan para bang pag-aari ka niya.”   Tiningnan  ko ang kanyang motorbike.  Nasa top  five ito ng fastest motorbike, Kasawaki Ninja. Ilang buwan na rin akong hindi  nakakahawak ng motorbike.  Wala na  akong practice, sigurado akong maninibago ako mamaya sa laban.   “Jace, pwede ko na bang sakyan itong baby Ninja mo?”   “Wow, talagang may alam ka sa motorbike. Sige try mo, okay lang kahit sirain mo pa ‘yan.” Ibinigay niya sa akin ang susi.   Habang sinasabi ni Jace kung ano ang feature ng Baby Ninja niya, feeling ko may nakatitig sa akin. Napalingon ako,nakita ko si Alyana na mala-panakasak ang tingin sa akin. Wow, kung nakakamatay lang talaga ang tingin,kaninapaakonakahandusay rito. Hindi pa nakuntento ang bruha dahil inirapan pa niya ako. Nagkibit-balikat lamang ako at sinakyan ko na ang Baby Ninja. Actually, natatawa ako sa babaeng iyon. Ang sarap tuloy niyang asarin. Ang salbahe ko talaga!   Lumapit si Alyana sa akin. “Ready ka na ba?”  Tumango ako. Pumuwesto na kami sa gitna ng kalsada.   “Miss Alyana...hindi mo ba huhubarin ang jacket mo?” tanong ng isang kakilala niya.   “Ah, oo nga pala.” Lumapit ang isa sa mga kaibigan niya at hinubad na ni Alyana ang jacket niya tapos ibinigay niya iyon sa babae. Nanlalaki ang aking mga mata sa aking nakita.   Oh sh*t, bakit siya pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD