Kunot noo akong bumangon nang may ingay akong naririnig. Dahan dahan akong tumayo
Ngunit napatalon ako nang may kumalabit sakin
"Hoy bakit ka?" tanong niya sakin, Habang humihikab pa
"Narinig mo yun?"
"Anong narinig?"
Mmmpp...hmmmpp...
Oh 'yan nanaman yung ingay
'D ko na siya pinansin at dalidaling naglakad patungong dingding kung saan mas lumalakas ang ingay
Ahhhhh..hmmppp...
"Gaga ano ba... Umayos ka nga"
"Basta shhh! May ingay Basta mahirap iexplain para bang may naiipit"
"Ayun .... gago minumulto yata tayo dito" saad niya sabay linga sa paligid
"Bruha ka hindi magtatagal ang multo dito" naiinis na saad ko
"Abay bakit naman?" Tanong niya sabay angat ng isang kilay. Hindi ko alam kung matatawag ko panga ba iyong kilay.
"Sa pagmumukha mo palang siguradong tatakbo na yung aswang"
"Hoy gaga ka abat anong meron sa pagmumukhang ito! Hindi mo ba alam endangered na mga mukhang ito, at habulin talaga pag may mukha kang
ganito"
Oo Kikay endangered na, At sobrang Oo pinaghahabol na ang may mukhang ganyan dahil sobrang salot na sa lipunan nakakamalas na gusto na nilang makuha lahat ng hayop na may pagmumukhang ganyan para ilibing ng buhay.
Nungit hindi ko iyon sinabi at pinabayaan ko nalamang siya at hindi na pinagtuonan ng pansin.
Ahhhh...ahhhh
"Kikay parang may naiipit tala-" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang tinulak ako nito at tinakpan ang aking bibig.
"SHHH wag kang maingay" saad niya sabay dahan dahang inalis ang kanyang maduduming kamay sa aking bibig. OO madudumi dahil alam kong saan saan nanaman ito humawak.
Dadahan dahan niyang inilapit ang kanyang tenga sa dingding at bigla siyang napatalon at nanlaki ang mga mata
"Bakit"
"Hoy ayos ka lang?"
"Kikay"
"Anong narinig mo?" Sunod sunod na tanong ko sakanya ngunit para itong naestatwa
Kaya panandalian ko itong iniwan at lumapit sa dingding at ngayo'y mata ko naman ang namilog dahil sa aking narinig
Ohmyyyy my virgin earsssssss
Dodong bilis pa...ahhhh..ahhhh
Darrrrrlllaaa...ughhhhh
Dalidali akong lumayo at nag tungo sa kama nang may marinig akong mga yabag na nanggagaling sa tapat ng aming pintuan.
Nakatuon lamang ang aking mga mata sa pintuan at inaantay na may kumatok ngunit naitakip ko agad ang aking mga kamay sa tenga nang may sumigaw
"ALING DARRRLLLAA...MANG DODONGGG PAKIHINAAN NAMAN PO YUNG SOUNDS..KUNG 'DI NIYO PO GETS YUNG UNGOL PO TINUTUKOY KO MAY NATUTULOG DITOOO...TAPOS KAHAPON MAY PA REKLAMO REKLAMO PA KAYONG HINDI NIYO NA KAYANG MAGPAARAL NG MGA ANAK NIYO EHHH GUMAGAWA NANAMAN KAYO NG ANAK!" sigaw ni Kikay sabay ng malakas na hampas sa dingding na akala mo magigiba na.
"Tantanan mo kami Kikay" rinig kong sigaw ni mang Dodong
Narinig ko naman agad ang tawanan ng aming mga kapitbahay. Napakahirap nganaman pag dikit dikit ang bahay niyo wala kayong privacy.
Kung ako nga lang ang pagpipiliin gusto kong umalis dito, ngunit saan naman kami titira pag katapos eh hindi naman kami mayaman at hindi pa samin itong bahay. Balibalita nga'y o mas magandang sabihin ayon sa mga chismosa naming kapitbahay may pupunta daw ditong mga taong idedemolish mga bahay namin at papaalisin kaming lahat.
Ganun din yung sabi nung nakaraang taon eh hanggang ngayon nandito parin kami at buo pa mga bahay namin.Solid squatter yata kami tagal tagal nanaming nakatira dito hanggang panakot lang ang kaya nilang gawin eh dito na nga lumaki si lola at dito na rin niya pinalaki si Tatang oh at dito narin lumaki ang nagiisang Rhaila S. Fidel.
"Hoy Ila kanina pakita tinatawag" napatayo ako nang marinig ang nakakarinding este magandang boses ni Mother Earth
"Mamang naman hindi nga po Ila! RHAILA po RHAILA ang useless naman po kung pinangalanan niyo ako kung hindi rin yun ang itatawag niyo sakin tska ang pangit pakinggan ng Ila." nakangusong saad ko
"Hoy dzai, Gaga! atleast yung palayaw mo nakuha sa pangalan mo! Eh yung akin Kikay saan nila nakuha yung Kikay? Eh Ellaine pangalan ko" sabat ng taong nasalikod ko nasiya namang kinagulat ko. Nakalimutan kong may hayop este tao pa.
"Dzai ang ganda kaya ng palayaw mo Kikay walang kilay" saad ko sabay tawa ng napakalakas
Ngunit nahinto ang aking pagtawa ng hilahin niya ang aking kayumangging buhok. Ngunit 'di ako nagpatalo at hinila ko rin ang kanyang buhok.
"Kayong magpinsan tigiltigilan niyo na yan sumasakit ulo ko sainyo. Hali na baba na kayo nandoon na si Charlie at Tatang niyo sa baba " napatigil kami nang mapagtanto naming nariyan pa si mama. Kaya dali dali akong lumapit kay mama at niyakap siya ganun din ang ginawa ni Kikay
"Mama si lola po?" Tanong ko, hindi ko napansin na wala pala si lola sa kwarto kanina.
"H-ha bakit wala ba diyan?" Tanong ni Kikay sabay linga sa aming silid. Kaya napalinga nalamang din ako sa aming munting silid.
Pito kaming nagsisiksikan sa maliit na kwartong ito, Ako, si lola, si ate Cy at kikay ang natutulog sa kama at sa lapag naman sila kuya Gelo, Kuya Andrei at Ali na maglalatag lamang ng banig at lalagyan ng kutson. Sina mama naman sa may sala/kusina natutulog.
Pero pansamantalang nadagdagan kami ngayon dahil nandito si Ate Jay asawa ni kuya Drei at ang isang taong gulang na anak nilang si Casidy.
Sa sobrang liit ng bahay namin iisa nalamang ang sala at kusina hindi lang iyon doon narin kami kumakain.
Bale pag bukas ng pinto sa kwarto namin mga dalawang hakbang mo palang hagdan na. Minsan nga naiisip ko baka pwede kong matulak si kikay pero wala naman kaming pampahospital sa impakta na yun.
Tinaasan ko lamang ito nang kilay, at tinatayan. "Tatanungin ko ba kung nandito?"
"Sakalin kita diyan tamo"saad nito sabay patika ng dalawa nitong kamay na parang may sinasakal.
"Tigil tigilan niyo nga iyan" kunot noong ani ni mama sabay buntong hininga.
"Dinala ng kuya Gelo at Ate Cyril niyo si lola sa ilog" Dagdag pa nito.
"Tita kailan daw po aalis si Ate Cy?"
nakangiting tanong ng gaga kong pinsan.
"Pag ikaw narinig ni Ate Cy patay ka" pananakot ko rito. Ngunit inirapan lang ako ng haeop.
"Titigil kayo o makakatikim kayo sakin" saad ni mama sabay hawak sa beywang at sobrang talim ng tingin saamin.
"Iloveyou mama" "Iloveyou Tita"
Sabay naming saad ni Kikay habang yakap yakap parin si mama
"Asus ang mga dalaga ko nanglalambing panigurado ayaw
makatikim ng palo ahhh" nanunuyang saad ni mama. Kaya napuno ng tawanan ang maliit na silid.
Malapit si mama at tatang kay Kikay at kapatid narin ang turing naming magkakapatid sakanya, halos si mama at Tatang na nga ang nag palaki sakanya. Dahil simula ng iwan si tita Lalaine ng kanyang kinakasama 'di na niya binalikan dito si Kikay na sampung taong gulang palang noon. Alam kong minsan nangungulila siya sa kanyang ina kaya ginagawa nila mama at tatang ang lahat para hindi lumungkot si Kikay dahil para saamin kasali na siya o mas magandang sabihin pamilya namin siya at mahal namin siya.
Napabitaw ako sa pagyakap kay mama nang may pamilyar akong naaamoy. Napansin kong bumitaw narin si Kikay at palingalinga.
"Tita amoy bee-"
"Beefsteak, nakabili tatang niyo doon sa karenderya ni manang Nira" putol ni nanay kay Kikay
Agad namang kumalam ang aking sikmura o ang aming sikmura dahil ang beefsteak ni manang Nira ang the best at hindi siya kuripot kung maglagay ng sabay at laman.
Nagkatinginan kami ni Kikay at napangiti sa isa't isa bago nag unahang bumaba sa hagdan bago pako makalabas ng pintuan narinig ko ang halakhak ni mama.
"Dzai mapaparami yata ang kakainin natin" saad ko habang nakikipagtulakan sa kanya sa hagdan upang makaunang bumaba, muntikan pa nga akong mahulog kung hindi lang ako nakahawak sa kanya.
"Dahan dahan lang sa pag baba, masisira ang hagdan" sigaw ni Tatang habang tinatanaw kaming nag uunahan sa hagdan
"Tatang naman yung hagdan pa yung inalala mo" natatawang saad ni Kikay sabay mano sakanya na sinabayan ko rin.
"Good morning Tatang, papasada kayo ngayon?"
tanong ko.
"Oo pag tapos nating kumain Ila"
"Ila pangit Ila pangit" nakangiting tawag sakin ni Ali.
"Tantanan mo kong hakdok ka RHAILA boy RHAILA" saad ko sabay diin ng pagbigkas ko ng aking pangalan, ngunit tinawanan lamang ako nila Tatang
Isang Tricycle driver si Tatang at si mama naman labandera.
Alam ko namang minsan hirap na hirap na sila mama at Tatang para lamang mapakain kami ng tatlong beses sa isang araw, dahil hindi naman kay Tatang ang Tricycle. Pinapasada niya lang ito at tuwing lunes, huwebes, Sabado, at linggo lang ito pinapagamit, ngunit minsan nama'y dalawang beses lang sa isang linggo kung ipagamit ito kay Tatang, 700 minsan naman kung sweswertehin 1000 ang kinikita ni Tatang sa pamamasada pero babawasan iyon ng 250 dahil yun ang usapan nila ni Mang Renren. Kung baga nirerenta ni Tatang ang Tricycle nila Tito Ren, kaya kung minsay' kakaunti lang ang pasahero wala nang nauuwi si Tatang dahil ibabayad niya nalamang ito.
Kaya sa mga araw na hindi papasada si Tatang ay nilalako niya ang mga isdang nahuli ni tito Rick. Magkapatid sina tatang at tito Rick mas matanda nga lang si Tatang ng tatlong taon.
Si mama nama'y minsan lang nakakakuha ng labada, eh sino naman ang magpapalabada dito eh halos lahat yata samin mahirap, kasi yung perang ipapalaba nila gagamitin nalamang nila ito pang ulam. Buti nga at ang ninang ay nagpapalaba kay mama.
Kahit ganon ang buhay namin napagtapos nila kami hanggang kolehiyo. At si Charlie nalamang ang pinapaaral nila dahil mag g-grade 7 na ito. Nakapagtapos kami ni Kikay ng BS Biology, bata palang kami gustong gusto kong maging doctor, Ito namang si Kikay gusto rin daw mag doctor. Walang originality ang gaga.
Pero dahil sa wala kaming sapat na pera, Pag katapos naming nag kolehiyo naglalako ako ng gulay kasama si Kikay at Sid, Minsan naman sumasama ako kay Ate Cyril sa kanyang pinagtratrabahuang karenderya malapit sa sakayan ng jeep, At 'di talaga nawawala si Kikay sa eksena dahil pag sumasama ako sasama rin siya, Pero mas okay yun kasi mas malaking pera ang mauuwi namin.
80 peso ang binabayad samin ni Mommy kaya pag kaming tatlo ang nag tratrabaho sa karenderya niya nakakauwi kami ng 240, pang gamot na din yun ni Lola.
Plano ko sana at ni Kikay na pag nakapagtapos kami dati luluwas kaming papuntang manila para mag trabaho sa tiyahin namin. Pero itong si Kuya Drei apaka arte ayaw pumayag eh hindi naman siya ang magtratrabaho sa tyahin namin ah kami naman ni Kikay.