Kabado si Ivory habang nasa loob siya ng isang maliit na recording studio na magiging audition venue niya. Kabado siya dahil naroon din ang Kuya Red niya natatakot siya baka mapahiya niya ito, dinamahan siya nito para mag audition at personal naman silang nag paalam sa parents nila at pinayagan naman siya ng ina. Kung saan daw silang masaya gawin nila at wala na daw pipigil sa kanila basta tandaan daw nila na hawak nila ang kapalaran nila at naroon lang ang mga ito para alalayan silang mag kakapatid. Kaya naman mas lalo siyang kinain ng konsensya niya sa sinabi ng ina, kapag kaya na niya aaminin na niya sa mga ito ang ginawa niyang kasinungalingan. Napatingin pa siya sa isang bright ring light, one camera. A small panel of producers and vocal coaches. Na nasa kabilang windows na nakiki

