Chapter 56 (Memories-Light) Layt's POV Nakasandal ako ngayon sa kanyang balikat. Nagpapalipas kami ng gabi. Gumawa naman ng apoy si King para hindi kami malamigan. Nakasalalay ang kanyang bisig sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na may boyfriend pala ang Laytina Chua. Natataws nga ako e. Isang malas na babae noon ay boyfriend ang isang Prinsipe. At ang matindi doon, Prinsesa pala ako. Teka di ba may kakambal ako? Nasaan siya? "King?" Tanong ko sa kanya. Nagmulat naman siya ng kanyang mga mata. "Nasaan ang kambal ko? Di ba may kambal ako?" Tumango naman siya. "Actually, hindi ko alam exactly. Ikaw kasi ang nakakaalam kung saan mo siya iniwan. Narinig ko lang na sa may healing tree mo siya iniwan. Sa loob ng puno." Napangiwi naman ako. Paano ko matutulungan ang kapati

