"Wala ba talagang laman yang utak mo? Simpleng problem hindi mo magawa. Hays! Grabe ka." sabi ni Gio.
Hays! Bakit ba ang hirap naman ng pinagagawa niya sakin?
Napasubsob na lang ako sa lamesa.
"Sana ikaw na lang ang exam." nasabi ko.
"anong sinabi mo?!" singhal ni Gio sakin. Napapikit ako dahil ang lapit niya lang sakin.
"ha?! W-wala wala. Eto na ba yung sasagutan ko?" natatarantang tanong ko sa kanya.
Tinuturuan niya ako para sa darating na exam sa monday.
Ilang araw na lang ang kailangan ko para mag review.
Napakagaling ng tutor ko kaya sigurado ako na makakapasa ako.
Tinignan ko ang papel na hawak ko. Ano ba tong mga nakasulat na to? Hindi ko maintindihan.
"Ah, Gio. Ano ba tong sinulat mo?" tanong ko sa kanya.
"Seryoso ka ba? Hindi mo alam yan?" natatawang tanong niya.
Umiling ako.
"Paano ka ba napili para mag exam? Simpleng division hindi mo alam? Alam mo ba na pang elementary lang yan?" sabi niya sakin.
Ang yabang naman nito!
"Oo na. Alam kong matalino ka. Pwede ba ituro mo na lang sakin? Tss!" reklamo ko.
"Akin na nga. Ganito lang yan..." kinuha niya sakin ang papel na hawak ko at nagsimulang ipaliwanag sakin ang dapat gawin.
Habang nagpapaliwanag siya nakikinig lang ako sa kanya. Napakagaling niya talaga. Naisip ko lang. Meron kaya siyang mga bagay na hindi kayang gawin? Parang halos lahat kasi yata kaya niya.
"O ayan tapos na. Naintindihan mo ba?" tanong niya sakin.
Tumango ako. "Oo. Salamat." nakangiting sabi ko.
"Inaantok na ko. Bukas na lang ulit kita tuturuan." tumayo na siya at lumabas ng kwarto ko.
Nag-aral pa ko pagka alis niya. Kailangan kong galingan sa exam para hindi ko siya mapahiya.
Dalawang araw na lang exam na at tinuturuan pa rin ako ni Gio.
"Ireview mo 'to." ibinigay niya sa akin ang isang papel.
"Sagutan mo yan. Lalabas yan sa exam sa monday." sabi ni Gio.
Kinuha at tinignan ko ang papel at sinimulan na sagutan. Hindi ako pwedeng bumagsak sa exam. Ipapakita ko kay, Gio na kaya ko. At kapag nakapasa ako baka sakaling magustuhan niya na rin ako.
"Tapos na ako." humihikab na sabi ko. Tinignan ko ang katabi ko na tulog na pala.
"Nakatulog na siya." sabi ko.
Ipinatong ko ang ulo ko sa mesa at pinagmasdam ko siya. Ganito pala siya matulog. Napaka gwapo pa rin niya kahit tulog. Sino bang babae ang hindi siya magugustuhan?
Napakaganda ng nakikita ko. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng ganito kalapit.
Napangiti ako.
"Sorry, Gio. Dahil sakin napupuyat ka palagi. Kahit na sabihin mo sakin na wala akong alam pinagtiyagaan mo akong turuan. Pangako gagalingan ko sa exam para sayo. Thank you, Gio." sabi ko sa kanya.
Pagod na rin ako at inaantok kaya ipinikit ko na rin ang mga mata ko.
(pagbukas ng pinto)
"Gio, Elin mag break na mun..." nakita ni Nadine na parehong tulog sina Gio at Elin kaya dahan dahan na lang ulit siyang lumabas ng kwarto. Pagkatapos ay bumalik siya para kuhanan ng litrato ang dalawa sa ganong posisyon. Natutuwa si Nadine sa nakikita. Masaya siya dahil nagkakasundo na ang dalawang bata. Lumabas na siya ng kwarto at iniwan ang dalawa.
