Trial Date

2828 Words
[Bella]   Natatawa ako habang naglalakad patungo sa tagpuan namin ni Freak. Ngayon kasi gaganapin ang aming trial date. Binantaan niya pa ako dahil ito na raw ang una’t huling date na mangyayari sa amin. Hindi lamang iyon, nagmayabang pa siya na napakasuwerte ko raw dahil makaka-date ko siya. Nakakasuka ’yung mga pinagsasasabi niya.   Marahil ang ibang babae ay hihimatayin  nga sa kilig kapag naka-date nila si Jarvis, pero hindi ako katulad nila. Inis nga ako sa lalaking iyon. Siguro nga nang magsaboy ang Diyos ng kayabangan ay nasalo na niya lahat.   Napapitlag ako nang mag-ring ang cell phone ko. Napakunot noo ako sa unknown number na tumatawag sa akin.   “Hello?”     “Bella?” tinig ng isang lalaki. “Speaking. Who’s this?”   “Kon’nichiwa (Hello) Bella. Dono yōdesu ka? (How are you?)” masayang tanong  niya. Parang  kilala ko  ang  nagmamay ari ng masayang boses na ito.   “Kuya Rei?” natatawang sabi ko.   Natawa siya nang malakas. “BaKa (Idiot), Bella!” Naririnig ko ang tawanan ng lahat sa kabilang linya. Bigla ko tuloy silang namiss.   “Aish! Paano mo nalaman ang cellphone number ko?” naiinis na tanong ko sa kanya.   “Anong silbi ni Natsume kung hindi niya malalaman ang cell phone number mo?” masayang sabi ni Kuya Rei.   Napahawak ako sa aking sentido nang marealize na tama ang sinabi niya. “Kumusta na kayo riyan?”   “Okay lang kami rito, nami-miss na namin ang sigang Bella,” sabi ni Kuya Rei sa akin. “Talaga bang hindi na magbabago ang isip mo, Bella?” Napangiti ako sa sinabi niya sa akin.   “Hey Rei, pakausap naman ako kay Bella,” sabi ng isa. Napangiti ako nang mabosesan ko ito.   Si Taki.   “Bella,” panimula niya.   “Nami-miss na kita, best friend,” sabi ko.   Matagal siyang nanahimik na ipinagtaka ko. “Hello? Taki?”   “Sobrang nami-miss na rin kita,” seryosong saad niya.   Napangiti ako. “Alam ko! Wala na kasing nangungulit at nagpapasakit ng ulo mo.”   Natawa siya sa sinabi ko. “Nasaan ka ngayon?”   “Ah? Naglalakad sa kalsada,” nakangiting sabi ko.   “Saan ka pupunta?” tanong niya.   “Actually,  may   hinihintay   ako   ngayon—”  Hindi   ko   na natapos ang sasabihin sasabihin ko, narinig ko kasing biglang nagkakagulo sa kabilang linya.   “Taki? Hello? Taki? May problema ba?” kinakabahan na tanong ko.   “I have to go now, Bella. I’ll call you later,” seryosong sabi niya.   Hindi na ako nakapagsalita ulit dahil ini-end niya agad ang call. Kinabahan ako bigla. Sinubukan ko tawagan sila pero hindi ko macontact na. Hay! Magiging okay naman siguro sila? Teka, back to business, nasaan na nga pala ang freak na iyon? Ang lakas ng loob na magsabing bawal ma-late pero siya pala itong late.   Nagugutom na ako. Pinahinto ko iyung dumaan na roving fishball. Binigyan ako ng stick ng matanda at sinimulan kong tumusok ng mga luto na. Ang sarap, mainit-init pa, pati ng sauce.   “Hey!” May tumapik sa ’kin.   Inis na nilingon ko ito. Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko.  Heto  si Jarvis, nasa  harapan  ko  at  gwapong-gwapo sa kanyang outfit at naka-sunglasses pa. Mabilis na nginuya ko ang aking kinakain at saka nagsalita. “Ayos ka rin Mr. Fortalejo, pinaghintay mo ako nang matagal dito.”   Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Bakit parang bigla akong na-conscious nang gawin niya iyon?   “Have you ever dated someone?” inis na tanong niya sa akin.   “No. Requirement ba iyon?” tanong ko sa kanya.   Natampal niya ang kanyang noo, mukha siyang problemado ngayon.   “Stupid girl! Ano naman iyang kinakain mo? Malinis ba iyan?” Napatingin ang tindero sa akin.   Nahihiyang ngumiti ako sa tindero. “Manong pasensya na po, hindi kasi kumakain ng ganito ang kasama ko.”   “Naku ineng ayos lang sa akin, sanay na ako riyan. At saka, mukhang mayaman ang boyfriend mo.”   Pilit na ngumiti ako kay manong. Stupid pala ah. Tumusok ako ng chicken ball at mabilis na sinubo iyon sa kanya. Gulat na gulat na nakatingin siya sa akin.   “What? Tikman mo muna bago ka mandiri. Sinisigurado ko na masarap iyan. Don’t worry, hindi mo iyan ika-kamatay,” mahinang bulong ko sa kanya.   Tinignan ko siya. Dahan-dahan siyang ngumuya tila nilalasahan niya ito.   “Masarap?” tanong ko sa kanya.   Hindi niya pinansin ang tanong ko. Hindi naman siya umangal, marahil nagustuhan din niya iyon. May pumasok na ideya sa isip ko. Kumuha ako ng isang lagayan at pinuno  ko iyon ng chicken balls at squid balls tapos ibinigay ko ’yun sa kanya.   “Anong ginagawa mo?” kunot noong tanong niya sa akin.   “Hindi mo ba nakikita? Kumakain ako kasi gutom na gutom ako sa kakahintay sa iyo. Alangan namang titigan mo lang ako?” mahabang saad ko. “Kaya dapat kumain ka na rin. Isipin mo na lang na nagsisimula na tayo sa date natin.”   Una, tinititigan niya lang ang ibinigay ko sa kanya. Kunwari ay busy ako sa pagkain ko at napangiti ako nang kainin niya na rin ang ibinigay ko. Feeling ko kasi na gusto niyang kumain ng ganito.   “Magkano po lahat, manong?”   Sinabi ni manong ang total ng lahat ng kinain namin.   Nilingon ko si Jarvis. “Bayaran mo na.”   “What?” gulat na tanong niya.   Ngumiti ako sa kanya nang pagkatamis-tamis. “Bf, bayaran mo na, please.”   Napapantastikuhan  na  tumingin  siya sa akin  at  dahil  wala naman  siyang choice kundi bayaran ang lahat ng kinain namin.   “Salamat po, manong,” masayang sabi ko.   “Maraming salamat, ineng.”   “Tara!” yaya ko kay Jarvis.   Hindi naman siya tumanggi at sumunod sa akin. Alam ko na kung saan kami pwedeng mag date ni Jarvis. Kanina kasi habang naglalakad ay may nakita akong amusement park kaya naisipan  ko na  doon  kami  magpunta.    “Saan ba tayo pupunta?” naiinip na tanong niya.   Huminto ako sa paglalakad at ganun din siya. “Dito.”   Kunot-noong  tumingin siya sa entrance ng amusement park. “Huwag mong sabihin na rito  tayo magde-date?” seryosong tanong niya sa akin.   Nginitian ko siya. “Why? Masaya kaya rito. Take note boyfriend, dito madalas nagpupunta ang mga couple.” Hindi siya umimik sa sinabi ko. Natawa ako bigla sa itsura niya. “Hey, huwag mong sabihin hindi ka nagpupunta rito?”   Hindi pa rin siya umiimik.   “Seryoso? Sa yaman mong ’yan?” natatawang tanong ko.   “Pambata   kasi  ang   ganyang   lugar,   pasensiya  na   Nerd,” sarkastikong sambit niya.   “Pambata? Tama ka, pambata rito at sisiguraduhin ko na hindi mo ito makakalimutan,” makahulugang sabi ko sa kanya.   “No! Ayoko dito at baka maboring lang ako,” tanggi niya.   Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya. “Kailan pa naging boring ang amusement park? Sa sinasabi mo ay halatang ikaw ay ang klaseng tao na walang ka-fun-fun sa katawan.”   Tinignan niya ako ng masama na kina-amuse ko. Oh-oh… May naisip ako ng ideya. Hinila ko siya papunta sa may ticket booth at wala na siyang  nagawa kundi ang bumili ng tickets namin.   Yes! Wagi ako!   Hindi pa rin maipinta ang mukha ni Jarvis. Nagkibit-balikat lang ako.   Sa loob ng amusement park ay sinakyan namin ang iba’t ibang amusement  rides.  Natawa  ako  sa  reaksyon  ni  Jarvis nang sumakay siya ng roller coaster dahil namumutla  ang buong mukha niya at hindi laman iyon dahil pagkababa namin ay suka siya nang suka..   Binigyan ko siya ng tubig at hinimas ko ang likod niya. “F-F*ck--ing  s-sh*t... ne-never na ako sa sasakay sa roller coaster na iyon.” Nanghihina ang boses niya. Tumalikod ako sa kanya at pigil na  pigil ang pagtawa ko. Nakakaloka ang lalaking ito. Imagine, ang king ng RDU ay takot palang sumakay ng roller coaster? How funny!   “Ako ba ang pinagtatawanan mo, Nerd?” tanong niya sa akin.   “Hindi ’no,” tanggi ko sa kanya. “Okay ka na ba?”   Tumango siya bilang sagot. “Saan tayo?” tanong niya sa akin.   “Oh tara! Sa roller coaster tayo ulit.” Tiningnan  niya ako ng masama sa sinabi ko at dahil doon ay natawa ako sa kanya. “Joke lang! Hindi ka na mabiro. Doon naman tayo sa fun booths.” sabay hila ko sa kanya.   Nanalo kami sa balloon dart game, nakakatawang makita na parang  pinagsakluban ng langit at lupa ang nagbabantay sa booth dahil muntik na naming maubos ang lahat ng balloons. Ibinigay sa amin ni Manong ang isang malaking bear, bilang premyo at tuwang tuwa na niyakap ko ito.   “Parang ngayon ka lang nakatanggap ng ganyan?”   Natigilan ako sa sinabi niya. Honestly, ngayon lang talaga ako nakatanggap ng ganito na hindi ko pinaghirapan. Tuwing pumupunta  ako ng amusement park sa Japan ay wala akong kasama. To make the long story short, solo lang ako sa loob ng park. “Walang pakielamanan, dude.”   Nang makita ko na papagabi na ay niyaya ko siyang sumakay ng ferris wheel. Iyon na lamang ang hindi pa namin nasasakyan. Ito  ang pinaka-favorite ko sa lahat  ng rides sa amusement park dahil gusto kong nakikita nang maigi ang mga bituin sa kalangitan. Tahimik kaming nakaupo sa ferris wheel habang umaandar  ito. Ang ganda talaga ng view! Nang tumigil ang ferris wheel sa pinakatuktok ay napangiti ako.   “Hey!” tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya.   “Alam mo ba, sabi nila, the ferris wheel is the nearest place to the stars. The stars can hear the wish of anyone and help them make their dreams come true,” nakangiting saad ko sa kanya habang nakatingala at nakapikit.     [Jarvis]   Tumingala siya sa kalangitan at pumikit. Make a wish? Noong una, ang akala ko ay hindi kami magkakasundo, pero okay pala siya. She never fails to make me smile at pinatunayan niya na hindi boring dito sa amusement park.   Iminulat niya ang kanyang mga mata. “Ano hiniling mo, girlfriend?”   “Secret, boyfriend,” nakangiting sambit niya.   “Oh! Sanay kanang tawagin akong girlfriend ah. Ibig sabihin niyan hindi tayo papalya sa pagpapanggap natin,” nakangiting sabi niya. Hindi ko siya pinansin sa kanyang sinabi at tinititigan ko lang siya.   “Malabo ba ang mata mo?” tanong ko bigla sa kanya. Napansin ko lang na parang wala namang na grado ang salamin niya.   Lumapit  ako  sa kanya at  dahan-dahan  kong  tinanggal  ang salamin sa kanyang mga mata. Nagulat siya sa ginawa ko. Hindi ko iyon pinansin dahil nakatitig ako sa kanyang mga mata. She has beautiful eyes. Sh*t! Ano’ng ginagawa ko? Tumikhim ako para mabawasan ang pagkapahiya ko at ibinalik ko ulit ang salamin niya.   “Maganda ka pala Nerd kapag walang salamin,” sabi ko sa kanya. Bigla siyang nag-blush.   “Grabe, ang masungit at moody na si Jarvis ay bolero pala. Infairness, ang bait mo ngayon,” napapailing na sabi niya sa akin.   Natawa ako sa sinabi niya. Napatitig siya sa akin.   “Hoy, baka matunaw ako niyan ah,” natatawang sabi ko sa kanya. Inilabas niya ang cell phone niya. “Huwag kang gagalaw ah, ngiti ka pa nga.”   “Anong ginagawa mo?” kunot noo na tanong ko sa kanya. “Hala!  Ngumiti  ka!  Ang  gwapo  mo  kasing  tingnan   pagngumingiti ka o tumatawa.”   Huh? Ano raw?   “Ayan may picture  na  akong nakangiti  ka, ibebenta  ko ito. Paniguradong maraming gustong bumili nito. Isang ngiti mo lang, instant cash na,” natatawang saad niya.   Lokang babaeng ito, ginawa pa akong hanapbuhay. “Burahin mo ’yan!” utos ko sa kanya.   “Bleeh! Ayaw ko nga!” Bumaba na kami sa ferris wheel at nauna siyang lumakad   “Hoy Nerd, burahin mo ’yan kundi you’re dead” sigaw ko sa kanya.   Lumingon siya sa akin atngumiti.“Sige, pero sa isang kondisyon.”   “Ano ’yun?”   “Kumain na tayo, nagugutom na kasi ako,” nahihiyang kinamot niya ang kanyang pisngi.   Yun naman pala! Gutom na siya. “Okay.”   Kitang-kita ko kung paano siya napatalon sa tuwa. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naka-meet ng weird na babae. Hinila niya ako patungo sa isang fast-food chain.   “Bakit dito?” tanong ko sa kanya.   “Dito sa Jollibee? Bakit hindi?” nakasimangot na tanong niya sa akin. “I’ve never been here before, kahit noong bata pa ako.” Napatanga siya sa akin. “Seriously? Iba na talaga ang mayaman,” mahinang bulong niya.   “Dahil hindi ka pa nakakakain dito, treat kita tutal kanina ikaw ang nagbayad ng kinain natin. So, tara na?”   Hinila niya ako patungo sa counter. Napangiti ako sa loob-loob ko nang sabihin niya sa akin iyon. Noong bata ako, gustong- gusto kong kumain dito kaya lang hindi ako pinapahintulutan ng mga magulang ko.   “Miss, isang chicken joy meal, isang spaghetti, large fries at strawberry sundae.”   “Teka? Sa atin na bang dalawa ’yun?” kunot noong tanong ko sa kanya.   Paano, ang dami niyang inorder.   “Hindi pa. Akin lang iyon. Ano ba order mo?”   Hanep na babae ito, para lang pala sa kanya iyon. Ang takaw pala niya, parang may dragon sa tiyan.   “Miss, isa ngang burger, spaghetti, at large fries.”   Bigla akong napatingin sa kanya. “Why?” tanong ko naman. Nakangiti na umiling siya bilang tugon  sa tanong  ko. Nang makuha namin  ang order namin  ay umupo  na kami sa may pinakasulok. Bago siya kumain ay piniga niya muna ang lahat ng ketchup mula sa sachet at inilagay iyon sa papel na nakabalot sa burger niya kanina.   “Anong ginagawa mo?” tanong ko.   “Gumagawa ng sawsawan para masarap kumain.”   Kumurot siya sa burger, isinasaw iyon sa ketchup, pagkatapos ay isinubo niya iyon sa akin.   “Masarap?” tanong niya sa akin.   “Oh? Huwag ka nang umangal.” Napangiti ako sa sinabi niya. Binuksan naman niya ang spaghetti at kumuha ng isang strip ng fries at isinawsaw ’yun  doon. Muli niya akong sinubuan. Nalukot ang aking mukha sa nalasahan ko.   “Bakit isinasawsaw mo ang fries sa spaghetti?” curious na tanong ko.   “Masarap kasi bf,”sabay nguya niya sa french fries.   “Alam mo, ang weird mo!” napapailing kong sabi.   “Kinikilig ka naman?” pilya niyang tanong.   Natawa ako. She’s different from the other girls. I don’t know why, but she’s making me happy.     [Bella]   Kakatapos lang  naming  kumain  sa Jollibee kaya naman nagpasya kami na maglibot sa loob ng amusement park kumbaga pampatunaw namin sa aming kinain. Bawat babaeng madaanan  namin  ay napapatingin  kay Freak, pero  hindi  yun  ang  ikinakabahala ko. Feeling ko talaga ay may sumusunod sa amin. Napapalingon tuloy ako parati. Paranoid na siguro ako. Hay! Guni-guni ko lang ito. Sa kakalingon ko, hindi ko nagkabanggaan kami ni Jarvis.   “Ouch.” Napahawak ako sa aking ilong.             Napaangat ako ng tingin at nakita ko na seryosong nakatingin sa akin si Jarvis.   “What’s your problem? Bakit kanina ka palingon nang lingon?” kunot noong tanong niya.   “Ah.. eh... wala lang,” pilit ang ngiting sambit ko. Tiningnan lang niya ako ng ilang segundo at napailing.   “Tara na, ihahatid na kita sa inyo.” Sabay hawak niya sa kamay ko.   Napatingin ako sa kamay ko na hawak-hawak niya. Ewan ko kung bakit pero parang bumilis ang t***k ng puso ko. Nagtungo kami sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya.   “Alam mo ba kung saan ako nakatira?” tanong ko sa kanya. “Yeah,” sagot niya. Nang bitawan niya ang aking kamay ay nakaramdam  ako ng panghihinayang. Bakit? I put away the thought at sumakay na ako sa kotse niya. Pareho kaming walang kibo habang nasa biyahe. Nakatingin lang ako sa labas.   Hanggang sa ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng bahay ko. Tahimik na lumabas siya ng sasakyan kaya naman ay binuksan ko ang pinto ng sasakyan sa gawi ko at mabilis na lumabas. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay na-out-of-balance ako. Oh sh*t! Pikit-matang hinintay ko ang aking sarili na bumagsak ako ngunit hindi nangyari dahil naramdaman ko na lamang na may sumalo sa akin. Pagmulat ko ay doon ko napagtanto na bumagsak ako sa mga bisig ni Jarvis.   “Sorry,” bulong ko sa kanya.   Inangat ko ag tingin ko. Nagkakatitigan kami. Doon ko na- realize na ang lapit-lapit ng mukha  namin  sa isa’t isa. Nang matauhan kaming dalawa ay bigla niya akong binitawan. Rinig na rinig ko ang malakas na t***k ng puso ko dahil sa nangyari.   “Good night.”   Pagkasabi niya niyon ay agad siyang sumakay sa kanyang kotse at pinaharurot niya iyon. Napahawak ako sa aking dibdib, muntik na iyon ha!   Teka? Yung damulag bear ko! Naiwan sa sasakyan ni Freak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD