Chapter 57 (Celebration) Layt's POV Kinaumagahan ay pumunta kami sa palasyo kung nasaan ang aming mga magulang. Unang beses ko pang dito simula noong pagbalik ko rito. Hanggang ngayon ay manghang-mangha pa rin ako sa aming tirahan. Magkaiba lang ang kulay na umaaligid sa aming palasyo. Karamihan ay dilaw ang kumikintab. Puti ang palasyo na may halong silver. Sobrang laki rin nito katulad ng kila King. Napahawak naman sa aking kamay si King dahil nandito kami sa lugar kung saan ako nawala. Parang natatakot siya. Hindi niya binibitawan ang aking kamay. Maya-maya ay darating na rin ang mga kabarkada namin dahil nalaman nilang nandito na ulit si Light. Alam kong masaya sila. Kaso baka pagnakita nila kami ni King na magkasama ay baka magkagulo. Ipaglalaban ko si King. Wala silang alam. Hin

