School Bullying

3434 Words
[Kinabukasan sa Red Dragon University]   Inaantok na naglalakad ako patungo sa classroom. Nasa likod ako ng school dumaan para iwas sa g**o.   “Bella Uy.”   Napabuga ako ng malakas na marinig ko ang pagtawag sa aking pangalan. Nilingon ko sila at nakit ko ang dalawang lalaki na mukhang naghahanap ng g**o. “Who are you, people?” walang ganang tanong ko sa kanila.   “How dare you para kalabanin mo ang leader ng Black Dragon g**g!” maangas niyang sabi.   Napataas ang aking kilay. “Ahhh...you’re one of them,” tumatango-tangong sambit ko sa kanya.   “Prepare yourself to die!” Napahinto ako saglit. Hindi ko alam na may isa pa palang lalaking nakaabang sa likuran ko.   Walang anu-ano’y sabay na sumugod ang dalawang lalaki. Nagising bigla ang aking diwa. Sh*t! No choice! Mabilis na iniwasan ko sila pero ang dalawa ay wala talagang balak tumigil. Tinignan ko ang dalawa na parehong nasa opposite side ko. Talaga naman ay wala akong takas. Napadiretso ako ng tayo at hinintay silang sumugod na sabay. Ilang pulgada na lang ang pagitan ay mabilis na umatras ako at dahil doon ay sila ang nagkasuntukan.   Tumba ang dalawa. Napailing na lang ako sa nagyari. Mahirap talaga kapag sugod nang sugod. Mukhang kailangan kong mag-ingat ngayon. Nararamdaman ko na hindi lamang ito ang ma-e-encounter ko.   Tumingin ako sa paligid, nagpasalamat ako at walang taong nakakita sa ginawa ko. Nakahinga ako ng maluwag at nagpatuloy sa paglalakad. Bigla kong naalala ang oras. Mabilis kong tinignan ang wristwatch ko and sh*t, male-late na naman ako! Dali-dali akong tumakbo patungo sa una kong subject. Hingal na hingal akong nakarating sa classroom. Nagpapasalamat ako na wala pa ang prof namin. Pagpasok ko, lahat ng classmates ko ay nakatingin sa akin, may mali ba sa itsura ko? Ang mga lalaki ay nakangisi samantalang ang mga babae naman ay inirapan lang ako.   Oh no! What a great way to start the day!   Huminga ako nang malalim at nagtungo sa bakanteng upuan. Uupo na sana ako pero may bruhang naglagay ng bag sa upuan.   “This seat is not available,” maarteng saad niya.   Okay, hindi raw available. Eh ’di maghanap ng iba. Napansin ko na ang tanging bakante na lamang ay ’yung nasa dulo kung saan ang lahat ng lalaki ay nandoon. Mukhang may hindi magandang mangyayari. Pero dahil wala akong choice ay nagtungo na ako doon. Inilagay ko ang aking bag at umupo. Tapos kinuha ko ang aking libro para magbasa.   Maya-maya ay may lumapit sa aking babae. “Hi.”   Napaangat ako ng tingin sa kanya. Sino naman siya?   Ngumiti siya ng matamis. “Can I borrow your book?”   “Sure,” walang alinlangan na sabi ko.   Ibinigay ko sa kanya ang aking book. Kinuha niya ito. Tinapik-tapik ko ang daliri ko sa ibabaw ng desk ko. Mga ilang segundo ay naririnig ko ang yapak niyang pabalik sa akin. Iniabot niya sa akin ang aking libro. Nakangisi pa siya bago tumalikod. Pagbuklat ko, napakunot ang aking noo dahil sa aking nabasa.   Go die! Stupid B*tch! s**t! Ugly Nerd!   