Chapter 58 (Decisions) Prince Air's POV Nagulat ako noong sinabi ni King na si Night ang magiging hari. Akala ko pa naman noon na siya ang susunod. Yun din ang sabi ng kanyang ama. Hindi kasi ganoon ka-close si Night sa mga magulang niya. Napalingon naman ako kay Layt. Hindi naman ako against sa relationship nila. Gusto ko nga silang magkatuluyan. Si Night lang naman talaga. Oo naging sarado ang pag-iisip namin noon dahil sa pagkamatay niya. Hindi namin matanggap. Malaki rin ang pasasalamat ko kay King. Hindi siya yung sinisisi ko. Pero dahil kay Night, may pagkainis akong naramdaman kay King. Nahalata ko naman na may gusto pala talaga si Night kay Laytina. Nag-usap-usap kaming magkakaibigan habang wala si Night. Sinabi rin ni Ice na may gusto si Night. Si Cupid ayaw magsalita. Spea

