Chapter 42

2651 Words
DO NOT READ YET. WILL UPDATE THIS MONTH. Ambilis-bilis niya maglakad at wala talagang preno kaya may naisip akong paraan pagkakita sa yate na regalo sakin ni mommy. Bitbit niya sa kaliwang kamay ang puting bag at sigurado akong may lamang importanteng mga gamit iyon. Agad kong tinanggal ang suot kong tsinelas at iniwan lang ito malapit sa puno tsaka tinakbo ang direksyon ni Mia at sinungkit ang dala niyang bag na parang magnanakaw. Na gwapo. “What the--- hoy! Anong trip mo Van?! Ibalik mo ‘yan!!” rinig kong sigaw niya habang tumatakbo ako patungo sa deck. “Tanggalin mo ang sandals mo tsaka mo ako habulin Mia! Mag-uusap tayo!!” sigaw ko pabalik at bahagyang lumingon. Mukhang sinunod niya naman ang sinabi ko at inalis ang suot na sapin sa paa tsaka ako tinignan ng masama kaya natatawang tumakbo ako ulit hanggang sa makarating na sa tapat ng yate. “Tara at magto-tour na rin tayo sa yate ko,” inabot ko ang kamay ko para tulungan siya dahil baka takot siya sa dagat pero walang pag-alinlangang nilakad niya lang hanggang sa pareho na kaming nasa deck ng yate. “Now stop playing games and give me back my purse, Van.” That’s a scary tone but I can’t give up now. Nag peace sign ako sa kanya tsaka mabilis na nagtungo sa harapan ng yate kung saan ang controls nito at umupo na sa harapan ng steering wheel tsaka may pinindot na ilang buttons para paandarin ang engine. “Sigurado ka ba diyan? Are you sure you know how to run this thing?! Baka malunod tayo! Gumagabi na, Van!” After the engine is now running and neutral, ini-switch ko ito sa autopilot at ni-set na huminto ilang metro ang layo sa dalampasigan para siguradong hini malalangoy ni Mia kung sakali. “Pwede na ba tayong mag-usap?” Maliit lang ang yate na ito kaya katabi ng control room, andoon agad ang pintuan sa mini-living room na may isang pahabang sofa katapat ang maliit rin na higaan good for two at sa likod nito ay may sink tsaka dalawang cabinet sa ibabaw. Katabi ng sofa ay ang kulay brown na square table na may dalawang stools sa ilalim nito. Naupo si Mia sa sofa habang tinitingnan ang paligid ng yate at kahit inis, kitang-kita ko pa rin ang pagkamangha niya sa disenyo ng paligid. “Regalo ito ni mommy but I designed this.” “Ah, kaya pala ampanget,” she scoffed with her arms crossed. Napailing na lang akong nakangiti bago naupo sa tapat niya. “Dito sana kita planong dalhin sa second date natin pero hindi ako nakapaghanda ng pagkain tuloy.” “Asa ka namang makikipag-date ulit ako sa’yo. See, sinabi mong may plano ka ulit so everything is really according to your plan and you’re a great actor by the way. A perfect hopeless romantic para madali kitang magustuhan at syempre, tatanga-tanga ako I would’ve fallen for you eventually.” Agad napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. “Mia, hindi ako sigurado kung paano ako magsisimula pero ang gusto kong isigurado sa iyo ay malinis ang intensyon ko. I’ve liked you ever since at kung liligawan man kita, that’s mainly because I want to pursue you and I’d honestly want you to be mine.” Siguro iisipin niyang masyadong maaga para sabihin ko ito pero ngayon pa lang, siguradong-sigurado na ako. “Paano mo nasasabi iyan sa pangalawang beses na pag-uusap natin ng matino? Tsaka alam ko kung paano ginago ng pinsan mo ang bestfriend ko at hindi ko kailanman naalalang kilala ko ang isa mo pang pinsan kaya masyadong malaking coincidence kung paano niyo kami nakilala. Malapit na matapos ang kontrata ko in six months’ time kaya walang pwedeng makakasira ng mga plano ko, Van. Not even you.” Hindi ko maintindihan ang panghuling sinabi niya pero susubukan kong magpaliwanag kahit may posibilidad na baka maturn-off siya sakin sa kaka-stalk sa kanya sa coffee shop noon pero alam ko namang kapag hindi ko rin ayusin ang pagpapaliwanag, mawawala ulit siya sakin kahit hindi pa naman siya akin. Aisshhh! Kung alam lang ng babaeng ‘to ang naidudulot niya sakin. “I’ll tell you everything from the very beginning as detailed as possible kaya makinig ka, okay? Any questions will be entertained after I explain, maliwanag ba?” