Chapter 1 (Start)
"Princess Light, be careful!" payo ng isang batang lalaki.
"Everything will be okay!" paninigurado ng prinsesa.
Para bang musika sa pandinig ng Prinsipe ang tawa ng magandang Prinsesa na nasa kaniyang harapan.
Matagal na siyang may lihim na pagtingin dito. Sino ba naman ang hindi mahuhulog ang loob sa isang prinsesa na sobrang ganda lahat ng tungkol sa kaniya?
Magandang pisikal na anyo, magandang ugali at ang maganda niyang mala-anghel na boses, ang siyang mapapansin mo sa kaniya.
"Wait, where are you going?" tanong ng batang prinsipe.
Tumitig ang Prinsesa Light sa Prinsipe, ang nag-iisang prinsipe na hindi siya iniiwan. Nakaramdam siya ng kalungkutan.
"Be happy, my Prince King," ika ng prinsesa.
Nagtaka naman ang Prinsipe sa sinabi niya. Alam naman nito na lagi siyang masaya, basta magkasama sila.
Napansin niya rin na nagsisimulang dumilim ang paligid. Napatingin siya sa Prinsesa. Laking gulat niya na nagiging bula na ito.
"Princess Light! What's happening to you?" nag-aalalang tanong niya.
Hindi alam ng batang prinsipe na napaluha na lang siya, dahil nang hawakan niya ito ay tuluyan nang naglahong parang bula ang prinsesa.
Nasilayan pa niya ang magandang ngiti nito. Saan siya pupunta? Iniisip ng prinsipe na babalik naman ito agad-agad.
Ilang taon na ring nawala ang Prinsesa. Ang Magical Vampire Academy ay pinangunahan ng lungkot. Hindi lang dahil sa pagkawala ng nag-iisang Prinsesa, isama mo pa na ang buong paligid ay nagdilim. Hindi man gaanong kadilim, pero wala na talagang sumilay na liwanag.
Si Prinsesa Light ang dahilan kung bakit may liwanag, pero simula nang nawala ito, wala na ring liwanag. Hindi lang iyon, tuluyan na rin nagbago ang ugali ng Prinsipe King, dahil sobrang masakit ang mawalan ng prinsesa sa mundo ng majica, ang nag-iisang prinsesa sa buhay niya.
Non-existing Princess, pero naniniwala pa rin ang mga magical vampires na babalik at magpapakita pa rin ang naturing na Prinsesa ng Kaliwanagan.
Laytina Chua's POV
Nakakainis! Bakit ba kahit bampira ay nagiging palpak? Naloloka na ako sa nangyayari sa akin. Bakit ba lagi akong palpak? Lagi na lang akong minamalas.
Binansagan ako na 'Reyna ng Kamalasan' ng mga kapwa ko bampira. Sa kanila pa mismo nanggaling ang katagang iyon.
Bampira ako, pero mukhang hindi lang halata. Palagi na lang kasing may nangyayaring kamalasan sa araw ko.
Lagi ba naman akong napapahiya rito sa Vnight Academy.
Lagi na lang akong pinagtatawanan at pinag-uusapan ng mga nakakasalubong ko.
Naiirita na nga ako. Hindi ko naman ginugusto ang mga nangyayaring kamalasan. Wala tuloy akong maituring na kaibigan dito.
"Aray," reklamo ko.
Napahawak ako sa aking pwetan. Nadulas na naman ako. Ang masaklap, sa putek pa. PUTEK talaga! I hate my life.
"Ang t*nga talaga ng babaeng ito," lait sa akin ng hindi ko kilalang babae.
"Oo nga, bampira pa naman din. Nakakahiya siya," sang-ayon ng kasama niya.
Ang daming nakatingin sa akin. Halos lahat sila ay natatawa sa nangyari sa akin. Wala man lang tumutulong.
Naiiyak na naman ako. Pinagbubulungan na naman ako ng mga estudyante. Ako na lang lagi ang pinagtitripan nila. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila ah? Sadyang malas lang ako.
Tumayo ako. Bakit ba kasi umulan? At teka* bakit may putik sa loob ng Academy, e hamak na semento ang binagsakan ko? Don't tell me, pinagtripan talaga ako?
Nakakainis na talaga ang mga bampira dito. Hindi sila bampira, HAYOP sila.
Mag-isa nga lang pala ako sa buhay ko. Lumaki akong walang mga magulang. Ewan ko ba sa buhay ko at wala akong matandaan. Nabagok kasi ako dati, syempre dahil sa kamalasan ko iyon.
Parang ako lang ata ang nawalan ng alaala dahil lang sa nabagok? Bampira, mawawalan ng alaala dahil lang doon? Nakapagtataka nga, pero pinabayaan ko na lang. May magagawa pa ba ako? Ayan na e, nandito naman ako lagi sa Vnight Academy. Parang dito na nga ako nakatira.
Laytina Chua ang pangalang natatandaan ko. Ang Chua ay ginawa ko lang dahil kailangan pala ng apilyedo. Laytina lang ang naaalala ko.
Nakakasama naman ako sa top 10 lagi sa klase, kaya sa magandang room ako nanunuluyan.
Namomroblema ako ngayon kung saan ako tutuloy, dahil bukas na ang graduation namin. Nasa pinakamataas akong section kaya two years lang ang pag-aaral namin, matalino naman daw kami.
Makakakuha nga ako ng trabaho, saan naman ako tutuloy? Panibagong pagsubok na naman ang aking kahaharapin.
Umay na ako sa ganitong pamumuhay. Para lang akong mag-isa sa sarili kong mundo.
Kinabukasan, Cumlaude ako. Nakakuha ako ng maraming medals at trophies, pero nganga pa rin, wala akong tutulugan.
Bawal naman mag-stay dito, sapagkat hindi na ako studyante.
Kahit bampira kami, naniniwala kami sa mabuting kinabukasan namin. Hindi lahat ng bampira ay masasama. Natuturuan din kami ng magandang asal.
Mag isa akong nag-celebrate sa isang karinderya. Ito lang kasi ang kaya ng budget ko. Mura na, masarap pa.
Paborito ko talaga ang chicken at burger steak nila. Ang inorder ko ay chicken bucket, since hindi naman ako mahilig sa kanin o spaghetti. Kaya kong ubusin itong isang bucket. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako. Na-adapt na rin kasi namin ang pagkain ng mga tao, kaya nakakakain kami ng ganito.
Pag katapos kong kumain ay naglalakad-lakad ako sa kalsada, tapos may nakita akong nagniningning na bagay na lumilipad? Tama ba ang nakikita ko?
Sinundan ko ito kahit na naka-heels ako. Halos madapa na nga ako kakahabol dito. Pumasok ito sa kagubatan. Medyo dumidilim na. Natatakot ako baka mamaya may mga Low Class Vampires dito. Posibleng maging kuta nila itom Napailing ako, tinatakot ko lang ang sarili ko.
Tumigil ang lumiliwanag. Mukha siyang tao na maliit. Sira na ata ang paningin ko, kung anu-ano na ang nakikita ko.
Ano ba iyan? May nakita akong bilog na nakaguhit sa lupa. Mga 1 meter ata ang laki o lapad nito. Sakto may mauupuan kaya umupo ako doon.
Bigla na lang akong nadulas
"Ah! Help!" sigaw ko.
Naiiyak na ko dahil parang nahulog ako sa bilog. Wala namang butas iyon ah? Nakakahilo ang background ko habang nalalaglag ako. Parang bilog na optical illusion kaya sobrang nakakahilo at hindi ko na kinaya.
Nakaramdam ako na parang may sumusundot sa tagiliran ko.
"Hmm," himig ko.
Paulit-uli na pagsundot iyon. Naiirita na ako.
"Natutulog pa ang bampira, ano ba?" reklamo ko.
Hindi pa rin tumitigil kaya napabalikwas ako.
"Ano ba?" ulit na sabi ko.
Napabangon ako bigla, tapos literal na nanlaki ang aking mga mata. What the hell?
Akala ko ay panaginip lang ang lumilipad na kumikinang na maliit na tao. May pakpak pa ito na parang tutubi.
Palihim ko namang kinurot ang baywang ko, kasi baka mamaya ay isa na naman sa nightmare ko ito. Wala namang nangyari. Binabangungot na ata ako.
"Kanina pa kita ginigising," ika ng isang maliit na boses ng babae
Napanganga ako nang ma-realize na nakapagsasalita siya.
"Anong pangalan mo, Little tutubi?" tanong ko sa kaniya.
Bigla naman siyang sumimangot. Mukha siyang si Tinkerbell. Ang pinagkaiba lang ay cartoon lang si Tinkerbell, eto ay totoo na talaga.
"I'm not a dragonfly, Miss! I'm Fairy," ika niya.
"Ang tanong ko, ano ang pangalan mo, hindi kung ano ka," paglinaw ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. Ayan na naman ang pambabara ko. Nakahiligan ko na ang pambabara.
Natutunan ko lang 'yan dahil sa mga tao at bampirang walang ibang alam kung hindi ang laitin at pagtawanan ako.
Sobrang bait ko dati, pero natuto na akong makipaglaban. Alam kong hindi dapat ako basta-basta nilalait.
"I'm Fairy! FAIRY talaga pangalan ko!" inis na paliwanag niya sa akin.
"Okay," sagot ko.
Inirapan naman ako ni fairy. She's beautiful, kahit na maliit siya. Kitang-kita ko pa rin ang ganda ng kulay ng mata niya, ang tangos ng ilong niya, ang hugis ng mukha niya, at kagandahan ng buhok niya.
"Are you done memorizing my face, Miss? Ikaw anong pangalan mo?" tanong niya sa akin.
Napangiti na lang ako sa kaniya.
"Laytina Chua," sagot ko.
"Layt na lang ang itatawag ko sa iyo," nakangiting sabi niya.
Wala naman akong issue diyan. Iyan din naman ang tawag sa akin ng iba.
"Okay," ika ko.
Masyadong madaldal ang isang ito.
Bigla kong naalala na wala nga pala akong tutuluyan. Napagtanto ko na ang dilim-dilim ng paligid.
"Layt, halika sumunod ka sa akin," utos niya sa akin.
Napatingin ako sa paligid, kakaiba ang nararamdaman ko rito. Parang ala-sais na ng gabi. Parang ang lungkot sa pakiramdam? Feeling ko, ang lungkot ng lugar na ito.
"Nasaan tayo?" kabadong tanong ko.
Inilibot ko naman ang paningin ko kung saan-saan.
Tumigil siya sa paglipad. "Nasa Magical Vampire Academy ka," sagot niya.
Nagulat ako, akala ko ay Vnight Academy lang ang mayroong mga bampira? May isa pa pala, tapos MAGICAL pa? Ano talaga ang nangyayari?
"Care to explain?" ika ko.
"Hindi ako ang magpapaliwanag sa iyo, kaya sumunod ka na sa akin," seryosong saad niya.
Tumango na lang ako sa kaniya at sumunod. Namangha ako nang makita ko ang gate na sinasabi niyang Academy. Eto na ata ang sinasabi ni Fairy na Magical Vampire Academy.
Kusang bumukas ito. Astig!
May mga butterflies na nagsiliparan. Iba't-iba ang mga kulay nito. Parang magical talaga.
May mga kumikinang-kinang at may mga nagkalat na diamond sa paligid. Yayaman ako nito kung ganito ba naman lagi ang mapupuntahan ko. Pwede kayang kumuha? Ibebenta ko para makaahon sa kamalasan, este kahirapan.
"Ang mga Magical Vampires lang ang nakakapasok dito," paliwanag ni Fairy.
Nakatingin ako sa kaniyang likuran. Tanong ko, "Bakit ako nakapasok?"
"Kasi isa kang magical vampire. Ano sa tingin mo ang kaya mong gawin na hindi kaya ng kapwa mo bampira sa mundo ng mga tao?" tanong niya.
Napaisip naman ako. Wala na pala kami sa mundo ng mga tao ngayon? At naalala ko bigla ang mga nagagawa ko.
"Nakakagawa ako ng bubbles, then one time nang muntik na akong malaglag sa tulay, nasa loob na ko ng bubbles at lumutang ako hanggang sa maging safe ako. Tuwing malungkot ako, maraming bubbles sa paligid ko. Hindi ko alam kung saan nagmula ang mga iyon," kuwento ko.
Nakatalikod sakin si Fairy, kaya hindi ko nakita ang reaction niya. Iyon na kaya ang magic?
"Actually, iyan ang magic mo. Hindi mo lang alam. Minsan kasi, kusang lumalabas ang magic sa tuwing kailangan mo siya o nasa bingit ka ng trahedya. Lalo na pag malungkot ka, parang tao din ang magic, gusto kang pasiyahin. Ang magic mo, alam kong hindi mo pa natutuklasan. Kaya kita kinuha dahil gusto kong matutunan mo ang tamang paggamit dito. Lahat ng Magical Vampires ay nakatakdang magsanay dito. Kaya wag ka ng magtaka kung bakit ka nandito. Kinukuha namin sila sa tuwing makakagraduate sila para alam namin na may sapat na kaalaman kayo. Itong paaralan na ito ay para sa pagsasanay." Namangha naman ako sa sinabi niya. Pero bakit minsan ang malas malas ko? Bakit hindi ako tinutulungan ng magic?
"E bakit ang malas ko sa mundo ng mga tao? Bakit hindi ako tinutulungan ng magic ko para hindi mapahiya?"
"Ang magic, lumalabas lang yan sa tamang panahon. At hindi yan maaaring makita ng ibang bampira o tao. Marunong makilugar ang mga magic, parang tayo. May pag-iisip din."
"Wow ang galing."
"Nandito na tayo." Tumingin ako sa paligid ang ganda! Pero bakit walang mga bampira?
Bumukas yung malaking pintuan. Pumasok ako doon. Nakita ko naman na may parang meeting sa loob? Mga seryoso ang mukha. Nangamba naman ako bigla. Nagsitinginan sila sakin. Napayakap ako sa sarili ko. Nakaramdam ako ng takot. Isa na naman ba ito sa kamalasan ko?
Ngumiti naman sila nung nakita ako. Nakahinga naman ako ng maluwag kaso paghakbang ko, napapikit nalang ako dahil nadulas na naman ako. Iniintay ko na babagsak ako kaso parang walang nangyari?
Napamulat naman ako. Napatingin ako sa posisyon ko, sinalo pala ako ng bubble. Nagform ito na parang upuan.
"Are you okay iha?" Napatingin ako sa nagsalita. Mukhang siya ang pinakapinuno sa lugar na ito. Siya yung nakaupo sa gitna sa kabilang dulo.
"Opo. Sorry po." Tumungo naman ako kasabay ng pagsosorry ko. Sabihan niyo na ako ng OA. Basta nagsorry ako. Napahiya na naman ako. Sabagay, kailan pa hindi naging bago ito? Reyna nga ng kamalasan di ba?
"No iha it's really okay. Maupo ka." Napaturo naman ako sa sarili ko. Ngumiti naman sila. E yung katapat kong upuan ay yung katapat nung nasa kabilang dulo. So dalwa kaming mataas ang posisyon ganun? De ewan ko basta uupo ako.
Umupo naman si fairy sa lamesa bale nasa harapan ko lang siya.
"Nandito ka para sanayin ang iyong Majica. Wag kang matakot sa mga kapwa mo mag-aaral, hindi ka nila sasaktan. Poprotektahan ka ng iyong majica. Kung nagtataka ka kung bakit lumalabas ng kusa ang majica mo kahit may ibang bampira, well nasa magical vampire academy ka. Dito talaga ang tahanan ng mga Magical Vampires. Welcome." Sabi nung pinuno siguro. Magical Vampire ako? Matutuwa ba ako o matutuwa? Syempre matutuwa kasi ibang klaseng bampira ako. Siguro kung nalaman yun ng mga nantitrip sa akin, baka matakot at lumayo na sila.
"Welocme"
"Welcome"
"Welcome"
Panay welcome sakin nung mga kasama ko dito. Nginingitian ko naman sila bilang thank you. Nakangiti naman si fairy.
"Masanay ka nga pala dapat sa dilim, laging ganito ang kulay ng langit sa amin simula nang mawala ang Prinsesa Light sa Academy. Malamang nagtataka ka. Pero hindi na namin ikukwento sayo ang mga nangyari dahil ikaw na sa sarili mo ang makakaalam nan. Nandito si fairy para gabayan ka. Simula ngayon siya na ang kasama mo." Tumango naman ako. Tumingin ako kay Fairy tapos sinimangutan ko siya. Parang natatawa tuloy siya sa akin.
"Thank you po."
"Ako nga pala ang Hari sa mundong tinatapakan mo. Ako si King Duke." King na Duke pa! Astig! Pero alam kong Duke ang pangalan niya. Weird ng mga pangalan ha? Fairy tapos King Duke? Hindi ba uso apilyedo dito?
"Maraming salamat po King duke." Nagvow naman ako bilang paggalang. Ngumiti naman siya.
Umalis na kami ni fairy at sinusundan ko uli siya. Yung nasa unahan daw ay pangbungad lang dahil ang tunay na Academy ay nasa likuran nito. May sarili daw kaming dorm dito. Kaya tuwang tuwa ako. Tapos libre pakain daw. Naks ang saya. Parang nagniningning ang mga mata ko nung nalaman ko iyon. Ako na nga may libreng dorm at pagkain, ako pa ang sasanayin nila! O diba? Sarap ng buhay.
*Boogsh*
Napahawak ako sa noo ko. May nakabangga ako. Napatingin ako sa kanya. OH MY GOSH ANG GWAPO! Kaso mukhang masungit.
"So--Sorry!" Sinamaan niya ako ng tingin. May apat siyang kasama. Lahat sila ang gagwapo!
Pero bakit nga pala hindi lumabas yung magic?
Ang magic ay parang may sariling pag-iisip.
"LAYT bilis!" Sabi nung babaeng sinusundan namin ni Fairy para ituro yung magiging dorm ko. Sungit. Tumingin uli ako dun sa lalaki. Nakatingin siya sakin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. What the!
"Sorry uli!" Tumakbo na ko para hindi magalit si fairy at yung babae pero may narinig ako.
"Ang galing, kapangalan niya si Prinsesa Light. At mukhang baguhan siya. Ngayon ko lang nakita yan."
Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagsalita. Prinsesa Light? Baka anak nung king na nakausap ko kanina? Ay whatever. It's for me to find out nga diba.
________________________________
Magical Vampire Academy
By: April Jane Patricio