"Gutom na ako saan ba tayo kakain sa MCDO or Jollibee nalang tanong ni Jullien na nag yayang lumabas at kumain sa labas at na mimiss na daw nitong kumain ng fast food ng Pinas. Kabilin-bilinan ni Keira na wag niyang ipapahalata na alam na niya ang secret ni Julien basta manahimik lang daw siya at mag stay sa tabi in Julien habang hinahayaan siya dahil iyon daw muna ang kailangan ni Julien ngayon karamay hindi sympathy dahil lang may sakit ito. "KFC na lang tayo puno yung dalawa e, tagal mo kasing mag bihis ayan tuloy inabot tayo ng lunch." reklamo ni Ivory habang tulak-tulak niya ang stroller at naka akbay naman sa kanya si Julien na buhat naman ang baby nilang dala para kay Cross na payapang natutulog sa stroller. "May period ako ngayon kaya matagal akong maligo, sinasabon

