bc

Warm Bodies- SSPG

book_age18+
1.9K
FOLLOW
26.4K
READ
dark
HE
fated
opposites attract
dominant
boss
heir/heiress
bxg
enimies to lovers
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Mayaman, Makapangyarihan, Mapanganib.

Pero may isang bagay na hindi kayang bilhin ni Chase Van Amstel iyon ay ang kanyang pagkalalaking nawala sa isang iglap.

Chase Van Amstel, CEO ng isang multi-million 3D animation tech company. Ang lalaking pinapangarap ng maraming kababaehan, hanggang sa isang aksidente ang nag dulot ng pinsala sa kanyang katawan dahilan para bumagsak ang kanyang tiwala sa sarili. Naoperahan ang kanyang spinal cord at naapektuhan nito ang kanyang p*********i na isang malaking dagok sa kanyang ego, he’s been diagnosed with partial erectile dysfunction.

Ivory Chua, isang misteryosang babae na itinatago ang tunay na kagandahan sa anino ng mga pangit niyang mga persona. Ang alam ng pamilya niya sa loob ng mahabang panahon isa siya college professor sa harvard law school sa ibang bansa. Bukod dun isa din siyang ghost singer sa isang sikat na singer na artista na walang talent sa pagkanta pero sumikat ito dahil sa boses niya. Ngunit sa tunay na buhay, isa siyang pastry shop owner na nag tatago sa isang persona, isang babae na sanay magtago sa likod ng mga pangalan at ng mga ngiting mapagbalat kayo.

At alam ni Chase ang lihim niya. At ginamit iyon ng binata para igapos siya sa isang kasunduang hindi niya kayang tanggihan.

Isang kontrata.

Isang kasunduan ng katawan.

Isang papel na nagsasabing siya ang magiging s*x toy ni Chase na hanggang gumaling ito.

No emotion. No freedom. No safe way out.

Pero sa bawat gabing pilit nilang nilalaro ang apoy,

sa bawat titigang pilit nilang isinasantabi,

sino ang unang masusunog?

Sa mundong may kasunduan ang lahat, paano kung ang puso ang tumangging pumirma?

