[Bella]
Isang nakakatamad na umaga ang araw na ito. Panay ang buntong hininga ko habang papasok ng school. Sa totoo lang, wala talaga akong balak na pumasok ngayon dahil sa nangyari kahapon. Pero as usual, ganoon pa rin ang eksena. Lahat ng estudyante, kapag nakikita nila ako, ay nakatingin sa akin at pinagbubulungan nila ako. Napailing na lamang ako at hindi ko na sila initindi sa halip ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Pagdating ko sa classroom, lahat ng classmates ko ay nakatingin na naman sa akin. Nagkibit balikat lamang ako at dumiretso na sa upuan ko.
“Di ba siya ’yung nerd kahapon?”
“Infairness ang galing niya.”
“Eww! I can’t accept that she kissed our Emp.”
What the hell?! Para namang gusto kong mahalikan ng freak na iyon? Kung alam lang nila kung naka-ilang mumog at toothbrush ako kagabi, hanggang ngayon nga ay diring-diri pa rin ako sa nangyari. Kapag naaalala ko talaga ang mga nangyari kahapon ay nanggagalaiti ako sa galit.
Isinubsob ko na lamang ang aking ulo sa desk ko.
“Ms. Bella Uy?” sigaw ng isang lalaki.
Hindi ko pinansin ang tumawag sa akin dahil gusto kong matulog.Akala ko umalis na ito pero nakaramdam na lamang ako na may yumuyugyog sa akin na ikinainis ko. Tiningala ko siya—sila. Ano ba ang problema ng mga ito? Napatingin ako sa mga classmates ko na nakatingin din sa akin. May sakit ba akong nakakahawa? Bakit sila ganun kung makatingin?
“Sumama ka samin ngayon din,” sambit ng lalaking may kalakihang katawan.
Tiningnan ko ang lalaking sumira sa aking pagtulog, may dalawa pang unggoy sa harapan ko ngayon. I smell trouble.
“No,” mahinahong sabi ko. “I don’t go out with strangers.”
“Do you want to die?!” malakas na sigaw ng isang lalaki.
Napapikit ako sa lakas ng sigaw niya sa akin. Ang ayaw ko sa lahat, lalo na’t kulang ang tulog ko, ay yung sinisigawan ako. Kung wala lang taong nakatingin sa amin ngayon, siguradong mauuna na silang matulog sa akin.
“Okay. Just bring me the person who wants to talk to me,” sabi ko sa kanila.
“What? You’re crazy!” galit niyang saad.
“That’s impossible.,” gulat na gulat na wika ng lalaking sumisigaw sa akin.
Hahawakan niya sana ang balikat ko pero siniko ko siya nang malakas na ikinangiwi niya.
“Don’t touch me or else—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumabat ang kumag.
“What did you say?!” Akmang sasampalin niya ako nang may pumigil sa kanya.
Tiningnan ko ang may gawa niyon. Nakita ko si Rain na nakangiti sa kumag pero para sa akin isang delikadong ngiti iyon na may pagbabanta.
“B-Boss!” nanginginig niyang saad.
“You can go now,” maawtoridad niyang sabi.
Mabilis pa sa alas kuwarto sumunod ang dalawa sa kanya. So, siya pala ang may pakana ng lahat ng ito?
Nakangiti na humarap sa akin si Rain at medyo naaasiwa ako dahil sa paraan na pagtitig niya sa kin.
“Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos,” makahulugan niyang sabi.
Umiwas ako ng tingin at doon ko na-realize na lahat ng classmate ko ay nakatingin na sa amin ngayon.
Mukhang nagets naman niya ang tinitignan ko. “Ito ang iniiwasan ko kaya kita ipinatawag sa kanila,” nakangiting saad niya. “Dahil alam ko na hindi ka susunod sa kanila kaya nagpunta na rin ako rito. Shall we?”
“Paano kung hindi ako pumayag?” nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
“Alam mo naman ang consequence, Miss Bella,” makahulugan niyang saad na kinairita ko.
“You’re annoying,” inis na sambit ko sa kanya.
Natawa siya sa sinabi ko na ikinairap ko.
“Okay. Let’s just get this over.” Naiirita na tumayo ako sa kinauupuan ko. Ngumiti lamang siya sa akin. Nauna akong lumabas ng classroom at sumunod siya sa akin. Huminto ako sa tapat ng pintuan ng aming classroom at nilingon ko siya.
“Lead the way, Mr. Monteverde.”
Napailing na lamang siya at nagsimula na maglakad. Kahit ayaw ko ay sinundan ko siya para matapos. Lumabas kami ng classroom at tinahak ang mahabang corridor. Humigop ako ng hangin para mabawasan ang inis na nararamdaman ko. Habang tumatagal ay naiilang na ako dahil sa mga matang nakatingin sa amin.
Saan ba kami pupunta?
Huminto siya sa paglalakad na kinataka ko. Lumingon siya sa direksiyon ko na kinataas ng aking kilay. Sinundan ko siya at huminto siya sa isang bahay. Na-amaze akong malaman na may ganyan pala sa loob ng university. Iba na talaga ang nagagawa ng pera. Pagbukas ng pinto ay nasorpresa ako nang makita ko ang loob ng bahay. Animo’y isang entertainment room ito na may mga makabagong kagamitan na makikita mo lamang sa ibang bansa. Astig!
Pakiramdam ko na para bang may nakatingin sa akin. Nilingon ko ito at doon ko nakita ang ibang miyembro ng Black Dragon g**g kasama ang ilang babae na kulang na lang ay magsanib ang kanilang mga katawan sa sobrang dikit nila sa isa’t isa. Lahat sila’y nakatingin sa akin. Awkward! Pilit akong ngumiti.
“Welcome to our headquarters, Nerd,” nakangiting sabi ni Jace sa akin.
Now, this is creepy.
“Hi,” bati sa akin na isang babae na nakalambitin kay Jace.
“Who are you?” tanong niya sa akin.
Ano bang pinagtatanong niya sa akin? Hindi ko siya pinansin. “A new toy?” Marahas akong lumingon sa kanya.
“Are you talking to yourself?” balik na tanong ko sa kanya. Kitang-kita ko ang pagkamula ng mukha niya sa pagkapahiya.
Napataas ang aking kilay at nilingon ko si Rain na kanina pang natutuwa sa mga nangyayari. “What do you want?” walang gana na tanong ko.
“Alam mo naman kung bakit ka nandito,” sabi niya.
Mukhang alam ko na ang nais niyang ipahiwatig sa akin. “Enough with your hang ups, get directly to the point. I don’t have much time for this.”
Ngumiti siya nang matamis at kinabahan naman ako. No.
This can’t be. No way!
[Rain]
“Are you f*cking serious, dude?” tanong sa akin ni Fuji habang hawak niya ang kanyang billiard stick.
Nandito pa rin kami sa aming headquarters na nasa loob ng RDU. Naglalaro sila ng billiards samantalang si Trace ay busy sa harap ng kanyang laptop.
“Yes, I am,” sabi ko habang nakatingin ako sa kopita ko na may wine.
“Hindi ka kaya mapatay ni Emp sa tumatakbo riyan sa isip mo ngayon?” nakangiting sabi naman ni Jace.
“Why? Don’t tell me hindi niyo gusto ang pinagawa ko kay nerd?” nakataas na kilay na tanong ko sa kanila.
“No. Maybe it’s just impossible," napapailing na saad ni Nathe.
Natawa ako sa komento ni Nathe. “Walang imposible sa nerd na iyon. Gusto niyo pustahan pa tayo?”
Nagkatinginan sila sa sinabi ko.
“One week lang magtatagal ang babaeng iyon,” pusta ni Nathe.
“I think two weeks lang siya, pare,” sabi naman ni Jace.
“One month sa akin,” sabat naman ni Fuji. “Ikaw Trace ilang araw ang bet mo?”
“Huwag niyo akong idamay sa kalokohan ninyo.” Iniwan kami ni Trace, mukhang bad mood na naman ang isang iyon.
“O ano na Rain? Ilang araw ang pusta mo?” untag ni Jace.
Ngumiti ako ng matamis. “Mahigit sa isang buwan.”
[Bella]
Kanina pa ako naglilibot sa buong campus ng RDU pero hindi ko mahanap si Freak. Habang naglilibot ay tumunog ang aking cellphone at binasa ko ang text message. Naiinis na ipinikit ko ang aking mga mata sa nabasa ko. Damn! Pinaglalaruan yata ako ni Rain... wala raw si Jarvis sa RDU! Nagbigay pa siya ng address, doon ko raw puntahan ang freak na iyon.
