DO NOT READ YET. WILL UPDATE THIS MONTH.
Napatango lang ako at naupo na rin dahil ngayon ko lang din na-realize na gutom nga ako. May lumapit na waiter para kunin ang order ni Van, as what he introduced himself earlier, kaya nag-gesture lang ako na same na kami ng kukunin.
“Paano mo ako nakilala at nahanap? Stalker ba kita?”
Shit. I said that out loud haven’t I.
Natawa siya at pati tawa niya ang ganda pakinggan dahil mukha nga siyang modelo ng toothpaste na lumabas ng TV. Ano ba Tammara. Nawawalan ka ng poise.
“That’s the exact line you told me 4 years ago nang bilhan kita ng kape. See, wala ka namang pinagbago.”
“Anlaki na ng pinagbago ko pero paano nga kasi?”
“Oh, chill. Pinadala sakin ng pinsan ko ang picture mo kaya nagkaroon ako ng panahon na titigan ka at doon kita nakilala sa facial features mo. Especially your eyes though. Magbago man lahat sa’yo pero ang mga mata mo, hindi. Crush na crush kita noon eh paano ko makakalimutan?”
Literal ulit akong napanganga. Mukhang andami niyang baon na lakas ng loob ngayon pero kung ganyang mukha ba naman ang mayroon ako bilang lalaki, hindi rin ako mag-aalinlangan but seriously.
Crush?! Crush talaga ang narinig ko o baka namali?!
“You’re freaking me out.” I suddenly blurted o baka ako ang freak ngayon dahil hindi ko na alam kung paano ang matinong pakikipag-date all these years.
“Sorry, sorry. Hindi ba dapat ako umaming crush kita noon, Mia?”
“It’s Tammara. Tammara Montecarlos.”
“Mia suites you better.”
“Tammara nga kasi.”
“Alright, Mia.”
Bago pa ako makapagsalita, dumating na ang order namin at ewan ko kung coincidence ulit pero ang main dish ay chicken cordon bleu. Naging favorite ko ito the past years dahil naaalala ko sina Arben.
“Paano mo rin nalamang favorite ko ito?”
“Talaga ba? Hindi ko alam pero now I know. Let’s eat, shall we? Gutom na rin ako kakahintay sa’yo kanina pa eh.”
Hindi ko alam kung pangongonsenya iyon pero naalala ko ulit na tama siya at partly may kasalanan ako dahil sa pagiging late. Hindi pa ako tapos mag-interrogate sa kanya kaya kakain muna kami ng matiwasay kasi gutom rin ako.
***
“Paano ka naset-up sa blind date? Mukhang hindi ka naman mahihirapan humanap ng girlfriend.” simula na ng pagtatanong ko matapos naming kumain.
“Hindi naman ibig-sabihin na nakipag-date eh magkakatuluyan talaga sa huli. Ikaw nga, ang ganda-ganda mo panigurado may nakapila ka ring mga manliligaw so why bother on a blind date? Not that I’m complaining right now though.” nakangiting tugon niya at prenteng sumandal sa upuan, crossing his arms kaya kitang-kita ko kung paano nag-flex ang kanyang muscles sa magkabilang braso.
Tingin sa mukha, self. Umayos ka sabi. Hindi naman talaga ako ganito ka-tense sa mga nakaraang blind dates sakin ni Zhenya at sila pa nga madalas ang na-iintimidate sakin pero parang iba ito ngayon at ewan ko din kung bakit.
“Pumapayag lang ako dahil sa kaibigan ko pero hindi rin ako naghahanap ng boyfriend.”
“Kahit kasing gwapo ko, ayaw mo?”
Hindi ulit ako agad nakaimik. Oo nga noh? Charot. Tssk.
“Kidding aside, Mia. Ayoko ring hindi ka komportable. Why don’t we just enjoy this date then? Kung hindi ka sanay na kausap ang kakilala mo noon, isipin mong kakakilala lang natin ngayon. Isa pa, we barely knew each other back then. I can assure that I didn’t stalk you or something. Nagkataon lang talaga.”
This is too much of a coincidence for me pero hindi rin naman imposible dahil maliit lang ang mundo at hindi rin siya mukhang sinungaling.
Mukhang tama din siya na i-enjoy na lang ang date.
Fine then.
Van’s POV
Nope, this isn’t a coincidence pero hindi ko muna sasabihin dahil baka tuluyan na nga siyang matakot at umalis na naman ulit. Ang hirap niya pa namang hagilapin.
“Alright. Anong pinagkakaabalahan mo sa buhay?” tanong niya sa medyo striktang boses.
Mukha lang akong hindi takot pero kanina pa ako kinakabahang makaharap siya ulit.
The moment she came into view, hindi halos ako makapaniwala sa laki ng pinagbago niya. Sobrang nagagandahan na ako sa kanya noon pa sa coffee shop pero ngayon mas lalong lumitaw ang ganda niya dahil sa nag-uumapaw na confidence at charisma.
Akala ko, nawala na ang curiosity kong makilala siya pero mukhang nabuhay ulit o baka hindi naman talaga nawala kaso hindi lang ako nabigyan ng pagkakataon noon dahil wala akong lakas na loob.
“Hey? You still there? May dumi ba ako sa mukha?” tanong niya sakin at lumapit pa ng konti.
“I’m a civil engineer. May proyekto ako sa susunod na buwan kaya ako bumalik dito pero baka nga mag-settle na ako ulit for good.”
“I see. Ilang taon ka na?”
“25.”
“May anak?”
“Wala.”
Ilang tanong pa ang ibinato niya sakin na parang nasa job interview kaya sinasagot ko naman ng walang pag-aalinlangan kung iyon ang gusto niyang malaman.
“Ang tense ba ng dating ko? Pasensya na. Ewan ko din eh. Boring ba akong kausap?”
“Hindi ah!” dali-daling sagot ko at nakataas pa ang dalawang kamay sa harapan ni Mia.
Aish. Mas tense pa ata ako kung alam niya lang.
“Stressed ka lang siguro dahil sa trabaho. Gusto mo bang mag-kape muna? Mag role play tayo dun sa araw na una tayong nagkita. Ano, game?” suhestiyon ko at maingat na inobserbahan ang reaksyon niya.
Akala ko nga tatanggi pero doon ko lang siya una nakitang ngumiti ng genuine sakin ngayong gabi.
“That sounds fun. Tara.”
Gusto ko pa siyang makitang ngitian ako ulit ng ganoon at hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataong ito.
I won’t let her out of my sight again. Pangako iyan.
***
Third Person’s POV
May kanya-kanyang sasakyan ang dalawa kaya napag-usapan nilang mag convoy papunta sa Mandaue branch ng Coffee Chinie. Ngiting-ngiti naman si Van at tila hindi pa rin makapaniwala na ka-date na niya si Tammara or should I say Mia, at hindi na lang pasulyap-sulyap ang nagagawa kagaya noon.
Nasa 5th year siya sa kursong civil engineering noong unang kita nila ni Mia isang gabi hanggang sa napapadalas na siya sa coffee shop hindi lang dahil sa kape at cheesecake kundi para makita mismo ang crush niya.
It may sound childish but it was crush at first sight.
Ilang scenarios din ang naisip niyang gawin para gumawa ng first move pero natotorpe talaga ito noon dahil na rin pakiramdam niya, wala pa naman siyang maipagmamalaki. Sa puntong iyon, napag-desisyunan ni Van na tapusin muna ang pag-aaral bago niya ayaing lumabas si Mia kaso noong tapos na siya, nabalitaan niya ang nangyari at nawala na lang ito na parang bula.
Van frowned at the thought of what happened pero umiling rin maya-maya dahil alam niyang hindi ito ang oras na ipaalala ang nakaraan kay Mia.
Pinarada niya ang sasakyan katabi ng kay Mia tsaka lumabas na.
“Tignan natin kung naalala mo. Kapag may nakaligtaang linya ang isa satin, manlilibre ng cheesecake.” Tugon ni Van.
“Ako pang hinahamon mo. Oh sige, game.” ngumisi si Mia at nauna nang naglakad para maupo sa eksaktong bench 4 years ago tsaka ngumiting nakatingin sa langit bago pumikit.
Kung noon ay halos nakapambahay ang suot ni Van, ngayon ay naka semi-formal attire na ito, all black at hindi na nakatago ang gwapong mukha sa hoodie. Nakapamulsang umupo siya sa kabilang bench at pinipigilan pa ang ngiti.
“Parang nasa movie lang ah.”
Umaktong nagulat pa si Mia bago tumingin kay Van at itinuro ang sarili. “Ako kausap mo?”
Tuluyan na ngang natawa ng bahagya si Van at hindi acting ito. Klarong-klaro pa kasi sa isipan niya ang unang pagkakilala nila sa gabing iyon kaya parang déjà vu.
“May ibang tao ba dito, miss?”
“Wala din.” Mia shrugged. “Bibili kang kape? Para sakin kasi, masarap ‘yung Espresso nila.”
“Masarap naman lahat dahil ‘yung owner mismo ang supplier ng coffee beans so alam niya talagang the best ang consistency ng bawat cup. Aside from that, sinisigurado nilang beneficial ito sa liver, utak, at heart. Tapos----”
“Ops! Ayan nga, talo ka na.” Van stated as a matter of fact.
“Ha? Paanong talo? Asaan ang mali don? Andaya mo ah!”
“Hindi! Incorrect sequence is wrong. Ang sabi mo noon, utak, liver, at heart. Memorize ko iyan na parang mission and vision sa buhay!”
Dahil sa sinabing iyon ni Van, hindi na napigilang matawa ni Mia.
“Seriously?? Ginawa mong mission and vision? Hahahah!”
Namula naman sa hiya si Van pero nahawa na rin sa tawa ni Mia maya-maya at napakamot sa ulo.
“Ayun nga ang totoo dahil crush kita.”
“Sa gwapo mong ‘yan, ewan ko sa’yo. Mukhang ikaw ang kailangan ng kape, Van. Tara na nga sa loob.” nauna nang pumasok si Mia sa Coffee Chinie at nakangiting sumunod si Van sa kanya.
Hindi rin nakaligtaan ng kanyang pandinig ang unang tawag ni Mia sa totoong pangalan niya.
“Dalawang large espresso at dalawang blueberry cheesecake.”
“Hot or cold po, ma’am?”
“Hot, please. Thank you.”
“Pangalan po?”
“Van. Eto ang card ko, thanks.” Iniiabot na ni Van ang card niya bago pa man makakuha si Mia sa wallet.
“Alright! Coming right up! Thank you din po!” masiglang bati ng cashier na baguhan ang mukha.
“Ba’t ikaw nagbayad eh ako ang talo.” Reklamo ni Mia pagkaupo nila sa usual na lugar ni Van noong estudyante pa siya. Hindi nito gaano pinansin ang sinabi ni Mia at nakangiting tiningnan ang paligid at inalala ang kabaliwan niya noon.
“Heeeyy!”
“Oh? Sorry na-miss ko lang dito. Mahigit tatlong taon na rin akong hindi nakapunta eh.”
“Bakit naman? Naalala pa kita noon, isa ka sa mga loyal customers namin.”
“Isa din sa pinakapogi?”
“Given. Ayun din pero bakit nga?”
“Wala naman ng rason pa kasi nawala ka rin bigla.” naging seryoso ang mukha ni Van at napamasid sa labas mula sa glass window.
“Paanong ako ang rason? Akala ko favorite mo lang talaga ang blueberry cheesecake dito.”
“Naging favorite ko dahil sa’yo.”
Hindi na muna nakaimik pa si Mia dahil mukhang napalalim ang iniisip ni Van habang nakatingin sa labas. Nang tinawag na ang pangalan nito, tumayo naman si Van para kunin ang kanilang order at maya-maya ay bumalik ito tsaka inilatag sa tapat niya ang cheesecake at Espresso.
“Naalala mo rin ang usual na order ko dito.”
“Syempre. Nagkakataong shift ko at andiyan ka rin.”
“Andito ako kasi shift mo.”
Napakunot na ang noo ni Mia this time kaya nabaling ang tingin ni Van sa kanya.
“Sorry. Masyado ba ulit akong direct to the point? Takot kasi ulit akong magsisi tapos baka bigla ka na namang mawala, at least nasabi ko man lang.”
“Crush lang naman at bata pa tayo non. Sigurado akong wala na ngayon kaya okay lang. We’re already adults now.”
“Akala ko din pero mukhang nagkaroon ka ng sariling space dito eh after all these years.” He pointed at his chest.
“Biruin mo kanina, kabadong-kabado ako kakahintay sa’yo tas nung nasa harapan na kita, all the memories of you in mind came rushing back. Mukhang uso pa din ang crush kahit adults na. Kinilig ako pagkakita ulit sa’yo eh.”
Van giggled like a kid confessing to his crush. Hindi naman siya mukhang nagbibiro sa sinasabi at mukhang inosenteng bata na nagkukwento lang tungkol sa babaeng gusto niya pero di siya mapansin-pansin.
“I was just a plain barista working her ass off to survive. Paanong nagkagusto ang kagaya mo sakin? Ginagago mo ata ako, Van.”
Mula sa marahang tawa, napahagalpak si Van. Ewan, seryosong-seryoso kasi ang mukha ni Mia at sobrang formal nito tignan tapos biglaang mura ng ganoon.
“Hoy. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Gusto mo buhusan kitang kape?” Mia blurted out like an annoyed teenager. After quite a while, napatigil na si Van sa pagtawa pero hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa mukha niya kaya nanatiling nakalitaw ang malalim na dimple sa kaliwang pisngi.
“Hindi pala joke ‘yun? Tamo di ka pa nagjo-joke, ang saya ko na sa’yo kaya paanong hindi kita magiging crush hanggang ngayon? Yiieeh!” he made some silly faces at ang cute nito tignan kaya nabato siya ni Mia ng lukot na tissue habang napapangiti na din.
“Ang korny mong engineer.”
“At gwapo.”
“Mahangin din.”
“Pero gwapo.”
Sa di malamang dahilan, hindi na napansin ni Mia na hindi na pala siya nate-tense at naging natural lang ang flow ng kanilang usapan at kaonting asaran. Mabilis ang takbo ng oras at naghahating-gabi na.
“It’s already late. Hatid na kita, sigurado akong may trabaho ka pa bukas.”
“It’s a weekend. Nakapangako na ako sa attorney namin na pupunta ako sa party niya kaya vacant ako bukas.”
“I see. Ako rin naman may party bukas at aayain pa sana kita pero mukhang busy ka din, marami namang next time. That is if you’ll allow me to see you again though?”
“Hmm. It depends.”
“Hala. Di ka ba nag-enjoy?” he asked in a sad tone.
“Nag-enjoy. Pag-iisipan ko muna kung deserve mo ng second date. Mahal ang oras ko.”
“Ikaw ang bahala sa date, promise. Kahit kelan, free ako ha?”
“Bakit? Wala ka bang trabaho, Engineer Van?”
“Marami na akong napatayong building at walang silbi ang mga iyon kung hindi ko kayang ipundar ang relasyon natin.”
From a slight frown, it turned into a grin then he winked.
“Shet, ang corny mo talaga. Bumebenta lang mga banat mo dahil mukha kang model ng toothpaste uyy. Alis na nga tayo. Gusto mo akong ihatid hindi ba?”
Tumango ito bago binuksan ang pintuan ng sasakyan ni Mia para makapasok na siya tsaka rin umikot si Van sa sariling sasakyan.
Matulin lang ang takbo ng dalawa hanggang sa nakarating na nga sila sa tapat ng building kung saan ang condominium ni Mia. Before she could go to the basement, huminto muna ito katabi ng sasakyan ni Van at bumaba silang dalawa.
“Nakalimutan kong magpasalamat kaya salamat nga sa gabing ito. Matagal na rin akong hindi nakaranas ng ganitong date at masaya ka naman palang kasama. Nice meeting you, Van Nathaniel.”
“I’m glad to hear that you enjoyed. Seryoso nga ako sa sinabi kong ikaw ang bahala kung kelan mo ako gustong i-date. I’m one call away so I’ll wait. Bawal ang ‘No’ ah? Maghihintay lang talaga ako.” he sounded so hopeful.
Ewan ko sa lalaking ‘to pero makikita ko namang sincere ang mga sinasabi niya. Sa tinagal-tagal ko kina Zhenya, naging parte na sa training ang pagkilatis ng tao kaya sigurado akong sincere siya.
“Oo na. May naaalala ako sa’yong hindi rin tumatanggap ng ‘No’ as an answer. Ingat ka na pauwi. Good night, Van.”
“Good night, Mia. Sleep well.”
Hinintay niya akong makapasok sa sasakyan at nakita ko pa siya side mirror na nakatayo at kumakaway saking paalis. Ngayon ko lang talaga naramdaman ang hindi pagka drain out dahil sa pagse-set up ni Zhenya ng blind date.
Habang naglalakad ako patungo sa tapat ng condo at tina-type ang passcode, saktong nag-vibrate rin ang phone ko.
‘Good night ulit. Crush pa rin kita as an adult. Remember that. :)’
Napangiti ako dahil sa term niyang adult pati na rin sa smiley face. Hindi kasi ito ‘yung emoji na smiley kundi iyong colon at close parentheses talaga. Pumasok na ako sa loob at inaalis ang sapatos habang magre-reply na sana pero biglang nawala ang cellphone sa kamay ko.
I rolled my eyes.
“Oooohhh! You’re about to text back so that means the date gone well! OMG!! Wait, ako na mag-send. Good night too, my love. XOXO. See ‘ya tomorrow! Sent!”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
“Hoooyy hindi dapat ganyan ang reply, Zhenya Syren!”
Sinubukan kong kunin sa kanya ang cellphone ko pero tumakbo lang siya papuntang living room kaya paikot-ikot kaming dalawa na parang tanga hanggang sa ako na mismo ang sumuko at nahiga sa couch.
Maya-maya, nahiga rin ang isang babaita sa sahig dahil may carpet naman.
“Why don’t you have pictures naman? Ang daya mo BFF ah.”
“Walang time. Saan mo ba kasi napulot siya bilang blind date ko?”
“Oh he’s one of our family’s business partners. Gwapo ba? Did you guys f****d?”
Nabato ko siya ng unan kaya natawa lang ito.
“Hindi ako kagaya mong nilaspag si officer s***h baby Lore----- ”
“Blahhh blah blaahh!” she covered her ears while saying those kaya natawa rin ako. Kitams, ito talaga ang definition ng marupok.
“Pero makinig ka nga BFF. Siya iyong kwento ko sa’yo before na poging customer namin na binilhan ako ng kape. Naalala mo?”
“Seriously?? Diba sabi mo engineer iyon? Did he change profession?”
“Huh? Wala naman. Sabi niya, civil engineer nga siya ngayon.”
“That’s odd. I was certain he’s a businessman pero baka namali lang ako ng rinig so come on, spill the beans! Magkwento kaaaaa BFF! This only happens once in a blue moon for you to enjoy a date!”
Kinwento ko nga sa kanya ang nangyari simula noong na-late ako hanggang sa dinner at kung paano nawala ang awkwardness dahil sa panghuling coffee date namin.
Nang nakita ko ang sarili ko sa full sized mirror na nasa sala, I found myself smiling unconsciously while telling Zhenya my story.
Hindi naman siguro masamang aminin ko talagang nag-enjoy ako sa date di ba?
“Oh my goossshh talaga BFF! Me is so kiliiiigggggg! Kyaaaaaahhhh!” gumulong-gulong ang babaita sa sahig at hinahampas-hampas ang unan na binato ko sa kanya kanina.
“Para kang sira diyan! Friendly date lang naman iyon!”
“Crush ka nga hindi ba kaya romantic date iyon for him! OMG magkaka-boyfriend ka na talaga at hindi ka na magiging dry!”
“Edi sana all kakadilig lang ano? Leche ka, Zhenya may utang ka pang kwento rin sakin.”
" ko pa ang mga pangyayari ngayong araw.
That was how I imagined my dream coffee date with a guy when I once wrote a story about it.
It was damn well perfect.