Omad’s POV “Nandito na ko!” Sabi ko nang makapasok na ako ng apartment at sinara ko ang pinto. Pang-umaga na naman ang duty ko kaya gabi na naman akong nakauwi mula sa aking trabaho. Pagharap ko nagulat ako nang biglang sumulpot si Dakila sa aking harapan at seryoso ang kanyang mukha. Bigla akong nag-alala dahil baka may nangyari na naman kay Tina. Baka nahirapan siya sa training niya at masama ang trato sa kanya ng kanyang trainer. Tatanungin ko na sana siya pero hinawakan niya ang braso ko at hinila niya ako palapit. Nagulat na lang ako nang hinalikan niya ako na may pagka-marahas. Takang-taka naman ako, hinapit niya pa ang aking bewang at pilit niyang binubuka ang aking bibig. Nag-slide pababa ang aking bag na nakasukbit sa balikat ko at hinawakan ko ang kanyang mukha. Tumugon ako s