Lumabas ako ng school at naghintay ng taxi. Sa tagal ng paghihintay ko ay walang dumaan, ni isa kaya naglakad na lang ako patungo sa kanto. Nakalimutan kong wala nga palang taxi na dumadaan sa RDU, dahil lahat sila ay nakakotse. Nang makarating ako sa may kanto, saktong may taxi na dumaan. Pinara ko ito at agad na sumakay. Sinabi ko sa driver ang address na itinext sa akin ni Rain kanina.
Hindi maalis sa aking isipan ang ngiti ni Rain sa akin kanina. Nakakaduda talaga. Ang gusto niyang mangyari ay puntahan ko si Emp, kung nasaang lupalop man ito ngayon. Nasa gitna pa rin ako ng pag-iisip nang huminto ang taxi sa isang—racing field? Tama ba ang aking nakikita? Pagkabayad ko ay agad akong bumaba. Saan ko banda rito hahanapin si Freak?
Hindi pa man ako nagsisimulang maghanap ay nakita ko na siya. Masayang-masaya siyang bumaba sa kanyang motorbike, malamang dahil sa pagkapanalo niya. Kahit saang anggulo ko siya tingnan ay talagang mayabang ang kanyang dating. Bella naman kasi, may ipagmamayabang naman talaga ang lalaking ito. Naalala ko tuloy ang aksidenteng pagdidikit ng aming mga labi, bigla tuloy akong namula. Ipinilig ko ang aking ulo sa aking iniisip.
Pinuntahan ko ang kinaroroonan niya pero napatigil ako sa paglalakad dahil pinalibutan si Jarvis ng mga kalalakihan, sila yung mga tipo na naghahanap ng g**o. Wala man lang akong makitang takot sa mukha ni Jarvis.
Isa-isang sumugod ang mga lalaki sa kanya. Una, umiiwas lamang siya at napangiti ako sa ginagawa niya. Halatang iniinis lang niya ang mga sumusugod sa kanya. Maganda ang kanyang tactic, dahil tiyak na mapapagod lang ang mga ito. Hingal na hingal na sila, ngayon lamang nila napagtanto ang ginagawang pag-iwas ni Jarvis. Nagtinginan sila sa isa’t isa. Iisa lang ang ibig sabihin niyon, na sabay-sabay silang susugod kay Jarvis.
Mukhang alam naman ni Jarvis ang pinaplano ng mga kalalakihan, dahil bago pa sila makalapit sa kanya ay kinuha niya ang tube na bakal na nasa paanan niya gamit ang kanyang paa at inihagis niya iyon sa mga kalaban na ikinatakot naman ng mga ito. This time, si Jarvis na ang sumugod, naaaliw ako sa ginagawa niya. Magaling siyang makipaglaban! Nanganganib ang buhay nila dahil maaring ikamatay ng mga kalaban niya ang mga atake ni Jarvis.
Tiningnan ko ang lalaki na lumipad at bumagsak sa may paanan ko. Pinulsuhan ko siya. Nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko na humihinga pa siya. Nagkamali pala ako ng judgment. Pigil ang pressure na kanyang ginagamit. Pag-angat ko ng tingin, tapos na ang laban. Tulog na silang lahat.
Kumuha si Jarvis ng isang sigarilyo sa kanyang bulsa tapos bigla siyang humarap sa akin.
“Kung tapos mo na akong panoorin, maaari ka ng umalis,” mapanganib niyang sabi.
Nakangiting lumapit ako sa kanya. “Hello.” Tiningnan niya lang ako, humithit siya ng sigarilyo sabay buga sa mukha ko.
“Are you trying to die early?” Tinakpan ko ang ilong ko.
Matalim niya akong tinitigan at ang walanghiya, tinalikuran lang naman ako.
“Hoy, freak!”
“Anong sabi mo?” galit na nilingon niya ako. Paano ko ba i-e-explain?
“Ah...eh...kasi—” Hindi ko pa nasisimulan ang sasabihin ko ay tinalikuran na naman niya ako.
Napapikit ako sa inis at hinabol ko siya. “Wait.”
Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Walang modo talaga siya! Minasahe ko ang aking batok sa stress na nararamdaman ko ngayon. Mabilis akong naglakad patungo sa kanya at sa sobrang inis ko ay humarang ako sa kanya pero binigyan lamang niya ako ng masamang tingin. Napanguso ako sa inis at tahimik na sumunod sa kanya.
Ang hinayupak hindi man lang ako pinansin. Napahawak na lang ako sa batok ko sa sobrang inis na nararamdaman ko ngayon. This is great! Relax, Bella.
Hindi niya ako pinansin. Sa inis ko, hinarangan ko siya. Tiningnan niya ako ng masama kaya automatic na tumabi naman ako kaagad.Napanguso ako sa inis, sinundan ko na lamang siya ng tahimik.
Bigla siyang tumigil sa paglalakad at hinarap ako. “Huwag mong sabihing susundan mo pa rin ako?” galit na tanong niya.
Siguro nga kung ibang tao ang kaharap niya ngayon, baka maiihi na ’yun sa takot. Hindi pala siya puwedeng galitin ng lubos dahil nagmumukha siyang freak lalo. Gayunpaman, gusto kong matawa sa ekspresyon na pinapakita niya.
“Tinatawanan mo ba ako?” salubong na mga kilay na tanong niya.
“Hindi ’no. Ikaw naman, masyado kang sensitive. Hindi ko naman gustong sundan ka. Kung hindi lang ako natalo sa pustahan, hinding-hindi ko na hahayaang magkrus pang muli ang mga landas natin,” mahinahong wika ko.
“What?” tanong niya.
“Siguro naman hindi ka bingi—” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil nakalapit na siya sa akin at galit na tinititigan niya ako. Nagulat na lamang ako nang may kinakapa siya sa bulsa ko. What the heck?! p*****t!
Inamba ko ang kamao para masuntok ko siya, kaso mabilis pa sa hangin ang kamay niya at nahawakan niya agad ang kamao ko. Napangiwi ako sa sakit. Pinipilit kong bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero sobrang higpit nito. Ang lakas niya!
Sh*t! He can’t do this to me!
Nagulat na lamang ako nang may ibinigay siya sa akin na cell phone. “Here, take it. So I can call or text you anytime kapag may kailangan ako sa iyo.” Diniinan niya ang pagkakasabi ng salitang ‘anytime’. Inis na kinuha ko ang cell phone ko sa kanya. At ang mokong, tinalikuran ako nang walang paalam. Hindi pa nakakalayo ang freak na iyon ay nakareceive na agad ako ng text galing sa kanya. Nanlalaki pa ang aking mga mata nang mabasa ko kung ano ang name niya sa phonebook ko.
“Handsome Emp? F*ck!” Bigla ko ’yun pinalitan at lihim akong napangisi. ‘Freak.’
Binasa ko na ang text message niya sa akin. Napakagat ako sa aking labi nang mabasa ko ito. Ang walanghiya, gusto niyang linisin ko ang buong headquarters nila. Dapat daw wala siyang makitang alikabok.
Damn him! Kailan pa ako naging katulong ng freak na iyan? Argh!
[Jarvis]
Naisipan kong magpalipas ng gabi sa headquarters ng BDG. Medyo tipsy na rin ako sa dami ng aking na-inom kanina, pagod na ako para mag-drive pa pauwi sa condo ko. Napangiti ako nang makitang malinis na ulit ang sala. Mabuti naman at naglinis talaga ang nerd na iyon.
Nakakatuwang inisin ang babaeng iyon, laging nakanguso. Hindi rin uso sa kanya ang duck face. Pagpasok ko sa kuwarto ko, nagulat ako nang makita ko si Nerd na mahimbing na natutulog sa kama ko.
“Hey!” sita ko sa kanya. What the f*ck—mukhang kahit na anong gising ko sa nerd na ito ay hindi ito magigising. “Nerd, get out of here!”
Sh*t! Tanging ungol lamang ang kanyang naging sagot. Niyugyog ko siya nang malakas pero wala pa ring epekto. “Pagod ako,” inaantok na sabi niya. “Please... hindi ko na kayang
bumangon.”
What the hell?! Was she telling me that I should be the one to get out?
She’s kidding me, right? F*cking no! This is my room and I should be the only one who can sleep here!
Hinila ko ang kanyang paa pero ang bruha ay kumapit sa headboard ng kama. Damn! Pabagsak na binitawan ko ang kanyang paa. Humanda ka sa akin bukas nerd.
[Bella]
Nanaginip ako na hinihila raw ni Freak ang aking paa. Nakakatakot ang kanyang galit na mukha. Pupungas-pungas na bumangon ako. Napabalikwas ako nang ma-realize ko na umaga na! Kahit inaantok pa ako ay dali-dali akong lumabas ng kuwarto.
“Kumusta? Masarap bang matulog sa kama ko?”
Nawala ang antok ko nang marinig ko ang boses na iyon. Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan na iyon. Nakita ko si Jarvis na nakatayo sa likuran ko.
Pilit akong ngumiti. “Good mor−”
“Why are you sleeping on my bed?! Do you have any permission to do that?!” Napapikit ako sa lakas na pagkakasigaw niya.
“Hey! Good Morning—.”
Sabay kaming napatingin ni Jarvis sa pinto.
Masayang mukha ni Jace ang bumungad sa amin, pero agad din nawala. Palipat-lipat pa ang kanyang tingin sa aming dalawa. “Ooops... sorry!”sabi niya saka agad umalis.
Sh*t! Hindi man lang ako tinulungan ng lalaking iyon.
“Palitan mo ang cover ng kama ko, ngayon din! Ayaw ko ng may germs na kumakapit sa katawan ko.” Madiin na sabi niya.
“Ano? Eh... male-late na ako sa first subject ko,” angal ko sa kanya.
“Umaangal ka? Kung hindi ka natulog doon, hindi mangyayari iyan!” galit na wika ni Freak.
Naaasar na talaga ako sa lalaking ito. “Pasensya na po, sobra kasi akong napagod sa paglilinis ng buong headquarters niyo na dapat eh sampung maid ang gumagawa niyon.” May bahid ng inis ang boses ko.
“Gagawin mo ba o gusto mong pumasok sa impiyerno ang buong araw mo?” pagbabantay niya na kinainis ko lalo.
Nakasalalay pala sa kanya ang ikatatahimik ng school life ko. “Sorry. Gagawin ko na po.”
“Good! Hindi na kita pagbibigyan sa susunod kaya isaksak mo iyan sa kokote mo, Nerd!” galit na lumabas siya. Nagulat na lamang ako sa lakas ng pagkakasarado ng pinto na iyon.
“Argh!” inis na sigaw ko. “May araw ka rin, Freak!”
Pagkaalis na pagkaalis niya ay dumiretso ako kaagad sa kuwarto niya at pinalitan ang cover ng kama niya. Matapos kong palitan ang cover ng kama ay pagod akong umupo para magpahinga. Patingin ko sa wall clock ay nakahinga ako ng maluwag dahil may natitira pa akong 30 minutes bago mag- start ang klase ko.
Nagpasya akong pumunta ng cafeteria para kumain. Lakad takbo ang ginawa ko dahil alam ko malapit na magsimula ang klase ko. Nang dumaan ako sa lamesa kung saan kumakain ang ibang member ng Black Dragon g**g ay tinawag ako ni Jace. Lumapit naman ako sa kanila at tipid na ngumiti.
“Bakit?” tanong ko.
“Hi, Bella!” bati ni Rain sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya.
“Kumusta pala ang tulog mo?” at malisyosong ngumiti si Jace.
Napatingin naman ang ibang kasamahan niya sa akin. Tila nakuwento na ni Jace ang nakita niya tungkol sa amin ni Jarvis kanina. Gusto ko siyang batukan. Promise!
“Nang aasar ka ba?” pilit na ngiting sabi ko.
Natawa siya na kinainis ko.
“Dito ka na kumain sa table namin,” nakangiting yaya ni Rain.
“Huh?” Bigla ako napatingin sa paligid dahil nakakaramdam ako ng bad vibes. Tama nga ako. Dahil lahat ng babae ay nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa akin.
Napailing na lamang ako. “Thank you na lang pero ayaw kong masabunutan yung buhok ko.” Sabay talikod ko sa kanila at dire-diretsong naglakad palayo sa kanila. Hindi na ako lumingon pa kahit ilang beses nila ako tinawag. Ayaw ko ng g**o, please…
Nakahanap din ako ng bakanteng lamesa at nilapag ko doon ang pagkain saka umupo. Walang oras akong sinayang at sinimulang kumain. Bigal ko tuloy naalala si Freak.
Napahigpit ang hawak ko sa kutsara ko. Grabeng makapag-utos! Makakaganti rin ako sa kanya! Patapos na akong kumain nang biglang tumunog ang aking cell phone. Napasimangot ako nang mabasa sa screen ang pangalan ni Freak. Pagkatapos daw ng uwian ay magkita kami sa headquarters nila. Ano na naman kaya ang pakulo niya?