Iyan ang mga nakasulat sa bawat pahina ng aking libro. Tiningnan ko ang may gawa niyon, tuwang-tuwa ang bruha na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya na ako yata ang topic. Napailing na lamang ako at inilabas ko ang isa ko pang libro. Actually, pinaghandaan ko ang araw na ito. Ngumiti na lang ako sa kanila at nagbasang muli. Lihim akong natuwa nang makita kong nanggagalaiti sila sa inis.   Nakaramdam ako ng call of nature. Tumayo  ako pero hindi   pa man ako nakakaabot sa pintuan ay may naghagis ng bagay patungo sa direksiyon ko. Nailagan ko ito dahil agad akong umupo at nagkunwari na inaayos ko ang sintas ng aking sapatos.   Nakita ko na lang ang tennis ball na gumulong patungo sa akin. Pinulot ko ito at ibinigay sa lalaking bumato niyon. Walang imik na tinanggap niya ang bola. Lahat ng reaksyon nila ay nakanganga, napailing na lang ako ulit. Hindi kaya mapasukan ng langaw ang bibig nila?   Agad akong lumabas ng classroom para wala ng confrontation na maganap. Habang naglalakad sa corridor, lahat ng tao ay nakatingin sa akin at nagbubulungan. Eh di ako na ang sikat!   “Well, look what we have here!”   Napatigil ako sa paglalakad na makita ko ang tatlong babae na kasalubungan ko. Sinuri ko silang tatlo mula ulo hanggang paa. Matagal pa ang Christmas pero bakit ganyan ang outfit nila? Nakakasilaw!   “I’m surprised to see you’re still alive,” nakataas na kilay na sambit ng babaeng kulay pink ang buhok.   Ano kayang pinagsasasabi niya? Ibig bang sabihin, may namatay na dahil sa pambubully?   “Did you hear what I just said?!” maarteng sigaw niya ulit sa akin.   Muntik ko na ngang takpan ang aking tenga sa lakas na pagkakasigaw niya. Bella, huwag mo na lang intindihin ang mga brat na ito.   “B*tch!,” sabi ng isang babae.   “You should learn where you belong,” maarteng sabi naman ng isa.   “Obviously, hindi natin siya ka-level,” sabi naman ng pangatlong babae.   Dahil sa ingay ng mga ito, nakukuha na namin ang atensyon ng iba at ayun pinagtitinginan na kami ngayon. Tama naman siya, hindi ko sila ka-level.   Hindi ko naman talaga forte ang magsuot ng pandekorasyon sa christmas tree. Ngumiti ako sa kanila. “You know what, huwag niyong sayangin ang oras niyo sa akin dahil kahit anong gawin niyo, wala kayong mapapala sa ginagawa niyo.”   “Wow! May gana ka pang sumagot sa amin. Kung ikukumpara kami sa iyo, you’re nobody!” pagmamayabang na sabi ng pangatlong babae.   Bahagyang napataas ang kilay ko sa sinabi niya. I am nobody? Okay.   “Stop pretending you’re strong!”Ngumiti pa nang nakakaloko ang pangalawang babae.   Napapailing ako sa mga sinasabi nila. “You girls are hopeless.” Lumakad na ako patungo sa cr. Nagulat ako nang hablutin ng isang babae ang buhok ko. Sh*t! Ang sakit ah!   “Where do you think you’re going, b*tch?” gigil na sabunot niya sa akin.   “What was that? Say it again! I dare you!” sabi pa ng isa.   Bigla namang nagsalita ang nasa harap ko. “Who the hell do you think you are? You only got your scholarship because you’re stupid and poor! Magpasalamat ka dahil nakakapag-aral ka sa eskuwelahan na ito, magkaroon ka sana ng utang na loob sa Fortalejo dahil sila ang nagpapaaral sa iyo.”   Stupid and poor?! What the hell! Ngayon ko lang nalaman na sa Fortalejo pala galing ang scholarship ko? Hindi na ako nakapagtimpi at hinablot ko ang braso niya na nakahawak sa buhok ko.   “Sino ka para pagsabihan ako tungkol sa ganyang bagay? Wala kang karapatang husgahan ang pagkatao ko.” Pinilipit ko ang wrist ng babae.   “Ah!” hiyaw nito.   “I’ll give you one last chance...” Pabalyang binitawan ko ang babae.   Matalim na tinignan ko sila. “Stop bugging me. Or else horror ang kalalagyan ninyo.”   “Kyah!,” sabay-sabay silang nagtiliian na ikinairita ko naman. Ang sakit sa tenga eh.   “What’s going on here?!”   I see five gorgeous women standing in front of us. Sila ang mga babaeng nasa canteen kahapon at yung isa sa kanila ang nagsabi sa akin na gusto niya ako.   “Princess, walang modo ang babaeng ’yan. Tingnan mo, itinulak niya kami,” pagsusumbong ni Ms. Christmas Tree.   “At hindi lamang iyon, she pilipit my wrist.” Maarteng umiiyak ang babaeng sumabunot sa akin kanina.   Tumingin sa akin ang babaeng nangangalang Princess. “Totoo ba ang sinabi nila na tinulak mo sila at pinilipit mo ang wrist ng christmas tree na ito?”   “Yes,” walang gatol na sagot ko.   Tinitigan niya ako nang matagal at napangiti siya ng makahulugan. Ano kayang binabalak niya?   “Princess, tama nga si Emp, dapat ng mapaalis sa school na ito ang babaeng ’yan. Hindi natin kailangan ng beggar dito.”   “Tama kayo,” sang-ayon ni Princess. “Dapat ngang umalis na kayo rito!” Nakatingin siya sa tatlong babae na ngayon ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Princess.   Napataas ang aking kilay sa sinabi niya.   “Ah?! Bakit kami?!” sabay-sabay na tanong nila. “Oo nga, inutos lang sa amin ito ng Black Dragon Gang.”   “I don’t care! Just shut up b*tches!” nagtitimping sabi ni Princess. “Kung hindi pa kayo aalis ngayon, ihanda niyo na ang school records niyo para makalipat ng ibang school.”   “S-sorry!” Mabilis na tumakbo ang mga ito palayo.Natawa pa ako nang makita ko silang halos madapa sa pagtakbo dahil sa labis na pagmamadali at dahil na rin sa nagtataasan nilang heels.   “Are you okay?” tanong niya sa akin.   Tumango ako bilang tugon.   “Sorry sa ginawa nila. I’m Princess Fortalejo.” Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. Fortalejo? Kaano-ano niya si Jarvis?   “Kapatid ko si Kuya Jarvis,” nakangiting sabi niya.   Nahihiyang tinanggap ko ang kanyang palad. Kaya pala ganoon na lang kalaki ang takot ng mga babaeng ’yon sa kanya. Isa pala siyang Fortalejo. Ang ipinagtataka ko, bakit niya ako tinulungan? Mukhang nabasa naman niya ang nasa isip ko at ngumiti siya sa akin..   “I hate his guts. Don’t worry about him, ganoon lang talaga si Kuya Jarvis. Oo nga pala, here are my girl friends: my cousin Ellen Fortalejo, magpinsang Grace Sy & Jessica Sy, and this is Angel Monteverde.”   Nginitian ko sila. Bakit pakiramdam ko, lahat sila ay may connection sa Black Dragon g**g?   “And you are?” tanong ni Jessica.   “I’m Bella Uy, first year college. Nice to meet you, girls.” Bigla kong naalala na kailangan ko nga palang mag-cr. “Mauna na ako sa inyo.” Hindi ko na sila hinintay na sumagot at nagmamadaling nagtungo na ako sa cr.   