GIO POV
Nagising ako dahil hindi ako komportable sa posisyon ko. Nakatulog na pala ako. Tinignan ko ang oras. 2 am na pala. Tinignan ko ang katabi ko. Tulog na tulog si Elin. Hawak niya pa ang papel na pinasagutan ko sa kanya at ballpen. Kinuha ko ito at tinignan. Natapos niya pala. Napakasikap ng babaeng 'to. Pinagmasdam ko siya.
Napakaamo ng mukha niya. Magandang hugis na mga kilay. Katamtamang tangos ng ilong. Mapulang mga labi. Hinaplos ko ang buhok niya na tumatakip sa mga mata niya.
Mukhang pagod na pagod siya dahil hindi man lang gumalaw ng hawakan ko.
Tumayo ako at dahan-dahang binuhat si Elin para ilagay sa kama.
"hmmmm..."
naku! Magigising yata siya.
"makakapasok ako sa hanyang." sabi niya ng nakapikit.
Ha? Anong sinasabi niya?
Nananaginip ba siya?
"Salamat, Gio." sabi niya pa.
Napangiti na lang ako.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Palagi ko siyang sinusungitan, pinapahiya. Pero, napakabait niya pa rin sakin. At hinahanap ko palagi ang mga labi niya.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at dahan-dahan ko siyang hinalikan sa labi.
"Goodluck sa exam." sabi ko pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto.
ELIN POV
Nanaginip na naman ako.
Isang panaginip na malabong mangyari. Hinawakan ko ang mga labi ko.
Bakit parang totoo ang panaginip na yun?
Bumangon ako sa kama.
Teka. Bakit nandito ako? Diba magkatabi kami ni Gio na nag rereview?
Inalala ko ang nangyari.
Nakatulog din pala ako.
Pero bakit ako nandito sa kama?
Tama ba ang naiisip ko? Binuhat ako ni Gio papunta dito?
Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at tumili.
Nakakahiya!
Nakakahiya talaga!
Ang bilis ng t***k ng puso ko.
Kinikilig ako.
Kung nasa school lang kami hindi niya ako papansinin. Siguradong ipapahiya niya lang ako.
Mabilis na lumipas ang araw.
Monday na at ngayon ang scholarship exam. Maaga akong bumangon at naghanda. Wala na si Gio sa bahay ang sabi ni tita maaga siyang pumasok.
Nagpaalam na ako kay, tita pagkatapos kong magbihis.
"Hindi ka ba kakain?" tanong sakin ni tita.
"Hindi na po. Sa school na lang po ako kakain." sabi ko.
"Ah. Okay sige. Mag iingat ka." sabi ni tita.
"Opo." sabi ko.
Habang naglalakad nagsasaulo ako para sa exam mamaya. Kailangan kong maipasa ang exam para sa kinabukasan namin ni Mama.
Nakatingin ako sa langit habang sinasaulo ko ang mga pinag aralan namin ni Gio ng biglang nauntog ako sa isang tao.
"Aray ko." daing ko. Tinignan ko kung sino ang nabanga ko. Si Prince pala.
"Hays! Bakit ka ba kasi nakaharang?" hawak ang ulo na tanong ko.
"Sigurado ako na mas malala pa diyan ang mangyayari sayo kung hindi ako humarang." sabi ni Prince saka umalis sa dadaanan ko.
"Ano ba kasing ginagawa mo at nakatingala ka?" tanong niya sakin habang nakatingin sa langit.
"Nagrereview ako para sa scholarship exam mamaya." sabi ko sa kanya.
"Ganun ba?" tumango ako sa kanya.
"Sige. Mauna na ko." hahakbang na sana ako ng bigla niyang iharang ang kamay niya sa daraanan ko.
"Ano bang problema mo?" naiinis ko ng tanong sa kanya.
Itinuro niya sakin ang isang puno na nasa harapan ko.
Tama nga siya.
"Tumingin ka sa dinaraanan mo."sabi niya sakin.
Ngumiti ako sa kanya.
"Salamat." sabi ko.
"Haha! Wala yun. Basta para sayo gagawin ko lahat. Goodluck sa exam." nakangiti niyang sabi.
Natulala ako bigla sa sinabi niya at napangiti na lang saka umalis. Parang ang awkward naman bigla. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na ko sa paglalakad.
Gio POV
Nakita ko si Elin na naglalakad sa hallway. Napangiti ako. Nagrereview pa rin siya hanggang ngayon.
Nakatingala siya habang nagrereview. Napansin ko ang puno na malapit lang sa harapan niya at siguradong mabubungo siya dun kapag hindi niya napansin.
Nakita ko na palapit sa kanya si Prince at hinarangan ang puno. Nabungo sa kanya si Elin.
Bakit kailangan niya pang humarang? Tss!
Ngumiti sa kanya si Elin at umalis na.
Bakit niya pa kailangan ngumiti sa mokong na yun ng ganun? Para siyang nang aakit sa ginagawa niya. Tss!
Nakita ako ni Prince na nakatingin. Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong tawagin.
"Hoy, Gio Lee!" sigaw ni Prince.
"Anong problema mo?" tanong ko sa kanya.
Lumapit siya sakin.
"Tss... ang yabang mo talaga." sabi niya.
"Huh! inaaksaya mo lang ang oras ko. Kung wala kang sasabihin umalis ka na lang." sabi ko sa kanya.
"Gusto kong magkaroon tayo ng laban." sabi niya sakin.
"Laban? Para saan naman?" natatawa kong tanong sa kanya.
Ano bang kalokohan ang sinasabi niya? Laban daw? Hahaha!
"Para kay, Elin." sabi niya.
Nagulat ako sa sinabi niya.
Para kay, Elin?
Gusto niyang maglaban kami para kay, Elin?
Tinignan ko siya ng seryoso.
"Ganun mo talaga siya kagusto?" nakangising sabi ko.
"Oo! Kaya hinahamon kita! Maglaban tayo ng basketball." sabi niya.
"At ano namang kondisyon kapag nanalo?" tanong ko.
"Kapag nanalo ka. Lalayuan ko na si Elin. Pero, kapag ako ang nanalo hindi mo na siya pwedeng lapitan at kakausapin." sabi niya sakin.
"Call." pagpayag ko.
"P-payag ka na?" hindi makapaniwalang tanong niya sakin.
"Oo. Bakit? Natatakot ka ba?" natatawa kong tanong sa kanya.
"Bakit naman ako matatakot sayo? Kayang kaya kitang talunin, Gio Lee." sabi niya.
Napangisi na lang ako. Halata naman na natatakot siya.
"Sabi mo eh. Goodluck sa laban natin." sabi ko na lang at umalis na.
"Hihintayin kita mamaya!" pahabol niya pa.
Kinawayan ko na lang siya patalikod.
Wala ba siyang alam at ang lakas niyang hamunin ako? Tss!
ELIN POV
Nandito na ako sa tapat ng classroom kung saan gaganapin ang exam. Kinakabahan ako. Makapasa kaya ako? Mas magagaling sa akin ang kukuha ng exam. Siguradong lagot na ako nito. Napayuko ako sa naiisip ko.
"Ano pa bang ginagawa mo diyan? Pumasok ka na sa loob." nagulat ako sa nagsalita.
Si Gio! Nakatayo siya sa tabi ko. Teka. Anong ginagawa niya dito?
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Mag eexam kagaya mo. Sige mauna na ko. Goodluck ha?" sabi niya sakin at nauna na siyang pumasok sa loob ng room.
Mag eexam din siya?
Bakit hindi niya sinabi sakin nung tinuturuan niya ako?
At sinabihan niya rin ako ng goodluck!
Kinikilig ako!
Hinawakan ko ang puso ko dahil parang sasabog ito sa sobrang saya.
Hay! ano ba 'tong nangyayari sakin. Nandito ako para mag take ng exam kaya dapat focus ako sa gagawin ko.
Huh! Kaya ko to! Makakapasa ako!
Pumasok na ako sa loob at naupo sa bakanteng upuan. Nakaupo si Gio sa may likuran ko sa kaliwa. Hindi ako makatingin sa kanya. Nasa tabi ko naman si Diane na ang sama ng tingin sakin. Anong problema niya? Hindi ko na lang siya pinansin. Nag umpisa na ang exam kaya nag focus na lang ako.
.....
Naglalakad ako sa hallway ng bigla akong hilahin nila Anna at Elise na parehong may nag aalalang itsura.
"May problema ba?" tanong ko sa kanila.
"Nabalitaan mo na ba?" tanong ni Anna.
"Ang alin?" takang tanong ko.
"Hinamon ni Prince si Gio ng basketball para sayo. At maraming mga classmate natin ang naglaban ng pustahan." sabi ni Elise.
"Ano?!" nagulat ako sa sinabi niya.
"Pero, bakit?" naguguluhan ako.
"Hindi rin namin alam. Halika na puntahan natin sila. Nandun na sila ngayon sa basketball court." sabi ni Anna.
Pinuntahan namin sila Gio at Prince.
Ano bang problema ng dalawang yun?
Hays! Bakit kailangan pa nilang gawin yun?
Kaasar!
Pagdating namin dun pareho na silang nasa loob ng court.
"Handa ka na bang matalo, Mr. Genious?" sabi ni Prince.
"Dami mong sinasabi. Umpisahan na natin." sabi ni Gio pagkatapos ay binato niya ang bola kay Prince ng malakas.
"siraulo ka ah." angal ni Prince
"Halika dun tayo umupo." sabi ni Elise.
Umupo kami kung saan kitang kita namin ang mga player. Ang dami kasing nanonood.
Nag umpisa na ang laro. Habang tumatagal dumadami ang mga nanonood sa kanila.
"Ang galing nilang dalawa 'no? Ang haba naman ng hair mo, Elin." sabi ni Elise sakin habang hinihimas ang buhok ko.
"Tumigil ka nga." saway ko.
"Sino kayang mananalo sa kanilang dalawa? Pareho silang magaling e." sabi ni Anna habang nakatutok ang mga mata sa loob ng court.
"Alam ko na kung sino ang mananalo diyan." sabi ng nagsalita sa may harapan namin.
Napatingin ako sa kanila.
"Sino naman?" tanong ng kausap niya.
Mga 2nd year student sila.
"Sino pa ba? E di si Gio. Hindi mo ba alam na siya ang MVP sa basketball?"
"Talaga?"
"Oo! Kaya sigurado ako na siya ang mananalo diyan."
Tumingin ako sa court. Lamang na si Prince ng tatlong puntos.
30 points kay Prince.
27 points kay Gio.
"Go, Gio! Kaya mo yan!" sigaw sa likuran ko. Tinignan ko kung sino ang nag cheer sa kanya.
Si Diane pala kasama ang squad niya.
"Tss! As if naman na maririnig siya ni Gio." sabi ni Anna.
"Ano naman kung hindi niya ako marinig? Nandito ako para ipag cheer siya. E kayo anong ginagawa niyo dito?" mataray na sabi ni Diane.
"Bakit? Ikaw lang ba ang pwedeng pumunta dito?" tumayo na si Anna at hinarap si Diane.
"Im sure, ako ang pinaglalabanan nilang dalawa. Hihi." kinikilig na sabi ni Diane.
"Hahahaha! Nahihibang ka na ba? Bakit ka naman nila pag aagawan? Sino ka ba?" natatawang sabi ni Anna.
"Bakit naman ako mahihibang? Ako si Diane. At ako ang magiging queen ni Gio." matapang niyang sabi.
"Hahahaha! Mangarap ka na lang girl. Hindi ka magiging queen ni Gio. Dahil si Elin ang magiging queen niya. Hindi ikaw ang pinaglalabanan nilang dalawa, kundi si Elin. Kaya yang sinasabi mo hanggang pangarap na lang yan. Hahaha!" sabi ni Anna.
"Tumigil na nga kayo." saway ko sa kanila.
Sakto naman na nag buzzer. Tapos na ang laro. Ayokong tignan kung sino ang nanalo. Tumayo na ako.
"Saan ka pupunta?" hinawakan ni Elise ang kamay ko.
"Tapos naman na kaya aalis na ko." sabi ko.
"Nanalo si Gio." sabi ni Anna.
"Ha?" napatingin ako sa score.
56 points si Prince
78 points si Gio
"Sabi ko sayo mananalo si Gio." sabi ng dalawang lalaki na nasa harapan namin.
Tinignan ko si Diane na nakatayo lang at tulala.
"Halika na umalis na tayo." sabi ko kila Anna at Elise.
Aalis na sana ako ng biglang may tumawag sa akin.
"Sandali lang!"
Nilingon ko ang tumawag sakin.
Si Gio. Papalapit siya sakin. Anong gagawin ko? Kinakabahan ako.
"Sabi sayo e. Si Elin ang pinaglabanan." pang aasar ni Anna kay, Diane.
"Nanalo ako kaya ilibre mo ako." sabi sakin ni Gio.
"H-ha?" nagulat ako sa sinabi niya.
Ilibre ko daw siya?
"Seryoso ba siya?" wala sa loobna tanong ni Diane.
"Mukha ba siyang hindi seryoso?" sabi ni Anna.
"Hoy, Gio Lee! Hindi ako susuko!" sigaw ni Prince.
"Tss."
Ano ba kasing problema ng dalawa na 'to at kailangang ako pa ang gawin nilang trophy? Hays! Hindi ko sila maintindihan.
"Elin ilibre mo na siya. Pagkakataon mo na to." sabi ni Elise ng nakangiti.
"Ano bang sinasabi mo diyan?" sabi ko sa kanya.
"Sus! Kunwari ka pa." kinikilig na sabi ni Anna.
"Pagkatapos mo akong ilibre umalis ka na." seryosong sabi ni Gio.
"A-ano?"
"Nakakaawa ka kasi. Kaya pinagbigyan ko ang isang yun. Kahit pala wala kang utak may nagmamalasakit rin pala sayo." sabi ni Gio.
Hindi na ako nakapagpigil ng galit ko.
Sobra na siya.
Ang sama sama niya sakin.
Aalis na sana siya ng magsalita ako.
"Ano bang kasalanan ko sayo?!" sigaw ko.
Nagulat sila Anna at Elise sa ginawa ko.
"Elin." magkasabay na sabi nila Anna at Elise.
Tinignan ko ng masama si Gio.
"Wala nga akong utak. Pero, may puso ako at nasasaktan din naman ako. Oo. Matalino ka. Pero, hindi mo dapat ginagamit yan para manghamak ng ibang tao. Ang sama ng ugali mo. Sana noon pa lang lumayo na ako para hindi mo na ko makita at makalimutan na rin kita." sabi ko pagkatapos ay umalis na.
Tumakbo ako at nagtago sa likod ng malaking puno at umiyak.
Ang sama sama niya talaga sakin.
Akala ko okay na kami nung nagpatulong ako sa kanya para sa exam. Hindi pala.
Ano bang nagawa ko sa kanyang masama? Bakit palagi niya akong sinasaktan ng ganito?
Ang sama niya talaga.
Humanda siya!
Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at hinanap ang picture niya.
Kaya ko bang gawin 'to sa kanya? Siguradong lalo siyang magagalit sa akin at iiwasan na niya ako. Ano bang dapat kong gawin?
Nagpahid ako ng luha ko.
Hindi ko kayang siraan si Gio at ipahiya sa lahat.
Inayos ko ang sarili ko at nagpunta sa malapit na coffee shop. Sabi niya sakin ilibre ko daw siya. Umorder ako ng coffee frappe at pinadeliver sa pilot building.