[Princess]
Hindi ko talaga mabasa si Bella. Unpredictable na babae, hindi ko man lang siya nakikitaan ng kaba bagkus ay nakangiti pa siya nang maluwang na para bang naka-jackpot siya sa lotto. Kung i-a-analyze, ten percent lang ang chance niya na manalo sa Black Dragon g**g.
“Ready ka na ba, Nerd?” tanong ni Rain.
“Excited kang matalo, Mr. Monteverde?” Lumapit na siya sa kinaroroonan nila.
Natatawang umiling-iling si Rain samantalang ang mga kasamahan niya ay seryosong nakatingin kay Bella.
Nakapuwesto na ang Black Dragon g**g, mukha napipilitan lang sumali ’yung iba. Nasa right side si Bella, samantalang sila ay nasa left side naman. Nagsimula nang mag-dribble si Bella papalapit sa Black Dragon g**g. Seryoso ang mukha niya, marahil nag-iisip siya kung paano niya lulusutan ang mga ito. Napailing ako nang makita kong todo ang pagbabantay ng Black Dragon g**g sa kanya. Hindi pa man nakakalapit si Bella ng lubos sa kanila ay naagaw na ni Rain ang bola at madali niyang na-i-shoot ’yun sa ring.
1-0 na. Puntos ng Black Dragon g**g.
“Nice,” sambit ni Bella na nakatingin kay Rain.
Napangisi lamang si Rain at pinasa ulit nito ang bola kay Bella. Napatingin si Bella sa hawak niyang bola at nagsimula na ulit siyang mag-dribble. Nagulat na lamang ako nang mabilis na sumugod si Bella sa kanila. Kahanga-hanga na nalampasan niya sina Jace, Nathe at Trace. Ngunit ang attempt ni Bella sa pagpasok niya sa loob ng depensa ng Black Dragon g**g ay hindi nagwagi dahil nakuha ni Fuji ang bola na pumasok naman agad sa ring.
2-0 na ang puntos.
Isang puntos na lang ay matatalo na si Bella. Kinakabahan ako na tumingin sa kanya pero nagtaka ako dahil nakangiti pa siya ng makahulugan. Anong binabalak niya?
“Magaling nga talaga kayo at nahirapan akong pasukin ang depensa niyo,” komento ni Bella.
“Kahanga-hanga din ang ginawa mo Nerd, walang sinuman ang nakagawa noon bukod sayo,” komento naman ni Fuji sa kanya.
Tumango-tango si Bella sa sinabi ni Fuji.“Well thank you, but this time...” napahinto siya sa pagsasalita at nakipagtitigan siya sa kanila.
“Ibahin naman natin, kayo naman ang sumugod sa akin.” Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni Bella.
“Crazy girl.” Napapailing na sambit ni Kuya Jarvis.
Makahulugang ngumiti si Bella. Pinulot niya ang bola at nagsimula na siyang mag-dribble. Hindi pa rin umaalis ng puwesto sila Kuya Rain at mukhang hinihintay nila ang pag atake ni Bella. Bigla na lang tumigil siya sa pagdribble na kinaguluhan naming lahat. Naging mas seryoso ang kanyang mukha at sa hindi inaasahang pagkakataon ay tumalon siya ng mataas at tinira ang bola na walang pag aalinlangan. Hindi kami makahinga na ngayon dahil sa nagpaikot-ikot ang bola sa ring at napamura na lamang na mashoot ito.
Naka-score si Bella, 2-1 na.
Gulat na gulat ang Black Dragon g**g sa ginawa ni Bella, maging si Kuya Jarvis ay hindi rin makapaniwala.
Nang mahimasmasan kami ay masaya kaming nag-cheer para kay Bella.
“Ang galing mo, Nerd!” sigaw ng isang lalaki.
“Sis nakita mo ’yun?Ang galing ni Bella, na-shoot niya ang bola kahit nasa malayo,” tuwang tuwa na sambit ni Jess.
“Go Bella! I love you Trace,” tili ni Grace.
Napatingin si Trace sa direksyon namin at nag-blush ito.
“Oh our God! He’s so cute,” kinikilig na sambit ni Grace.
Binatukan naman siya ni Jess. “Manahimik ka nga riyan! Huwag mo nga munang i-cheer ang love of your life. Si Bella muna ang i-cheer natin dahil ’yang mga lalaki na ’yan, ang dami ng nagtsi- cheer sa kanila. Tingnan mo ang buong stadium.”
Napatingin nga kami sa sinabi ni Jess, nagulat kami dahil parang dinaig pa nito ang PBA Games sa sobrang daming tao na nanonood. Halo-halo ang ang nagtsi-cheer; meron kay Bella at meron sa Black Dragon g**g.
[Rain]
Na-amaze ako sa ipinakitang galing ni Nerd. I like her. Napailing ako bigla sa aking naisip.
“Hanep pare, nagtsi-cheer ang pinsan ko sa ’yo ah,” nakangising sambit ni Nathe.
“Nag-blush pa si Pareng Trace,” tukso ni Jace.
“Manahimik nga kayo!” inis na sabi ni Trace.
“Sa una pa lang alam mo na ito, Rain,” seryosong tanong ni Trace. Lahat sila ngayon ay nakatingin sa akin at naghihintay ng explanation ko.
Nagkibit-balikat ako sa sinabi niya. “Wala akong alam, Trace. Gusto ko lang malaman kung coincidence lamang ba iyon or sadyang magaling lang siya.”
“Hindi pala tayo dapat na magpabaya dahil baka tayo ang mapahiya sa huli,” singit naman ni Jace.
“Rain,” rinig kong tawag sa akin ni Jarvis.
Seryosong sinulyapan ko siya. “Yo?”
“10 minutes,” seryosong saad niya.
Napakunot noo ako sa sinabi niya. Isa lang ang ibig sabihin niyon, kailangan naming matalo si Bella sa loob ng 10 minutes, kundi may hindi magandang mangyayari.
“Masyado ka namang excited Mr. Fortalejo, 10 minutes pa lang ang nakakalipas. May 20 minutes pa naman na natitira. Bakit ka ba nagmamadaling tapusin nila ito sa loob ng 10 minutes? Unfair naman siguro yun sa kanila,” mahabang saad ni Bella.
Tiningnan siya ni Jarvis ng masama. “Do you want to die?”
Sh*t... ininis pa niya si Jarvis.
Narinig ko na lang ang mahinang pagtawa niya. “Tapusin na natin ito Mr. Monteverde sa loob ng limang minuto para ang natitirang limang minuto ay mapupunta sa pagtutuos namin ng freak na iyan.” Sabay lakad niya papunta sa gitna ng court.
“What?” gulat na tanong ni Jarvis.
Susundan sana ni Jarvis si Nerd pero agad akong humarang sa kanya. Mahirap na. “Relax, Emp.”
“How can I relax? Kung nakikita ko na natatalo kayo ng isang babae. Lima kayo na nakabantay at isa lang ang kalaban niyo! Nasaan na ang pride ng Black Dragon g**g?”
Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni Emp. Tama naman talaga siya.
“Hindi ako katulad ng babaeng iniisip mo, Jarvis,” sabi ni Bella na seryoso ang mukha.
Parang pinapahiwatig niya sa amin na kaya niyang makapuntos ng two points sa loob ng limang minuto. Bumalik na ulit kami sa court at napansin ko na lalong nagseryoso ang mukha niya. Hindi ko man lang siya nakikitaan ng pangamba. Todo kami sa pagbabantay sa kanya para hindi siya maka-shoot. Lumipas na ang dalawang minuto pero hindi pa rin siya umaalis sa puwesto niya.
Marahil nainip si Jace kaya sumugod siya kay Bella para agawin ang bola at nagwagi naman siya. Hawak na ni Jace ang bola, pero napangiti lamang si Bella. Sh*t! Nagulat kami nang mabilis siyang na tumakbo patungo kay Jace at madali niyang naagaw ang bola.
Nagkatinginan kaming lahat at automatic na dumipensa pero tumalon na si Bella nang mataas. Nakita ko si Trace na tumalon din para makuha ang bola pero huli na ang lahat dahil walang hirap na na-shoot ni Bella ang bola sa ring. At dahil sa nangyari ay nagkabanggaan sila ni Trace at napahiga si Bella sa sahig.
“Ouch,”daing niya.
“Hala ka Trace, naapakan mo ang salamin ni Bella,” sabay turo ni Nathe sa bandang kaliwa ni Trace.
“Sorry Bella, papalitan ko na lang yan,” sabi niya sabay pulot ng basag na salamin.
“Gago ka ba Trace? Kahit ilan pa ang ipalit mo riyan, kailangan niya yan ngayon,” seryosong sabi ni Jace.
“Paano siya makakapaglaro kung malabo ang mata niya?” saad naman ni Fuji.
Inalalayan ko naman si Bella na makatayo, nakatungo lamang ito.
“Hindi pa ba tapos ang kadramahan na iyan? Isang minuto na lang at sasapit na ang ika-limang minuto na ipinagmamalaki mong matatapos mo ang game na ito,” saad ni Jarvis sa kanya.
“I’m sorry.” Lumakad na siya sa court na nakapikit.
“Magsimula na tayo sa round three natin dahil excited matalo ang leader niyo sa akin.”
Nagkatinginan kaming magkakaibigan sa sinabi ni Bella. Sa kabilang banda ay nag-alala ako dahil nakapikit na lamang siya.
“Are you okay? If not—.”
Tiningnan ako ni Emp nang masama, napabuntong hininga na lamang ako.
[Bella]
Sh*t! Bakit ngayon pa nabasag ang salamin ko? Mukhang hindi okay ang nangyari sa kanang mata ko dahil kahit anong mulat ko ay kumikirot ito. Nang bumagsak ako kanina ay may pumasok na bagay sa aking mata na dahilan ng pagkirot nito.
“Magsimula na tayo.”
Pinipilit kong buksan ang isang mata ko para tingnan kung nasaan na ang bola. Nang makita ko ito ay nagtungo agad ako doon. Nang kukunin ko na ito ay inunahan ako ni Rain at iniabot niya sa akin ang bola.
“Thanks!”Tumalikod na ako sa kanya.
“Are you nuts? Huwag mong sabihin na itutuloy mo pa rin ito?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Thank you sa concern, pero nagmamadali ako ngayon. Tapusin na natin ito.”
Pumuwesto ulit sila sa gitna ng court at bago ko ipikit ang aking mga mata ay siniguro ko na natatandaan ko kung saan sila nakapuwesto.Sa totoo lang, kinakabahan ako sa mangyayari.
Malaki ang chance na matalo talaga ako, malakas lang talaga ang loob ko kaya ako pumayag.
Nagsimula na ulit akong mag-dribble. Pwede kong i-shoot ito nang hindi umaatake sa kanila pero medyo malabo ito dahil sa aking mata, 50-50 ang chance na iyon kaya hindi ko gagamitin ang taktika na iyon.
Mabuti na lamang at sanay akong makipaglaban na nakapikit kaya malakas ang pakiramdam ko. Sh*t Bella, magisip-isip ka na. Naramdaman kong may tao sa tabi ko kaya inilipat ko ang bola sa kabilang kamay ko. Wrong decision! Dahil nakuha ng kalaban ang bola ko, iminulat ko ang isa kong mata at sinundan siya. Kahit medyo masakit ang kanang mata ko ay tiniis kong imulat ito.
Hinarangan nila ako, pero hindi ako nagpatalo.Dahil maliit akong babae kumpara sa kanila ay nakalusot ako sa kanilang depensa. Hingal na hingal ako nang matapatan ko ang taong may hawak ng bola.
Tinititigan ko ang kanyang mata, napakagat ako sa aking labi dahil hindi ko mabasa kung saan niya itatago ang bola; kung sa kanan ba or sa kaliwa. Nang makita kong papunta siya sa kanan, mabilis na tinapik ko ang bola. Nahulog ito at mabilis ko itong nakuha. Hindi na ako nag-atubili at buong lakas na tumalon ako para i-shoot sa ring ang bola. Nagpaikot-ikot na naman ito sa ring, akala ko sasablay pero pumasok ito.
Nanalo ako!
Naiiyak na napasalampak ako sa sahig at hindi ko maiwasan na humiga. Ang sarap ng feeling na manalo lalo na’t pinaghirapan mo. Masayang tilian ang aking narinig sa grupo ng Girlfriends. Nagulat ako nang may bumungad sa akin, si Rain nakangiting nilahad niya ang kanyang kamay. Tinanggap ko iyon at tinulungan niya akong makatayo.
“Congrats. Hindi ako makapaniwala na nanalo ka. Ang galing mo,” nakangiting sabi niya.
“Thank you, pero magaling din kayo. Nahirapan akong pasukin ang depensa ninyo,” nakangiting sabi ko sa kanya.
Tiningnan ko ang ibang miyembro ng Black Dragon g**g. Nakangiti sila sa akin, ngiting alam ko na tanggap nila ang kanilang pagkatalo.
“Tapos na ba kayo?” inis na sambit ni Emp na mukhang ready nang makipaglaro sa akin.
“Kaya mo pa ba, Bella?” tanong sa akin ni Rain.
“Kaya pa niya. Malakas ka ’di ba?” sabay taas ng sulok ng kanyang labi.
“Tingnan natin kung hanggang saan ang kayabangan mo. Ano pang hinihintay mo?”
Kahit pagod na ako ay pumuwesto na ulit ako. Lumabas naman ang Black Dragon g**g sa court at kaming dalawa na lang ni Jarvis ang natira doon. Win or die situation ito. Hawak niya ang bola at malakas na ipinasa niya sa akin ’yun. Nagulat ako sa ginawa niya, buti na lang at medyo attentive ako, kundi malamang na napaupo ako nang ’di oras. Tiningnan ko siya nang masama na ikinangisi naman niya.
Humanda ka, ilalampaso kita Jarvis Fortalejo.
Nagsimula na ulit akong mag-dribble, samantalang si Jarvis ay walang ginagawa para bantayan ako. Ang mokong, nakatayo lang siya sa harapan ko at tahimik na tinitingnan niya ako. Damn him!
Papunta ako sa kanan niya nang makita kong naglakad siya papunta sa kaliwa. Iniinis niya ba ako? Bakit ko ba siya kailangang intindihin? Tuloy-tuloy na akong tumakbo patungo sa ring. Pero nagulat ako nang makita kong nasa harapan ko naulit si Jarvis. Wow! Paano kaya siya nakarating agad doon? Ano siya, nag-teleport?
Hindi ko na lamang siya initindi, tumalon ako para maka-shoot pero sinabayan ako ni Jarvis... oh no, bahala na... ginamit ko ang kanang kamay ko para mag-shoot, nanlalaki ang aking mata nang ma-realize ko na ang attempt ko ay hindi magtatagumpay dahil hindi pa man nakakaabot ang bola sa ring ay nakuha na niya ito.
Mabilis ang mga pangyayari, pagkakuha niya sa bola ay ishinoot na niya iyon. Hindi ko alam kung pumasok ba ito o hindi dahil bumagsak na ako sa sahig. Napahiga at napangiwi ko. And out of nowhere, bigla na lang siyang dumagan sa ’kin na ikinagulat ko.
“OMG!” malakas na tili ang narinig ko.
OMG talaga ang nangyari dahil nagdikit ang aming mga labi. Gulat na gulat na nakatingin sa akin si Jarvis. Bigla ko siyang tinulak nang malakas na ikinagalit naman niya.
“F*ck!” malakas na mura niya.
Tulalang hinawakan ko ang aking mga labi. He kissed me? No way! Nagsilapitan ang mga kasamahan ni Jarvis, at maging ang Girlfriends, sa amin.
“Pare, okay lang ba kayo?!” tanong ni Trace.
“Kuya Jarvis, okay ka lang ba?” tanong ni Princess.
“OMG! Bella, hey are you okay?” nag-aalalang tanong ni Grace.
Tulala pa rin ako habang inaalalayan nila akong tumayo. Damn! Nang humarap sa akin si Jarvis ay sinalubong ko siya ng isang malakas na suntok na tumama sa kanyang panga. Nagtilian ang mga taong nakasaksi sa nangyari. Sapo niya ang kanyang nasaktan na panga at manghang tiningnan niya ako.
“You pervert...Jarvis Fortalejo,” I say in controlled anger. Tila nag-a-apoy sa galit ang aking mga mata habang nakatitig sa kanya. He stole my first kiss!
[Jarvis]
Nagulat ako sa ginawa ng Nerd na ito. Doon lang ako naging aware sa mga tao na nasa paligid namin na nakasaksi sa ginawa ng nerd na ito sa akin. Muling nag-init ang aking ulo dahil sa pagkapahiya na aking naramdaman. Wala pang babaeng sumuntok sa mukha ko kahit kailan.
Dumadami na ang mga kasalanan niya sa akin at hindi na nakakatuwa ang katapangan at sobrang kagaspangan ng kanyang ugali.
I shake her shoulder. “You b*tch!”
Galit na tumitig siya sa akin. Aba, siya pa ang may ganang magalit sa akin?
“Stop it, Kuya Jarvis,” awat ni Princess sa amin.
“Ako ba ang sinisigawan mo, Princess?!” galit na tanong niya rito.
She gulps a few times. “No, Kuya Jarvis. I mean relax, pwede naman kayong mag-usap nang mahinahon ni Bella.”
Tinapik ako ni Rain. “Pare, tama na yan.”
“Tama na? What the hell?! Nakita niyo naman ang ginawa niya sa akin!
“She punched my handsome face,” nanggagalaiting sambit ko sa kanila.
“Your handsome face? Huwag kang magpatawa, Mr. Fortalejo. You are a freaking perverted assh*le!” Tinabig ni Nerd ang kamay ko. Sumosobra na talaga ang babaeng ito. Hindi na ito tama! Hahabulin ko sana siya pero pinigilan ako nina Fuji.
“What?” galit na tanong ko sa kanila.
“Bella,” tawag ni Princess.
Sinundan siya ng mga babae, naiwan kaming mga lalaki.
“Sh*t, naiinis na ako sa babaeng ’yun!”
“Relax, Emp. Na-shock lamang siya dahil nagdikit ang inyong mga labi.”
“What?” gulat na tanong ko. Bigla ko naalala ang pagdampi ng mga labi namin. s**t! Doon ko napagtanto ang nangyari. Hindi ba dapat ako ang mandiri at hindi siya? Masuwerte nga siya at nahalikan siya ng isang tulad ko. Dahil sa inis ay iniwan ko na sila sa court pero hindi pa man ako nakakalayo ay tinawag ako ni Rain.
“Emp! Anong balak mo kay Nerd?”
“Bahala na kayo!” Naiinis na iniwan ko sila.
[Bella]
“That p*****t!” inis na sigaw ko. Sh*t!
“Bella!”
Marahas akong lumingon at ngumiti nang pilit nang makita ko ang Girlfriends. “Oh, kayo pala.”
“Okay ka lang ba girl?” tanong ni Grace.
“Oo naman,” mabilis na sagot ko, kahit alam ko sa sarili ko na hindi pa talaga ako okay.
Tinitigan nila ako na para bang inaarok nila kung tama nga ang sinabi ko. Natawa naman ako sa reaction nila... “Ano ba kayo, bakit ganyan ang mga itsura ninyo?”
“Bella, you lose,” mahinang sambit ni Jess.
“Oo nga, natalo ako,” tumatangong sabi ko sa kanila. “What the— natalo ako?” Nanlalaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang naging resulta nung game kanina.
Tumango sila ng sabay-sabay bilang sagot sa tanong ko. No way! Hindi puwede ito! Nanghihinang napaupo ako.
“Don’t worry Bella, kakausapin ko si Kuya Jarvis,” sabi ni Princess.
Hindi pa nga nagsi-sink in sa utak ko ang paglapat ng aming mga labi, tapos natalo pa pala ako? Problema ito! Sh*t talaga.