Papunta ako ngayon sa kabilang kanto, Inutusan kasi ako ni mama na bumili ng tinapay at hanapin ang magaling kong kapatid.
bakit naman kasi nasa kabilang kanto pa yung bilihan ng pandesal naiistress na tuloy bilbil ko.
Tuloy lamang ako sa paglalakad nang nakita ko si ninang kaya dalidali ko itong nilapitan at nag mano.
Tinitigan ako nito at may sumilay na ngiti sa kanyang mga labi." Buenas Dias Ila, Onde man tu anda?"
("magandang araw Ila, San ka pupunta?")
Nginitian ko din ito "Buenas Dias tambien ninang, Ali lang kanda Sid kumpra iyo pandesal pati buska pa iyo kun Ali"("magandang araw din po ninang, Diyan lang kanila Sid bibili lang ako ng pandesal pati hahanapin ko pa si Ali")
"Hay bien laagan gad kel. Bien bunita ya man gad 'tu langga, numa anay man nobyo nobyo ah!, Oh sige ya anda ya iyo manada pa iyo kosa ase" ("Hay lakwaksero talaga yun. Ang ganda mo na talaga langga, huwag ka muna mag boyfriend boyfriend ah!, Oh sige na aalis nako marami pakong gagawin") saad niya sabay tapik sa aking balikat bago umalis.
Itutuloy ko na sana ang aking pagalalakad ng narinig kong tinawag ako nito "Ila bien ulianun ya gayod si ninang... Oh" ("Ila napalakalimutin na talaga ni ninang... Oh") saad niya sabay lagay ng dalawang daan sa aking kamay.
"Gracias Ninang" ("Thankyou ninang") nakangiting saad ko bago tumuloy sa pag lalakad.
ang sarap magkaroon ng ninang, pag may ninang may pera.
"Ila nandito na.. ito na rin ang sukli" saad ni kuya bert
Nakangiting tinanggap ko ito at palinga linga sa paligid "Kuya Onde si Sid?" ("Kuya san si Sid")
"SIIIIDDDDDDDD" sigaw niya sa pangalan nito.
Napangiwi naman ako roon, tinanong ko lang naman kung saan Sid hindi ko naman sinabing tawagin niya
Nang nakita kong sumulyap si kuya saakin nginitian ko ito ng napakatamis tamis na pati asin lalangamin. May pasulyap sulysap kapang nalalaman, alam ko maganda ako kuyaaaa...
"Kuya ano ba nag mamakeup pa ko"
naririnig ko ang nakakarinding boses ni Sid, napababa na sa hagdan.
"Tantanan mo ko sa mga kabaklaan mo Sid, nandito si Ila h-"
"Rhaila po"putol ko sa sasabihin ni kuya
"H-ha o-oo Rhaila"saad nito sabay kamot pa sa ulo
Nabaling ang aming atensiyon sa mga batang walang tigil sa pag kakatok ng pinto nila Sid.
"Ako na kumatok, kayo na magsalita at magbayad" saad ng batang naka pula sa dalawang bata
"Koy, ikaw na mag salita ako na bibili" Saad naman ng isa, na tinulak pa ang batang nag ngangalang Koy daw.
"Tao po pabiling pandesal"
Natigil ang panonood ko sa mga bata ng may nag salita sa tabi ko, 'di ko namalayang nandito na Sid saaking tabi. At pagtingin ko naman sa kaninang pwesto ni kuya wala na siya roon at binibigyang tuon na pala ang mga bata.
"Naalala mo ganyan tayo dati nag tutulakan pa nga tapos may planohang nagaganap pa" nakangiting saad nito.
" Sorry the number you have dialed is incorrect."
"Tang*na mo Aila" galit na saad nito sabay taas ng kamao.
"Geh subukan mo baka mamaya malaman mo nalang alam na ni Jak-mmmmmmmmmhh"
"Gago" saad nito sabay tanggal ng kamay niya sa bibig ko. Gago apaka bastos!
"Ikaw haeop ka naghuga-"
natigil ako sa pag sasalita ng may tumawag saakin.
"Ate"saad ng tao sa aking likuran, kaya lumingon ako dito at binatukan siya.
"Hakdok Kang bata ka pag katapos kumain nawala ka kaagad. Alam mo ba hinahanap ka ni mama, mamaya ka daw sakanya may flying slipper kang matatanggap." Galit na ani ko rito sabay pitik sa kanyang tenga
"Ate nag computer lang ako"
"Ipakain ko kaya yung computer sayo! Alam mo ba ako nag pakain sa manok kasi d mo pinakain nakurot tuloy ako!" saad ko sakanya habang inaalala ang nangyaring pangungurot ni mama.
"Ila pakisabihan nga si Ali na gawin na ang trabaho niya" rinig kong sigaw ni mama sa taas, paniguradong nag sasampay ito ng damit sa may bubong.
"Hoy Kikay tawagin mo nga si Ali" tinatamad na saad ko sa aking pinsan na naka upo sa lapag at nagcecellphone habang may pangiti ngiti pa. Gago walang forever may brebreak din nman sila wala naman kasing forever pag kapitbahay ang lover.
"Ikaw inutusan" ani nito habang 'di parin inaalis ang tingin sa cellphone niya, may pa text-text pang nalalaman eh yung bahay ng jowa katapat lang ng bahay namin. Sayang load.
"Mas matanda ako kaya kailangan sundin mo ko"
nang 'di ako nito pinansin ay tumayo ako sa harap niya at tiningnan ito ng masama. Ngunit sinulyapan lamang ako nito at bumalik sa pag cecellphone.
"KIKAY!"
"TANTANAN MO KO ILA! GAGA ISANG ARAW LANG ANG TINANDA MO SAKIN. TSKA ANO BA TIGILAN MO NGA AKO WALA SI ALI DITO SAAN SAAN NANAMAN YUNG NAG SUSUUOT ALAM MO NAMANG KABOTE YUN. CHUPE ALIS NA, KA TEXT KO PA SI BABY CHAD KO." Pasigaw nitong saad.
"EWWWW " nandidiring saad ko at dumeretso paakyat
"GAGA WALA KALANG JOWA! BITTER ANG LOKA!" Pahabol na sigaw nito.
"Mama wala si Ali" saad ko kay mama na ngayo'y nakatayo sa bubong ng aming kapitbahay at nag sasampay ng mga damit.
Pag bukas ng bintana namin bubong agad ng kapitbahay ang bubungad sa inyo!
"Sus ko makakatikim talaga yun mamaya saakin" napangiti naman ako sa sinabi ni mama.
"Ay siya nga pala ila bumili ka ng pandesal kila Sid, Pauwi na sila lola mo kaya hanapin mo na si Ali " dagdag nito.
"Op-"
"Pero bago yun pakainin mo muna yung mga manok"
"Mama naman ayaw ko baka matuka ako si Kikay nalang"
"Tantanan mo ko Ila" galit na saad nito at tinaas ang suot nitong tsinelas.
"Ma hindi ako marunong mag pakain ng manok! Tapos 'di ko alam 'san pag kainan nila" Kunot noo kong saad sabay kamot sa buhok. Bakit naman kasi ako.
"Kailangan mo matuto para pag nag asawa k-"
"Ay mama 'di ako mag aalaga ng manok pag laki ko kaya tama na~araaaaaaaayyyyyy" dali dali akong lumayo kay mama sabay himas sa braso ko. Pano ba naman kinurot ako tapos ang haba pa ng kuko ni mama baon na baon!
"Bumaba kana" mama.
"Opo" saad ko habang hinihimas parin ang braso ko, at pag baba namin ay wala na ang Kikay na nakaupo sa lapag at nakikipag text sa boyfriend.
Dahil pag kababa namin ay nag wawalis si Kikay at pinupunasan ang mga picture frame na nakadikit sa dingding.
Kala mo kung sinong mabait hmp.
"Ate"
"Ate"
"ANO BA!" sigaw ko sa taong kumakalabit sakin, ngunit agad din akong nahimasmasan nang nakita kong si Ali lamang ito.
"Bakit ba kasi?" Mahinahong tanong ko
"Kanina pa yang kilay mo ate kulang nalang maging straight line, tapos nakatingin kapa sa lupa, kala mo inano ka ng lupa hindi mo na nga napansing umalis na si Kuya Sid"
"H-huh?" Naguguluhang tanong ko.
"Wala tara na" ani nito at inunahan ako sa pag lalakad.
"Teka nga" habol ko dito.
"Bigay mo nga yan sakin" naiinis na ani ko.
"Ate mamaya na kumakain pa ko" pag mamaktol nito at lumayo saakin.
Pano ba naman kasi kinain lang naman niya yung binili kong pandesal, eh para kay lola yun.
"ALI... ISA... DALAWA."
"Kawawa kanaman hindi marunong mag bilang, gusto mo po bang turuan kita?" Tanong nito, habang inosenteng nakatingin sakin.
"ALI! " Sigaw ko dito, 'd ko na pinansin ang mga taong pinagtitinginan kami kasi kanina patalaga kami nag aaway.
"Hindi pa ba kayo papasok?"
"AY PALAKA!" sigaw ko sabay hawak sa dibdib ko.
"K-kuya n-na-naman nanggugulat ka"
Nahihirapang wika ni Ali. Kaya napatingin ako dito at dali dali tinapik tapik ang kanyang likuran.
Pano ba naman nabilaukan ang gago, sabi nang hindi sa kanya ang Pandesal eh!
At nang nahimasmasan ito nauna na itong pumasok at binigay ang plastic saakin.
sumunod naman sakanya si Kuya Gelo.
Pero napahinto ito at tiningnan ako
"Ila bago ka pumasok, ligpitin mo muna yung mga tsinelas"
"H-ha?"
"Gusto mo ulitin ko?" Matigas na tanong ni kuya Gelo.
"Char lang kuya, sige na pasok kana sa bahay ako na bahala dito" nakangiting saad ko sabay flying kiss.
Hakdok talaga to si kuya.
kaya naman dali dali kong inayos ang mga nagkalat na tsinelas at dali daling pumasok sa bahay.