Maaga akong gumising. Bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos kong magbihis lumabas na ako para makapaghanda ng almusal. Ayoko naman kasi na maging pabigat dito sa bahay nila, Gio. Nagbihis na ako ng uniform para hindi ako ma late sa klase ko mamaya.
Pagkalabas ko ng kwarto sakto naman na lumabas din si Gio galing sa kabilang kwarto na nakasuot pa ng pantulog. Napahinto ako ng makita ko siya.
Bakit ang gwapo niya pa rin kahit na bagong gising.
"Ang aga mo ah? Maaga palang pumapasok ang mga kagaya mong walang laman ang utak? Sabagay kailangan mong may matutunan kahit papaano. Pero paano mo naman gagawin yun kung hindi naman kaya ng utak mo? Haha! " pang iinsulto niya.
Tss! Ang yabang! E di siya na ang matalino!
Lumapit ako sa kanya na ikinagulat niya.
"A-anong ginagawa mo?" nauutal niyang tanong.
Hinila ko ang kwelyo ng suot niyang pantulog at tinakpan ang ilong ko.
"Ang gwapo mo sana kahit bagong gising. Kaso kahit malayo ako sayo ang baho pala ng hininga mo?" nakangisi kong sabi sa kanya.
Binitawan ko na siya at naglakad.
Huminto ako at lumingon sa kanya.
"Shower ka na." mapang asar kong sabi.
"H-hoy! Bawiin mo yung sinabi mo!" sigaw niya sakin habang nakatakip ang kamay sa bibig niya.
Natawa na lang ako sa inasal niya.
Ang cute niya.
Nakatayo lang siya at hindi na nagsalita pa.
Naabutan ko si Tita na naghahanda ng pagkain sa kusina.
"Good morning po." bati ko.
"Good morning. Ang aga mo naman, hija?" sabi ni Tita.
"Gusto ko ponkayong tulungan." sabi ko.
"Naku wag na. Kaya ko na ito. Baka madumihan pa yang uniform mo."
"Okay lang po, tita. Sanay po ako sa kusina. Nasanay po kasi ako na palagi kong tinutulungan si mama sa paghahanda ng pagkain namin." sabi ko.
"Talaga? Marunong kang magluto?" namamanghang tanong ni tita.
"Opo." nakangiti kong sabi. Kumuha ako ng apron sa loob ng cabinet at sinuot iyon. Tinulungan ko si tita na maghanda ng pagkain namin para sa agahan.
Habang abala sa pagluluto sila Elin ng almusal. Nakatayo si Gio sa gilid at pinagmamasdan ang dalaga sa ginagawa nito.
Naalala niya ang ginawa nito sa kanya kanina.
Napangiti siya habang inaalala ang mukha ng dalaga na sobrang lapit sa kanya.
Pinagmasdan niya ang Mama niya na masayang naghahanda ng almusal. Umakyat na ulit siya sa kwarto niya para maligo.
Pagkatapos naming ayusin sa mesa ang mga pagkain sakto naman na bumaba si Gio na naka uniform na.
"Oh! Nandiyan ka na pala. Halika na dito. Kumain na tayo." sabi ni tita kay, Gio.
Lumapit naman si Gio at hinila ang isang upuan. Hinubad ko na ang apron na suot ko. Humila na rin ako ng upuan at naupo.
Napaka seryoso naman ng mukha niya. Hindi ko na lang muna siya pinansin.
"Kumain na tayo. Siguradong masarap ang mga ito, Gio. Si Elin ang nagluto ng mga yan." nakangiting sabi ni tita.
Napatingin sakin si Gio na saktong susubo ng sinangag na may itlog. Nagulat ako ng bigla niyang iniluwa ang isinubo niya.
"Gio! Bakit?" tanong ni tita na napatayo.
Napatayo rin ako.
"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ko. Kumuha ako ng isang basong tubig para ibigay sa kanya.
"Ano ba yang niluto mo? Papatayin mo ba ako?! Sobrang alat!" inis na sabi niya habang umuubo.
"Maalat?" takang tanong ni tita. Tinikman ko ang niluto ko. Hindi naman maalat. Sakto lang ang lasa. Ano bang problema niya?
Hinayaan ko na lang siya.
"S-sorry. Naparami yata ang nilagay kong asin." hinging paumanhin ko.
Alam ko naman kung bakit niya ginagawa sakin 'to. Ayaw niya na nandito ako sa bahay nila.
"Ano ka ba naman, Gio. Maagang gumising si Elin para lang ipaghanda tayo ng pagkain. Umayos ka nga. " saway ni tita kay, Gio.
Tumayo na si Gio at kinuha ang bag niya.
"Aalis na ako. Sa school na lang ako kakain. Sigurado doon masarap ang pagkain." sabi ni Gio habang nakatingin sakin.
Napayuko na lang ako.
"Aalis ka na? Di ba pareho naman kayo ng pinapasukang school? Isabay mo na si Elin, anak. Hindi niya pa alam ang daan papunta sa school kaya isabay mo na lang siya." sabi ni tita.
"Naku! Wag na po, Tita. Kaya ko na pong pumasok mag-isa." tangi ko kay, Tita.
Ayokong makasabay si Gio sa pagpasok dahil baka may makakita samin.
Galit na siya kaya ayokong mas magalit pa siya sakin.
"Hindi pwede, hija. Nangako ako sa mama mo na aalagaan kita." hinawakan ni Tita ang kamay ko.
"salamat po. Pero, kaya ko na po." sabi ko.
Binalingan ni Tita si Gio.
"Do what i say. You may go now." seryosong sabi ni Tita kay, Gio.
"Pero, Mama naman!"
Ganun niya ba ako talaga kaayaw? Grabe naman. Napakamalas ko naman yata.
"Gio, tumigil ka. Sige na umalis na kayo at baka malate pa kayong dalawa sa klase niyo." sabi ni tita.
"Sige po. Bye po." paalam ko.
"Bye! Mag iingat kayo." sabi ni tita habang kumakaway.
GIO POV
"Lumayo ka nga sakin!" inis na sabi ko kay, Elin.
Magkasabay kaming naglalakad at ayoko ng ganito. Para akong may inaakay na bata. Hays! Si Mama kasi!
Lumayo siya sakin ng kaunti habang ako ay patuloy na naglalakad. Malapit lang ang school samin kaya pwedeng lakarin. Pasimple ko siyang nililingon kung nakasunod siya sakin pero, bigla na lang na hindi ko siya makita.
Saan naman nagsuot ang babaeng yun?
Pasaway talaga ang babaeng yun!
Sakit talaga siya sa ulo!
Tumigil ako sa paglalakad at hinanap siya pero hindi ko siya makita.
Nasaan ka na ba?
Lagot ka sakin kapag nahanap kita! Hays!
ELIN POV
Naglalakad ako sa likuran ni Gio ng biglang may humila sa bag ko at itinakbo iyon. Tatawagin ko sana si Gio kaso yung bag ko. Nandun ang wallet at phone ko. Hinabol ko yung humablot sa bag ko.
"Hoy! Ibalik mo sakin yan! Magnanakaw!" sigaw ko.
Hinihingal na ako sa pagtakbo pero yung magnanakaw hindi humihinto hanggang sa nakarating kami sa isang eskenita na walang katao tao.
Hinihingal ako na tumigil sa pagtakbo.
"H-huli k-ka n-na manong!" Hinihingal kong sabi.
"Hays! Ano kaba? Bakit ba ayaw mo akong tantanan?" tanong sakin ng magnanakaw.
"Ibigay mo sakin yang bag ko manong kung gusto mong tigilan kita." sabi ko.
"Hahaha! Nahihibang ka na ba? Ninakaw ko na to sayo bakit ibabalik ko pa?" sabi niya.
"Hays! Bakit ba kasi kailangan mo pang magnakaw?" sabi ko.
"Aba't! Sino ka para tanungin ako ng ganyan?!" galit na sabi sakin ni Manong.
Nagalit ko yata siya. Mag-isip ka, Elin. Gumawa ka ng paraan para makuha mo ang bag mo.
"Okay sige. Magkaroon na lang tayo ng deal." naisip kong sabihin.
"Deal? At ano namang deal yun?" tanong niya.
Teka, ano nga ba? Wala akong maisip.
"Maganda pa ako na lang ang magbibigay ng deal." sabi ni manong.
"S-sige!" matapang kong pagpayag. Mapagkakatiwalaan naman siguro siya kahit na papaano.
"Wag na wag kang pipikit. May ipapakita ako sayo at pag nakita mo na yun ibibigay ko na sayo ang bag mo." sabi ni manong.
"S-sige! Basta ibalik mo lang sakin yang bag ko." lakas loob na sabi ko.
"Okay! One...two...th"
"Oh!" Nagulat ako ng biglang may humila sakin at niyakap ako. Napapikit at napakapit na lang ako sa dibdib ng taong humila sakin. Tinignan ko kung sino yun at nakita ko si Gio na seryosong seryoso ang mukha.
"Pumikit ka at wag kang lilingon." sabi niya sakin. Sinunod ko na lang ang sinabi niya.
Mabilis siyang umalis sa harapan ko at pagdilat ko ng mga mata ko nandun na ulit siya. Hawak niya ang bag ko.
Ibinigay niya sakin ang bag ko.
"T-Thank you. " sabi ko.
"Ang tanga mo naman!" singhal niya sakin.
"s-sorry." naiiyak na sabi ko.
Sinabihan niya akong tanga pagkatapos niya akong tulungan. Bakit ba ang sama sama niya sakin? Ano bang nagawa ko sa kanya?
"Late na tayo! Halika na! Kung hindi dahil sayo hindi sana ako male-late!" hinila niya ang kamay ko at umalis na kami sa lugar na iyon.
Tama nga siya. Tanga talaga ako. Kung hindi nga dahil sa akin hindi siya male-late. Pero, masaya ako dahil kasama ko siya at hawak niya ang kamay ko. Sana huminto na lang bigla ang oras.
...
Pagdating namin sa school wala ng tao sa labas. Late na kasi kaya siguradong nasa loob na ng mga room ang mga estudyante. Sumilip muna ako sa room ko. Naglelecture na si Mr. Cruz. Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ng pinto lahat ng classmate ko ay nakatingin sa akin.
"Miss. Gardinia, your late! Bakit ngayon ka lang?" tanong sakin ni Sir.
"Ahh, pasensiya na po kayo sir. Nagkaroon lang po ng problema sa kalsada kaya ngayon lang ako nakarating." paliwanag ko kay sir.
"Okay. You may sit now." Mr. Cruz said
Umupo na ako sa upuan ko.
"Okay, class i have announcement. Napag usapan naming mga teacher na magkakaroon tayo ng scholarship exam. At pipili kami ng dalawang student sa bawat section. Ang makakapasa sa pagsusulit ay bibigyan ng scholarship para makapasok sa isang sikat na university dito sa Seoul." paliwanag ni Mr. Cruz.
Sikat na university dito sa Seoul?
Bakit naman ang unfair ng eskwelahan na to? Bakit kailangan pa ng labanan para lang makapasok sa university na yun? Paano ako makakapasok dun kung bagsak ang mga grades ko? Wala na yata akong pag asa na makapasok sa University na yun.
"Uhm, sir? Sino naman po ang napili niyo para isali sa scholarship exam?" tanong ni Paul. Isa sa mga classmate ko.
"Si Diane Yun at Elin Gardinia ang napili ko para sa class 8." sabi ni Sir.
Napatayo ako ng marinig ko ang pangalan ko.
"Sir! Bakit po ako?" tanong ko.
"Huh! Bakit? Natatakot ka ba? Sabagay, kahit naman mag exam ka hindi ka makakapasa." sabi sakin ni Diane.
"Ang yabang mo naman, Diane. Kung pataasan lang ng IQ kaunti lang ang tinaas ng IQ mo kay, Elin." sabi ni Elise.
"Hahahaha!" tawanan ng mga classmate ko.
"A-anong sabi mo?!" inis na sabi ni Diane.
"Im just saying the truth." sabi ni Elise.
"Tumigil kayo. That is the final decision. Kaya mag aral kayong dalawa dahil sa monday na magsisimula ang scholarship exam. May one week na lang kayo para mag aral ng mga napag aralan niyo sa bawat subject niyo." Mr. Cruz said.
Napaupo na lang ako.
Mukhang ang malas ko nga talaga.
Bakit ba ako pa ang napili niya? May galit ba talaga sakin ang teacher na yun?
Ah! Hindi ako susuko! Mag aaral ako para makapasa!
Napayuko ako.
Pero paano?
Saan ako magsisimula?
Hays!
Ano ng gagawin ko?
May naisip ako bigla.
Alam ko na! Hihi.
Sigurado akong tutulungan niya ako. Pero kung hindi naman sisiguraduhin ko na tutulungan niya ako.
Ang galing mo talaga, Elin!
Lumabas na ako ng room para hanapin si Gio.
"Elin! Saan ka pupunta?" tanong sakin ni Anna.
"May hahanapin lang ako!" sabi ko.
"Hahanapin? Sino naman?" sabi ni Anna.
Nagpunta ako sa pilot building para hanapin si Gio.
Nasaan kaya siya? Sumilip ako sa bawat room na madaanan ko. Hindi ko pa kasi alam kung saan ang room ni Gio.
"Anong ginagawa mo dito?" nagulat ako sa nagsalita. Nakatayo si Gio sa likuran ko.
"Hehe... nandiyan ka pala."
"I said what are you doing here?" he asked.
"A-ah eh, pwede ba akong humingi ng favor?" tanong ko.
"Favor?" nakakunot ang noo na tanong niya.
Tumango ako sa kanya.
"Pwede mo ba akong tulungan?" lakas loob kong tanong sa kanya.
"Hindi pwede. Marami akong ginagawa." diretsong sabi niya.
Tumalikod na siya at aalis na.
Hinila ko ang laylayan ng uniform niya bago pa man siya makahakbang.
"Sandali lang!" sabi ko.
Tumingin siya sa kamay ko na nakahawak sa laylayan ng polo niya. Nagmadali akong harangan siya.
"Please tulungan mo na ko. Kailangan ko lang talaga 'to para makapasok ako sa Hanyang." nagsusumamo na sabi ko sa kanya.
"Bakit ginugulo na naman niya si Gio? Hindi na siya nahiya." narinig kong sabi ng dumaan na pilot student.
"Oo nga. Nakakahiya siya." sabi ng kasama niya.
Napayuko na lang ako sa mga naririnig ko. Hindi ko na lang sila papansinin. Dito nakasalalay ang pangarap ko na makapasok sa Hanyang.
Yes. Sa Hanyang University makakapasok ang makakapasa sa scholarship exam. At gusto kong makapasa para makapasok dun.
"Halika dito tayo." hinila ko si Gio sa walang makakakita samin.
"Ano bang ginagawa mo?" naiinis na tanong niya.
"please, pumayag ka na. Tulungan mo na ako." pagmamakaawa ko sa kanya.
"bakit ba ang kulit mo? Sinabi ko ng ayoko nga. Ayoko! Hindi kita tutulungan." aalis na siya ng magsalita ako.
Ayoko sanang gawin 'to. Pero, wala na akong choice. Ito na lang ang naiisip kong paraan. Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang picture na sinend sakin ni Tita.
"Kapag hindi mo ako tinulungan ipapakita ko sa lahat ito." pagbabanta ko sa kanya.
Ipinakita ko sa kanya ang picture niya. Nanlaki ang mata niya ng makita niya ang picture.
"H-hoy! Bakit meron ka niyan?" gulat na tanong niya sakin. Akma niyang kukunin ang phone ko pero iniwas ko ito sa kanya. "Burahin mo yan!" sabi niya.
"Hindi pwede. Ayoko. Ang cute mo kaya dito. Hihi." natawang sabi ko sa kanya.
"Ano bang problema mong babae ka? Bakit ba ayaw mo akong tigilan?" sabi ni Gio.
"I-tutor mo ako! Di ba matalino ka? Kaya mong gawin yun! I-tutor mo ako para makapasok ako sa Hanyang University. Napili ako sa klase namin para sa scholarship exam. Kaya kailangan ko ng tulong mo. Kaya please, tulungan mo ako. Turuan mo ako." sabi ko.
"Napili ka? Seryoso ka ba? Hahaha! Ang katulad mong..." hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.
"Oo na! Alam ko na sasabihin mo yan. Pero, please i-tutor mo na ko. Promise, kapag nakapasa ako sa exam hindi na kita guguluhin. Buburahin ko na ang picture mo sa phone ko. Pero kung hindi mo ako tuturuan ikakalat ko 'to sa buong school." sabi ko sa kanya.
"Hays! Pasaway ka talaga! Oo na sige na. Pumapayag na ako." sabi niya.
Tuwang tuwa ako sa sinabi niya.
"talaga?! Pero, teka lang." sabi ko.
"Pumayag na ko kaya, ano pa bang gusto mo?" tanong niya sakin.
"Gusto kong mag promise ka muna sakin na tutuparin mo ang sinabi mo." sabi ko sa kanya.
Nagulat ako ng biglang sumeryoso ang itsura niya at lumapit sa akin ng sobrang lapit.
"Kapag sinabi kong tutuparin ko. Asahan mo na gagawin ko." sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
"Yes!" Pagkasabi ko nun iniwan ko na siya.
Hindi ko siya magawang iwasan kanina. Pero, kahit na ganon napapayag ko naman siya. Iyon ang importante.
Ang galing ko talaga! Nagawa ko siyang mapapayag. Pagbubutihin ko talaga ang pag rereview para makapasa ako at makapasok sa Hanyang University.
Kaya ko to!
Fighting!
GIO POV
Nakakainis talaga ang babaeng yun. Lagi na lang niya akong ginugulo.
Napangiti ako ng maalala ko ang ginawa niya.
'I-tutor mo ako! Di ba matalino ka? Kaya mong gawin yun! I-tutor mo ako para makapasok ako sa Hanyang University. Napili ako sa klase namin para mag exam. Kaya kailangan ko ng tulong mo.'
Kahit nakakainis siya minsan masaya ako dahil nagsisikap siya.
Teka. Ano bang sinasabi ko?
Bumalik na ako sa room pagka alis niya.
Naiiling na lang ako kapag naaalala ang nangyari.