Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa alarm.
Mamaya na pala ang gradball.
Pupunta kaya siya?
Yun agad ang naisip ko.
Ipinilig ko ang ulo ko. Bakit ko ba siya iniisip? Diba nga iniiwasan ko na siya?
Bumangon na ako sa kama at bumaba para maghanda ng almusal. 6am pa lang kaya siguradong tulog pa si Gio. Kahit naman gising na siya hindi siya nababa para mag almusal. Pababa pa lang ako ng hagdan ng makasalubong ko siya. Nagulat ako kaya napahawak ako sa dibdib ko. At ng tignan ko ang sarili ko nakasuot pa nga pala ako ng pantulog at wala akong suot na bra.
Wah!!! Nakakahiya!
"K-kanina ka pa ba gising?" nauutal kong tanong sa kanya.
"Oo. Bakit?" titig na titig siya sakin.
"A-ah w-wala. Hehe. S-sige baba na ko." sabi ko na lang.
"Sigurado ka bang bababa ka ng ganyan ang itsura mo? Hahaha! Sabagay okay lang naman na bumaba ka ng ganyan. Wala naman akong nakikita. Di ko alam na maliit pala ang dibdib mo. Sige bumaba ka na." natatawang sabi niya.
Anong sinabi niya?! Maliit daw ang dibdib ko?
Napatingin ako sa dibdib ko.
Hindi naman ah?
Tinignan ko siya ng masama.
"Hmp! Gio!" sigaw ko.
"Ano? Hahahaha!" tawa siya ng tawa.
"Ang bastos mo! Bwisit ka talaga!" naiinis kong sigaw sa kanya. Napaka salbahe niya talaga sakin. Bumalik na lang ulit ako sa kwarto ko at nagbihis bago bumaba.
Nakakainis talaga siya.
Napaisip ako bigla.
Bakit ang aga niya yatang nagising ngayon?
Bakit nasalubong ko siya e hindi naman siya nalabas ng kwarto ng ganun kaaga?
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at sinilip kung nasa labas pa rin siya bago ako lumabas.
Wala na siya.
Napadaan ako sa kwarto niya kaya inalam ko kung nandun siya. Inilapat ko ang tainga ko sa pinto ng bigla itong bumukas at matumba ako sa sahig kasama siya.
[boooogssss!]
Nakadagan ako sa kanya at hindi ako makagalaw.
"Tama nga ako na wala kang dibdib." narinig kong sabi niya sakin.
Tinulak ko siya at nagmadali akong tumayo.
"Ano bang ginagawa mo sa pintuan ng kwarto ko?" tanong niya sakin.
"A-aray ko." hawak ko ang ulo ko na nauntog yata. Hahawakan niya sana ang ulo ko pero pinigilan ko siya.
"Wag!" sabi ko.
"Ha? Teka, bakit namumula ka?" natatawang tanong niya sakin.
"Hmp! Siraulo ka talaga!" lumabas na ako ng kwarto niya at nagpunta sa kusina. Naabutan ko sila Tito at Tita na nag aalmusal.
"Gising kana pala, hija. Maupo ka na at saluhan mo na kami." sabi ni Tita.
Ang aga yata nila?
Anong kayang meron? Naupo na ako sa tapat ni Tita. Habang nagbabasa naman si Tito ng diyaryo.
"Good morning po, Tito." bati ko.
"Morning. Kumain ka na." sabi niya.
Palaging wala si tito dito sa bahay kaya naninibago ako ngayon dahil nandito siya at kasama naming mag aalmusal.
"Good morning po, Ma, Pa." bati ni Gio sa parents niya.
"Maupo ka na rin, hijo. Sayang naman ang niluto mo kung hindi mo titikman." sabi ni tita.
Napatingin ako kay, Gio. Siya ang nagluto ng lahat ng 'to? Anong nakain niya at siya ang nag handa ng breakfast?
Ang galing niya naman.
Napangiti ako. Matitikman ko na rin ang luto niya.
"Ang galing mo naman. Hindi ko alam na marunong ka palang magluto." masayang sabi ko sa kanya.
"Tss! Madali lang akong matuto. Hindi lang ikaw ang marunong." sabi niya.
Ang yabang naman niya.
Minsan talaga hindi ko siya maintindihan. Napaka moody niya. Naupo na siya sa tabi ko.
"Ano ka ba naman, Gio? Nagtatanong lang naman siya. Ako nga rin hindi ko alam na marunong ka palang magluto." nakangiting sabi ni tita.
"Kinampihan niyo na naman siya, Mama. Minsan tuloy akala ko siya ang anak niyo at hindi ako." nagtatampong sabi ni Gio.
Natawa ako.
Si Gio Lee nagseselos sakin?
"Anong tinatawa mo diyan?" naiinis na tanong niya sakin.
"Mr. Gio Lee! Hindi bagay sayo ang magselos. Alam mo naman kung bakit ako ganito kay, Elin. Mabait siyang tao at gusto ko siya." sabi ni tita.
"Salamat po, tita." nakangiti kong sabi.
"Kaya tumigil ka na diyan. Kumain na tayo." sabi ni tita.
Maya-maya nagsalita ulit si Gio habang kumakain.
"Actually, gusto kong subukan ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa. Kaya ito ang naisip ko. Sinubukan kong magluto para sa inyo." sabi niya samin.
"Talaga ba, anak? Nakakatuwa naman!" masayang sabi ni tita.
"Mature ka na talaga. Masaya ako sa ginagawa mo, anak. Pagbutihan mo ang gagawin mo dahil balang araw ikaw ang mag mamanage ng kompanya natin. Sigurado ako na malaki ang maitutulong mo para sa kompanya." sabi ni tito bago humigop ng kape.
"Bussiness Management po ang kukunin kong course sa college. Hindi ako mangangako pero, pagbubutihan ko, papa." sabi niya. Tumango naman si Tito.
Pagkatapos namin kumain umakyat na ako. Nakita ko si Gio na nakatayo sa terrace. Anong ginagawa niya dun? Lumapit ako sa kanya.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ko sa kanya.
"Oo. Dahil yun ang alam kong gusto at magpapasaya kay, papa." sabi niya sakin.
"Pero, paano ka? Paano kung hindi ka maging masaya sa gagawin mo?" nag aalalang tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sakin.
"Di ba sabi mo sakin kung anong gusto ko ay pangarap mo na rin?" sabi niya. Tumango lang ako sa kanya.
"Kung alam mong masaya ka sa napili mo. Masaya na rin ako." sabi ko at tumalikod na.
Aalis na sana ako ng bigla niya akong tawagin.
"Elin." tawag niya sakin.
Lumingon ako sa kanya.
"Bakit?" tanong ko.
"Wala." umiiling na sabi niya.
Tss! Ang labo niya talaga. Tumalikod na uli ako at pumasok na sa kwarto ko.
----------
Ang liwanag at ganda ng buong field. Bilog na bilog ang buwan na lalong nagpaliwanag sa paligid. Maraming mga nagkikislapan na bituin sa langit. Ito ang special day para sa mga katulad kong iiwan na ang buhay high school. Napakaraming memories ang mababaon ko dito kapag college na ako.
Nakatayo ako sa may ilalim ng puno at nakatanaw sa buwan at mga nagkikislapang bituin sa langit.
"Hey." nagulat ako sa nagsalita.
Nakatayo si Prince sa harapan ko.
"Ikaw pala." sabi ko.
Lumapit siya sakin at tumabi.
"Bakit mag isa ka yata? Nasaan ang mga kaibigan mo?" tanong niya sakin.
"Nandiyan lang siguro sila." sabi ko.
"Ikaw? Bakit nandito ka?" tanong niya.
"Masyadong maingay sa loob. Saka maganda ang tanawin dito." nakangiting sabi ko.
"Ang ganda mo." puri niya sakin. Natawa ako sa sinabi niya.
"At ikaw? Ang gwapo mo ngayon." nakangiti kong sabi.
"Dapat lang! Para sayo kaya 'to." sabi niya sakin habang nagpapa-cute siya.
"Ang galing mo talagang mambola 'no?" natatawang sabi ko.
"Hahaha! Alam mo kung hindi lang kita kilala. Iisipin ko na nabola na agad kita." tumatawa niyang sabi.
"Hahaha! Sira ka talaga!" nagtawanan kaming pareho.
GIO POV
Naglalakad-lakad ako ng may narinig akong nagtatawanan kaya tinignan ko kung sino yun. Nakita ko sila Elin at Prince na magkasama. Anong ginagawa nila dito? At bakit sila magkasamang dalawa? Nagkubli ako sa hindi nila makikita.
"Mag uumpisa na yata ang ball. Tara pumunta na tayo dun." sabi ni Prince kay, Elin.
"Sige." umalis na silang dalawa.
Iniabot ni Prince ang kamay niya kay, Elin na hindi naman niya tinangihan. Nakangiting magkasamang naglakad silang dalawa pabalik sa loob. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Tinignan ko na lang sila habang papalayo. Ganyan ba siya kasaya kapag magkasama silang dalawa? Abot hangang tainga ang ngiti niya.
Tss!
ELIN POV
Naghiwalay din kami ni Prince pagdating namin sa loob dahil tinawag siya ng mga kaibigan niya.
"Saan ka galing, Elin?" tanong ni Anna pagdating ko.
"Nagpahangin lang ako sa labas." sabi ko.
Naupo ako sa table namin.
Nagpalinga-linga ako. Nasaan kaya siya? Nagpunta kaya siya? Pero, sabi niya hindi siya pupunta bakit hinahanap ko pa siya?
"Hinahanap mo si Gio?" tanong ni Elise. Tumango lang ako.
"Hindi ko pa siya nakikita." sabi naman ni Anna.
"Hindi siya pupunta. Yun ang sinabi niya sakin." malungkot na sabi ko.
"Hays! Ano ka ba, Elin. Hayaan mo na siya. Nandiyan naman si Prince. Wala namang pakealam sayo ang Gio na yun. Samantalang si Prince palaging nandiyan para sayo. Ilang taon mo na siyang mahal pero wala siyang pagtingin sayo. Kalimutan mo na lang siya." sabi ni Elise sakin.
"Tama si Elise. Wag ka ng malungkot. Sayang naman ang gown mo kung lukot naman yang mukha mo." sabi ni Anna.
"Madali lang sabihin na kalimutan siya pero, mahirap gawin." sabi ko na lang.
"Sabagay. Tama ka." sabi ni Anna.
"Mahirap talagang kalimutan ang taong mahal mo." sabi ni Elise na parang nalungkot din.
"Hays! Ano ba naman tayo! Dapat masaya tayo ngayon di ba? Malapit na tayong grumaduate kaya dapat masaya tayo!" sabi ko ng nakangiti
"Ikaw kasi e. Nahawa na tuloy kami sa kalungkutan mo." natatawang sabi ni Anna.
"Whoa! Elin, ayun si Gio o!" may itinuro si Anna at sinundan ko yun.
Nakita ko si Gio na nakatayo. Ang gwapo niya sa suot niyang tuxedo. Para siyang nagmamay-ari ng isang sikat at malaking kompanya. Siguro kapag siya na ang namamahala ng kompanya nila ganyan din ang itsura niya. At sigurado ako na pagkakaguluhan siyang mga babaeng empleyado niya.
Pero, akala ko ba hindi siya pupunta?
Tumayo ako at nilapitan siya.
"Hoy! Elin! Saan ka pupunta?" tawag sakin nila Anna at Elise. Hindi ko na lang sila pinansin.
"Akala ko ba hindi ka pupunta? Bakit nandito ka ngayon?" tanong ko sa kanya pagkalapit ko.
"Ano?" nagulat yata siya sakin.
"Ha! Sinungaling!" naiinis na sabi ko sa kanya.
"Wait. Hindi ba ako pwedeng pumunta dito? Nagbago ang isip ko kaya nandito ako. Masaba ba yun?" sabi niya sakin.
Hindi na ako nakapagsalita dahil biglang nagsalita ang host.
"good evening everyone! Nag eenjoy ba kayo, guys?!"
"yeah!" sigawan ng lahat.
"o' right! Dahil malapit na kayong maging college student. Alam natin na ang high school life ang pinaka memorable sa buhay natin. Kaya naman ngayong gabi pagbibigyan namin kayo na sabihin sa taong gusto o nagugustuhan niyo ang nararamdaman niyo! This is so exciting! So! Pumunta lang dito sa stage ang malakas ang loob na mag confess ng nararamdaman. Papatayin namin ang ilaw para may twist. "
Pinatay ang lahat ng ilaw kaya wala akong makita na kahit ano. Nagulat ako ng may biglang humawak sa braso ko at hilahin ako. Si Gio ang kaharap ko kaya naisip ko na siya ang humila sakin. Saan niya ba ako dadalin?
"Gusto kita." nagulat ako sa nagsalita. Tumigil na rin kami sa paglalakad. Rinig sa buong field ang boses niya. Hindi ko siya makita kaya hindi ko alam kung sino siya o kung sino ang sinasabihan niya ng mga katagang yun.
"Sino ka?" tanong ko na lang.
"Hindi na importante yun. Gusto kita. Apat na taon na. Hindi ko alam kung bakit at paano pero yun ang nararamdaman ko. Gusto ko na palagi kang nakikita lalo na ang mga ngiti mo." sabi niya sakin.
Binitawan niya ang kamay ko kaya hindi ko alam kung nandun pa ba siya o wala na. Hindi ko alam.
"Nakakakilig naman! sino kaya ang mystery guy na yun? At sino rin kaya ang mystery girl na yun?" tanong ng host.
"Nandiyan ka pa ba?" tanong ko sa humila sakin.
Nasilaw ako dahil biglang bumukas ang spotlight at tumapat sa akin.
"Whoa! Si Elin ang mystery girl?!" sabi ng mga schoolmate ko.
"Pero, sino ang mystery guy?" tanong nila.
Hindi ko alam ang sasabihin dahil hindi ko rin alam kung sino siya.
May isa pang spotlight na bumukas at nagulat ako ng makita ko si Prince na nakatayo at nakatingin sakin.
Si Prince ang mystery guy?
"Si Prince ang mystery guy!" sabi ng mga schoolmate namin.
Hindi ko alam pero bakit parang nanghinayang ako? Sana si Gio ang nakatayo doon at hindi siya. Hindi ko alam ang sasabihin kaya tumakbo na lang ako pababa ng stage. Bumalik ako sa mesa kung nasaan sila Anna at Elise.
"Grabe ka girl, ang haba ng hair mo!" kinikilig na sabi ni Anna.
Hindi ko siya pinansin. Saan kaya nagpunta si Gio? Bakit bigla na lang siyang nawala?
"Saan kaya siya nagpunta?" tanong ko.
"Ha? Sino?" takang tanong sakin ni Anna.
"Kausap ko lang siya kanina ng biglang mamatay ang ilaw. Pero, pagkatapos ng confession sakin ni Prince nawala siya bigla. Hindi ko na alam kung nasaan siya." sabi ko na lang.
"Si Gio ba ang hinahanap mo?" tanong ni Anna.
Tumango lang ako sa kanya.
"Nakita ko siyang lumabas. Baka nasa pilot building siya." sabi ni Anna sakin.
Tumayo ako at lumabas para hanapin si Gio.
"Elin! Saan ka na naman ba pupunta?!" tawag sakin ni Anna.
"Hahanapin ko lang siya!" sigaw ko.
Paglabas ko nakasalubong ko si Prince.
"Elin." tawag niya sakin.
Hindi ko na lang siya pinansin at umalis na. Mamaya ko na lang siya kakausapin. Hindi ko alam kung bakit ginawa niya yun.
GIO POV
Lumabas ako ng field pagkatapos ng confession. Nandito ako ngayon sa pilot building. Bakit ba kasi nagpunta pa ako dito sa gradball na 'to? Wala naman akong gagawin dito. Nakatayo ako sa rooftop ng building nang may bigla akong narinig na mga yabag. Nakita ko ang kaibigan ni Elin na si Elise at papalapit sakin na parang nakainom na. Anong ginagawa niya dito?
Lumapit ako sa kanya para tanungin kung anong ginagawa niya dito nang bigla na lang siyang natumba kaya inalalayan ko siya para makatayo.
"Hihi! Akala ko pababayaan mo akong matumba. Ang bait mo talaga." amoy alak siya.
Bakit siya naglasing ng ganito?
"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka naglasing kung hindi mo naman pala kaya?" tanong ko sa kanya.
Hinimas niya ang pisngi ko.
"Anong ginagawa ko dito? Hihi! Sinundan kita. At naglasing ako dahil sayo!" sabi niya.
"Ano?" naguguluhan ako sa sinasabi niya.
"Alam mo bang gusto kita, Gio!" nabigla ako sa sinabi niya. "Napaka perfect mo kasi kaya nagustuhan kita." lumapit siya sakin ng bigla na lang niya akong hinalikan.
ELIN POV
Hinanap ko si Gio at nakita ko siya sa rooftoo ng pilot building na kasama at kausap si Elise.
Si Elise?
Anong ginagawa nila dito?Nakahawak siya kay, Elise at nasasaktan ako sa nakikita ko.
Ano bang nangyayari?
Bakit sila magkasama na dalawa?
Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Pinagmasdan ko lang silang dalawa. Nagulat na lang ako ng bigla silang naghalikan. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Si Elise ang gusto niya at hindi ako.
Pero, bakit kailangang si Elise pa?
Bakit kaibigan ko pa?
Kaya malabo na mag coconfess siya sakin. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko kaya napaatras na lang ako nang bigla akong matumba. Hinayaan ko lang na umagos ang luha ko ng dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pagkirot ng puso ko at pagkatumba ko. Nakita ko na papalapit sila Gio kaya nagmadali akong tumayo at umalis. Kahit na paika-ika pinilit ko na maka alis sa lugar na yun.
Pagkababa ko ng building nakita ako ni Prince pero, hindi ko siya pinansin.
Umalis na lang ako sa gradball at umuwi ng bahay. Mabuti na lang tulog na sila Tita kaya hindi sila magtatanong.
Pagkapasok ko sa kwarto umiyak ako ng umiyak.
Bakit ba ang tanga tanga ko pagdating sa kanya?
Bakit ba hinahayaan ko na saktan niya ako palagi ng ganito?
Bakit lagi na lang niyang pinapamukha sakin na hindi niya ako gusto?
Bakit ba siya pa ang nagustuhan ko?
Bakit ba hindi mawala ang feelings ko sa kanya?
Bakit hindi ko naisip nung una pa lang na wala na talaga akong pag asa?
Na talo na ako?
Na kailangan ko ng sumuko?
Higit sa lahat bakit si Elise pa?
Bakit kaibigan ko pa?
Pakiramdam ko durog na durog na ang puso ko.
Umiyak ako ng umiyak dahil hindi ko alam kung paano ilalabas ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Mas masakit ang puso ko kesa sa paa ko na napilayan.
GIO POV
Hindi ko na makita si Elin. Saan kaya nagpunta yun? Tinanong ko si Anna pero, hindi rin niya alam. Hindi na daw siya bumalik nung sinabi na hahanapin ako. Bakit niya ako hinahanap?
Siya kaya yung nakita ko na tumatakbo palabas ng building?
Umalis na lang ako at umuwi na dahil wala naman na akong gagawin pa dito.
"Nakauwi na siguro siya." naisip ko.
Pagdating ko sa bahay umakyat na agad ako sa kwarto ko para makapagpahinga na rin.
Tulog na kaya siya?
Lumabas ulit ako ng kwarto at tinignan kung tulog na siya. Pinihit ko ang doorknob ng pinto niya. Hindi naka lock ang pinto ng kwarto niya. Lumapit ako sa kama. Nakasuot pa siya ng gown at nakadapa. Lumapit ako sa kanya para kumutan siya ng mapansin ko na basa ng luha ang pisngi niya. Umiyak ba siya? Pero, bakit?
Lalabas na sana ako ng mapansin ko ang paa niya na nakasuot pa ng sapatos. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tinangal ang sapatos. Napansin ko na parang namumula at namamaga ang isa niya paa. Anong nangyari sa kanya?
Pinagmasdan ko siya at naalala ko ang nangyari kanina sa rooftop ng pilot building. Hindi kaya siya yung nakita ko na tumatakbo palabas ng building?
Ibig sabihin nakita niya ang lahat?
Napapikit na lang ako ng maalala ko yun. Ano ba kasing pumasok sa isip mo Gio at hinayaan mong gawin sayo ni Elise yun?
Tumayo na ako at lumabas ng kwarto niya pagkatapos ko siyang kumutan at bumalik na ulit sa kwarto ko.
Hindi ko pwedeng hayaan na mamaga ang paa ni Elin kaya bumaba ako sa kusina at kumuha ng yelo na ilalagay sa paa ni Elin.
Kumuha ako ng benda sa cabinet at bumalik sa kwarto niya.
Pagod na pagod siguro siya dahil kahit na ginagalaw ko ang paa niya hindi siya dumadaing. Pagkatapos kong malagyan ng benda ang paa niya bumalik na ulit ako sa kwarto ko.