Chapter 6 (Training)

2224 Words
Chapter 6 (Training) Layt's POV Kinakabahan ako dahil ngayon ang unang araw ng training. Hindi pa ako sanay gumawa ng bubbles, though kaya ko naman na lumipad at maggawa ng shapes gamit ang magic ko kaso hindi pa enough yun. Sabi nila may kahinaan din daw ang mga Magical Vampires. Siguro ang kahinaan ko ay yung pag-iisip ng mga negative na bagay. Nakapasok na ako sa room. Yung iba pinapalabas na nila ang magic nila, yung isa nagpalabas ng kamukha niya yung para bang kay naruto. Yung isa naman nagpapalit-palit ng suot. She's so beautiful. Nagulat naman ako nang may lumutang na upuan sa unahan ko at maya-maya may tumawa na sa gilid ko. Sinamaan ko siya nang tingin. Mukhang pagpapalutang ng gamit ang kakayahan niya. Halatang nae-excite ang mga kasama ko pero samantalang ako naman ay kinakabahan. Umupo na ko sa likod. Saktong dating naman nung apat na Princes. Lahat sila ay seryoso. Napatingin naman ako ka Prinsipe Ice, nakatingin din siya sakin? Umiwas nalang ako. Lahat sila nakatingin sa pagpasok nung apat. Iba na talaga pag malakas tapos saksakan pa ng gwapo eh.  Mga ilang minuto ang nakalipas ay dumating si Prince King kasama si Cupid. Bakit sila magkasama uli? Eh bakit ako affected? Siguro concerned lang ako kay Cupid, yun lang. Nag simulang magbulung-bulungan yung iba, yung iba ang sama nang tingin kay Cupid. Dukutin ko mata nila eh!  "Ginayuma siguro" Biglang nagsitawanan halos lahat except sa akin at sa mga Princes. Umupo naman si Cupid sa tabi ko tapos sumubsob sa desk. Wala man lang magtatanggol sa kanya?  "Siguro kaya lagi niyang kasama yung mga Prinsipe dahil ginamit niya yung pagka Cupida niya" Nagsitawanan naman uli sila. Napalingon ako sa likod ko para makita yung reaction nila. Si Prince Air ang sama nang tingin sa mga kaklase namin pero wala siyang ginagawa.  "Sh*t hindi ako makahinga!"  Sigaw nung isa kong kaklase. Lahat sila ay nataranta, yung iba naman ay tinulungan dalhin sa Clinic yung babaeng huling nagsalita sa kanya.  Nagulat naman ako nang biglang bumangon si Cupid tapos nakanganga na nakatingin doon sa labas. Sinundan niya nang tingin yung babaeng nilait siya. "Subukan niyong sabihan pa ng masasama at masasakit na salita si Cupid kundi lalagutan ko kayo ng Hininga. Naiintindihan niyo?" Galit na galit ang ipinakitang reaction ni Air. Ngayon lang ata siya nagalit nang ganito dahil masiyahin at mapang-asar ang isang ito. Napalingon naman lahat sa kanya at sobrang gulat at takot ang nakita ko sa expression nila. Kalmado lang ang pagsasalita ni Prince Air pero may diin. Nagsitanguhan naman ang lahat at nagsitahimikan na.  Hindi ba labag sa Rules ang ginawa niya? "Tha--Thank you." Ika ni Cupid kay Prince Air. Nginitian naman siya nito. Wow, feeling ko ang swerte ni Cupid dahil siya lang ang nginingitian niya ng ganito.  "Anythiing for you." Kinindatan siya ni Prince Air. Natuwa naman ako. May something. Nakakakilig naman yun. Nahalata kong namula si Cupid pero agad siyang lumingon sa kabilang side para hindi mahalata pero huli na siya. Napansin ko namang ang sama nang tingin ni Prince King kay Air, ganoon din si Prince Rock.  Yung dalawa naman ay walang pake, pero nakatingin ba sa akin si Prince Ice? Umiwas uli ako nang tingin dahil nakakailang. Assuming lang siguro ako. "Ehem, something's weird. What happened?" Pagpukaw naman ng aming guro sa amin. Walang umimik. Tumungo naman ako dahil natatakot akong matawag niya ako.  "You have new classmates. Come in."  May dalwang babaeng pumasok. Nagulat ako dahil yung dalawang walanghiyang babae ang bago naming kaklase? What the hell? Baka mamaya may gawin na naman silang masama sa akin o sa kaibigan ko. Hindi na ako makapapayag. "Hi, i'm Rebecca Seohyun Hypno."  Tapos inirapan niya ako. Grabe. Pero yung irap niya parang pilit. I can see loneliness in her eyes. "Hi! I'm Tricity Elec, the most beautiful in this Academy." Nakuha niya pang kumindat. Alam kong si Prince King ang kinindatan nito dahil nakatingin ito sa kanya. Nakakainis ang pagka landi niya e maganda pa nga sakanya si Cupid! At syempre mas maganda din ako sa kanya! Walang tatakot sa kagandahan ng puso. Umupo silang dalwa sa dulo ng kabilang side na katapat ng mga Prinsipe. Tapos tumaas ang isang kilay nung masungit naming guro. "Unhide yourself Miss Andrea." Sino naman iyon? Ngayon ko lang ata narinig ang pangalan na niya. May isa pa pala? Nagulat kaming lahat nang may biglang lumitaw sa unahan na napakagandang babae. She's so adorable. Ang cute niya! Yung hair niya ay curly sa dulo. Ang sweet niya din ngumiti, pero napansin ko na ang nginitian niya ay si Prince Ice? Automatic na napalingon ako kay Prince Ice, nagulat ako ng ngumiti siya pabalik kay Andrea ba yun? Ang weird nung naramdaman ko after nilang magpalitan ng ngiti. "Hello, I'm Andrea Resontoc but call me Invi. Andrea Sheers is my name in the other world."  Ang tinutukoy niyang other world ay mundo ng mga tao? So meaning nanggaling din siya doon? E bakit yung ibang nakatira dito ay isa lang ang pangalan? Kahit ako ay bubble na ang tawag sa akin. "Thank you girls." Ika naman ng aming guro. Lahat naman ng lalaki ay nakatingin kay Invi. Bigla itong nawala. Tapos maya-maya nasa tabi na ni Cupid si Invi. Well walang pakialam si Cupid dahil tulog na naman. Ako ang nginitian niya kaya nginitian ko rin siya. Kalevel niya ng ganda si Cupid. Ako kaya kalevel din nila? Ay ano ba tong iniisip ko. Hindi ko pinupuri ng sobra ang sarili ko. Some people are saying na ako ang pinakamaganda nilang nakilala. Hindi naman siguro totoo yun. Sabagay tao sila kaya hindi nila alam na bampira ako, at ang mga bampira ay may taglay na kagandahan talaga sa pisikal na anyo. Niyugyog ko naman si Cupid dahil ayokong mapagalitan na naman siya. Bumangon naman agad siya tapos kukurap-kurap pa. Ang cute niya sa itsurang yun at ngumuso naman siya. Sa peripheral view ko, napansin kong parang ngumiti si Prince Rock habang nakatingin kay Cupid.  "Ngayon ang unang araw ng training niyo. Alam kong alam niyo yan. Well for your information, you will be having a group with four members. So ganito, bunutan para hindi unfair. Magkakaroon tayo ng limang grupo mula sa Section niyo since twenty lang naman kayo. Makakalaban niyo rin ang ibang section." Tumango naman kami bilang pagsang-ayon. Kung hindi niyo nga pala naitatanong, walang year dito. Sections lang ang meron. Pero it doesn't mean na kapag nasa section A ka ay malakas ka. Halu-halo ang bawat section. Natyempuhan lang na nasa A ang limang Prinsipe. Biglang may mga papel na lumutang sa itaas at para bang nagkakagulo ito. Parang shineshake ang mga papel at biglang naghiwahiwalay at nagsipuntahan sa harap namin. Kada isang bampira, isang papel. Agad ko namang kniuha ito. "Ang laman ng papel na yan ay ang pangalan ng grupo niyo. You may now open it."  Binuksan ko yung sakin at ang nakalagay ay Silver  "Oh Yay same tayo! Silver!" Natuwa naman ako dahil may kakilala na agad ako. Ang swerte ko naman. Bigla naman niya akong niyakap. Haha ang Clingy talaga ng isang to. May narinig naman akong nag tsk. Si Prince King. Don't tell me Silver din siya? "Ano sayo miss Invi?" Tanong ko sa kanya na katabi ni Cupid sa kabilang side. "Invi nalang. Gold nakuha ko eh." "Ano sainyo Kuya King?" Si Cupid naman ang nagtanong. Kuya, hmm. So wala talagang something sa kanila. "Silver." Walang emosyong sagot nito. Tapos sinamaan niya ako nang tingin. Seriously, inaano ko ba siya? Lagi ko siyang napapansing nakatingin sa akin pero laging ang sama ng dating. Hindi ko na alam paano makikitungo sa kanya. "Gold" Sinigit naman ni Prince Fire. Sabay halukipkip. Grabe sungit talaga ng isang to. Laging nakakunot ang noo. Pero buti nalang at hindi niya ikinapangit yun. He's so hot like his magic. "Gold" ani Prince Ice. Kagrupo niya si Invi. Weird talaga. May napapansin ako sa dalawang ito. Napansin ko namang lihim na napangiti si Invi kaya napataas ang aking kilay. "Silver" Natuwa naman ako dahil kagrupo ko rin si Prince Rock. Kumpleto na kaming apat. Kaso challenging kasi si Cupid lang ang ka-close ko. Napalingon naman bigla si Cupid kay Prinsipe Rock. Nagkatinginan pa nga sila eh. I find it sweet! "Pakshet naman. Bakit naiba ako! Palit nga tayo Rock!" Akmang aagawin ni Prince Air yung paper ni Prince Rock pero agad naman itong naiiwas.  "Edi kay Fire at Ice ka makipagpalit. Wag sakin" Singhal naman ni Prince Rock. Mukhang magtatalo na naman ang dalawa. "Ayoko, gusto ko silver!"  "Edi kay King."  Napapailing nalang kaming tatlong babae. Ganito pala sila magtalo. Cute namang tignan kahit papaano. "Ayoko nga. At bakit ako makikipagpalit? Give me 100 reasons kung bakit gusto mo ang Silver Group. Kapag nabigyan mo ako, sige payag ako." Sagot naman ni King. Hindi ko alam pero natawa ako sa idea ni Prince King. Matalino nga talaga ang isang to.  "T*ngna to! Gusto kong kagroup si~ Ah nevermind! Okay na nga to! Sa Copper na ko! Letse!"  Naintriga naman ako. Alam ko naman na gusto niyang makagroup si Cupid. Inirapan naman siya ni Prince Rock. Problema ng mga to? Parang laging may war sa pagitan ng dalwang Prinsipe na to eh. "Omg friend magkagroup tayo! Copper!" Rinig ko namang irit ni Tricity. Natawa naman ako sa reaction ni Prince Air. Halos hindi na maipinta ang mukha nito. "Putek. Kapag minamalas ka nga naman oh. Dalwang bruha pa makakasama ko."  Natawa naman kami sa binulong niya. Sapat lang na kaming walo lang ang makarinig. "Bro pakamatay kana. Oh hindi pala, baka isa sa kanila makatuluyan mo." Biro naman ni Prince Fire. Ngayon ko lang siyang nakitang ngumiti pero may halong pang-aasar. Dinuro naman agad siya ni Prince Air. "Ikaw papatayin ko Fire! Asa ka pang mangyari yun! Never! Sa sobrang gwapo kong to, sa kanila lang mapupunta? Kadiri!"  Oh sabi ko nga mayabang eh. Grabe naman. So gusto niya sa kasing ganda ni Cupid? Feeling ko talagang may gusto siya dito eh. "Whatever. Talk to my Fire."  Biglang may lumabas na apoy sa harapan ni Air.  "G*go!"  "Okay Guys, listen! Mayroong room na nakaatas sa bawat group. May nakalagay sa taas ng pinto ang label ng group niyo kaya hanapin niyo nalang. Isa rin yan sa task, ang hanapin ang room niyo. You'll be given one hour and thirty minutes to finish your real task. Ganito yun. You need to create something new and something adorable using your magics. Pagandahan ng output yan. Syempre may Prize ang pinakamaganda. Tatlong group ang mananalo by ranks. Lahat ng Section ay Kalaban niyo, miski narin ang kasection niyo. Wala akong ibibigay na hint para matulungan kayo. Discover new things by your own. Yun lang. Time starts now!"  Agad naman kaming lumabas ng room. Ngayon kasama ko na si Cupid, Prince King at Prince Rock.  "Nakita ko na." Ika ni Prince Rock. Nagtaka naman ako. "Huh?" "Kaya kong makita ang bagay using my magic since it's related to nature. Room yun eh."  Tumango naman ako at sinundan namin siya. Pumasok kami sa loob. Wow ang laki ng room! Parang kasing laki ng covered court sa basketball sa Araneta! Hanga na talaga ako sa Academy na to. "May naisip na ba kayong gagawin?" Tanong naman ni Cupid. Napasimangot naman ako. Wala akong alam sa ganoon. Bago palang ako rito at hindi ko gamay ang kaya nilang gawin. "Hm. Rock gawa ka ng maze garden sa unahan. Ako bahala dito sa dulo. Gagawa ako ng Castle. Siguraduhin mong nakakalito yang maze na gagawin mo. Bubble at Cupid, tulungan niyo si Rock." Utos naman ni King. Ang bilis naman niyang makaisip. "Pe-Pero kailangan natin ng Something new. Common na yan!"  Pag e-explain ko kay Prince King. Tumingin naman siya sakin ng walang expression. May mali ba akong nasabi? "Please this time, trust me."  Hindi ko alam sasabihin ko kaya napatango naman ako para sumang-ayon. Ang sama ko. Hindi ko naisip na matalino nga pala ang isang to. I felt sorry tuloy. "Thank you." Biglang bumilis yung t***k ng puso ko. Ngumiti siya sakin tapos nagthank you pa! Si Prince King ba talaga to? Namamalikmata ba ako?  Umalis na siya pero nakatingin pa rin ako sa kanya. Likod nalang ang nakikita ko sa kanya habang papunta sa dulo. Hindi mabura sa isipan ko yung pag ngiti niya. Shemms ang gwapo niya! "Uy. Game na!" Tapik sa akin ni Prince Rock. Nahiya naman ako. "I can feel it. You like him." Bulong sa akin ni Cupid. Agad namang nag-init ang mukha ko. "See! Haha i'm right!" Inirapan ko naman siya pero she chuckled. "No, you're not!"  "Don't ya dare to lie. I'm a Cupid remember! I can tell whether you like him or not. I can also tell if the one you love are really meant for you. I'll explain it to you once na matapos na natin to!" I shrug my shoulder. I caught off-guard.  We saw Rock na seryosong nagbubuild ng maze garden. All I can say is, ang galing niya! Napatingin naman ako kay Prince King. Kahit medyo malayo siya ay tanaw mo pa rin ang pagiging seryoso niya at pagkahot. Oh what? Hot? I find him HOT? Hala. Hala tama kaya si Cupid na I like him? But how come na hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko? I really need Cupid! I'm confused!  Napalingon naman ako kila Cupid at Prince Rock. They looked perfect together. Pero hindi ko lang alam kung gusto nila ang isa't-isa. Parang wala naman silang nararamdaman sa isa't-isa. Si Prince Air lang talaga ang mayroon kay Cupid ngunit gusto rin kaya siya ng bestfriend ko? "Halika dito Bubble! Gawa ka ng maraming bubbles para may effects dito sa garden! I can feel na mananalo tayo!" Determinado naman si Cupid kaya nabuhayan din ako ng lakas ng loob. Napangiti naman ako sa kanya. Sumulyap uli ako kay Prince King. Napalingon siya sa amin tapos ngumiti at nagthumbs-up siya. Bumilis uli ang t***k ng puso ko. I hate the way he smiles because I can't help it but to smile too. ____________________________________________________________ Prince King at the right side --------------------->  ________________________________ Magical Vampire Academy By: April Jane Patricio
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD