Kabado si Ivory ng bumukas ang elevator sa floor kung nasaan ang office ni Chase, yung bilis ng kalabog ng puso niya daig pa nya ang haharap sa lola niya at aamin ng ginawa niya. Alam niya kung bakit siya naroon at malinaw naman niyang nabasa ang nasa proposal pero kinakabahan pa rin siya na ewan na parang isang pagkakamali ang gagawin niya. Pero gusto na niyang umuwi at makita ang kapatid niya kung anong lagay nito. Agad naman siyang sinalubong ng secretary ni Chase at inihatid siya sa isang silid na parang meeting room hindi sa office ni Chase.
Gusto pa sanang mag reklamo ni Ivory dahil sobrang lamig naman ng silid na yun pakiramdam niya kahit naka simpleng flitted skirt lang siyang at blouse na medyo see through at meron tube sa loob para siyang nakalubog sa tubig na may yelo. Agad siyang tumayo at hinanap ang remote ng aircon ng makaalis na ang secretary ni Chase at sinabi na intayin na lang daw niya roon si Chase.
Magara ang meeting room meron mahabang oval na mesang bubog at may 10 upuan na nakapalibot na pawang mga leather. Meron din dun mga ilang kasangkapan na ginagamit sa isang presentation o meeting gaya ng projector at computer sa gilid. Agad na kinuha ni Ivory ang remote ng aircon na nakita na naroon pero kahit anong pindot niya ayaw naman na magbago ng temperature ng aircon. Kaya tiningnan pa niya kung may battery ang remote baka wala kaya ayaw gumana.
Napalingon pa si Ivory ng marinig na bumukas ang pinto at pumasok si Chase na ewan ba niya pero bigla parang huminto ang inog ng mundo at natulala na lang siya rito habang papalapit ito sa kanya at huminto sa harapan niya at ngumiti na may halong ngiti.
"Putang*na" sigaw ni Ivory sa sarili habang nakatitig pa rin kay Chase na nasa harapan pa rin niya. Nalunok na yata niya ang dila niya. Bakit yata na triple ang guwapo ni Chase ngayon kumpara ng huling kita nila, pakiramdam niya apektado ng mabilis na t***k ng puso niya ang pag function ng dila niya.
Alanganin pa siyang napa-atras ng umabante ito ng lakad habang nakatitig lang din sa kanya, hanggang sa mapasandal na siya sa pader at ewan ba niya out of the blue bigla na lang siyang napapikit at nanghaba ang nguso na parang iniintay na lang na lumapat ang labi ni Chase ng yumuko ito.
"Don't close your eyes, Diwata. I’m not going to kiss you until our contract is crystal clear — and until you agree to everything I want." bulong ni Chase na biglang nag padilat sa mata ni Ivory na parang biglang natauhan at mabilis na itinulak si Chase saka nag mamadaling lumayo na bahagya pang sinampal ang sarili. Na palihim naman na ikinangiti ni Chase na inabot ang remote control na maliit na naroon saka itinapat sa aircon na tuluyan ng nabawasan ang lamig ng silid. Napapahiya naman na ibinaba niya sa mesa ang hawak na remote. Iyon pala ang pakay ni Chase kaya ito lumapit sa kanya kanina akala niya hahalikan siya todo haba pa ng nguso niya.
"Shutangina ka kasing babae ka masyado kang assuming feeling mo naman masyado." sita pa ni Ivory sa sarili.
"You came," nakangiting wika pa nito na inutusan na siyang maupo sa may bandang gitna siya naupo sa pag-aakalang sa may kabisera ito mauupo pero nagulat siya ng sumunod ito at naupo sa tabi niya.
"I wasn’t sure you would. But then again, I knew you’d find it hard to resist." tumikwas naman ang labi ni Ivory na nilingon si Chase na nasa tabi niya.
"Don’t flatter yourself, Chase. I came because I need answers. Not because I’m some pawn in your little game." Nagkibitbalikat naman si Chase, pero hindi nabago ang expression ng mukha nitong napakaguwapo na hindi niya maintindihan kung nakangiti ba o naka ngsisi.
"You want answers, Ivory? It’s simple. I need you. And in return, I’m offering you something you can’t refuse." Lalo lang naman na irita si Ivory sa sagot ni Chase pakiramdan niya tataas ang BP niya sa lalaking ito. Hindi alam kung anong dapat maramdaman. Galit ba? O ang matinding curiosity na ayaw niyang aminin sa sarili?
"Kailangan mo ako para saan?" tanong ni Ivory na pigil na mag pakita ng irita sa boses habang nakatingin sa binata.
"For what I have to offer," wika ni Chase, may konting ngiti.
"I’m giving you a way out, Ivory. A chance to live your life without the secrets. Without hiding from the world and your family. But in exchange..." huminto si Chase sa pag sasalita, tinignan ang folder na inilagay ni Ivory sa mesa.
"I need your body. Your perfect, flawless body." ngisi pang wika nito sabay tingin pa sa katawan niya na parang gusto na siyang talupan at ihiga sa ibabaw mismo ng table na nasa harapan nila. Mabilis naman na tumikhim si Ivory at nag panggap na hindi siya apektado sa mga titig nito na nag papatindi ng t***k ng puso niya lalo.
"That’s what this is about, then? You’re using me as some... tool to fix yourself? Gaya ng nakasulat dito na naka detalye." ani Ivory na inilapat ang kamay sa folder na nasa mesa na dala niya. Napasinghap naman bigla si Ivory ng hilahin ni Chase ang upuan niya papalapit sito at literal nitong inikot ang upuan niya paharap rito bago walang ka abog-abog na hinawakan pa nito ang dalawang hita niya na pinag dikit bago inipit ng dalawang hita nito saka ngumit na itinuon ang dalawang kamay sa armchair ng upuan dahilan para makulong siya. Pakiramdam ni Ivory bigla naman uminit ang loob ng silid na yun, kaya ba kanina sobrang lamig ng aircon kasi alam ng secretary ni Chase na ganun ang magiging eksena nilang dalawa na hindi talaga niya inaasahan.
"In a way, yes. But don't get it twisted, Diwata. You’re more than just a tool. You’re a solution to my problem. A very willing solution, I’d imagine." wika pa ni Chase na sobrang lapit nanaman ng mukha nito sa mukha niya at sa labi na niya ito nakatingin pero hindi na siya tangang pipikit nanaman at mapapahiya.
"Nag doublemint ka pa ba para lang makipag-usap sa akin ng ganitong kalapit?" tanong ni Ivory dahil na aamoy niya ang hininga nitong amoy bubble gum na mint flavor.
"How about you, nag paganda ka pa ba para lang humarap sa akin."
"Of course not! Itong mukhang ito," itinuro pa ni Ivory ang sariling mukha.
"Ako lang ito, In born na isang sangre'" aniya sabay tulak kay Chase pero hindi ito nagpatinag kaya si Ivory ang napasandal sa upuan niya. Ngumiti naman si Chase na muling inilapit ang mukha sa mukha niya.
"Sa tingin mo may choice ka pa dito, Ivory? tanong ni Chase na punong-puno ng kumpiyansa sasarili.
"You came here because you’re curious. Because you want something more than the life you’ve been living. And I can give you that. All you have to do is say yes." Inis naman na itinulak ni Ivory si Chase at tumayo ng sapilitan si Ivory dahilan para tumumba ang upuan niya.
"I don’t need you to fix me. And I'm sure as hell don’t need your offer." galit na wika ni Ivory na hindi na nakapagtimpi.
"Wala akong balak makipagtransaksyon sa’yo." Ngumiti lang naman si Chase na tumingala sa kanya na hindi nabago ang pagkakaupo.
"You’re not in control here, Diwata. You never were. You’ll do this for me. Because you have no other choice." wika pa ng binata na tumayo at namulsa na tumingin kay Ivory.
"You’re wrong, Chase," ngumiti naman si Ivory, hindi niya bibigyan ng satisfaction ang kayabangan ng lalaking ito na masyadong feeling porket magandang lalaki.
"I have choices. And I’ll decide if you’re worth my time." ngumiti naman na umatras si Chase pero naroon pa rin ang nag-uumapaw nitong kayabangan at tiwala sa sarili.
"We’ll see about that, won’t we? But just remember, Diwata... I don’t take no for an answer." Naglakad na si Chase patungo sa pintuan at binuksan iyon habang hindi kumukurap na nakatingin kay Ivory.
“Three days, Ivory, you have three days to decide... Again and then we’ll move forward. No turning back." wika pa ni Chase, inis naman na hinablot naman muli ni Ivory ang folder na dala. Kailangan na muna niyang umalis, hindi niya nasabi ang gusto niyang sabihin at itanong. Masyado siyang pinangungunahan ng takot sa lalaking ito na hindi naman niya alam kung bakit, hindi naman ito nakakatakot. Palabas na sana siya ng pigilan siya ni Chase sa braso na lumabas.
"After three days, I reveal everything. Every little lie, every performance na hindi ikaw ang nabigyan ng credit. Every drop of truth you tried so hard to bury." bigla na alarma si Ivory sa sinabi ni Chase, seryoso ba talaga ito sa pananakot nito kung mag no no siya.
"This is not love, Ivory. It’s healing and you’re the cure my body needs." wika pa ni Chase saka siya binitawan agad naman na umalis si Ivory na hindi lumilingon pero grabe ang impact ng dating ng huling sinabi ni Chase.
"Hay! Anna Ivory kainis ka, ano bang gulo itong pinasok mo." bulalas pa ni Ivory ng pumasok na ng elevator. Pag lingon naman niya pag pasok sa elevator nakita niya si Chase na malalaki ang hakbang at ewan ba niya bigla niyang kinahaban at kulang na lang duldulin niya ang button ng elevator para sumara ang pinto pero letseng pinto. Nakahinga na siya ng unti-unti ng mag sara ang elevator.
"Sara! Hold the elevator." malakas na sigaw ni Chase na narinig pa ni Ivory.
"Yes! Mr. Van Amstel." dinig niya sa isang speaker sa loob ng elevator na tuluyan ng muling bumukas ang pinto and the next thing happened. Chase had already cornered her in the elevator, and with burning desire, he captured her lips in a fierce, demanding kiss.