Pagdating ko sa comfort room ay pumasok agad ako sa isang cubicle. Kinalma ko ang aking sarili. Bigla akong nag-alala dahil baka isipin nila na ayaw kong makipagkaibigan sa kanila. Sa totoo lang, gusto ko. Kaya lang kasi… hay… may connection sila sa Black Dragon g**g na dapat kong iwasan. Mas okay pa na mag-isa na lamang ako para tahimik ang aking school life.   [Basketball Stadium]   P.E. ang subject ko ngayon, nasa loob kami ng Basketball Stadium at nagwa-warm up para sa game namin mamaya nang bigla na lamang nagtilian nang malakas ang mga kababaihan doon. Napatakip ako sa aking tenga.   Grabe! Ang sakit sa tenga ng mga tili nila. Hinanap ko ang sanhi ng kanilang kaguluhan, napasimangot ako nang makitang paparating ang Black Dragon g**g—mga lalaki na ang tingin sa sarili ay Diyos ng kaguwapuhan.   Umupo sila sa bench kung saan ang mga players ng basketball ay nakaupo doon. Mukhang hindi naman susuwertihin ang araw ko ngayon. Bakit ba andito sila? Inis na inis akong nakatingin sa kanila. Nahuli ako ni Jace na minamasdan sila kaya agad akong umiwas ng tingin. s**t! Mamaya niyan, kung ano pa ang isipin nila.   Biglang pumalakpak nang malakas ang aming prof, tinatawag niya ang aming atensyon. “Class, hindi matutuloy ang pagba- basketball niyo ngayon dahil gagamitin nila ang basketball stadium para sa practice.”   Marami akong narinig na ‘nag-yes’ at tuwang-tuwa sa kanilang narinig. Nainis naman ako sa nangyayari, kaya nagtaas ako ng kamay para magtanong.   “Yes, Miss Uy?”   “Ma’am, kung hindi po tayo magpa-practice, ano na lang po ang gagawin namin?” tanong ko sa prof naming.   “Hmm.. panoorin silang maglaro,” walang gatol na saad niya.   “Po?” gulat na sambit ko.   “Yes Miss Uy. Sigurado akong may matutunan kayo kapag pinanood niyo kung paano sila maglaro,” pagkasabi noon ng prof namin ay nagpaalam na siya.   Aangal pa sana ako pero bigla akong hinarangan ng mga babae.   “Pwede ba beggar, huwag mo kaming idamay sa kaartehan mo?” nakataas na kilay na sambit ng isa kong classmate.   “Oo nga. Minsan na nga lang namin mapanood ang Black Dragon g**g, tapos may balak ka pang pigilan iyon?” sabay irap ng isa.   “Subukan mo lang, kundi....” hindi na niya itinuloy ang pagsasalita at nagtinginan sila.   Napakunot noo ako nang bigla silang magtawanan. Napailing na lang ako at tinalikuran ko na sila. Sinasayang ko ang oras ko rito. Habang naglalakad ako paalis sa stadium, naiinis akong isipin na dahil lang sa dumating ang Black Dragon g**g ay hindi na natuloy ang mga lessons namin. Ano bang meron sa g**g na iyan at ganoon na lamang umiwas ang mga professor sa kanila? Malapit na ako sa entrance nang makasalubong ko ang grupo ni Princess.   “Oh!” gulat na turo sa akin ni Grace. “I’m glad you’re here, Bella!” masayang bati niya sa akin.   Pilit akong ngumiti sa kanila. “Hi.”   “Saan ka pupunta?” takang tanong naman sa akin ni Angel.   “Ah?” nagulat ako sa tanong niya. “Hmm.. Uuwi na ako.”   “What? Hindi ka manonood?” tanong naman ni Princess.   “Yes,” pinal sa sagot ko.   “Why?” nanghihinayang na tanong ni Grace.   “Ayaw mo bang kilalanin ang kaaway mo?” nakangiting tanong sa akin ni Princess.   Anong pinagsasabi niya?             “Sabi nga nila, ‘keep your friends close, and your enemies closer’.” At kumindat pa siya.   Napangiti ako sa sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin, Princess? Panoorin ko sila kung paano sila maglaro ng basketball? May mapapala ba ako doon?”   “Bakit hindi mo i-try?” naghahamon na sabi niya.   Nagkatitigan kami nang matagal. Isang malakas na tilian ang umagaw sa atensyon naming dalawa. Napatingin ako sa court kung saan pumasok na ang members ng Black Dragon g**g sa loob at mukhang maguumpisa na ang laban.   “Try mo lang,” ngumiti muna sa akin si Princess nang matamis bago niya ako nilagpasan.   Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi sa aking ni Princess. Wala na akong pakialam doon. Pinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa labas. Pauwi na sana ako na maalala ko ang aking bag sa locker room. Oh no… Kailangan ko tuloy bumalik. Pumasok ako ulit sa loob at sumalubong sa akin ang malakas na hiyawan ng mga tao. Huminto ako paglalakad na makita ko na seryosong naglalaro ng basketball sila Jarvis. Hindi ko itatanggi pero ang galing nila.   Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng court. Lahat ay nakatutok sa game. Nagpatuloy na ako sa paglalakad diretso patungo sa locker room.   “Bella!!! Watch out!”   Napalingon ako at agad akong umiwas sa paparating na bola. “Ops... sorry, nadulas sa kamay ko eh,” natatawang sambit ng isang miyembro ng Black Dragon g**g.   Kinuha ko ang bolang gumulong sa paanan ko, tiningnan ko ang naghagis nito. Nadulas? Paanong nangyari ’yon? Kailan  pa naging ‘nadulas’ ang term na ‘hinagis’? Kalokohan ito ah! Obviously, ako ang puntirya niya. Tiningnan ko ang bola na hawak ko at tumalikod. Inihagis ko ang bola nang patalikod. Paglingon ko, nag-shoot sa ring ang bola.   “Wow! I’m so lucky today, na-shoot ko ang bola,” ngingisingising sabi ko sa kanila.   Napatingin sa akin si Jarvis at maging ang mga kasamahan niya. Nagkibit balikat na lamang ako at naglakad palayo.     [Rain]   Hindi ko akalain na magaling siya. Sabi ko na nga ba eh, hindi siya ordinaryong babae. Sino ka nga ba talaga, Bella Uy? Saan ka kumukuha ng lakas na loob para kalabanin si Emp? Biglang may pumasok na idea sa aking isipan. Bakit nga ba hindi?   Sinundan ko siya. “Hey!” tawag ko kay Nerd. Hindi pa rin siya lumingon, napangiti ako sa inaasal niya. “Bella Uy,” malakas na tawag ko at takang nilingon niya ako.   “What?” inip na tanong niya.   “Let’s play basketball.” Nagulat siya, maging ang lahat ng nakarinig.   Tinignan niya ako ng matagal at sinuri na kung nagsasabi ako ng totoo. “Ano’ng prize?”   Natawa ako sa sagot niya. Hindi siya tumanggi na kina-amuse. “What do you want? Car? Money? House?”   Napatingin siya kay Jarvis at ngumiti ng makahulugan. “Hindi ko kailangan ng mga bagay na panandalian lamang. Ang nais ko ay patahimikin niyo ang school life ko.”   Tumango-tango ako sa hiling niya. “Pero kapag ikaw ang natalo, ready ka ba sa consequence mo?” Nakangiting tanong ko sa kanya. “Kahit pa ang kapalit niyon ay buhay mo?”   Nakipagtitigan siya sa akin ng matagal tapos ngumiti siya ng matamis. “Deal.”   “Are you not afraid?”   Hindi niya pinansin ang tanong ko, iniba niya ang usapan. “Baka naman, deal lang nating dalawa ito?” Nakatingin siya kay Jarvis.   Ngumiti ako at binalingan ko si Jarvis na nakatingin na ngayon kay Bella. “Emp, okay lang ba sa iyo ito?”   Tinignan ako ni Jarvis. “Bahala ka. Siguraduhin mo lang na hindi ko na uli makikita ang babaeng iyan,” balewalang sambit niya.   “Narinig mo naman ang sinabi niya, Bella,” nakangiting saad ko.   “Okay,” at satisfied siyang ngumiti. “So, ano ang rules?”   “Simple lang. Ang kailangan mong gawin ay kalabanin kaming Black Dragon g**g. Lima kaming lalaki na dedepensa at kailangan mong maka-shoot ng tatlong beses sa loob ng 30 minutes. Kapag natalo mo kami, si Emp na ang makakaharap mo. One on one kayong dalawa, no time limit. Kung sino man ang unang maka-shoot sa inyong dalawa ay siya ang panalo. Any objections?”   Nagkibit-balikat lamang siya. “Nothing. Let’s start.”   “I object, Kuya Rain,” malakas na sigaw ng isang babae.   Hinanap ko ang sumigaw na iyon at nakita ko sila Angel na nasa likod ni Bella na nagmamadaling naglalakad patungo sa aming puwesto.   “Why, my dear Angel?” masayang tanong ko.   “You can’t do this to her! It’s unfair!” bulalas niya.   “Mukhang hindi naman unfair sa kanya. Look at her.” Sabay tingin ko kay Bella na nakatingin sa ring.   “But—”   “Stay out of this, Angel,” mahinahong sabi ko sa kanya.   “He’s right,” mabilis na sang-ayon ni Bella. “Are you crazy, Bella?   Tinitigan ni Bella si Angel at dahan-dahan itong ngumiti. “Maybe I am.”   Nanlalaki ang mata na napatingin sila kay Bella. Hindi marahil makapaniwala sa maikling sagot niya. Interesting girl!   “Look Bella, ’di mo ba alam na napakahusay nila sa basketball?” Pilit na ngumiti si Angel.   “Napansin ko nga.”   “Tama siya, Bella. Kinukuha kaya silang PBA dahil napakagaling nila,” sabi ni Grace.   “Astig!” bulalas niya.   Natatawa ako sa mga reaksyon niya dahil sincere ang mga iyon.   “Pipigilan ko si Kuya Jarvis, para hindi ka mapahamak,” nag- aalalang sambit ni Princess.   “Ouch naman girls, para niyo namang sinabi na wala kaming puso,” pagbibiro ko sa kanila.   “Whatever, Kuya Rain. FYI Princess, once in a blue moon lang makinig ’yang kapatid mo,” nalolokang wika ni Grace.   Imbes na matakot si Nerd ay tumawa na lamang siya.   Kumunot ang noo ni Princess. “Grabe Bella, hindi ka ba kinakabahan diyan? Kung makatawa ka, parang wala lang ah.”   “Di mo ba alam na haharapin mo ang hell? Tapos balewala lang sa iyo?” nanlalaking tanong ni Angel.   Ngumiti lamang ulit si Bella. Stupid girl. Tumalikod na ako at nagtungo kina Emp.   “Pare, kaibigan pala niya ang grupo ng pinsan mo,” sabi ni Nathe sabay turo sa direksyon ni Bella na pinaliligiran ng mga Girlfriends.   “Ano ang pinaplano mo Rain?” salubong ang mga kilay na tanong ni Fuji.   Ngumiti lang ako sa kanila.   “Kitang-kita sa ngiti mo na may binabalak ka Rain,” seryosong saad ni Jarvis sa akin.   “Napansin mo pa ’yon, Emp?” napapailing kong saad.   “Mukhang kaibigan naman ni Angel si Bella, hindi mo ba pagbibigyan?” tanong ni Nathe.   “Sh*t Rain! Bakit dinamay mo pa kami? Mukhang talo na ’yun sa atin,” inis na sambit ni Trace.   “Wala akong magagawa, kagustuhan niya yun at saka nag-agree na siya ’di ba?!” nakangiting sambit ko sa kanila. Sigurado akong ma-e-entertain ako sa mangyayari mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD