Kabado si Ivory nanlalamig ang kamay niya, inayos niya ang earpiece, ilang minuto na lang isasalang na siya sa championship ng himig ng bansa. Pinag handaan niya ang araw na ito nasa audience din ang pamilya niya at mga kaibigan na gustong manood ng live telecast. Ito na ang katuparan ng bagong pangarap niya, actually hindi naman talaga niya ito pangarap. Ito lang ang naisip niyang way para tuluyan ng makalayo kay Chase. Magiging busy na siya sigurado, tiyak araw-araw pagod na siya at mawawalan na ng puwang si Chase sa isipan niya. Hindi na rin sila madalas na mag kikita magagawa niya itong kalimutan at patayin ang damdamin niya para rito. Nagulantang naman si Ivory ng bigla nalang bumulaga sa dressing room niya ang frantic assistant na hindi manlang kumatok. At nag mamadaling nilapitan

