"Partial erectile dysfunction." Natigilan si Ivory parang nag lo-loading ang utak niya sa loob ng elevator. Ilang beses niyang binasa ang linyang iyon, as if the words would magically change if she blinked long enough. Anong ng yari dito bakit nagkaroon ito bigla ng sakit na ganun?
"What the hell..." bulong niya, habang ang pagkakunot ng noo ay lumalim. Tumingin siya sa salamin ng elevator at parang bigla siyang natawa. Hindi dahil sa tuwa kundi dahil sa absurdity ng lahat. Chase Van Amstel, the untouchable, the brilliant bastard, the cold, calculated, untamable bachelor na pinapantasya ng mga bored housewives at mga babae sa Pilipinas… may ganitong klaseng problema?
"So kaya pala..." Napalunok siya na napapaisip habang isa-isa parang may na bubuo sa isip niya.
The proposal wasn't just about lust or power. It was about control, about desperation in disguise. A wounded king hiding behind arrogance.
Pagkabukas ng elevator ay diretsong lumabas si Ivory, pero hindi pa rin siya makakilos ng maayos. The rest of the pages confirmed everything isa-isa niyang binabsa ang ilang pages na may kinalaman sa sakit nito, ang kondisyon ni Chase, ang mga failed therapies, the psychological strain, at ang medical advice na tila pinagsamang clinical diagnosis at psychological profiling na nagsasabing ang intimacy—genuine, spontaneous, raw na lang tanging natitirang paraan para makabawi ang binata. Pero ang pinaka nakaka bigla yung mabasa pa talaga niyang pang pangalan niyang naka bold pa.
"Candidate for intimacy rehabilitation: Ivory Chua." Napaawang ang bibig ni Ivory pati pangalan niya, nandun talaga. Ilang beses niyang binasa paulit-ulit pero mas nakakawindang ang nakasunod doon as Chase described her as:
"Emotionally unpredictable, physically compatible, mentally strong, and psychologically stimulating. Subject evokes arousal and frustration—ideal for therapeutic challenge." awang ang bibig ni Ivory so malinaw na sinasabi dun na pinag nanasaan siya ni Chase kaya siya ang napiling candidate ng abnormal na sira-ulong yun.
"So ako, therapy? Ako ang gamot?!" Napaikot siya sa sidewalk habang nag lalakad. Gusto niyang ibato ang folder sa building na pag-aari ni Chase mismo. Pero habang binabalikan niya ang huling eksena ng binata bago sumara ang elevator... Ang pagbitaw nito sa salita. Ang bahagyang lungkot sa likod ng mapanuksong ngiti ni Chase. May something doon, something na hindi kayang itago ng kahit ilang layers ng arrogance nito.
"Please Ivory, be considerate. This isn’t just s*x, this is survival." Medyo kinabahan at nag worry siya sa sinabing iyon ni Chase pero mas natakot siya dahil sa isang mas malalim na tanong sa sarili niya. Kaya ba niyang tulungan si Chase? Kaya ba niyang isuko ang sarili rilo ng ganun-ganun lang dahil tingin nito siya ang gamot sa sakit nito. Habang patuloy sa paglalakad pauwi si Ivory, hawak pa rin niya ang folder. Malamig ang simoy ng hangin pero mainit ang ulo niya. Hindi niya alam kung galit ba siya sa proposal... o sa sarili niya dahil naiintriga siya.
Pagdating niya sa unit, diretso siya sa kusina. Tinanggal ang pekeng hikaw, binunot ang contact lenses, at hinila pababa ang maluwag at sira-sira niyang pantalon. Pero kahit nagpalit na siya ng anyo—mula kay Elize pabalik kay Ivory—isa lang ang hindi niya maiwan. Ang tanong na bumabagabag sa isip niya.
“Bakit ako?” Umupo siya sa mesa, kung saan nakapatong ang folder, nakatitig lang. May ilang beses siyang napapikit, nagkakagat-labi, napapamura. Hindi dahil nababastos siya—mas nababastos siya ng katotohanang gusto niyang malaman pa. Gusto niyang intindihin si Chase. Ang taong laging perpekto sa mga balitang naririnig niya sa tv at pahagan laging kontrolado ang lahat
Pero ngayon... broken.
"Tatlong araw. Tatlong araw para magdesisyon." mahinang bulong pa niya sa sarili.
-
-
-
-
-
-
Kinabukasan, hindi siya mapakali. Tiningnan niya ang phone niya naka-ilang beses na siyang nag-type ng "Yes" sa draft message, pero burado rin agad. Noon siyang nagpasiya na pupuntahan ang isang kaibigan na matalik si Mika dahil kailangan niya ng konting shock absorber na wiwindang siya sa kaganapan.
"Tingin mo ba, Miks... mali na pag naging curious ako?" tanong ni Ivory habang umiinom ng chamomile tea.
Tumigil sa kakalikot ng computer si Mika na tumingin sa kaibigan sabay tango.
"Alam mo, Ivy, hindi ko alam kung anong laro 'yan pinapasok mo nanaman pero minsan, ang mga taong mukhang malakas—sila 'yung may mga sugat na hindi kayang gamutin ng gamot. Minsan kailangan nila ng tao." wika ni Mika, sinabi niya rito ang tungkol sa indecent proposal na natanggap niya pero hindi niya sinabi na si Chase yun, kahit naman bad trip siya kay Chase hindi naman siya masamang tao.
"E paano kung ako ang mas masaktan?" tumawa naman si Mika.
"Then at least alam mong hindi ka bato, na tumitibok pa rin yan and beside masasaktan ka kung seseryosohin mo, malinaw naman na sabi mo naka lagay is no feelings involve, no emotions, no relationships, no love. Napaka linaw na hindi ka puwedeng mahulog maliban sa isang hinihingi niya na kailangan mong ibigay. Iyon ay ang katawan mo simple as that." wika ni Mika na ikanatahimik naman si Ivory.
-
-
Day 2
-
-
Nagbihis si Ivory ng maayos. Hindi eleganteng bongga, pero sapat para di siya makilala ng kahit sinong makakakilala sa kanya bilang si Ivory. Dumaan siya sa bakery niya para kunwaring business visit. Pero ang totoo, gusto lang niyang makalimot. Pero nang matawagan siya ng assistant ni Chase para paalalahanan siya sa deadline... Parang may kumuryente sa katawan niya.
"You still have 24 hours to respond, Miss Chua," sabi ng secretary ni Chase sa kabilang linya. At doon na siya napailing, hindi na ito tungkol sa offer, hindi na ito tungkol sa pera na nakalagay sa proposal na malaking halaga. Hindi na ito kahit tungkol sa pamilya niya at sa sakit ng ate nya na gusto niyang malaman, ito ay tungkol sa kanya. At kung kaya ba niyang harapin ang isang lalaking tulad ni Chase—na walang pangakong ibibigay... pero kayang ayusin ang buhay niya na nasira niya dahil sa patong-patong niyang kasinungalingan.
-
-
Day 3: 11:47 p.m.
-
-
Nakahiga siya sa kama, nakatingin siya sa folder na nasa kama niya. Isa lang ang nasa isip niya at kinakabahan siya.
"Maybe I can handle this. Maybe, if I set the rules, I won’t fall." wika pa ni Ivory sa sarili dahil hindi naman kasi siya iporkrita dahil aminado siya na napaka guwapo ni Chase at walang matinong babae ang hindi magkakagusto rito. At hindi naman yari sa bato ang puso niya kaya alam niyang malalagay sa alanganin ang puso niya kapag pumayag siya. Alam niyang delikado ito. Dahil minsan, ang mga taong ayaw sa pag-ibig... sila ‘yung pinaka kayang mag paibig ng walang kahirap-hirap. Huminga siya ng malalim saka inabot ang cellphone saka nag construct ng text para kay Chase.
"I’ve read it. I’m not saying yes… yet. But I’ll see you tomorrow, 9AM. Ivory" sabay patay ng phone niya dahil natitiyak niyang tatawagan siya ni Chase once na mabasa nito ang text niya pero wala siyang kakayanan na maka-usap ito dahil kumakabog ng husto ang puso niya at hindi niya alam ang gagawin o sasabihin oras na marinig ang boses nito.
"The contract was simple: pleasure, power, and silence. Falling in love wasn’t part of the proposal." naka pikit na mahinang usal niya.
"I don’t do love. That’s why I made a contract, not a promise." napabuga si Ivory ng maalala ang mga salitang iyon na nasa proposal din. Napakalinaw ng indecent proposal ni Chase talagang detalyado ang lahat kaya parang ang bigat sa loob niya. Makikipag s*x siya sa taong hindi naman niya boyfriend at mas lalong hindi niya asawa and most of all hindi niya gusto si Chase at hindi niya maimagine ang sarili kasama ito sa future although na aappreciate naman nya ang gandang lalaki nito. Sadyang hindi lang niya ma absorb na ipapagamit niya ang katawan rito. Paano kung matagalan itong gumaling? Paano naman siya.
"hay kainis naman talaga Chase Van Amstel, bakit naman kasi ako po." bulalas pa niya sabay dapa sa unan niya at pinilit na gumawa ng tulog.