Nag mamadaling tumakbo papasok ng hospital si Ivory kung saan dinala ng emergency patrol ng subdivision nila si Chase. Nakita pa niya kanina sa may labasan ang kotse nitong bumangga sa isang concrete fence ng isang neighborhood na ikinawasak ng unahan ng kotse ng binata. Kaya naman ganun na lang ang kaba niya habang patungo sila ng ina sa hospital na hindi na niya na malayan na naiyak na siya sa biyahe. Hindi na nga niya namalayan na basta na lang siya tumakbo papasok ng hospital at hindi na inintay ang Mommy niya. Agad siyang dumeretso sa nurse information para hanapin si Chase na nasa emergency pa daw at tinitingnan ng doctor kaya naman matiyaga na lang siyang nag-abang sa labas ng emergency room habang kabado kung anong nangyari kay Chase, kasalanan ba niya? Na aksidente na ito noon

