Chapter 2 (Meet Ms. Cupid and the five Princes)
Laytina's POV
Nandito ako ngayon sa Dorm ko. Parang Condo lang! Ang ganda! Hahaha dito na ako forever! Hindi na ako aalis dito! Aba san ako pupulutin kung aalis pa ako dito diba? Pero teka, pano nga ba makaalis dito? Nevermind!
"Layt yung mga kailangan mo para sa dito sa dorm mo ay kumpleto na ah! Tsaka may walk-in closet ka dito." Ika naman ni Fairy. Tumungo naman ako sa kanya.
"Ang yaman naman ng namamahala sa Academy na to. Lahat na ng kailangan ng mga Magical Vampire ibinigay niya. Wow lang ha! Pinakamayaman na ata yung sa buong mundo, mapa inside and outside!"
Naglakad-lakad ako sa loob. Ang ganda talaga! Yellow pa ang pintura ng loob! Favorite color ko! Ang sarap tingnan kasi, maliwanag!
"Layt hindi kami gumagamit ng pera dito, yang mga nakikita mo sa loob ng dorm ay gawa lang din sa majica. May mga magical vampire na ang ability ay 'to create' gets mo? Meaning lahat ng nakikita mong bagay ay ginawa lang din ng kapwa nating bampira." Paliwanag naman niya sa akin. This world is interesting. Kakaiba.
"Wow ang cool talaga! Ikaw fairy, anong ability mo?"
"Syempre mag Magic!" Pilosopong sagot niya. Inirapan ko naman siya.
Nagpeace sign naman siya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"De seryoso na nga, i can teleport. Pwedi din akong magsama ng iba. Kaya ko rin gumawa ng portal kung saan saan. Yung hinulugan mo papunta mo dito, ako naggawa nun ha-ha peace!"
Napanganga naman ako dun. Dami niya palang ability ha! Tapos nalipad-lipad pa siya! Nakanang naiinggit ako! Hindi, mahal ko naman ang ability ko no, baka magtampo haha.
"Ayt i forgot! May klase ka pala ngayon! Hala dali iteteleport kita! Late kana!"
Nanlaki naman ang mata ko! Nakakaloka ang fairy na ito! Hindi ko alam na ngayon na pala ang unang araw ng pagsasanay!
Agad namang humawak si fairy sa akin. Pumikit ako, baka may makita na naman akong optical illusions eh, ikamatay ko pa!
Napamulat ako. Nasa tapat kami ngayon ng isang room. Bigla akong kinabahan. Paano ba naman Section A ang nasa tapat ko! Ibig sabihin Highest section ako?!
"Fairy baka mali tayo ng napuntahan?"
Tumingin siya sakin at umiling.
"Pumasok kana. 10 minutes ka ng late." Napangiwi naman ako. Kinabahan ako. Baka kasi nasundan talaga ako ng kamalasan dito
"Ih nahihiya ako! Kaw kasi!"
"Wag ka ng mahiya!" Pag-uudyok naman niya sa akin.
Bigla niya akong tinulak. Sa liit niyang yun nagawa niya akong itulak ng ganoong kalakas? What? Ibang klase din siya.
Napatingin ako sa paligid, lahat sila nakatingin sakin. Halatang gulat na gulat ang lahat maliban dun sa mga lalaking nasa likod na nakatingin lang sa akin. Oh wait, sila yung nakabunggo ko kahapon!
Tumingin naman ako sa likod ko. Wala na si Fairy! Humanda sakin mamaya yun! Titirisin ko siya sa galit! Pinahiya niya ako.
"Sino ka?" Tanong ng guro siguro?
Ngayon ko lang napansin na ang awkward ng pagkakatayo ko. Nakayuko pa pala ako. Napatuwid tuloy ako bigla at nagsitawanan naman ang mga kaklase ko. Minamalas na naman ako.
Pero wow tumawa? Akala ko forever simangot na sila e.
"Uhm I'm sorry i'm late miss. I'm Laytina Chua, Layt for short."
Nagsitahimikan naman ang mga kaklase ko. Pati yung teacher nagulat pero nakabawi agad.
"What's your ability Miss Layt?" Tanong naman ni ma'am.
Tinarayan naman ako ng matandang teacher na to. De joke, maganda sya at hindi siya matanda dahil wala namang matandang bampira kaso mas maganda ako! Pero syempre biro lang.
"Bubble."
"Attention everyone, don't dare to call her layt.. or else your life will be like living in hell. Call her bubble, got it?" Ika naman nung lalaki. Sobrang cold niya. Siya na ata ang pinakanakakatakot sa mga kaklase ko.
Napatingin ulit ako sa kanya. Bakit kaya ang sungit ng isang to? Kahit na wala siyang emosyon, nararamdaman ko ang pagkasungit niya. Siya yung nakabangga ko kahapon. Napasimangot naman ako. Bubble daw itawag sa akin? Pauso niya.
Naiinis ako! Ang Yabang niya letse! Tapos sa unahan lang nila yung bakanteng upuan! Yung upuan na katabi nung babaeng pula ang buhok. Oh ang ganda niya.
"Umupo ka na miss bubble beside miss Cupid."
Ngumiti naman yung babaeng nagngangalang Cupid. Yung kulay pula ang buhok. She's really pretty. Sana maging friend ko siya.
Umupo na ako sa tabi niya. Tapos humarap siya sa akin. Ngumiti siya nang sobrang lapad. Napatingin naman ako dun sa limang lalaking nasa likod lang namin, nakatingin lang sila kay Cupid.
"Hi! Just call me Cupid since friend na tayo!"
Napausod naman ako sa kabila. Yayakapin niya sana ako pero tinaasan ko siya ng kilay. Anong problema nito?
"Friends na tayo? Kakakita ko lang sayo ah?"
Bigla naman siyang sumimangot. Parang ang lungkot niya bigla. Nakonsensya naman ako. Ngumiti uli siya kaso parang pilit lang.
"So-Sorry."
Mas lalo tuloy akong nakonsensya.
"Uy joke lang, syempre friends na tayo!"
Nginitian ko naman siya tapos nagulat siya, as in ang laki ng pagkakanganga niya. Bigla niya akong niyakap. Bigla akong napangiti ng wala sa oras. I felt safe. Ang gaan ng loob ko sa kanya.
"Later magkukwento ako sayo Layt." Tumango nalang ako sa kanya bilang pag sang-ayon.
Nagulat naman ako kasi tinawag niya akong Layt. Pero pabulong niya lang sinabi para hindi magalit yung lalaking emotionless sa likod namin. Nacurious tuloy ako kung sino ang mga ito.
"Okay Class, ang araw na ito ay para idiscuss ang nakaraan. Para ito sa mga baguhan." Pagkuha naman ng atensyon ni Ma'am sa amin.
"Nakikita niyo ba ang paligid? Madilim hindi ba? Yan ay dahil sa pagkawala ng nag-iisang Magical Vampire Princess. Ang Prinsesa Light. Siya ang tanging nagbibigay liwanag sa Mundo natin, Mundo ng mga Magical Vampire. Oo nga pala, dalwa ang mundo ng mga bampira, ang isa ay ang mundo ng mga tao at ang isa pa ay ang mundong ginagalawan natin. Once na nasa Magical Vampire's World na kayo, hinding hindi na kayo makababalik pa sa mundo ng mga tao. Isa lang ang tanging nakakalabas at nakakabalik dito. Si Fairy lang."
Oh si Fairy pala haha. Naks ang galing ni Fairy! Hanga na ako sa kanya. Akalain mo yun? Kasa-kasama ko lagi yung tutubi na yun!
"Si Fairy, alam kong ni isa sa inyo ay hindi pa siya nakikita. Kahit ako hindi pa siya nakikita. Actually, ang nakakakita lang sa kanya ay ang mahal na hari at ang mga may matataas na katungkulan. Miski ang mga Prinsipe ay hindi ito nakikita. Tama ba ako Prinsipe Fire?"
Nagsilingunan naman ang mga kaklase ko sa likod kaya automatic napalingon din ako sa kanila. Alam ko na, Yung kulay pulang buhok siguro si Prinsipe Fire. Wow isa pala siyang Prinsipe! At ang gwapo niya! Mukha lang masungit!
"Yeah" Sagot naman nito.
Susmiyo ang sungit nga. Pero yung mga babae halos umirit na dahil sa kilig. Hay nako marami rin palang malalandi dito. Si Cupid naman ay nagdo-drawing lang. Mukhang hindi nakikinig. Pero infairness ang galing niya!
"Sa mga importanteng bampira lang siya nagpapakita. Para lang siyang si Tinkerbell, maliit na may parang tutubing pakpak. Kaya niyang gumawa ng mga lagusan at kaya niya ring magteleport. Yun ang bali-balita pero sigurado kaming totoo yun dahil nagmula yun mismo sa mahal na haring Duke. Kilala niyo naman si King Duke diba? Ang ama ni Prince King."
King Duke tapos Prince King? Pinaglololoko ata ang ng teacher na to eh. Batuhin ko na kaya to? Kala ko si Prinsesa Light ang anak nun? E sino naman tong Prinsipe Fire? Naguguluhan na ko ng bongga ah?
"Ang limang Prinsipe ay kasama niyo ngayon sa kwarto na ito. Please come forward Princes."
Nagulat ako nang nagsitayuan ang limang lalaking nasa likuran namin. Kasama si Prinsipe Fire. Napatakip ako ng bibig ko. Omg nakabangga ko pa naman yung isa sa kanila. Yung pinakamasungit pa! Nakakahiya.
Napatingin naman ako kay Cupid. Hala siya at natutulog na ngayon. Ayos din tong babaeng to eh. She's so different.
Yung mga kaklase kong babae ay tilian nang tilian. Kaming dalwa lang ata ni Cupid ang mga walang pake sa limang ito. Ay syempre curious lang ako sa estado nila sa buhay. Hindi naman ako isa sa halos mamatay na kakatili para lang sa mga lalaking iyan. Grabe ewan ko ba kung bakit uso pa rin ang popularity sa mga vampire. Miski sa Vnight Academy ganito eh. Sabagay gwapo naman kasi talaga yung lima. Hindi ko nga masabi kung sino ang pinakagwapo. Nakakalito kasi.
"Introduce."
Hindi ko alam bakit natutulog ang babaeng ito. Bampira nga kami diba? Pero sabagay, kahit bampira, napapagod din. Kahit ako natutulog din eh. Masarap matulog no!
"I'm Prince Fire. Of course my power is all about fire. That's all."
Tapos Umalis na siya sa unahan at dumiretso sa upuan niya. Grabe walang modo ito. Nag-introduce pa siya? Wala namang kwenta sinabi niya. So obvious.
"I'm Prince Rock. My ability is about Environment or earth element. I can control the ground. One more thing, don't dare to fall in love with me because i hate LOVE."
Eh? Wow He hates LOVE? Grabe lang ha? Pakialam ko ba sa kanya. Tapos napansin kong tinapunan niya ng tingin ang natutulog na si Cupid. Naks baka magkaaway sila? Kasi he hates Love tapos eto si Cupid diba about love siya? So meaning may kinalaman sa Love ang ability ni Cupid? Siguro nga.
"I'm Prince Air, the most handsome Prince in this world or maybe in the universe." Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko. Napapairap nalang ako sa kawalan.
Bagay sa kanya yung Panagalan niya, MAHANGIN! Napakayabang ng isang to. Hindi niya siguro alam ang salitang humble. Tapos kulay puti pa yung buhok.
Napatingin naman ako dun sa lalaking blue ang kulay ng buhok. Wow. Ang gwapo niya. Bakit nagwapuhan ako sa kanya e halos lahat naman sila gwapo? Pero iba kasi ito? Medyo kahawig niya si Prinsipe Fire. Pero mas type ko ito. Aw what am i thinking? This is bad.
"Prince Ice."
Tapos naglakad na siya pabalik. Lahat napanganga sa kanya. Two words lang ang sinabi niya pero ang lakas na ng dating. Ang cold niya. Yung kulay blue na buhok niya ay sobrang bumagay sa kanyang itsura. Naks base talaga sa pangalan nila ang kulay ng buhok nila e no? Pero ang cool niya kahit Cold looking siya. Walang emotion ang makikita sa kanya, Poker face. Gusto ko yan sa lalaki! Pahard to get! De joke lang.
Tapos napatingin siya sa akin. Umiwas agad ako ng tingin. Sa dami ng nakatingin sa kanya, sa akin pa siya titingin? O sadyang assuming lang ako? Baka naman kay Cupid? Hindi e, medyo mataas tingin niya. E wala naman na akong katabi sa kaliwa, pader na.
"Prince King. The four elements are my magic. Strongest Magical Vampire."
Four elements? Meaning yung magic nung apat na princes ay nasa kanya din? Strongest pa, kaso mayabang e. Siguro lahat nung kasamaang ugali meron yung apat ay nasa kanya din? Di na ko magtataka kung bakit ganan siya umasta.
Tapos bumalik din siya sa pwesto niya pero bago yun, sinamaan niya muna ako ng tingin. Hala ano bang ginawa ko sa lalaking yun? Gawa ng pagkabunggo ko sa kanya? E nagsorry naman ako. Siguro pumasok ako sa malaking gulo. Don't mess with them ika nga.
"Listen, all of you must follow or obey the five princes. Please respect them because they are the most powerful, especially prince king. We don't know if there are enemies in our world so our magic must be enhanced. Please always cooperate with our activities."
Kinilabutan ako nang tumingin sa banda namin yung masungit na teacher. Nakita niyang natutulog si Cupid! Omg di ko alam gagawin ko. Kinulbit-kulbit ko si Cupid kaso waepek!
"MISS CUPID! WAKE UP, YOUR'E NOT LISTENING!" Malamang hindi nakikinig si Cupid. Natutulog nga diba?
Napatayo bigla si Cupid. Nakanganga pa. Ang epic ng mukha niya promise, pero hindi mo maikakaila na sobrang ganda niya. Kahit ganito ang reaction niya, wala pa ring kupas ang kagandahan. Lahat nung lalaki tutok sa kanya. Napatingin ako dun sa limang prinsipe. Para silang natatawa na ewan. Wow natatawa? Akalain mo na napapatawa ni Cupid ang mga to.
"Stupid Cupid" Bulong ni Prince Rock sa likod.
Tumawa naman lahat ng mga kaklase ko including the Princes, ako lang ang hindi. Halatang may galit nga ang isang to kay Cupid.
"I'M SORRY MAAM!" Paawa effect ni Cupid.
Tumango naman siya sabay pikit. Ang cute niya!
"GO OUT!"
Naawa ako bigla kay Cupid pero parang napansin kong bigla siyang ngumiti. Hala baliw ata to eh? Bigla naman siyang ngumiti nang pagkatamis-tamis.
"Eh ma'am matitiis niyo ba ako? Ako to si cupid, ang 'love of everyone's life'. Papalabasin mo ako? Kawawa naman ako huhu" Hindi ko alam bakit parang natatawa ako sa kanya. She's really crazy.
Ang mas nakakatawa ay may paawa effect si Cupid tapos parang iiyak na. Tapos may lumalabas na maliliit na heart sa kanya, ang bango nga tapos lahat ng lalaki ay nakatingin talaga sa kanya, walang kumukurap.
"Mautak talaga si Cupid, akalain mong gagamitin na naman niya ang mapang-akit niyang magic. Tsk." Ika naman ni Prince Fire. Saulo ko na agad ang pangalan nila.
So yun pala ang ability/magic ni Cupid? Pero i'm sure hindi lang yun yung kaya niya.
"I'm sorry miss Cupid i didn't mean it. Please Forgive me. Okay Class dismissed!"
Nauna nang umalis yung mga kaklase ko pati si maam na masungit. Hays buti naman tapos na ang mahabang araw na to tapos nagulat ako ng biglang tumawa ng malakas si Cupid.
"Huy problema mo?"
Halos maiyak-iyak na siya sa kakatawa.
"Eh kasi ang sungit-sungit ng teacher na yun! Wala naman palang binatbat sakin e! Ang sarap kaya matulog! Hay naku istorbo niya!" Napangiti naman ako. Pinipilit kong hindi tumawa kasi baka isipin ng iba na feeling close ako masyado kay Cupid.
"Hoy Cupid para kang tanga dyan." Pang-aasar naman ni Prince Rock. Ang sakit niya magsalita grabe.
Aba nagtitigan yung dalwa tapos parang may kuryenteng namamagitan sa mga mata nila at halos magpatayan na sa tingin.
Napansin ko namang nakatingin sa akin si Prince Fire at Ice. Nasa side ko sila. Kita ko sila pero hindi nila alam. Para talaga silang kambal. Nakakatakot yung tingin ni Prince Ice dahil ang cold talaga. Si Prince Fire naman ang sama nang tingin sa akin. Si Prinsipe King ay walang paki sa amin.
"Ang ganda mo naman Bubble, kaso mas maganda parin sayo si Cupid." Singit naman ni Prince Air.
Ouch naman. Alam ko naman yun, hindi niya na kailangan pang sabihin. Ang yabang talaga ng isang ito. Alam ko namang may gusto lang siya kay Cupid eh.
"Sinong may sabi sayo? Mas maganda kaya si Bubble!" Sagot naman ni Prince Rock.
Isa pa to. Halata namang inaaway niya lang si Cupid. Ginamit pa ako para inisin siya.
"Ewan ko sa inyo. Parehas kaming maganda, at anong pakialam niyo? Diyan na nga kayo! Tara Lay~~Bubble he-he" Napangiwi naman si Cupid dahil muntik niya nang mabanggit ang pangalan ko.
Hindi inaasahang napatingin si Prinsipe King sa amin. At alam niyo? Ayun halos mamatay na kami sa titig niya kaya tumakbo na kami ni Cupid.
"Whoooo akala ko i will feel my life living in hell! Haha nakakatawa talaga siya!" Napailing nalang ako kay Cupid.
Tapos bigla siyang tumawa kaya natawa na rin ako. Nakakahawa ang tawa niya.
Lumingon naman ako sa paligid. Hindi ko nakikita si Fairy. Aba nasaan na ang tutubing yun? Di kaya iniwan na ako?
"Alam mo, ang magic ko ay magpa-inlove. Parang si Mr.Kupido lang sa Greek Mithology! Kaya pag may nagustuhan ka, sabihin mo agad sakin hihi tutulungan kita!"
Napangiti naman ako. Pero hindi ba unfair yun? I mean dapat kung magkakatuluyan kayo nung lalaking gusto mo, dapat mahal niyo ang isa't-isa na walang halong majica. Pero hayaan na nga.
"Teka bakit nga pala parang sobrang magkakilalang magkakilala kayo ng mga Prinsipe?" Tanong ko naman sa kanya.
"Eh kasi kaibigan ko sila. Matagal na."
"Eh paano mo naging kaibigan yung mga Prince na yun? Buti nakatagal ka sa ugali nila."
"Simula nung ipanganak kami, magkakasama na kami kaya sanay na ako sa kanila. Tapos magkakaibigan ang parents namin kaso patay na ang mga magulang nila. Dahil nung ipanganak sila, lumabas agad yung magic nila kaya hindi kinaya ng mga nanay nila. Yung ama naman nila ay namatay na rin. Kasi dito, once na magpakasal ka sa taong mahal mo, yun na yung tinatawag na 'mate' mo. Kaya pag namatay ang mate mo, patay ka na rin. Si King Duke lang ang nakaligtas. Hindi namin alam kung paano nangyari yun. So ayun nga, basta magkababata kami. Sila rin ang nagbigay ng name ko na Cupid since napaligiran daw ng puso yung paligid nung pinanganak aki. Tsaka marami daw nai-inlove sakin kaya bagay na bagay daw ang Cupid. Sus hindi kaya masaya yun! Kaya ayun, todo protekta sa akin ang limang yun, parang magkakapatid na rin kami."
Nakakainngit naman siya. Ako ang past ko? Hindi ko alam eh.
"So sino si Princess Light?"
Bigla siyang nalungkot sa tanong ko.
"Hala okay lang kahit wag mo nang sabihin. Naiintindihan ko naman."
"Siya yung bestfriend ko. Kababata ko rin siya, namin. Kaso bigla nalang siyang naglaho na parang bula kaya ayun, kaming anim nalang ang natirang magkakasama. Nang dahil dun, maraming nalungkot at nabalutan ng literal na dilim ang paligid. Tignan mo, hindi man lang nababago ang setting diba? Nakakalungkot. Pero umaasa kami na babalik siya."
Niyakap ko naman siya para icomfort. Ramdam ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata.
"Babalik din siya, wag kang mag-alala."
________________________________
Magical Vampire Academy
By: April Jane Patricio