chap-preview
Free preview
Unang pasilip
Inis na inihagis ni Ivory ang folder na hawak-hawak ng basta-basta na lang siyang pumasok sa office ni Chase Van Amstel. Kanina sa reception lobby ayaw pa siyang papasukin ng mga tauhan ni Chase dahil sa hitsura niyang, mukhang durugista sa kanto ng Ermita. Maruming puting sapatod, sira-sirang pantalon, mamad na blouse na pinatungan na itim na longsleeve na mamad na din ang kulay. Bonet na sira-sira na din. May suot pa siyang mga pekeng hikaw sa ilong, tenga kilay at labi pero lahat iyon ay parte lang ng persona niya ngayon araw dahil galing siya sa isa niyang trabaho, bilang isang recording artist ng isang sikat na artista na magaling lang aarte pero walang talent sa pagkanta. Inofferan siya ng mga ito na maging ghost singer ng artista at nakakasilaw ang offer kaya agad naman niyang tinaggap since mahilig naman talaga siyang kumanta. Nakilala siya ng mga ito dahil sa isang gas station nasa banyo siya at feel na feel niya ang pag kanta ng kanta ni Celine Dion na narinig pala ng artista kaya agad-agad siyang ipinakilala sa manager nito at iyon na nga inofferan siya na maging ghost singer nito. Nagkunwari pa siyang ayaw ng una at idinahilan ang pangit niyang mukha kaya naman na double hanggang umabot pa sa triple ang offer na agad na niyang tinanggap since nasa likod lang daw naman siya ng stage kakanta at nakatago. Bukod dun may meron din siyang pastry shop kung saan siya mismo ang nag babake ng mga paninda niya at syempre sa ibang persona pa rin ang tanging nakakakilala sa kanya at sila Ate Winter at Kuya Doel mga anak ng kaibigan ng Daddy niya maging ang kuya Red niya na supportado naman ang mga kagagahan niya kaya nakaka survive siya sa pagtatago sa pamilya niya. Ang alam ng mga ito nasa ibang bansa siya at isang professor sa isang Law School. Iyon kasi ang gusto ng Lola niyang lakas maka Miss Minchin habang tumatanda lumalala ang ugaling hindi na nila kayang sabayan. Culinary Arts talaga ang gusto sana niya pero bumagsak siya sa Political Science graduated with high honor pero ng ipadala siya ng ama sa ibang bansa sa isang prestigeous school ang havard law school buong akala ng mga ito nakapasa siya sa entrance exam. Walang kaalam-alam ang mga ito na nakabalik na siya ng Pilipinas at nagtago sa bahay ng mga Ate Winter saka nag panggap na katulong bilang si Elize. Na agad naman siyang nakilala ng Kuya Red niya dahil sa boses niya, akala niya kakayanin niyang magtago ng matagal ngunit muli pang nabunyag ang lihim niya ng makilala na din siya ni Chase. Na talaga palang binantayan ang lahat ng kilos niya kaya nalaman nito ang lihim niya at mula nun lahat ata ng persona niya kilala na nito. Pero na ngako naman itong mangangako at hindi guguluhin ang mundo niya kaya naka survive naman siya ng ilang taon pero hindi ang araw na ito after niyang matanggap ang isang proposal o mas tamang sabihin isang indicent proposal na galing kay Chase. Na saglit na ipinaliwanag sa kanya ng abogadong pinadala nito para sa proposal na inihahain nito sa kanya. Napahinto si Chase sa pagpirma ng papel na nasa ibabaw ng table niya ng bumagsak dun ang isang itim na folder at pag taas ng tingin niya medyo na gulat siya pero hindi na siya na shock dahil kila na niya ang mata ni Ivory kahit anong disguise pa ang gawin nito. "I'm sorry, sir. We weren't able to stop her." "It's okay Via, ako ang nag-utos sa ibaba na paakyatin siya." sagot niya sa secretary na agad din tumalikod. "You could’ve at least made yourself presentable before coming here to face me." ani Chase na sumandal sa swivel chair na dinampot ang folder na inihagis niya. "Mukha ba akong may balak na makipag meeting sa'yong kapre ka!" "Bakit hindi mo ba nagustuhan ang offer ko?" tanong pa ni Chase na nagulat pa ng hampasin ni Ivory ang mesa at tiningnan siya ng masama pero nanatili lang siyang kalmado. "Offer? May deperensya ka ba sa utak? Inaalok mo ako ng isang trabaho na walang kahit sino atang makakaisip na magagawa ang ganyan proposal unless may sayad siya sa kokote or s*x*al addict? So alin ka sa dalawa." "So you didn’t even finish reading my proposal—that’s why you have no idea why I’m doing this." tumayo naman si Chase at nag lakad patungo sa harapan ng mesa nito kung nasaan ang dalaga na bahagyang umatras. Naupo naman si Chase sa gilid ng mesa niya habang niyakap ang folder at deretsong tumingin sa dalaga. "You have a perfect body that I need but don't flatter yourself too much Diwata. Katawan mo lang ang kailangan ko, no more no less." wika pa ni Chase na muling inabot sa kanya ang folder. "Mukha ba akong kaladkarin sa'yong Diablo ka." nakapamewang na tanong ni Ivory dito na hindi inabot ang folder. "Of course not! Pero sabihin na natin your secret is safe with me as long as my secret is safe with you." kumunot naman ang noo ni Ivory sa sinabi ni Chase. "Read it first! I giving you 3 days to decide." tumayo si Chase at kinuha ang kamay ni Ivory at inilagay ang folder. "But just for the record I don’t take no for an answer." sagot ni Chase sabay balik sa swivel chair nito. "Anong gagawin mo pag nag NO ako isusumbong mo ako sa pamilya ko huh!' "Then give me a reason not to do it." "Ano ba!" galit na sigaw ni Ivory. "Read the proposal first bago ka mag super sayans d'yan. Hindi na tayo bata Diwata lalo ka na para manatiling nagtatago sa pamilya mo, hanggang kelan mo ito gagawin?" marahas naman na napabuga ng hangin si Ivory. "Read it then let's talk again. And next time we meet, I expect Ivory Chua herself to face me. Wear something unforgettable—something that’ll capture my attention." utos pa ni Chase na malawak ang ngiti na parang inaakit pa talaga siya nito. "Bakit hurado ka ba ng isang beauty pageant." ihahagis na sana ni Ivory ang folder pabalik sa mesa ni Chase ng bigla itong mag salita. "Your sister Violet is sick, and your whole family is keeping it a secret. Do you really think your parents—especially your mother—won’t be hurt even more when they find out what you’ve been doing?" "Anong nangyayari kay Ate Vio?" "Read it! At kapag pumayag ka malaya kang makakabalik sa pamilya mo at mananatiling sekreto ang lahat ng ginawa mo. Babalik ka as Ivory Chua ang Law professor sa isang Law School." tugon pa ni Chase. "Anong sakit ni Ate, sabi? I promise babasahin ko ito kahit hindi na ako matulog babasahin ko ito." itinaas pa ni Ivory ang folder. "After 3 days sasabihin ko sa'yo." "Chase!" "3 days Ivory, malalaman mo ang lahat ng sagot sa lahat ng itatanong mo sa akin." inis naman na napatalikod na lang si Ivory na bitbit ang folder. Pasakay na siya sa elevator at ng mag sasarado na iyon pinigilan iyon ng kamay ni Chase habang nakadikit naman ang phone niya sa tenga niya at pilit na kino-kontak ang kapatid na si Red pero alam naman niyang malabo niya itong makaka-usap dahil sa sobrang busy nito. "Please Ivory, be considerate. This isn’t just s*x, this is survival." pabulong na wika pa ni Chase hanggang sa bitawan na nito ang elevator at nag sarado na wala naman sa loob na napatingin siya sa hawak na folder. Ano ba talaga ang problema nito at talagang siya ang napili nitong bastusin ng ganun gusto yata nitong mabitaw ng Daddy niya. Inis na pinag bubuklat ni Ivory ang bawat page ng proposal hanggang sa mabasa niya ang isang section na ikinatuptop ng bibig niya. Partial erectile dysfunction.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.5K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.8K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.0K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.5K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
317.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
49.9K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook