"Chase!" napatigil si Chase sa pag lalakad patungo sa sasakyan niya kasabay si Emerson na senenyasan niyang mauna na sa sasakyan. "Can we talk?" "Wala tayong pag-uusapan, hindi kita kilala." ani Chase na nilampasan na ang dalaga na wala siyang nakikitang bakas kahit konti na ito si Jamima. Malayong-malayo sa babaeng minahal niya noon, kahit konting kaba o lukso ng dugo wala siyang maramdaman rito. Ang tanging na raramdaman niya galit dahil sa mga press release na pinakawalan nito dati para sirain ang nobyang si Ivory. "Please, makinig ka naman sa akin kahit saglit lang... wala na talaga akong malapitan please." ani Donna na humarang sa pinto ng sasakyan. "Sana na isip mo yan panahon na halos mabaliw na ako sa sobrang galit." angil ni Chase na pilit na itinutulak si Donna paa

