Kanina pa pinipigilan ni Ivory ang matawa habang nakatingin kay Chase na nakatulala sa ulam nilang nasa mesa. Katatapos lang nitong maligo at sa mga oras na ito mukha itong tanga sa damit na suot nito na damit niya. Well technically shirtless nanaman ito at minomolestiya na niya ito sa utak niya kaso wala naman siyang maipahiram na damit rito. Walang kasya putok lahat kaya ang nangyari ang dolphin short niya ang suot nito na parang boxer brief dito at kabado pa siya dahil sa bawat galaw nito para lalabas ang ulo ng alaga nito sa ilalim ng hem sa bandang hita. "Kung makatingin ka naman hindi naman yan sasabog." usal ni Ivory na naupo na sa mesa niya. "Is this… sardinas?" turo pa ni Chase na parang isang radioactive ang itinuturo nitong nasa gitna ng mesa niya. "Oo. May sinangag pa

