The Contract

2794 Words
Hotel Fortalejo [Bella]   Hindi ko na alam kung ilang beses akong napanganga habang pinagmamasdan ko ang lawak ng loob ng hotel nila Jarvis. Actually, humahanga talaga ako lalo na sa interior nito. Parang isang paradise kung titignan mo. Sa pagkakaalam ko pa, ito ang kaunaunahang hotel na itinayo ng pamilyang Fortalejo. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit sobrang laki nito kumpara sa ibang hotel nila.    Naiinis ko kay Jarvis dahil mula sa loob ng sasakyan niya at hanggang dito ay hindi niya ako kinakausap. Honestly feeling ko panis na ang laway ko. Hindi ko alam kung bakit sinama niya pa ako dito. Walang imik na sinusundan ko siya hanggang sa huminto siya sa isang pintuan na may nakasulat doon na “conference room”. Nagulat ako sa ginawa ni Jarvis dahil ang mokong ay hindi man lang kumatok basta binuksan niya lang ito. Napapailing ako tila hari kung umasta talaga!   Mabilis na sinundan ko siya sa loob ng “conference room”. Napakagat ako sa labi na makitang may apat na tao roon. Mukhang hindi sila basta-basta kung susuriin sila. Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa mga tingin na pinupukol nila sa akin.   I want to kill you, Jarvis Fortalejo.     [Jarvis]   Pagdating namin sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya ko ay agad akong nagtungo sa conference room kung saan naghihintay ang aking lolo. Hindi na ako nag-atubili na kumatok, binuksan ko agad ang pintuan.   “Old man,” panimula ko. Magsasalita pa sana ako nang napansin ko na hindi lamang siya ang tao sa conference room. Napatigil silang lahat sa kanilang pag-uusap.   “You’re here. Sit down,” ma-awtoridad  na sabi niya. “Who is she?” tanong niya na nakatingin kay Bella.   “It’s none of your business.” Damn! Inis na umupo ako sa tabi niya. Bakit hindi ko naisip na business ang magiging dahilan kaya niya ako pinatawag? Nilingon ko si Nerd na nakatayo sa tabi ko, pinanlakihan ko siya ng mata. Pilit naman siyang ngumiti sa akin at umupo sa tabi ko.   Tumikhim   muna   siya  at  nagsalita.“This is  my  grandson, “pakilala niya sa akin. Napapikit ako dahil sa inis at sa nais niyang ipahiwatig. Magalang akong tumayo at nagbigay galang sa kanila, pagkatapos ay umupo ulit. Napatingin na naman ako kay Nerd na nagbabasa ng diyaryo.   “Your grandson is very handsome.”   Tumawa siya nang malakas. “Sigurado ako na bagay sila ng inyong anak.”   Napatingin  ako sa babaeng nasa harapan  ko na  mahinhing ngumiti. Nasisiraan na ba si Old Man? Saang parte kami bagay ng higad na iyan?   “I’m sure maganda ang kalalabasan ng arranged marriage na ito.”   “Excited ako na mag-merge ang ating pamilya.”   “Hija, what do you think about your arranged marriage with my grandson?” {Put dialog tags}   “Ho?”Nahihiya siyang tumingin  sa akin,  muntik  na  akong masuka nang mag-blush pa siya.“I’m very excited to this marriage. Sa totoo lang po, I have a crush on him and it’s like a dream come true.”   Tuwang-tuwa na ngumiti si Lolo sa mga magulang ng babae. “What about you, Jarvis?”   “I don’t care who will be my wife.” Tiningnan ko ng nakakaloko ang babae. “Basta ito lang ang tatandaan niya, makukuha niya ang yaman na gusto niya sa akin pero hindi ang pagmamahal ko.” Kitang-kita ko na mukhang ano mang oras ay iiyak na siya.   “Jarvis!”   Tiningnan ko si Lolo, nagbabanta ang kanyang tingin sa akin. Nagkibitbalikat lang ako.   “Nagbibiro lamang si Jarvis, hija. Don’t worry, arranged marriage will make everything okay.”   “I don’t think it’s a good idea. It’s not an easy road.” Iiling-iling na bulong ni Nerd habang nagbabasa ng diyaryo, nakuha niya ang atensyon ng aking Lolo.   “What did you say, young lady?”   Napaangat  ng  tingin  si  Bella at  takang  tumingin  sa  akin. Nagkibit-balikat lang ako sa kanya. Hindi ko alam pero interesado akong marinig ang sasabihin ni Nerd. Ngayon lang ako makakakita ng taong sasagot sa lolo ko.     [Bella]   Tiningnan ko ang mga taong nasa loob ng conference room, lahat sila ay hindi makapaniwala sa sinabi ko. Samantalang ang babae naman ay nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa akin. Natampal ko ang aking noo, bakit ba kasi sinama-sama ako rito ni Jarvis? Ano kaya ang tumatakbo sa kanyang isipan ngayon? Mukhang importanteng meeting ito.   “Iba na  ang  kabataan  ngayon, marunong  nang  sumabat  sa usapan ng matatanda,” sabi ng magulang ng babae.   “It’s not what you think it is, sir.”   “Sige nga hija. Gusto kong malaman ang opinyon mo tungkol sa arranged marriage. Mukhang marami kang nalalaman,” sabi ng Lolo ni Jarvis.   Nakaka-intimidate ang kanyang dating  kaya lang hindi  ako natatakot sa kanya. Ayaw ko sanang sumabat sa usapan nila, pero nakakaawa naman ’yung babae kung kay Freak lang siya babagsak. Ini-imagine ko pa lang, nangingilabot na ako.   “With all due  respect, Mr.  Fortalejo, mas  gugustuhin  kong pakasalan  ang  pulubi  na  alam  kong  magiging masaya ako kaysa sa isang freak na mayaman na hindi naman ako mahal.” Tiningnan ko ang babaeng pakakasalan ni Freak.   “Sabi nga nila, marriage is a bonding of two pure souls where the couples swear to spend their entire life with each other. We all have the right and the capability to pick the one that we want to be with for the rest of our lives. It shouldn’t be someone else’s choice.”   Hindi makapaniwala ang Don sa sinabi ko at lakas loob na nagpatuloy ako sa pagsasalita.   “Yes, sir. I am still a child compared to you but you have no right to impose any rule or say that arranged marriage is good for her and your grandson,” nakangiting sabi ko sa kanya.   “You!” nagtitimpi sa galit na sambit ng magulang ng babae na papakasalan ni Freak.   Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang. “Wala rin naman  pong masamang ituloy niyo ’yan. It’s your choice, pero sana maging masaya kayo.” Muli ko silang tinignan. Lahat sila nakanganga  at hindi  makapaniwala sa sinabi ko. Napakagat ako sa aking labi. Sh*t! Ang tanga mo Bella.   “Who are you, young lady?” seryosong tanong ng Don.   “Po?” gulat na tanong ko.   “Actually lolo, she’s my girlfriend,” sagot ni Jarvis, sabay hapit sa akin palapit sa kanya na ikinagulat ko. Mas nagulat ako nang maramdaman ko na hinawakan ni Jarvis ang aking mga kamay nang mahigpit. Parang sinasabi niya na bawal akong tumanggi.   “Girlfriend?” gulat na tanong ng lolo niya na nais ko masuka.        Napanganga naman ang mga magulang ng babae, samantalang ang  soon-to-be  wife ni  Jarvis ay nanggagalaiti  sa  galit  na tumingin sa akin.   “Which family do you belong? Your parents are in what field of business?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.   “Po?” gulat na sabi ko. Hindi ako makasagot sa mga tanong niya.   “Your name is Bella Uy, right?” mataray na tanong sa akin ng magiging fiancee ni Jarvis. Bwisit na babae ito! Bumaling sa kanya ang lolo ni Jarvis. “Do you know her, hija?”   “Yes, grandfather. She’s our schoolmate. Ang alam ko po ay siya ang kauna-unahang scholar ng RDU.” Nakataas pa ang sulok ng kanyang mga labi.   “Really?” amuse na wika ng nanay ng babae. May mali ba?   Tumingin sa akin ang matanda. “Is that true?” tanong niya sa akin.   “Yes, sir,” taas-noong sabi ko. Ano bang masama sa pagiging scholar ng RDU? Hindi ba dapat maging proud ako?   Nakakunot noo siyang tumingin kay Jarvis. “Are you sure she’s your girlfriend, Jarvis?”   “Yes, old man.” Tumango-tango ang matanda, pero ramdam ko ang galit niya.   “Maaari ba akong magtanong sa inyo mga, hija?” sabi niya na puno ng kaseryosohan.   “Yes, grandfather,” matamis na ngumiti ang bruha.   “Ano’ng nagustuhan niyo sa apo ko?”   Huh? Gusto?   Nahihiyang ngumiti ang babae na nasa harapan ko. “For me, lolo, he’s the perfect guy,” kinikilig na sabi niya. “I like his charm and looks.”   Muntik na akong masuka sa mga pinagsasabi niya. Eeww!   “How about you, Ms. Uy?” nakangiting baling ng lolo ni Jarvis.   “Ako po?” Napatingin ako kay Jarvis. “Perfect din siya sa ’kin, Mr. Fortalejo.” Napatigil ako sa pagsasalita at napangiti nang may pumasok  na  kalokohan  sa isip ko  “Gustong gusto  ko ’yung pagmumura niya, lalo na kapag nagagalit siya kasi rinig na rinig ko ang nakakatakot niyang boses. Mas natutuwa ako kapag ipinapakita niya ang kanyang nakaka-intimidate na aura sa lahat. Ang cool niya kapag may binu-bully siya. At saka mas minahal ko `yung galing niya sa pakikipaglaban,” mahabang sabi ko.   Tiningnan ko silang lahat. Gulat na gulat ang mga magulang ng babae. Hindi naman makapaniwala si Jarvis na nakatingin lang sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng lolo niya. You are so great Bella. You did well! Nakaganti na rin ako sa p**********p niya sa akin. Buti nga sa iyo!   “I think we need to cancel this marriage, Mr. Fortalejo,” kinakabahan na wika ng ama ng bruha.   Napakagat ako sa aking labi nang marinig ko iyon. Patay!   “Go on,” sabi ng lolo ni Jarvis na ikinalaki ng aking mga mata, lalo na ang magulang ng babae na hindi makapaniwala sa pagpayag ng Don.   “I’m afraid I have to warn you though, kapag ipinagkalat niyo ang pinag-usapan  natin  dito, mawawala ang lahat ng meron kayo,” seryosong saad ng lolo ni Jarvis.   Sa sobrang  takot  na  naramdaman  nila  ay tikom  ang  bibig at  dali-dali silang lumabas  ng  conference room.  Mahabang katahimikan ang namayani. Napayuko na lamang ako. Maya- maya  ay nakarinig  na  lamang  ako  ng  nagpipigil  na  tawa. Napaangat ako ng tingin, kitang kita ko kung paano tumawa ang lolo ni Jarvis ng malakas.   “Kakaiba ka, hija!”   Manghang napatingin  ako sa kanya, nagtatanong  ang aking mga mata na tumingin kay Jarvis. Napailing lamang siya.   “A-Are you okay po?” naiilang na tanong ko sa kanya.   “Yes, Bella.” Tawa pa rin siya nang tawa. Hala! Anong nangyari sa kanya?   Tumayo siya at nilapitan niya ako. Nagulat ako nang kunin niya ang aking kamay. “Lahat ng sinabi mo ay tama. Ikaw lang ang kaunaunahang babaeng nagsabi niyon. Masaya ako at sa wakas ay nakatagpo na ang apo ko ng babaeng alam kong mamahalin siya at hindi iiwan.”   “Po?” Nanlalaki ang aking mga mata na tumingin kay Jarvis. Hala! Ano’ng ibig sabihin niya?   “Oh, siya. Maiwan ko na kayo dahil may meeting pa ako sa France. Sa pagkikita nating muli hija, kuwentuhan mo ako sa mga nangyayari sa apo ko. Okay?” masayang ngiti niya na kinangiti ko na rin.   “Ho? Sure po, Mr. Fortalejo,” kinagagalak na sabi ko sa kanya.   “Ay hindi! Lolo na ang itawag mo akin,” mariin na saad niya.   “Sige po, l-lo-lo,” napipilitang sabi ko.   “Jarvis, alagaan mo itong girlfriend mo. Aba, minsan ka lang makakatagpo ng babaeng ganito.”   Walang kibong tumingin  lang sa akin si Freak. Sa pag-alis ng lolo niya ay tumayo na siya, tahimik na sinundan  ko siya palabas ng hotel. Ang bilis niyang maglakad! Pagparada ng kanyang sasakyan sa harap namin ay mabilis siyang sumakay sa kotse niya at pinahaharurot ito palayo. Ako? Iniwan lang naman niya. What a nice day!     After one month Red Dragon University   [Bella]   “Are you serious?” Tinititigan ko ang kakabigay lang na papel ni Jarvis. Sinilip ko ang mokong na kampanteng umiinom ng kape habang nagbabasa ng diyaryo. Ano’ng kalokohan na naman kaya ang pumasok sa utak ng freak na ito? Ang nakakainis pa, pinapasok niya ako ng maaga para lang dito! Nakakagigil na talaga siya!   Matapos niya akong iwan sa hotel a month ago ay babalik siya sa akin na may bitbit na nakakagulat na problema. Nagpapasalamat din naman ako sa kanya dahil natahimik ang buhay ko sa loob ng isang buwan.   Kaya nga  laking  gulat  ko  nang  ipinatawag  niya  ako  ulit. Kailangan ko raw magpanggap na girlfriend niya sa loob ng isang buwan.   Tiningnan niya ako ng masama. “Kung hindi ka nangialam—.”   “Okay! Tapos na tayo doon, nangyari na eh. Feeling ko lang naman po kasi ay parang hindi contract ang nababasa ko. You are threatening me!” inis na sabi ko.   First paragraph pa lang ay napanganga na ako. Hindi niya ako pinakinggan at inis na nagpatuloy lang sa pagbabasa ng contract.   “Do not interfere with my affairs?”   “Yes. Tandaan mo, fake girlfriend lang kita.”   As if namang gusto ko manghimasok sa buhay niya. Sumakit ang leeg ko sa nabasa ko.  “Don’t argue with me?” Hindi makapaniwalang nakatingin ako sa kanya.   “Dahil ayaw ko ng maingay, kaya ’yang bibig mo ay i-zipper mo.”   “Don’t fall in love with me?” pasigaw na basa ko.   Ano’ng kalokohan ito? Sinong mai-in love sa freak na ’yan?   “May problema  ka doon,  Nerd? Teka, huwag mong  sabihin balak mong isa-isahing sabihin ang laman ng contract?”   “Paano mo nalaman?” tanong ko sa kanya.   “Mas mataas pa rin ang IQ ko sa iyo.” Sabay turo sa ulo niya. “Subukan mong basahin ng malakas iyan, patay ka sa akin.”   Napasimangot ako sa sinabi niya, ang yabang talaga!   “Ang pinaka-highlight  ng contract  ay ang huwag na  huwag mong ipagkakalat ang tungkol dito,” pagbabanta niya sa akin. “Subukan mong tumanggi, you’re dead.”   “See? Ganyan na ganyan ang nabasa ko sa kontrata mo. Kulang na lang ilagay mo rito na huwag akong huminga, magsalita, at maging manhid,” sarkastikong sabi ko sa kanya.“Wala na bang ibang choice maliban sa pagiging fake girlfriend mo?” naiinis na tanong ko sa kanya   “Meron.”   “Really? Ano naman iyon?” curious na tanong ko sa kanya.   “Yes. Die now!” mapanganib na sabi niya.   Napalunok ako sa sinabi niya. What the heck? “Hindi ka naman mabiro.  Ito na  nga  eh, pipirmahan  ko  na  ’yung  contract kahit na wala naman akong choice.” Pagkatapos kong pirmahan yun ay inabot ko ito sa kanya.   “Sinadya ko talaga na wala kang choice kundi pumayag,” mayabang na sambit niya.   Tiningnan  ko siya nang masama. Mukhang balewala lang sa kanya. Hindi  man  lang tinatablan!  Manhid  na  lalaki! “May conditions din ako.”   “What?” gulat na nilingon niya ako.   “Aba’t aangal ka pa. Pabor na nga sa iyo itong contract,” sarkastikong sabi ko sa kanya. “Magpasalamat ka’t mabait ako ngayon.” Sabay ingos ko sa kanya.   “Fine. What is it?” halukipkip na sa tanong niya.   “First, don’t provoke me para manahimik ako. Second, I demand respect from you. Tandaan mo na tao ako at karapatan ko iyon. And lastly, don’t you dare lay your dirty hands upon me or else you will surely go to hell,” nagbabantang saad ko. “Oh by the way, I promise na hinding-hindi ako ma-i-in love sa isang freak na katulad mo. Kaya makakahinga ka na nang maluwag.”   Tiningnan niya ako nang masama.   “May problema ka?” nakataas na kilay na tanong ko.   “Huwag kang mangarap na kakausapin kita sa loob ng school dahil ang role mo lang dito ay ang maging girlfriend kita sa labas,” nang-aasar na sabi niya.   Wow! Thankful pa pala ako. “Okay! Pero hindi mo ba pansin na ang awkward nating dalawa?” napapailing na sabi ko sa kanya. “Hindi maniniwala ang lolo mo na girlfriend mo ako because I hate you,” walang pakundangan na sabi ko.             “Kaya next  week, magkita  tayo  para  sa  trial  date  natin,” seryosong sambit niya sa akin.   Nanlaki mga mata ko.“Trial date?”   “Yes. Iyon ang suggestion ni Rain para raw maging komportable tayo sa isa’t isa. Kahit alam ko na nakakasuka ang gagawin natin.”   As if namang magiging komportable ako sa kanya. Kung siya ay nasusuka sa gagawin namin, ako naman  ay kinikilabutan na marinig iyon. Hindi ko pinangarap na maka-date ang isang devil!      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD