SWEET KISS 6

3532 Words
ELIN POV Mabilis na lumipas ang panahon. Isang taon na rin ang lumipas pero, parang wala namang nagbago. Katulad pa rin ng dati. Graduation na namin next week. Ang sarap sa pakiramdam na gagraduate na ako at makakatayo na ako sa sarili kong mga paa. Kila Gio pa rin ako nakatira. Sinabi ko sa sarili ko ng gabing yun na lalayuan ko na siya at sa tingin ko naman nagawa ko na layuan siya. Kahit na sa iisang bahay kami nakatira nagagawa kong iwasan siya. Kapag nasa labas siya nagkukulong lang ako sa loob ng kwarto ko. Minsan sa noodle house ako umuuwi para tumulong kay mama. Mukha namang okay sa kanya dahil palagi naman siyang busy. Palagi siyang binabangit sakin ni tita kapag nag aalmusal kami. Lalo rin siyang gumwapo ngayon. Kaibigan ko pa rin si Prince kahit na natapos yung three dates na hiningi niya sakin. Masaya at masarap siyang kasama kaya hindi mahihirapan ang babaeng magmamahal sa kanya. Magkakasama pa rin kami nila Anna at Elise sa iisang klase. At si Diane nalipat sa ibang section. ... "Dalawang noodles nga po!" sigaw ng isang costumer pagpasok ko sa noodle house. Agad akong tumakbo para kunin ang order nila. "Sige po! Nandiyan na!" sabi ko pagkapasok ko sa noodle house. Kakagaling ko lang sa school at dito ako dumiretso kay, Mama. Pagpasok ko sa kusina abala si mama sa pagluluto. "Hello, Ma! Mukhang maraming tao ngayon ah?" sabi ko. "O? Anong ginagawa mo dito? Maaga pa ah? Wala ka bang pasok?" gulat na tanong ni Mama. "Katatapos lang po ng klase ko. Maaga lang kaming na dismiss." kumuha ako ng dalawang bowl na paglalagyan ng noodles. "May umorder po ng dalawang noodles. Ako na lang ang mag seserve, Ma." sabi ko. "O siya sige. Marami ngang tao ngayon kaya busy ako." sabi ni Mama. "Nasaan po si Aling Precy?" tanong ko kay, Mama. Katulong ni Mama si Aling Precy sa noodle house. "Umuwi muna sa kanila. May problema yata." sabi ni Mama. "Ganon po ba? Ako na lang muna ang tutulong sa inyo ngayon habang wala pa siya." nakangiti kong sabi habang sinasalinan ng noodles ang dalawang bowl. Ngumiti si mama. "Ikaw talaga. Oo na sige na." sabi niya sakin. "Dalahin ko lang po ito sa labas." nakangiti kong sabi. Ngumiti lang si mama sakin. Lumabas na ako ng kusina at sinerve sa costumer ang order nila. "Ito na po ang order niyo." nakangiti kong sabi sa dalawang matanda. "Salamat, hija." sabi sakin ng matanda. "Welcome po." nakangiti kong sabi. Bumalik na ako sa counter para magbantay. Abala kasi si Mama sa kusina. Ang dami ngang tao ngayon. Malamig kasi ang panahon ngayon. "Isang noodles sakin." sabi ng boses lalaki na nasa harapan ko. Hindi ko na pinag abalahan na tignan kung sino siya dahil puro costumer lang naman ang napunta dito. "Okay po. Sandali lang." sabi ko at bumalik sa kusina. Pagbalik ko sa counter hinanap ko yung lalaki pero di ko siya makita. "Nasaan na kaya yun?" tanong ko. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko siya na nakaupo patalikod sa counter. Nilapitan ko na siya para ibigay ang order niya. "Hmm...Sir, ito na po ang order niyo." sabi ko at inilapag ang order niya sa mesa. "Hindi ko alam na may trabaho ka na pala." sabi ng lalaki sakin. "Ha?" pagtataka ko. Ako ba ang kinakausap niya?Anong sinasabi ng lalaking 'to? "A-ako po ba ang kinakausap niyo?" tanong ko sa kanya. Matangkad siya. Nakasuot siya ng itim na cap at naka shades. Tinanggal niya ang suot niyang salamin at tumingin sakin. Nagulat ako ng makita ko kung sino siya. "G-gio?!" nanlalaki ang mata na sabi ko. "A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Hindi ka pa rin nagbabago engot ka pa rin. Ano bang ginagawa sa ganitong lugar?" sabi niya sakin. "Tss! Wag mo nga akong tawaging engot. Hindi ako engot 'no!" naiinis na sabi ko. Bakit ba ganun pa rin siya sakin hanggang ngayon? At paano niya nalaman ang lugar na 'to? "Tss! Masarap ba to?" tanong niya habang hinahalo ang inorder niyang noodles. "Magseserve ba kami ng hindi masarap?" sabi ko. "Ganyan ka ba sa mga costumer mo? Hindi mo dapat kinakausap ng ganyan ang costumer mo." sabi niya sakin. "Tss! Kung may kailangan ka pa nandun lang ako sa counter." sabi ko. Tatalikod na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sakin. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit ka nagtatrabaho dito?" tanong niya sakin. "Ano? Iniisip mo na nagtatrabaho ako dito? haha!" natatawang tanong ko. "Bakit? Hindi ba? Kung ganon bakit ka nandito?" tanong niya sakin. Hinila ko ang kamay ko dahil nararamdaman ko na nanginginig ito. "Mali ang iniisip mo. Hindi ako nagtatrabaho dito." sabi ko. "Talaga ba?" hindi pa rin siya naniniwala. "Sa amin ang noodle house restaurant na 'to. Wala ang katulong ni mama kaya ako muna ang tumutulong sa kanya. Ngayon, naniniwala ka na?" sabi sa kanya ng may pekeng ngiti sa mga labi. "Talaga? Hindi ko alam na meron pala kayong bussiness." sabi niya sakin. "Kahit naman malaman mo alam ko naman na wala kang pakialam. Lalo na pagdating sa buhay ko." naka halukipkip na sabi ko sa kanya. "Akala mo lang yun." "Ha? Anong sinabi mo?" tanong ko sa kanya. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya. "Sabi ko umalis ka na. Kakain na ako. Ayokong may nanonood habang kumakain ako." sabi niya sakin. "Hmm...O-okay. Kung may kailangan ka pa tawagin mo lang ako. Nasa counter lang ako. " bumalik na ako sa counter. Iniisip ko pa rin kung anong sinabi niya kanina. Hindi ako makapaniwala na nandito siya sa noodle house kumakain. Pinanood ko siya habang kumakain. Hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo niya sakin. Ang nagbago lang sa kanya ay lalo siyang naging gwapo. Halos lahat ng costumer namin na babae ay napapalingon sa kanya. Tss! "Sinong tinitignan mo diyan, anak?" nagulat ako ng biglang nagsalita sa likuran ko si Mama. "Mama! Tapos na po kayo?" pag iiba ko ng usapan. Tumango lang si mama sakin. "Sino ba ang tinitignan mo diyan at tulala ka?" tanong ni Mama sakin habang hinahanap kung sino ang tinitignan ko. Tinignan ko si Gio na mukhang tapos ng kumain. Tumayo na siya at lumapit sa counter para tanungin ang bill. "Ito po ang bayad ko." sabi niya at nilapag ang pera sa counter. "Teka? Gio? Hijo, ikaw ba yan?" tanong ni mama sa kanya habang tinititigan ang mukha. Hinubad ni Gio ang suot niyang salamin at ngumiti kay mama. "Ako nga po. Kamusta po kayo, Auntie?" nakangiting sabi ni Gio kay, Mama. Tss! Ang bait niya talaga sa iba. "Hay! Ano ka ba naman, Elin. Bakit hindi mo sinabi sakin na nandito si Gio? At pinagbayad mo pa talaga siya." baling sakin ni mama na parang naiinis. "Mama naman!" maktol ko. "Pasensiya ka na sa anak ko." hinging paumanhin ni mama kay, Gio. "Okay lang po. Sanay na ko sa kanya." sabi niya. Anong pinagsasabi niya? E wala naman siyang pakialam sakin mula noon hanggang ngayon. Kunwari pa siyang mabait. Tss! "Tapos ka ng kumain di ba? Pwede ka ng umalis baka marami ka pang gagawin." pagtataboy ko sa kanya. "Elin! Ano ka ba? Umayos ka nga." pinalo ako ni mama sa braso. "Aray!" daing ko May pumasok na costumer kaya iniwan na muna kami ni mama para harapin yun. "Wala akong gagawin ngayon." sabi ni Gio sakin habang nakatingin. "Magrereview ka pa." naisip kong sabihin. "Tapos na ako." napaka genious niya talaga. "May practice ka ngayon diba?" alam ko na kasali siya sa basketball team. "Bukas pa yun." ha? Bukas pa yun? Diba araw-araw silang nagpapractice? Wala ba siyang ibang gagawin? Isang taon ko nga siyang iniwasan. Bakit ngayon siya naman ang lumalapit sakin? Pinarurusahan ba ako ng langit? Hays! "Akala ko ba hindi mo na ako sinusundan? Bakit alam mo lahat ng ginagawa ko?" pang aasar niya sakin. Napansin niya pa yun? Anong idadahilan ko? Napakurap-kurap ako ng mata habang nag-iisip ng idadahilan kaso wala akong maisip na idahilan. Hays! Ano ba naman 'to. "A-ano...hindi na kita sinusundan 'no!" totoo naman na hindi ko na siya sinusundan. Pero, alam ko ang mga ginagawa niya dahil sikat siya sa school. Tsaka dahil na rin sa mga kaibigan ko kaya alam ko ang ginagawa niya. Palagi kasi siyang kinukwento sakin nila Anna at Elise. "Tss! Nakalimutan ko si Elin ka nga pala. Kaya walang imposible sayo." sabi niya sakin. "At ikaw? Napakayabang mo pa rin." nasabi ko na lang. Lumabas na si mama sa kusina dala ang order ng costumer. Sinalubong siya ni Gio. "Ako na po, Auntie." kinuha niya ang dala ni mama at ibinigay sa costumer. "Ang bait talaga ng batang yan." sabi ni mama habang nakatingin kay, Gio. "Sa inyo lang siya mabait, Ma." wala sa loob na nasabi ko. "Ha? Bakit naman anak? Hindi ba siya mabait sayo?" tanong ni mama. Tumango lang ako kay, Mama. "Ganyan lang siguro siya, Anak. Ayaw niya lang ipakita ang tunay na nararamdaman niya." sabi ni Mama. "Siguro nga po." sabi ko. Naisip ko bigla kung bakit nga pala ako nandito. "Siya nga po pala, Ma. Graduation ball na po namin bukas." sabi ko kay, Mama. Malapit na kasi ang graduation namin. "Ganun ba? Pasensiya ka na anak sakin kung hindi ako makapunta minsan sa mga importanteng school program niyo. Pero, wag kang mag alala dahil sa araw ng graduation mo ay nandun ako. Gusto ko maging masaya ka sa graduation mo kahit na wala ang papa mo." nakangiting sabi ni mama sakin. Alam na ni mama na nakapasa ako sa exam para makapasok sa Hanyang University. Pero, hanggang ngayon pinag iisipan ko pa kung anong kurso ang kukunin ko. "Masaya na po ako, ma. Kahit na tayo lang dalawa. Masaya rin ako dahil hindi lang ikaw ang nandiyan para sakin kundi pati na rin sila Tita Nadine." masaya talaga ako dahil dumating sila sa buhay namin ni mama at nagpapasalamat ako sa kanila dahil kinupkop at inalagaan nila ako. "Ang palagi mo lang tandaan. Piliin mo lang palagi ang maging masaya. Wag mong sayangin ang oras para maging masaya." paalala ni mama. Ngumiti ako at tumango. GIO POV "Mahirap pala ang ginagawa ng isang waiter." naglalakad kami ni Elin papunta sa bus stop. Medyo late na rin kaya wala ng masyadong tao sa kalsada. "Napagod ka ba?" tanong niya sakin na nasa tabi ko. Isang taon na rin ang lumipas nang huli ko siyang nakasama at nakausap ng ganito. Akala ko habang buhay na niya akong iiwasan. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil ako mismo ang nagtaboy sa kanya na layuan ako. Hindi ko alam pero, sa bawat paglipas ng araw na hindi ko siya nakikita hinahanap-hanap ko ang presensiya niya. "Oo naman. Sino bang hindi mapapagod kapag ganun ang trabaho? Ano bang klaseng tanong yan?" natatawang sabi niya. Tumigil siya sa paglakad at humarap sakin. "Tss! Sino ba kasing may sabi na tumulong ka? Saka bakit alam mo na nandun ako? Sinundan mo ko 'no?" sunod-sunod na tanong niya sakin. "Oo na! curious lang ako kaya sinundan kita. Malay ko ba na sa inyo pala ang noodle house na yun?" nakita ko na ngumiti siya. "Anong ibig sabihin ng ngiti na yan, ha?" tanong ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba. May bigla akong naramdaman na kakaiba. Parang may nagmamasid samin kaya hinila ko siya palapit sakin na ikinagulat naman niya. Hinawakan ko ang kamay niya at inalalayan sa paglalakad. "Wag kang aalis sa tabi ko." sabi ko sa kanya. Elin POV Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya. "Wag kang aalis sa tabi ko." bulong niya sakin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kinakabahan ako. Ano bang ginagawa niya? Bakit ganito siya sakin? Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kaming dalawa na magkahawak ang kamay. Nararamdaman ko na para akong matutumba. Mabuti na lang at hawak niya ako. Nananaginip ba ako? Inangat ko ang isa kong kamay at kinurot ang sarili. Nasaktan ako kaya siguradong hindi ito panaginip. Hawak ni Gio ang kamay ko at sabay kaming naglalakad? Ang romantic para sakin ng eksena namin na 'to. Malayo pa ang bus stop kaya mahaba pa ang lalakarin namin na magkahawak ang kamay. Walang kumikibo saming dalawa. Nakakabingi ang katahimikan. "May napili ka na bang course na gusto mong kunin?" basag ko sa katahimikan. "Wala pa." diretsong sabi niya. "Malapit na ang graduation natin." sabi ko. "Alam ko."huminto kami sa paglalakad. "Ang totoo hindi ko pa alam kung anong gusto ko." sabi niya. Tumingin ako sa mga butuin. Maganda ang kalangitan ngayon. "Mabuti pa ang mga bituin alam nila kung saan sila papunta. Alam nila kung kailan sila dapat na kuminang sa langit." sabi ko habang nakatingin sa mga nagkikislapan na bituin. "Alam mo, magaling ka at matalino. Sigurado ako na marami kang kayang gawin. Sigurado ako na kahit na anong piliin mo magagawa mo ng maayos." nakangiti kong sabi sa kanya. "Gusto ni papa na ako ang sunod na magpatakbo ng kompanya. Tingin mo, kaya ko kayang magpatakbo ng isang malaking kompanya balang araw?" tanong niya sakin. "Kung masaya ka sa ginagawa mo, magagawa mo yun. Sabi ni mama sakin piliin ko daw palagi ang maging masaya sa lahat ng oras. Kaya dapat ganun din ang gawin mo. Piliin mo ang maging masaya. Sundin mo kung anong magpapasaya sayo. Hmm?" sabi ko. Nagulat ako ng bigla niyang guluhin ang buhok ko. "mukhang nagmamature ka na." sabi niya. "Hay! Ano ba? Tigilan mo nga yan!" saway ko sa kanya. Ngumiti lang siya sakin. "Ikaw? May napili ka na bang course na gusto mo?" tanong niya. "Hindi ko pa rin alam. Ang gusto ko lang noon, sana palagi kitang kasama. Simple lang ang pangarap ko at nakadepende ang pangarap ko sa kung anong magpapasaya sayo." sabi ko. Gio POV Napangiti ako sa sinabi niya. Napakasimple lang ng pangarap niya. At napakaswerte ko dahil sakin nakadepende ang pangarap niya. Ibang klase talaga siya. "Napakasimple nga ng pangarap mo. Paano kung gusto kong maging isang doktor?" tanong ko sa kanya. "Kung magiging doktor ka ako ang magiging nurse mo. Kung magiging presidente ka ako ang magiging spokesperson mo. Kung maging isang sikat na artista ka, ako ang gagawa ng lahat ng iutos mo. Kaya kong gawin yun basta ikaw ang kasama ko. Pero, pangarap lang yun na malabong mangyari." sabi niya. "Akala ko ba hindi ka marunong sumuko?" inalis niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko at tumingin sakin. "Minsan kailangan nating bitawan ang pangarap na hindi naman mangyayari talaga. Pangarap na hanggang pangarap na lang. Katulad mo at katulad ko. Pangarap ko na makasama ka. Pero, ikaw iba ang pangarap mo kaya malabong matupad ang pangarap ko." naglakad na siya at nakita ko na may bus na paparating. "Tara na. Nandito na ang bus." sabi niya sakin at nauna ng sumakay. Ano nga bang pangarap ko? Hindi ko naisip na may isang tao na nangangarap para lang makasama ako. Sumunod na ako sa kanya. Magkatabi kami sa upuan. Tahimik lang siya na nakatingin sa labas ng bintana. Napakasimple ng pangarap niya. At napagod na rin siguro siya kaya sumuko na lang sa pangarap na yun. Hindi ko kayang mangako sa kanya na matutupad ang pangarap na yun. Marami pa ang pwedeng mangyari sa aming dalawa. Nakapikit siya at nakasandal ang ulo sa bintana. Mukhang nakatulog na siya. Inabot ko ang ulo niya at dahan-dahan kong isinandal sa balikat ko. Napagod din siya sa pagtulong sa mama niya kaya siguro nakatulog siya ng ganun kabilis. Hindi ko siya ginising hanggang sa tumigil ang bus. Binuhat ko na lang siya hanggang sa makarating kami sa bahay. Napakagaan niya para sakin. Ano bang kinakain niya? Pinagbuksan kami ng gate ni mama na nagulat dahil buhat ko si Elin. "Naku! Saan ba kayo galing at ginabi na kayo? Saka bakit buhat mo siya? May nangyari bang masama sa kanya?" sunod-sunod na tanong ni mama. "Wala pong masamang nangyari, Ma. Wag na po kayong maingay baka magising pa siya." sabi ko. Napangiti na lang si mama. "Okay. Iakyat mo na lang siya sa kwarto niya. Pagkatapos bumaba ka ulit pagkatapos mong magbihis. May dapat kang ipaliwanag. Hmm?" sabi ni Mama. Ano na naman kayang umaandar sa utak ni mama? Hays! Si mama talaga. "Sige na po." dumiretso na ako sa hagdan para iakyat si Elin sa kwarto niya. Inilapag ko siya sa kama niya at kinumutan. Ilalapag ko na sana ang bag niya sa sofa ng mapansin ko ang isang libro na nakapatong doon. Kinuha ko yun at tinignan. Isang diary. Binuklat ko at binasa ang mga nakasulat. JUNE 15-2011 nakakita ako ng anghel na bumaba sa langit. Parang slow motion ang paglapit niya at paglampas sa harapan ko. Gio daw ang pangalan niya sabi ng mga classmate ko. Hindi ko alam pero simula ng nakita ko siya parang gusto ko na palagi siyang nakikita. Alam ko na di niya ako papansinin dahil suplado siya. Pilot student kasi kaya ganun. Ang tingin saming mga lower section ay isang mga engot. Palagi akong dumadaan sa pilot section para lang makita siya pero, mukhang puro pag-aaral ang alam niyang gawin. Hindi siya marunong ngumiti. Sikat na sikat siya sa school kaya ang tawag sa kanya ay Mr. Genious. Kaya lalo ko siyang nagustuhan. Kahit na alam kong hindi niya ako mapapansin. Matatapos na ang school year. Nakita ko si Gio na nag-babasa sa library kaya pumunta ako dun. Hindi niya alam na ako yung nasa harap niya kasi wala naman siyang pakialam sa paligid niya. Hindi niya nga ako napapansin. Iniisip ko tuloy kung may mga kaibigan siya? Malungkot siguro ang buhay niya dahil wala siyang mga kaibigan na nakakasama. ito ang unang taon na nakilala ko siya. JUNE 20-2012 Masaya ako dahil kahit na sinungitan niya ko pinansin niya naman ako. Ito ang unang beses na napansin ako ni Gio. Kahit na ayaw niya sakin ang importante nag eexist ako sa kanya. hindi ko inasahan na magkakasama kami sa bahay. Bakit sa dinamirami ng pwedeng matirahan ko dito pa sa bahay nila, Gio? Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya kapag nagkasalubong kami sa daan? Hays! Mama naman e! Nasaktan ako sa mga sinabi niya sakin. Akala ko magiging okay ang lahat. Mahirap pala siyang abutin. Parang gusto ko ng sumuko sa kanya. Pero hindi pwede. Gusto ko siya kaya hindi ako susuko. Fight! masaya ako dahil nakapasa ako sa exam sa tulong ni Gio. Kahit na galit siya sakin. Masaya rin ako dahil pasado rin siya. Alam ko naman na kaya niyang makapasa dahil magaling siya. school year end na... akala ko magiging madali sakin ang pagtira sa bahay nila, Gio. Mahirap pala lalo na kung habang tumatagal lalo ko siyang nagugustuhan. At habang tumatagal lalo siyang naiinis sakin at nagagalit. Hindi daw ang isang tulad ko ang magugustuhan niya. Alam ko naman na maganda at matalinong babae ang gusto niya. Kaya siguro dapat ko na siyang iwasan simula ngayon. JUNE 22-2013 Isang buong taon ko siyang iniwasan. At isang buong taon din akong nahirapan na gawin yun. Kaya ko pa kaya? Hays! Tulungan mo naman ako. Hindi ko pa rin siya kayang iwasan. Hindi ganun kadali. Kahit na alam kong ayaw niya sakin di ko pa rin kayang gawin. Last year ko na at apat na taon ko na siyang gusto. Hindi lang gusto. Apat na taon ko na siyang mahal. Sigurado ako na maraming magbabago kapag college na kami. Marami siyang bagong makikilala at magiging kaibigan. At sigurado ako na maraming babae ang magkakagusto sa kanya. Ayokong isipin pero inaasahan ko na mangyayari yun. Ibang klase talaga siya. Napangiti na lang ako. Lumabas na ako ng kwarto niya at bumaba sa sala. Nakaupo si mama at naghihintay. "Saan kayo galing? Bakit hindi mo sinabi na girlfriend mo na si Elin?" tanong ni mama pagkaupo ko pa lang sa sofa. Nagulat ako sa tanong niya. "Ma! Saan niyo naman nakuha ang balitang yan? Hindi ko siya girlfriend! Nakatulog siya sa bus kaya binuhat ko na lang. Ano bang sinasabi niyo diyan?" pakiwanag ko kay, Mama. "Ganun ba? Pero, saan ba kayo galing at parang pagod siya? Pati na rin ikaw, mukha kang pagod. Ano bang ginawa niyong dalawa ha?" tanong ni Mama. "Galing kami sa noodle house nila. Tinulungan namin si Auntie." tumayo na ako. "Kung anu-anong naiisip niyo. Matulog na kayo, Ma." sabi ko. "Sus! Kunwari kapa. Alam ko naman na gusto mo rin si Elin, anak. Ayaw mo lang aminin sa sarili mo. Bakit ba ayaw mo na lang siyang ligawan? Hindi naman ako tutol at alam mo ba na siya lang ang nakakatagal sa ugali mo? Kahit ako na mama mo hindi ko matagalan ang pagiging suplado mo. Tanging si Elin lang ang may kaya nun." sabi ni mama. "Matutulog na po ako." paalam ko na lang. Ayaw kong humaba pa ang usapan namin ni mama. "Hay! Sige na matulog ka na." "Magpahinga na rin po kayo." umakyat na ako sa kwarto ko. Iniisip ko ang sinabi ni mama. Tama siya. Si Elin lang ang nakakatagal sa ugali ko. Kahit na palagi ko siyang sinusungitan nandiyan pa rin siya. Ano bang dapat kong gawin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD