Dahil sa pagdampi ko ng ice sa aking mukha at mga mata, nabawasan ng konti ang pamamaga ng aking mukha at mugto kong mga mata. Medyo namumula pa rin pero mas okay na ang itsura ko. Naghanda ako para sa training ko with Evi at nagsuot lang ako ng leggings at mahabang top. Nagbaon din ako ng ibang damit, high heels at tumbler na may lamang tubig. Kasama si Dakila at ang magkakapatid na sumakay sa kani-kanilang sasakyan, habang si Quartz naman ang nasa aking tabi, umalis na kami. Mahigpit niyang hawak ang kamay ko na pinipisil niya, lagi niya ding tinatanong kung okay lang ba talaga ako. Humingi din ako ng tawad sa kanya dahil sa inasta ng Nanay ko sa kanila. Nagulat din kasi sila at gano’n ito kalamig, eh, parang pangalawang ina ang turing nila rito. Nang dahil lang sa naging desisyon ko, ak

