"Kamusta ang exam?" tanong ni Tita Nadine
"Wala pa pong result. Ngayon pa lang po malalaman." sabi ko.
Kumakain kami ng agahan. Maaga akong nagising para makatulong sa pagluluto ng almusal.
Tinignan ko si Gio na abala sa pagkain.
"Ikaw, Gio? Kamusta ang exam mo?" tanong ko sa kanya.
"Alam kong makakapasa ako." sabi niya.
Oo nga pala. Nakalimutan ko na isa nga pala siyang pilot student.
"O-oo nga." sabi ko na lang.
Tumayo na siya.
"Tapos na ko. Aalis na po ako." paalam niya kay tita.
"Tapos ka na agad? Ang bilis mo naman kumain." sabi ko.
"busog na ko. Mauna na ako." paalam niya. Kinuha niya ang bag niya.
Aalis na sana siya ng bigla siyang pigilan ni Tita.
"E teka lang. Bakit hindi mo pa isabay si Elin pagpasok?" sabi ni tita.
"Naku! Okay lang po ako tita. Kaya ko naman pong pumasok mag isa." sabi ko.
"Ganun ba? Sige, ikaw ang bahala." nasabi na lang ni tita.
"Bilisan mo." biglang sabi ni Gio na nakatingin sakin.
"Ha?" nagulat ako.
"Hihintayin kita sa labas." pagkasabi niya nun lumabas na siya ng kusina.
Tama ba yung narinig ko? Hihintayin niya ako? Para akong nananaginip lang. Ang bait niya yata sakin ngayon?
"O sige na, hija umalis ka na. Mainipin ang taong yun kaya never niyang ginawa na maghintay. Sige na pumasok ka na." sabi ni tita na napakatamis ng mga ngiti.
"Sige po. Bye, tita." paalam ko.
"Bye. Mag iingat kayo."
"Opo." nakangiti kong sabi.
Paglabas ko ng bahay nakita ko si Gio na nakatayo sa harapan ng gate. Naalala ko yung sinabi ni tita.
'mainipin ang taong yun kaya never yun nag iintay.'
Nagmadali ako na lumabas ng gate.
"sorry kung naghintay ka." sabi ko. Naglalakad na kami papunta sa school.
"Alam mo bang ngayon lang ako naghintay?" sabi niya sakin.
Na guilty naman ako bigla.
"Sorry." sabi ko na lang.
Totoo nga ang sinabi ni tita.
Walang nagsasalita samin habang naglalakad kami.
Hay! Sobrang tahimik naman niya. Mahaba-haba pa ang lalakarin namin papuntang school tapos hindi siya nagsasalita? Nabibingi na ko sa katahimikan.
"Nabusog ka ba sa kinain mo?" umpisa ko ng usapan para naman may mapag usapan kami.
"Hindi masarap ang pagkain." diretsong sabi niya.
"G-ganun ba?" sabi ko na lang.
Hindi siya nagsalita.
Naalala ko bigla ang exam.
Hindi pa nga pala ako nakakapag pasalamat sa kanya.
Makapasa kaya ako?
"Salamat nga pala sa pagtu-tutor mo sakin." nakangiting sabi ko.
Hindi na ako pinansin ni Gio at nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Medyo binagalan ko ang paglakad para hindi ako makasabay sa kanya. Nauuna na siyang maglakad sakin.
Simula ng dumating ako sa bahay nila hindi ko siya nakitang kumain ng mga niluto ko. Talaga bang ayaw niya sa mga pagkain na niluluto ko?
Talaga bang ayaw niya sakin?
Pagdating namin sa school ang daming nagtitinginan samin na mga schoolmate namin.
O kay, Gio?
"Elin!" tawag sakin nilanAnna at Elise.
Lumapit sila sakin.
"Bakit magkasabay kayong pumasok ni Gio?" tanong sakin ni Anna.
"Ha?"
"Magkasama ba kayo sa bahay?" tanong Elise.
Paano niya nalaman yun?
"H-hindi no! Bakit naman kami magsasama sa iisang bahay?" pag iwas ko sa tanong nila.
"Kalat na kalat na kasi sa groupchat ang picture niyo ni Gio. Pinag uusapan na kayo sa buong school." nag aalalang sabi ni Anna.
"A-ano?!" nagulat ako sa sinabi niya.
Saan nila nakuha ang picture na yun?
Kunuha ko ang cellphone ko at tinignan ang groupchat. Nakita ko ang picture ni Gio na sinend sakin ni tita at magkasama kaming naglalakad habang papasok ng school galing sa bahay nila.
Saan nila nakuha yun?
"Sige mauna na ko may pupuntahan pa ako." paalam ko sa kanila at nagmadali na akong umalis.
Pupuntahan ko si Gio. Titignan ko kung okay lang siya. Nangako ako na hindi ko ipagsasabi na sa kanila ako nakatira. Pero, sinong may gawa nun?
Nakita ko si Gio sa hallway.
"Hoy, ikaw!" sigaw niya sakin.
Napahinto ako sa paglapit sa kanya.
Nakatingin na samin lahat ng estudyante.
Lumapit sakin si Gio at hinawakan ako ng sobrang higpit sa braso.
"Hindi mo ba mapigilan na hindi ipagkalat na samin ka nakatira? Ganyan ka ba kadesperada?Nakakapagod ka na. Alam mo bang araw araw sumasakit ang ulo ko ng dahil sayo? Wala ka ng ibang ginawa sakin kundi makialam sa buhay ko. Palagi ka na lang nakasunod na parang aso. Nauubos na ang pasensiya ko sayo!" Galit na sabi niya sakin.
Nakatingin lang ako sa kanya ng may pag aalala. Nanlalabo na rin ang mga mata ko dahil sa luha.
"O-okay k-ka lang b-ba?" tanong ko sa kanya.
Tama ba na tinanong ko sa kanya yun? Mas nag aalala ako sa kanya kesa sa sarili ko.
"Simula ngayon ayoko ng makita ka. Layuan mo na ako. Ayokong may mga katulad mo na laging nakasunod sa bawat galaw ko." pagkasabi niya nun umalis na siya.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Ang sakit ng mga sinabi niya sakin. Alam kong galit siya pero, hindi ko akalain na sasabihin niya sakin na layuan ko na siya dahil sakit lang ako ng ulo niya. Hangang sa tuluyan ng bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Ibang klase ka talagang babae. Hindi ako makapaniwala na ganyan ka kadesperada sa lalake. Tss!" sabi ni Diane paglapit niya sakin.
"Wala kang alam. Kaya dapat hindi ka nanghuhusga ng kapwa mo!" sabi ko pagkatapos ay umalis na.
Nakatingin sakin lahat ng classmate ko pagpasok ko sa classroom.
"Totoo ba na kila, Gio ka nakatira, Elin?" tanong sakin ng isa kong kaklase.
Tumango lang ako.
"Kailan pa?" tanong ni Anna.
"Bakit di mo sinabi samin?" tanong ni Elise.
Naupo na ako sa upuan ko at nagsimulang mag kwento.
"Pinaalis kami sa inuupahan namin dahil nabenta na. Wala kaming mahanap na upahan kaya nag offer yung kaibigan ni mama na sa kanila ako tumira. Hindi ko naman alam na mama pala ni Gio ang kaibigan ng mama ko." paliwanag ko sa kanila.
"Ibig mong sabihin ikaw lang ang nakatira kila, Gio? Nasaan ang mama mo?" tanong ni Elise.
"Sa noodle house siya nakatira." sabi ko.
Napasubsob na lang ako sa ibabaw ng desk ko.
Hay! Ano bang gagawin ko?
"Good morning class! Mukhang stress yata kayo wala pa naman ang finals." sabi ni Mr.Cruz.
"Kailan ang finals, Sir?" tanong ni Aaron.
"Next week. Kaya mag aral kayong mabuti." sabi ni sir.
"Next week na agad? Ang bilis naman." angal ni Aaron.
"Wag na kayong umangal. Ganyan talaga ang buhay estudyante." sabi ni sir.
"Tss! Kasama rin ba sa buhay estudyante ang pakikipag flirt sa mga lalake, Sir?" tanong ni Diane.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka si Sir sa sinabi ni Diane.
Hindi na nagsalita si Diane. Alam ko naman na ako ang pinariringan niya.
"By the way, hawak ko na ngayon ang nakapasa sa exam kahapon." sabi ni Sir.
Napatingin ako sa hawak na papel ni sir.
Sino kaya?
"Sir, ako ba yan? Well, hindi naman na ako magugulat kung ako man yan. Alam naman natin na ako ang mas merong laman ang utak. Di ba, Elin? " nang uuya na sabi ni Diane.
"Wag ka ngang masyadong pakampante diyan. Baka mamaya kapag nalaman mong hindi ikaw ay bigla kang lumubog diyan sa upuan mo." sabi ni Anna sa kanya.
"Tss! Tingnan na lang natin." nakairap na sabi ni Diane.
"Okay. Tama na yan. Hindi ko inakala na makakapasa siya sa exam. Pero, natutuwa ako dahil nagawa niya ito. Congratulation to Ms. Gardinia nakapasa ka sa exam." masayang sabi ni sir.
"A-ano? N-nakapasa ako?!" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Omg! Ang galing mo, Elin! Matutupad mo na ang makapasok sa Hanyang University!" tuwang tuwang sabi sa akin ni Elise.
Niyakap ko sila Anna at Elise sa sobrang saya.
Sobrang saya ko sa resulta ng exam. Pero, paano ko ipapakita yun ngayon kung galit naman sakin si Gio?
"kamusta ka naman, Diane?" nang aasar na tanong ni Anna kay, Diane.
"Bwisit." sabi ni Diane.
Nagpaalam na sa amin si sir kaya niligpit ko na ang mga gamit ko. Ilalagay mo na sana yung libro sa bag ko ng may nahulog mula doon.
Dadamputin ko na sana ng biglang may kumuha nun.
"Kaya pala nakapasa ka. Ginalingan mo ang pakikipag flirt sa kanya." sabi ni Diane.
Ipinakita sa akin ni Diane ang hawak niyang picture namin ni Gio na tulog pareho sa mesa pagkatapos naming mag review para sa exam.
"Ano yan? Patingin nga." kinuha ni Anna ang picture kay, Diane.
"Whoa! Totoo ba 'to?" tanong ni Elise sakin.
"akina nga yan!" kinuha ko ang picture at inilagay sa bag ko.
Bakit meron kaming picture na dalawa? Saan galing yun?
Hays! Dumagdag pa to sa problema ko.
Naglalakad kami sa hallway nila Anna at Elise. Lahat ng madaanan namin na estudyante ay nagbubulungan.
"Grabe! Napakadesperada na niya. Hindi na nahiya. May picture pa talaga siya na magkasama silang natulog." sabi nila.
"Hoy! Manahimik nga kayo! Hilahin ko yang dila niyo e!" banta ni Anna.
Umalis naman ang mga nagbubulungan na estudyante.
"Hindi ka ba masaya na nakapasa ka?" tanong sakin ni Anna.
"Masaya ako. Pero, hindi ko magawang maging masaya." sabi ko.
"iniisip mo pa rin ba ang mga sinabi niya sayo?" tanong ni Elise.
Tumango lang ako.
"Hays! Dapat masaya ka ngayon dahil makakapasok ka na sa Hanyang. Mag celebrate tayo!" masayang sabi ni Anna.
"Wala akong gana. Uuwi na lang muna siguro ako." sabi ko.
"Hays! Ang corny mo naman, Elin." sabi ni Anna.
"Sorry talaga. Next time na lang." sabi ko at iniwan na sila.
Wala talaga akong ganang mag celebrate ngayon. Uuwi na lang siguro ako. Napatigil ako sa paglalakad. Naisip ko saan nga pala ako uuwi? Kapag kila, Gio ako umuwi siguradong makikita niya ako. Sabi niya sakin ayaw niya na akong makita. Napayuko na lang ako.
Sa paglalakad ko nabungo ko ang isang tao.
"Naku! Pasensiya na. Sorry!" hingi ko ng paumanhin.
"Inaantok ka ba?" tanong ng nabanga ko. Tinignan ko kung sino siya.
"P-prince?"
"Parang wala ka yata sa sarili mo. May problema?" tanong niya.
"Hindi." iling ko.
"Balita ko nakapasa ka daw sa exam. Congrats sayo." nakangiting sabi ni Prince.
Tumango lang ako.
"Tara sama ka sakin." sabi ni Prince.
"Ha? Saan?" nagtatakang tanong ko.
"Ililibre kita dahil nakapasa ka." sabi niya.
"Ano ka ba? Hindi mo na kailangan gawin yan." tangi ko.
"Sige. Ganito na lang."
"Ha?" ano bang sinasabi niya?
"Since na ayaw mong kumain tayo. May utang ka sakin." sabi niya sakin.
"Ano?! Bakit naman ako magkakautang sayo?" gulat kong tanong.
Ngumiti lang siya sa sinabi ko.
Ang ganda ng mga ngiti niya.
Bakit ba hindi na lang siya ang nagustuhan ko?
Matalino rin naman siya. Mahilig sa sports. Mabait at gwapo.
Boyfriend material naman siya.
Bakit ba hindi na lang sa kanya tumibok ang puso ko?
"Three dates! Yan ang utang mo sakin." sabi sakin ni Prince.
"Ano?! Three dates?!" nagulat ako sa sinabi niya.
"Oo. Three dates. Makikipag date ka sakin ng tatlong beses." sabi niya.
"Ahm...Paano kung ayokong makipag date sayo?" nag aalinlangang tanong ko.
"Alam ko naman na si Gio ang gusto mo. Wag kang mag alala hindi na kita guguluhin kapag natapos natin ang three dates natin." sabi niya sakin ng nakangiti.
Tumango na lang ako sa kanya.
"O-okay. Sabi mo e." nasabi ko na lang.
"Tara hatid na kita." sabi ni Prince.
"Pero, sa bahay nila Gio ako nakatira." sabi ko.
"Alam ko." tumalikod na siya at naglakad samantalang ako nakatayo pa rin na parang estatwa.
"Halika na." tawag sakin ni Prince.
Sumunod na lang ako sa kanya.
GIO POV
Nalalakad ako ng makita ko si Elin na nabanga si Prince. Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila at wala naman akong pakialam.
Alam kong nasaktan ko si Elin. Pero, siguro okay na rin yun para iwasan niya na ako.
Naglakad na lang ako at umuwi ng bahay.
Pagpasok ko sa bahay nakaupo si Mama sa sala.
"Oh! Nandiyan ka na pala." tumingin siya sa likuran ko. "Nasaan si Elin? Hindi mo ba siya kasabay?" tanong ni Mama.
"Hindi po. Sige po aakyat na ako." paalam ko.
"Sandali lang. May sasabihin ako sayo anak." sabi ni Mama.
"May problema po ba?" tanong ko.
"Wala naman. Teka, paano ko ba sasabihin ito sayo? Ganito kasi yun anak. Hindi ko sinasadya na mapindot ang picture mo at ma isend sa groupchat ng mga magulang. Hindi ko alam na nakita nila. Sorry anak. Sorry! Siguradong hiyang hiya ka at kasalanan ko yun." paliwanag ni Mama.
Bigla kong naalala si Elin at ang mga sinabi ko sa kanya. Ang tanga ko! Napapikit na lang ako sa inis.
Tinignan ko si Mama na nakayuko.
"Okay lang po ako. Wag na kayong mag alala." sabi ko kay mama.
"Talaga?" paniniguro ni Mama.
Tumango lang ako sa kanya.
"Sige po. Aakyat na ako." paalam ko.
Malapit ng dumilim pero wala pa rin si Elin. Nasa labas ako ng bahay at nakatayo sa harap ng gate habang hinihintay siya.
Ano ba tong ginagawa ko?
Bakit ko ba siya hinihintay?
Nagi guilty lang ako sa sinabi ko sa kanya kanina at gusto ko lang humingi ng sorry sa kanya. Yun lang yun kaya nandito ako at hinihintay siya. Pero, anong oras na wala pa siya. Uwi pa ba 'to ng isang matinong babae? Hays!
Naghintay pa ko ng ilang minuto bago magpasyang pumasok na sa loob. Papasok pa lang ako ng makarinig ako ng nag uusap. Sinilip ko kung sino yun.
Si Elin.
Teka? Sinong kasama niya? Sinilip ko ang kausap niya at nakita ko na kasama niya pa rin si Prince.
Bakit kasama niya ang mokong na yun?
Sinungaling. Lalayuan na daw niya si Elin. Tss!
Saan kaya sila galing at ginabi sila?
Hays! Ano ka ba Gio? Ano bang iniisip mo?
Nakinig na lang ako sa usapan nila.
"Nag enjoy ka ba?" tanong ni Prince.
"Oo. Salamat ha?" nakangiting sani ni Elin.
Tss! Ang saya naman niya masyado.
"Wala yun. Basta tandaan mo na may utang ka pa sakin na two dates." sabi ni Prince.
Two dates?
Ibig sabihin nag date sila nung nakita ko sila kanina na magkausap?
"Oo na. Sige na umuwi ka na. Salamat ulit. " paalam ni Elin.
"Bye! Kita tayo bukas. " paalam ni Prince.
"Okay. Bye!" paalam ni Elin.
Tss! bakit kailangan may pagkaway pa at nakangiti pa siya habang nagpapaalam sa lokong yun?
Papasok na si Elin ng bigla akong humarang sa harapan niya dahilan para magulat siya.
"Ay kabayo ka!" gulat na sabi niya habang nakahawak sa dibdib. "Ano ka ba? Bakit ka ba nangugulat?!" inis na sabi niya.
"Saya mo ah? Saan ka galing?" tanong ko.
"Wala ka ng pakealam kung saan ako galing." sabi niya sakin.
"Hindi mo ba alam na hinintay kita?" sabi ko sa kanya.
"Bakit? Sinabi ko ba na hintayin mo ako? Hindi ako naniniwala na naghintay ka. Sabi sakin ni tita ayaw na ayaw mo ang pinaghihintay dahil mainipin kang tao." sabi niya sakin.
"Totoong naghintay ako. Ginawa ko yun dahil kay, Mama. Hindi siya makatulog dahil wala ka pa kaya, hinintay kita." pagdadahilan ko sa kanya.
Tinakpan niya ang mga mata ko.
"A-ano bang ginagawa mo?" tanong ko.
"Pumikit ka." sabi niya.
"Ano bang problema mong babae ka? Nababaliw ka na ba?!" sigaw ko.
Inalis na niya ang mga kamay niya sa mata ko.
"Sabi mo sakin kanina ayaw mo na akong makita. Kaya pumikit ka." sabi niya.
"Kaya ba magkasama kayo ni Prince? At may utang ka pang two dates ha?" sabi ko.
"P-paano mo nalaman yun?! Sinusundan mo ba ko?" gulat na tanong niya.
"Huh! Asa ka na susundan kita. Narinig ko lang. Gusto ka ni Prince alam mo ba yun?" sabi ko sa kanya.
Tinignan niya lang ako.
"Tama ka. Alam ko naman na hindi mo gagawin yun at alam ko rin na gusto ako ni Prince. Pero, kaibigan ang tingin ko sa kanya. Sana nga siya na lang yung nagustuhan ko. Sa kanya na lang sana tumibok ang puso ko at hindi sa isang katulad mo na ang tingin sakin ay problema. Hindi sana ako nahihirapan ng ganito kung si Prince ang ginusto ng puso ko." naiiyak na sabi niya sakin.
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko na nasabi ang gusto kong sabihin. Pumasok na siya sa loob ng bahay.
Napapikit na lang ako.
Ano bang ginawa mo Gio?