Chapter 4 (She's here)

1959 Words
Chapter 4 (She's here) Prince Rock's POV Nakakainis bakit parang ang tagal ni Cupid? Baka nanlalalaki na yun? Urgh nabubwisit na ako. Wala kasi akong aasarin! Bakit kasi siya pa yung umorder? Pwedi naman maalin sa apat na ungas na to! Bwisit.  Lumingon ako sa counter, wala siya. Napupuno na ako. Baka nanlalalaki na yun! "Asan na ba si Cupid? Kanina pa yun ah? Teka wala siya sa counter. Asan na yun? Baka nanlalalaki na yun ah!"  Tumayo na ako at nagwalk-out. Hahanapin ko ang babaeng yun! Pasaway talaga kainis! Ano ba yan bakit ba ang init-init ngayon ng ulo ko? Basta wala kasi akong mapagtripan! Sinipa ko naman yung bato na nakita ko dahil sa inis. Pinakiramdaman ko muna ang paligid. Yep kaya kong malaman kung nasaan ang isang bampira dahil sa earth ang aking kapangyarihan. Alam ko kung saang lugar sila gumagalaw. Napakikinabangan ko ang nature dahil sila ang tumutulong sa akin.  Nasaan ka Cupid? Biglang umihip ang hangin nang malakas. At sa isang iglap, pumasok sa isip ko ang lugar na kinatatayuan niya.  Agad naman akong tumakbo papunta sa mapunong lugar dito sa MVA. Nakita ko siyang nakatayo doon sa taas ng puno. Medyo mataas yun kaya tiningala ko pa siya. Ano namang ginagawa niya dun?! "Cupid!" Nagulat siya nang may tumawag sakanya, at nang makita niya ako ay napaatras siya. Napamura ako nang nadulas siya. Buti nalang at earth ang kapangyarihan ko kaya nacontrol ko ang puno na kinatatayuan niya, Sinigurado kong pumulupot sa katawan niya ang mga sanga ng mataas na puno na yun. Pero alam kong hindi siya masasaktan nun dahil naging parang tela ito na para bang sa Mummy kaya malambot ito. Agad akong tumalon papunta sa itaas para kunin siya. Hindi siya tinulungan ng Magic niya, dahil malungkot siya. Oo alam kong malungkot siya. Since Cupid siya, kalungkutan ang kahinaan niya.  Nakapikit pa rin siya at may luha sa kanyang mga mata. "I'm sorry, hindi ko sinasadya na magulat ka." Agad namang natanggal ang nakapulupot sa kanya at niyakap ko siya para mawala ang takot niya. Nawala naman agad ang inis ko sa kanya na baka nanlalalaki siya, ang sama ko talagang mag-isip. Ngayon muntik na siyang malaglag nang dahil sa akin.  Hindi siya nagsasalita pero umiiyak siya. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya para masigurado niya na hindi ko siya pababayaan. Agad naman akong bumaba sa puno na yakap pa rin siya. "Tell me, why are you sad? Why are you crying?" Pinunasan ko ang tumutulong luha sa kanyang mga mata. Parang nasasaktan din ako kapag nakikita ko siyang ganito. Nasanay kasi ako na ang isang Cupid ay napakasayahing bampira. Pero eto ngayon, umiiyak at malungkot. Bakit kaya? "Eh kasi~"  "Hoy kayong dalwa, nandito lang pala kayo! Aba't nagyayakapan pa ha! Tera na, gutom na kami!" Ika ni Prince Air. Hayop talaga tong lalaking to. Panira e. Agad ko namang binitawan si Cupid. Muntik na siyang matumba kasi napalakas ang pagtulak ko. "I'm sorry." Napatitig ako sakanya, parang nasasaktan siya? I set aside that thought and went to those bastard princes. "Hoy Rock akala ko ba hahanapin mo lang? E bakit mo siya niyakap?" Inis naman na tanong ni Air sa akin. Kanina pa ito ha. Namumuro na siya. Ang sama nang titig niya sa akin. As if i know nagseselos lang ang ugok na ito. Alam ko namang may gusto siya kay Cupid, ayaw pang umamin. Binigyan ko nalang siya ng 'so-what-look' at agad niya naman akong inirapan. Gay. Layt's POV Sayang, magpapaliwanag na sana si Cupid kaso may dumating na asungot. Nakakaasar na Prince Air to eh! Wala nang tamang ginawa! Lagi nalang panira ng moment! Halata naman sa mukha ni Prinsipe Rock na nabitin siya. Kaso parang ang sama nang tingin sa kanya ni Prinsipe Air? Baka may something sa tatlong yun? Umalis na ako bago pa nila ako makita. Sa dorm nalang ako kakain since may ref din naman dun. Magluluto nalang ako. Well sanay din kumain ang mga bampira sa luto ng mga tao. Kailangan namin masanay para makisalimuha sa kanila.  Habang naglalakad ako pabalik sa Dorm, may nakita akong magandang babae kaso mukhang mataray. Ngingitian ko sana siya kaso inirapan ako. What? Ano na naman bang ginawa ko? Bwisit na babaeng yun ah! Pero teka? Hindi ko naman kaklase yun, i'm sure. Ngayon ko lang siya nakita. "Ui Layt! Kanina pa kita hinahanap! Tara na sa Cafeteria, naghihintay sila."  Nalutang na naman ang Cupida na ito gamit yung heart na Carpet. Pero nagtaka ako nung napalingon ako dun sa babaeng mataray na nakataas ang isang kilay niya at parang nagtataka. Ini-scan niya mula ulo hanggang paa ang mata niya sa akin. Tapos inirapan niya ako bago umalis. Napansin naman ni Cupid kung sino ang tinitignan ko. Agad na napataas ang kilay niya tapos bumulong ng b***h. "Tara sakay ka sa Carpet ko, safe to promise" Umoo nalang ako. Natutuwa ako nang maggiggle ito. Ang cute talaga ng babaeng to, sarap kurutin ng pisngi! Hindi na ako magtataka kung bakit ang daming lalaking nakatitig sa kanya. Heart throb nga pala ang isang to sa Academy. Cupid ba naman! I'm sure siya ang pinakamaganda dito! Mas maganda kaya siya dun sa babaeng b***h na sinasabi ni Cupid. "Eh Cupid sino ba ang babaeng yun?"  Kumunot naman ang noo niya. Inabot niya ang kamay ko para matulungan akong makasakay sa Carpet. Huminga siya nang malalim. Halata namang ayaw niya sa babaeng yun. Kahit ako sa unang tingin palang e ayoko na sa kanya. "Yung babaeng yun? Siya lang naman ang nangunguna sa fans ng limang princes. At alam mo ba, sobrang inis sa akin yun kasi ako lang ang babaeng laging kasama ng limang yun. Sobrang insecure! At eto pa, patay na patay yun kay Kuya King! Siya si Tricity Elec! Bwisit na bwisit ako sa babaeng yun at alam ng mga princes yun." Halata ngang bwisit na bwisit siya  Napansin kong ang higpit nang kapit niya sa Carpet. Parang nanggigigil. Napabuntong hininga nalang ako. Oops wait? Edi magagalit din sa akin ang tricity elec na yun dahil kasama ko din ang mga princes? Tapos teka parang electricity lang ah? "Electricity ba ang magic niya?" Tumango naman si Cupid. Nakasimangot padin siya. "Bakit parang ang laki ng galit mo sa kanya?" Naging seryoso lalo ang mukha niya. Kinakabahan tuloy ako kasi hindi ako sanay na ganto siya! "Alam mo ba, lagi niyang ginugulo ang buhay ko dito. Sinisiraan niya ako kahit kanino! Buti nga at hindi naniniwala sila Kuya King kasi kilala daw nila kung sino daw talaga ako. Buti nalang at ipinagtatanggol nila ako sa babaeng yun. One time, may nanligaw sa akin, gwapo, matalino, basta aakalain mo na perfect guy pero kasabwat pala ng b***h na yun para siraan ako. Kaya eto, lagi akong bantay sarado sa kanila. Ikaw pa nga lang ang una kong naging kaibigan na babae."  Nung una nakakunot ang noo ko pero agad naman itong napalitan ng ngiti dahil sa sinabi niya. "Alam ko kasi na hindi ikaw yung tipo ng bampira na naninira at nananakit ng babae. At alam kong wala ka pang masyadong alam sa MVA kaya alam ko narin na hindi ka kaaway. Ang sungit mo lang nung una tayong nagkita"  Naggiggle na naman siya. Niyakap ko siya at binulungan ng thank you. "I promise, i will never be your enemy instead, i will oh i mean i am your bestfriend and sister forever. Agree?" Niyakap niya ako pabalik at hinalikan sa pisngi. Natuwa naman ako sakanya! Dapat pala mag-act ako bilang nakatatanda niyang kapatid. Sa kilos niya, para pa rin siyang bata pero masarap pakisamahan. "Thank you Layt and i will do the same thing."  Nakarating naman na kami sa Cafeteria. Ganoon parin ang position nang pagkakaupo namin. Katabi ko syempre si Prince Ice. Ang bango nga niya. Napansin ko naman na nakatingin yung lima sa akin. Si Prince Rock, Fire at Air e parang natatawa sa akin. Nagpeace sign naman si Cupid. Nagtaka naman ako. Saktong napatingin ako sa salamin. Napanganga naman ako nang makita kong may heart sa pisngi ko kung saan ako hinalikan ni Cupid. Wala namang lipstick ang babaeng ito, pero ang galing. Napahawak nalang ako sa pisngi ko at napangiti, i mouthed 'thank you' kay Cupid at nagthumbs-up naman siya. Inirapan naman ako ni Prince king pero binelatan ko lang siya tapos napailing-iling nalang siya. Tapos napatingin uli ako sa salamin. Bigla akong kinabahan nang may napansin akong may nakatingin sa akin ng masama. Actually sa amin pala ni Cupid. Pero hindi ko nalang sinabi pa sakanila. Si Tricity Elec with her friend, i guess? Ang sama talaga nang tingin niya na para bang papatayin niya kami.  May naramdaman akong ground sa katawan ko kaya agad kong nabitawan ang baso ko at tuluyang nabasag. Napatingin sa akin lahat ng bampira sa Cafeteria. Napatulala ako. Ano yun? Bakit hindi ako makagalaw? Ang alam ko lang ay nakangiti na ang kasama ni Tricity at pati narin siya.  Prince Fire's POV Kanina ko pa napapansin na masamang nakatingin ang Tricity na yun sa dalwang babae na kasama namin ngayon. Kahit kailan talaga napakasama ng ugali ng babaeng yun. Alam kong napansin iyon ni Bubble.  Napatayo ako bigla nang mabasag ang baso ni Bubble. Tulala siya. Hindi gumagalaw. Alam kong ginamit ni Tricity ang magic niya. Against the rule ang ginawa niya! Pero syempre walang maglalakas ng loob na magsumbong sa babaeng yun dahil sa internal siya umatake. Kasabwat niya si Rebecca Hypno, ang babaeng nanghihypnotize ng tao! Alam ko na ang nangyari kay bubble, agad akong humakbang pero hinawakan ni Ice ang kamay ko. Sinamaan ko siya ng tingin, hindi ko mapapalagpas ang nangyari kay bubble. Sumosobra na ang Bitchesa na yan! Nagulat naman ako na agad tumayo si Ice at gumawi sa kinaroroonan ng dalwang babaeng nagtatawanan. Pero agad itong napatigil ng makita nila si Ice.  "Oh Prinsipe Ice, are you here for me?"  Hinawakan siya ni Prince Ice at nagyelo ang kamay niTricity. Nakatingin lang kami sa kanila habang si Rock at Cupid ay inaasikaso si Bubble. "Yes i'm here to.."  Hindi tinapos ni Ice ang sasabihin niya ng agad nitong hinawakan ang baba ni tricity. At tinignan sa mata, ang cold talaga ng lalaking to, wala parin siyang emosyon. Grabe hanga na talaga ako sa ungas na to.  "say that i will break your bones if you will do that again. You know it's against the rule of MVA."  Ipinagpatuloy niya ang sasabihin niya, nambitin lang pala. Nagyelo tuloy ang baba ni Tricity at takot ang pumapaibabaw sa kanya. Lumingon si Ice kay Rebecca. "So stop this sh*t. I don't even care if you are a girl. I will freeze you to death." Agad namang tumango si Rebecca at pumunta sa harapan ni Bubble. Tinignan niya ito sa mga mata at bumalik na siya sa katinuan niya. "Get out!"  Sigaw ko dun sa dalawa. Halata namang natakot ang ibang bampira sa paligid pero wala akong pake. Naiinis na naman ako. Bwiset na talaga ang dalawang babaeng ito.  Napansin kong may lungkot sa mga mata ni Tricity pero wala akong pakealam sa nararamdaman niya. Masama na kung masama, masama din naman ang ginagawa ng babaeng yun.  "Are you okay?"  Nagulat naman ako nang nagsalita si King. Inabutan pa ng water si bubble. Naiinis na naman ako. Haist.  Nag nod naman si Bubble. Yakap yakap niya parin si Cupid. Tapos bumalik na si Ice sa upuan niya at nagbasa ng libro na para bang walang nangyari. Hanep talaga ang lalaking to.  Layt's POV Aabutin ko na sana yung tubig kaso agad niyang binawi ang kamay niya. Anong problema nito? "May sinabi akong sayo to? Tinatanong lang kita kung okay ka pssh"  Bigla naman akong nainis! Napahiya ako dun ah! Nagsitawanan pa si Prince Air at Rock! Walanghiya pinagtitripan na naman nila ako! Nag-init ang pusn "Letse ka! Pasalamat ka at Prinsipe ka! Jusko kala ko sincere kana! Bwisit ka talaga!"  Tumawa lang nang tumawa yung tatlo. Tapos napansin kong nakakunot ang noo ni fire na nakatingin sa akin tapos bigla nalang siyang nag-iwas agad. Si Ice naman ay nagbabasa ng libro. Hindi ko alam kung anong nangyari. "Haha assuming ka kasi!" Sabay tawa uli ni Prince King. "BWISIT KA!"  Hindi na dapat pinapansin ang isang katulad niya. Sakit lang siya ng ulo. _____________________________________________________ Magical Vampire Academy By: April Jane Patricio
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD