LESSON 07 “Always The Second Best”

2498 Words
          “OLIVE, hindi ka muna papasok sa school ngayon.” Napahinto si Olive sa paglabas ng kanilang bahay sa sinabing iyon ng Daddy Leo niya. Tumingin siya dito habang nakaupo ito sa sofa at nakatutok ang mata sa telebisyon. “Pupunta tayo ngayon sa NBI para sa mga hayop na may kagagawan ng video mo sa social media. Magpapatulong na rin tayo para imbestigahan kung sino ba iyong dalawang lalaki na… na… bumastos sa iyo sa video.” Paano ba niya sasabihin dito na patay na ang dalawang lalaking iyon? Si Dustin lang naman ang pinaghihinalaan niya at iyong tinawag nitong ‘Kris’ dahil ang dalawa ang huli niyang nakasama bago siya nawalan ng ulirat. Saka sa masusing panonood niya sa video, kahit pa hindi kita ang mukha ni Dustin ay nakilala niya ito base sa bulto ng katawan at taas nito. “Olive, you can’t say no—” “Patay na po sila, daddy.” Mabilis niyang sagot. Siguro ay dapat na niyang aminin sa mga ito ang kaniyang hinala at nalalaman. Kumunot ang noo nito sabay tayo. “Anong sinabi mo? Tama ba? Patay na? Who?” May pagtatakang lumapit ito sa kaniya. “Iyong dalawang lalaki na nasa video… sila din po iyong lalaki na pinatay sa bahay ng kaklase kong si Courtney Guevarra.” “Totoo ba ang sinasabi mo?” Tumango si Olive. “Opo. Kaya sana ay huwag na nating pag-usapan ang tungkol sa video at pagsasampa ng kaso. Ang gusto ko na lang pong gawin ay kalimutan ang parteng iyon ng aking buhay. Bugbog na po ako sa pamba-bash sa social media. Baka mas lalo nila akong putaktihin kapag nagsampa pa tayo ng kaso.” Pinilit niyang patatagin ang kaniyang pagsasalita para hindi nito mahalata na gusto na niyang maiyak habang binibitawan ang mga salitang iyon. “Olive…” “Papasok na po ako, daddy. `Wag kayong mag-alala sa akin. Magiging okay din po ako.” Isang pilit na ngiti ang pinakawalan niya bago siya tumalikod at tuluyang naglakad palabas ng kanilang bahay. Kailangan niyang umalis na dahil hindi na niya kayang pigilan pa ang luhang nagbabadyang kumawala sa kaniyang mga mata.   NAKATANAW si Israel sa kalawakan ng Wellington High habang nasa rooftop ng school building. Mula doon ay kita niya sa ibaba ang mga estudyanteng may kaniya-kaniyang ginagawa. Wala silang first subject ngayon dahil absent ang kanilang adviser na si Teacher Alona. Naka-leave ito dahil kailangan daw magbantay sa may sakit na nanay. Iyon ang narinig niya. Nagulat siya nang may biglang tumakip na mga kamay sa kaniyang mata. Napangiti si Israel dahil alam niyang si Olive iyon. Pagkagising niya kanina ay tinext niya ang nobya na magkita sila dito sa rooftop. Monthsary kasi nila ngayon at may ibibigay siya ditong chocolates. “Olive. Alam kong ikaw iyan,” aniya sabay hawak sa mga kamay sa kaniyang mata. “Seriously?! For sure, mas malambot ang kamay ko sa babaeng iyon.” May inis na humarap si Israel nang magsalita ang tao sa likuran. Hindi iyon si Olive kundi si Dominique. Nakasimangot ito ngunit agad na ngumiti. “Na-surprise ka ba, babe?” tanong ni Dominique. “Don’t call me babe—” “But iyan ang tawagan natin. Babe.” Talagang ipinagdiinan pa nito. “Iyon ay noong tayo pa. Pero matagal na tayong tapos. Tama na ang ilusyon. Gumising ka na. Hanggang ngayon ba ay umaasa ka pa rin na babalikan pa kita?” “Ang dami mo namang nasabi!” Maarte nitong itinirik ang mga mata. “Gusto lang naman kitang makita. I want to know kung okay ka lang after na malaman mong nakikipag-s*x si Olive sa ibang lalaki. Two boys to be exact.” “Iyan lang ba ang pinunta mo dito, Dominique? Ang laitin sa harapan ko si Olive. Saka hindi siya nakipag-s*x. Inabuso siya. Magkaiba iyon.” “Nandito din ako para ipakita na mas better ako sa kaniya!” “Mas better? Hindi ikaw ang dapat nagsasabi niyan. Self-proclaimed ka rin, e.” Iniwanan ni Israel si Dominique doon. Ayaw niyang masira nang tuluyan ang araw na ito dahil espesyal ito sa kanila ni Olive. Kaya mas maigi na huwag na siyang makipag-usap pa sa ex-girlfriend niya. Pagbaba niya ng rooftop ay nagkasalubong sila ni Olive. Paakyat na sana ito. Nagulat pa ito nang makita siya. “Akala ko ba ay sa rooftop tayo magkikita—” Nagtaka siya nang mapansin na natigilan si Olive sa pagsasalita. Nakatingin ito sa may likuran niya na para bang may nakita itong hindi nito inaasahan. Lumingon siya dahil sa kuryusidad. Nanlaki ang mata niya nang makita si Dominique sa kaniyang likuran. Magulo ang buhok, burado ang lipstick at nakabukas ang dalawang unang butones ng blouse nito. “That was so good, Israel! Thanks!” Kumindat ito sa kaniya at nag-fying kiss pa. Pakembot-kembot itong naglakad palayo. Nababahalang ibinalik niya ang tingin kay Olive. “Kung ano man ang iniisip mo—mali.” Agad niyang sabi. Nakanganga si Olive at halatang nagulat. “G-galing din siya sa rooftop?” “Yes. Pero—” “Bakit ganoon ang ayos niya? May ginawa ba kayo, Israel?” May pagdududang tanong ni Olive. “Wala!” Mabilis na sagot ni Israel. “Hindi ko nga rin alam kung bakit siya nandoon. Bumaba na lang ako kasi kung anu-ano na ang sinasabi niya. Olive, kilala mo si Dominique. Sinungaling siya. Nagkunwari lang siyang may ginawa kami para guluhin tayo.” Tumahimik lang si Olive. Nakatingin ito sa mata niya na para bang inaalam nito kung nagsasabi siya ng totoo. Inabot niya ang isang kamay ng nobya at ikinulong sa dalawa niyang kamay. “Olive, alam mong hindi ko magagawa iyon sa iyo. Huwag mong hayaan na magtagumpay si Dominique sa gusto niyang mangyari…” Humulagpos ang kamay ni Olive. “S-saka na lang tayo mag-usap, Israel. M-may gagawin pa pala ako.” May inilabas itong isang maliit na box sa bag nito at ibinigay sa kaniya. “Happy montsary,” anito at nagmamadali itong naglakad palayo. “Olive!” habol na sigaw niya pero hindi na ito bumalik. Gusto man niya itong sundan ay mas pinili na lang niyang hayaan ito na mapag-isa. Maiisip din naman siguro ni Olive na kung ano man ang iniisip nito ay hindi niya iyon magagawa. Binuksan niya ang box na ibinigay nito at muntik na siyang mapaiyak nang malaman na ang laman niyon ay ang wristwatch na matagal na niyang gustong bilhin sa isang store sa mall.   ANO bang meron sa umagang ito ay parang quota na si Olive sa pag-iyak? Alam niya na nagsasabi ng totoo si Israel lalo na at kilala niya si Dominique. Ngunit hindi niya mapigilang hindi masaktan na malaman na nag-usap ang dalawa. Tumakbo siya at pumunta sa library. Bago pumasok doon ay itinigil muna niya ang pag-iyak. Meron pang kalahating oras bago mag-umpisa ang second subject nila. Ayaw naman niyang magpalipas ng oras sa classroom nila dahil mas lalo lang masisira ang araw niya doon. Sigurado siya na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng mga kaklase niya ang video niya at ang theory ni Dominique na siya ang pumatay kina Courtney at Mr. Gaston. Mabuti pang magbasa na lang siya ng aklat. Ayaw niya na tumingin muna sa social media dahil puro pamba-bash lang sa kaniya ang nababasa niya. Ang iba ay pinagtatawanan pa siya at sinasabihan ng malandi. Nasa loob na ng library si Olive. Walang estudyante na naroon. Ang tanging tao ay ang librarian na abala sa cellphone nito. Nakakalungkot lang isipin na tila nababalewala na ang mga silid-aklatan ng mga kabataan dahil sa internet. Para kasi kay Olive ay mas maganda pa rin ang magbasa ng aklat. Sabihin mang makaluma ngunit doon siya nakakakuha ng kapayapaan. Sa pagbabasa ng mga aklat ay marami siyang nakukuhang bagong impormasyon at dinadala pa siya nito sa iba’t ibang mundo o lugar na hindi niya kayang mapuntahan. Napunta siya sa book shelf kung saan nakalagay ang mga fairytale books. Kumuha siya ng tatlo. Iyon ang naisip niyang basahin at baka sakaling sumaya ang utak niya kahit saglit. Sa dami ng problemang pinagdadaanan niya ngayon ay kailangan niya ulit maniwala sa “happy endings”. Humanap siya ng magandang pwesto. Napili niya ang table na malapit sa airconditioner. Mas maganda doon dahil mas malamig. Umupo na si Olive at itinuon ang sarili sa pagbabasa. Naantala ang pagbabasa niya nang may pumasok na isang estudyanteng babae. Ngayon lang niya ito nakita. Mahaba ang buhok na may pagka-pula ang kulay. Maganda ito at akala mo ay isang modelo kung maglakad. Umupo ito sa lamesang nasa harapan niya. May makapal na aklat itong dala. Matapos na tingnan nang mabilis ang bagong dating ay ibinalik na niya ang atensiyon sa aklat na binabasa. Ngunit nawala siya sa konsentrasyon nang malutong na tumawa ang babae. “Silence!” saway ng librarian. Napailing si Olive. Hindi ba alam ng babaeng iyon na bawal ang maingay sa ganitong lugar? Hindi pa man siya nakakabalik sa pagbabasa ay narinig na naman niya ang mahinang pagtawa ng babae. Mukhang hindi na ito narinig ng librarian dahil hindi na ito sinaway. Palihim niyang tiningnan ang babae dahil curious siya kung bakit ito natatawa. Doon niya nakitang nakatingin din ito sa kaniya at pigil ang tawa. Siya pa ang nahiya sa pagkakahuli nito na tinitingnan niya ito kaya itinago niya ang mukha sa likod ng aklat na hawak at nagkunwaring nagbabasa. Nagulat siya nang may kumuha ng hawak niyang aklat. “Seryoso ka ba sa binabasa mo? Cinderellas? Beauty And The Beast? Snow White And The Seven f*****g Dwarves?” Muli itong tumawa. “B-bawal ang maingay dito. Mapapagalitan ka. Saka ano bang pakialam mo kung gusto kong magbasa ng fairytale?” “Look.” Inginuso ng babae ang librarian. May earphone na ito sa tenga. “Hindi na niya tayo maririnig.” Nakakatakot itong tumingin. Matalim kahit na nakangiti ito. Para bang hinahalukay nito ang kaloob-looban mo hanggang kaluluwa sa paraan ng pagkakatingin nito. Inilayo ni Olive ang tingin niya sa babae dahil hindi niya kayang makipagtitigan dito nang matagal. “K-kahit na.” Iyon lang ang nasabi niya. Umupo ito sa upuan sa kaniyang harapan. “Alam mo, Olive, hindi dapat mga ganiyang ka-s**t-an ang binabasa mo. Fairytales are f*****g lies! Pinipilit nila tayong maniwala sa happy endings. Walang gano’n, Olive. Alam mo iyan.” “Teka, paano mo nalaman ang name ko?” Takang tanong ni Olive. “Bukod sa ID mo? Napanood ko ang video. Kalat kaya iyon!” Nanlaki ang mga mata ni Olive. Paano nito nasabi ang mga salitang iyon na para bang wala lang dito? Kaswal lang itong magsalita. Isinukbit na niya ang bag sa kaniyang balikat at akmang tatayo na sana nang muling magsalita ang babae. “Ganitong aklat ang dapat na binabasa mo.” Walang sabi na dumukwang ito at hinila ang bag niya. Binuksan nito iyon at inilagay ang makapal na aklat sa kaniyang bag. “Ayoko—” “By the way, my name is Helga. New student here kaya ini-expect ko na magiging nice ka sa akin. We can be friends, Olive.” Ngumisi ito sabay lahad ng kamay. Hindi niya inabot ang kamay ni Helga. Hindi niya gusto ang pagiging pakialamera nito kaya paanong magiging magkaibigan sila. Umalis na lang siya sa library upang iwasan ang babaeng iyon.   “OMG! What is this? May film showing ba?” May inis na napabuga ng hangin si Dominique nang marinig ang sinabi ni Camila. Nasa gym sila ng Wellington High ng oras na iyon. First break at pinatawag niya ang lahat ng estudyante sa gym para sa isang importanteng bagay para sa kaniya. Merong naka-set up na projector sa unahan at malaking projector screen. Unti-unti nang nagpupunta ang mga estudyante doon. “Stupid b***h! Hindi ka ba nagbabasa ng GC natin?” mataray na turan ni Yasmine kay Camila. “Ipapakita ng ating newest Queen b***h na siya na ngayon ang top one sa Mirror!” “Malay ko ba. Nagbasa ako pero sa ibang GC. Doon sa GC ng nagbebenta ng mga kittens!” “Bakit hind sa GC ng nagbebenta ng utak, Camila? Hindi kittens ang kailangan mo kundi utak!” Patuloy na pagtataray ni Yasmine. “Shut up!” awat ni Dominique. “Pwede ba? Kung mag-aaway kayo ay magpatayan na lang kayong dalawa? Para isa na lang ang matira sa inyo! Nakakarindi na iyang mga bibig ninyo!” Umirap siya at humarap kay Jazzy. Inabot nito ang wireless microphone sa kaniya. “Now na ba?” tanong ni Jazzy. Tumango lang siya. Humarap na siya sa napakaraming estudyante at nagsalita. “Today is a very special day for me kaya gusto kong ma-witness ninyong lahat ang milestone na ito sa life ko. Alam niyo naman na palagi na lang akong nasa second spot ng Mirror dahil si Courtney ang palaging top one. Ngayong wala na siya, alam naman nating lahat na ako na ang top one sa Mirror. Kaya gusto kong ma-witness nating lahat ito!” Very confident na wika ni Dominique. Nag-flash na sa projector screen ang website ng Wellington High. “Get your phones ready, guys! Take videos ang pictures. This is gonna be fun!” patuloy ni Dominique. “Sabay-sabay nating isigaw ang chant ng Mirror!” At sabay-sabay na sumigaw ang lahat habang nakatutok ang mata at cellphone camera sa screen projector. “Mirror, mirror on our phones… who’s the fairiest of them all?!” Pinindot na ni Jazzy ang tab para sa Mirror. Ang cellphone kasi nito ang nakakabit sa projector. Pagpindot ni Jazzy ay nag-flash na sa malaking screen ang top five na babae na nasa Mirror’s list. Nandoon ang pangalan at picture ng limang babae. Nawala ang malaking ngiti ni Dominique nang makita niyang hindi siya ang nasa top one kundi si Olive Aurora! Pangalawa lang siya. Sumunod si Jazzy, Yasmine at Camila. Umugong ang bulungan. May naririnig pa siyang nagtatawanan. Alam niyang siya ang pinagtatawanan ng mga iyon dahil sa pagkakapahiya niya. No! This is not happening! Hindi makapaniwalang tili ng utak ni Dominique. “OMG! Number one si Olive! Congrats to her!” Kaswal lang na sabi ni Camila. Nang sandaling iyon ay parang gusto na lang ni Dominique na lamunin siya ng lupa. Pahiyang-pahiya siya dahil inaasahan niyang siya na ang magiging number one sa Mirror. Napahiya siya sa harap ng lahat ng estudyante ng Wellington High at ang masakit pa ay si Olive ang tumalo sa kaniya. Paanong nangyaring si Olive ang nasa top? Ni minsan ay hindi ito pumasok sa listahan ng Mirror! Glitch ba iyon? Nagkamali lang ba ang website ng kanilang school? “T-take that down…” Nanginginig ang boses na sabi ni Dominique. Walang pumansin sa kaniya. “I said, take that down!!!” Malakas niyang sigaw. Nang wala pa ring kumikilos ay siya na ang lumapit sa projector at ibinalibag iyon sa sahig. Hindi pa siya nakuntento at sumisigaw na itinumba pa niya ang projector screen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD