Chapter 5 (Feelings)

1806 Words
Chapter 5 (Feelings) 3rd Person’s POV “Hahahahahahaha ang cool ni Kuya King! Akalain mo yun, concerned nung una pero aasarin ka lang pala! Ang cute niyong tingnan!” Ika ni Cupid. Hindi mapigilan ni Cupid na mapatawa sa nasaksihan niya dahil ngayon lang uli nangtrip ang tinuturing niyang kuya na akala niya ay lagi nalang galit sa mundo. Inisip niya na makatutulong si Layt para makalimutan ni Prinsipe King si Prinsesa Light. “Nakakainis nga! Bakit ba kasi ganun yun! Lagi nalang matalim ang tingin sa akin tapos pagtitripan pa ako! How dare him! Times two times two! Urgh!”  Tinatawanan lang ni Cupid si Layt. Nakakatuwa ang reaction ng babaeng ito na nagmamaktol na parang bata dahil sinasabunutan niya ang sarili niya habang inaalog-alog ang ulo “Alam mo bagay kayo ni Kuya King.” Pang-aasar pa lalo nito. Nakapalumbaba siya na para bang ini-imagine ang binitawan niyang mga salita kay Layt. Napatingin si Layt sa kanyang kaibigan. Tinaasan niya ito ng kilay pero binawi niya agad ito nang makita niya ang sinseridad at seryoso nitong mukha. Napakagat nalang siya ng labi, kinakabahan siya dito. Huminga siya ng malalim ng patago dahil ayaw niyang ipakita sa kaibigan niya na kinakabahan siya. Sa halip, gagawin niyang biro ito. “Ano ka ba? You’re kidding me eh. Haha best joke I've heard so far!”  Nakita niyang nalungkot si Cupid kaya agad nitong nilapitan para i-comfort. Talaga palang totoo ang ipinakita nitong reaction kanina. “Mukhang may problem ka? Ano ba yun? I’m here to listen, I’m your best friend, sister right?” Pilit na pinapangiti ni Layt ang kaibigan niya. Ayaw niya lang talagang seryosohin ang sinabi ni Cupid kanina. Siya na siguro ang pinaka huling lalaking magugustuhan ko. Napakasama niya sa akin. Mas gugustuhin ko pang maging mag-isa kaysa magkaroon ng kasintahan na kasing Cold, arogante, mayabang, at masungit na katulad niya. Tumango naman ito at huminga ng malalim. Pero nagulat sila ng makita nila ang isang pares ng paa kaya agad naman silang napatingin doon. Hindi inakala ni Layt na yung kinaiinisan pa niya ang makikita niya. Gustong gusto niya itong sapakin kaso against the rule yun kaya nagtitimpi nalang siya. Napairap nalang siya sa kawalan. Grabe, sadyang napakasungit at sama talaga ng ugali niya, kainis! Mukha palang halata na ang pagka masungit eh! Nagtataka tuloy ako kung bakit maraming may gusto sa KINGkong na to! Sa isipan ni Layt ay pinapatay niya na ang lalaking nasa harapan nila. “Let’s talk Cupid. I have something to tell. Let’s go, leave that stupid girl.” Pag-aya naman ni Prince King sa kanya. Napanganga naman silang dalwa sa inasta ng prinsipe. Pero bakit nga ba sila magugulat pa kung alam naman nila na ganto na talaga to simula nang nawala ang Prinsesa. Ang ikinakukulo lang ng dugo ni Layt ay ang sabihan siya ng stupid. Wala pang nagsasabi sa kanya nun! Pero bago niya pa masumbatan ang Prinsipe ay humangin nang sobrang lakas kaya agad naman siyang napapikit dahil ayaw niyang mapuwing. Oh wait, hindi nga pala dapat siya mangamba dahil sa magic niya. Pag mulat niya, nawala nalang bigla ang Prinsipe at ang kaibigan niya. Bigla siyang nalungkot ng walang dahilan. Lagi nalang ba ako maiiwan?  Sa isip niya. “Sila ba?” Tanong naman niya sa sarili niya. Napailing nalang siya. Ano bang pakialam niya? Labas na siya doon. Tanong niya lang sa sarili niya dahil naguguluhan siya. Kuya ang tawag ni Cupid kay Prinsipe King pero sobra silang malapit sa isa’t-isa. Pero baka nga magkapatid lang ang turingan? Cupid’s POV Hala kinakabahan ako. Ano kayang sasabihin ni Kuya King? Nagulat nalang ako nang niyakap niya ako at naramdaman kong ginamit niya ang Air power niya. Nakakatuwa dahil kaya niyang gawin ang apat na elemento. Sa apat na prinsipe bukod kay King ay si Rock ang pinakamalakas ang magic. Kaya niya kasing labanan ang tatlong element na Water, Air at Fire. Remember, ang nature ang kapangyarihan ni Rock? Kaya nga hanga din ako kay Rock. Pero hindi ko rin maiwasan na hindi humanga kay Air, I like him in a way na inspiration lang. Nadatnan ko nalang na nasa bubong kami ng pinakamataas na building sa MVA. Nakakalula pero sanay naman na ako dahil dito ako laging kinakausap ni Kuya King kapag may problema, kapag masaya, kapag malungkot ako. Tumayo siya bilang nakatatandang kapatid ko. Ayaw niya kasing mapagaya ako kay Ate Light na hindi niya man lang nagawang iligtas. Kaya pangako ni Kuya King sa sarili niya na poprotektahan niya ako kahit anong mangyari. Wala talagang namamagitan sa amin, nakakadiri lang pakinggan dahil hindi kami talo! “Alam ko kung bakit ka umalis nalang bigla. Pasalamat ka nalang sa ginawa ko.”  Napangiti naman ako. Oo, kilalang kilala niya na talaga ako. Sobrang tuwa ko nga nung dumating siya bago ko pa maexplain kay Rock yung dahilan ng kalungkutan ko. Gusto ko kasi kami lang ni Kuya King ang nakakaalam ng kahinaan ko. Nakakainis nga dahil sa dinami-rami ng magiging kahinaan ko e pagiging malungkot lang ang makapagpapabagsak sa akin. “Oo na kuya, Thank you! Kaya mahal na mahal kita eh!” Niyakap ko naman siya. Sanay na siya sa akin. Cupid daw ako kaya expected niyang clingy ako pero nagkakamali siya dahil sa kanya lang ako ganito. Hindi ko magawa ito sa iba. Niyayakap ko naman yung iba kaso saglit lang. Hindi rin naman makalapit sa akin ang ibang lalaki e. Paano, silang lima ang lagi kong kasama. Lalo na si Air, laging nakasunod sa akin. Minsan dalawa pa nga sila ni Rock. Iniiwan ko nalang yung dalawa dahil laging nagtatalo. “How many times do I need to tell you that don’t fall in love with him? Sinasaktan mo lang ang sarili mo. I told you not to fall in love to one of the four idiot Princes. Look, ikaw na ang gumagawa ng kahinaan mo.”  Tumango naman ako. Ang harsh niya magsalita. Hindi siya ganito dati. Gusto kong sumang-ayon talaga sa kanya pero hindi ko kayang itago pa ang sakit na nararamdaman ko kaya agad akong napahagulgol. Ang sakit palang magmahal! Bakit ba ang manhid niya? Simula bata palang kami, siya na ang gusto ko! Siguro kung hindi siya manhid, baka ayaw niya lang sadya sakin. “It’s okay to cry as long as I’m here. Don’t worry, I will protect you when you are weak like this.”  Naramdaman ko namang niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya at isinubsob ko ang aking ulo sa dibdib niya. Inilabas ko na ang luhang hindi ko na mapigilan. “Bakit ganoon? Ako ang Cupid hindi ba? Pero bakit ako pa yung nasasaktan dahil sa pag-ibig? Ganoon ba talaga ang nakatakda sa akin? Bakit? Bakit? Ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para mapasaya ko ang mga magical vampires. Pero bakit negative ang balik sa akin? Bakit?!” Pagmamaktol ko. Minsan ay hindi ko talaga maiwasan ang mag-isip ng ganito. Na bakit ako pa? Bakit sa akin pa kailangan mangyari ito? Pinilit ko namang intindihin. Minsan ay nakakasawa na. Hinigpitnan niya lalo ang pagkakayakap sa akin. “Ang sakit sakit kasi. Minahal ko siya ng buo, ng kung sino pa man siya. Mahal ko siya at mamahalin ko siya kasi mahal na mahal ko talaga siya! Urgh Bakit ganoon? Hindi rin ako marunong magmove-on? Ganito pala katangang magmahal no?” Pinilit kong tumawa para huwag siyang masyadong mag-alala sa akin. “You know what? It’s okay to be fool in love. It’s natural, but you should know your limitations. If you’re really hurt, just stop. Don’t force yourself to move on, just enjoy your days with your friends or keep yourself busy. Soon, you will realize that you moved on already.” Napangiti naman ako sa kanya. Gumagaan talaga ang loob ko kapag kausap ko siya. At wow, ngayon ko lang narinig sa kanya ang ganitong kataga. Wow ina-apply niya ba ito sa kanya? Next time ko nalang siguro itatanong ang tungkol kay ate Light. Sa ngayon, yung sa akin muna. “Pano yun? Ayokong kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya?” Napailing naman siya. Alam ko namang t*nga ako pagdating sa pag-ibig, yung sa akin. “Please Cupid, help yourself. You’re the only one who can solve that problem. If you keep that FEELINGS, you’re also keeping that PAIN.” Talagang idiniin niya ang words na iyon para mas lalo kong maintindihan. Actually alam ko naman iyon. Kaso yung puso ko kasi e, pasaway.  I know na seryoso na siya. At gusto niyang gawin ko ang gusto niyang ipahiwatig. Suportado naman siya sa lahat ng desisyon ko kahit na ginagawa ko minsan na kabaligtaran ang mga payo niya. “Okay I will. Thank you.” 3rd person’s POV Habang nakayakap si Cupid kay Prinsipe King ay may isang lalaking nakamatyag sa kanila. Hindi nito malaman ang magiging reaction niya. Hindi niya marinig ang usapan ng dalawa dahil may ginawang barrier ang Prinsipe King para masiguradong may privacy sila. Napakatalino talaga ng Prinsipe na to, hindi na siya magtataka kung bakit si King ang pinakamatalino sa buong MVA. Minabuti na niyang umalis dahil ayaw niyang mahuli siya ng mga ito. Sinulyapan niya ulit ang dalawa sa huling pagkakataon. Alam niyang nasa kahinaang sitwasyon ang masayahing Cupida na ngayon ay umiiyak na. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kirot sa kaliwang dibdib. Binaliwala niya ito. Sana ako nalang ang sinasabihan mo ng problema mo, sana ako nalang ang laging nasa tabi mo tuwing malungkot ka. Kaya rin kitang protektahan. Hindi ako susuko sa iyo, Cupid. Sa kabilang banda, si Prinsipe Ice ay kasalukuyang nakatayo sa isang kwartong walang kalamanlaman. Hinihintay niya ang babaeng makatulong sa paglutas ng problema niya. Problema nga ba niya? Isang oras na siyang naghihintay dito pero wala parin siyang karea-reaksyon. Ni hindi man lang siya naiinip, naiinis o natutuwa. He froze the floor of the room. He smirked knowing that the girl he waited for one hour was already here. He knew that she’s literally looking at him for one hour without his permission. “Yo Invi girl, Andrea Sheers. Long time no see eh? Are you done memorizing my whole body for one hour? Well, care to show yourself to me?”  Invi shyly showed herself to prince ice. She didn’t expect that he already recognized her. Since then, he likes Ice that’s why she stared at him for a long hour. She does not know how to explain herself to him. “Ah Prince Ice, sorry.” Yun nalang ang nasabi niya. Pero bigo na naman si Invi na makitang mag-iba ng reaksyon ang Prinsipe. Nalungkot siya knowing na hindi niya napapasaya ang lalaking matagal niya ng gusto. Aminado siyang lagi niya itong sinusundan since invisibility naman ang kanyang magic. Pero sadyang mautak ang prinsipe na ito at nalaman na nandito na siya kanina pa. “Nah, it's okay since I’m the one who called you for help.” Ika naman nito sa kanya. Ngumiti naman siya dito pero wala siyang nakuhang sagot mula sa lalaking ito. Nakalulungkot isipin pero sanay na siya. “So what can I do for you?” Tanong naman niya. She sincerely asked because she's willing to help Prince Ice. She stunned for a while, know why? Prince Ice smiled at him. “Be my slave.”  Invi's world suddenly stopped when she heard the word slave. She wants to cry. Sobrang sakit nang sinabi ni Ice. Hindi niya alam na hahantong sila sa ganitong sitwasyon.  ________________ Magical Vampire Academy By: April Jane Patricio
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD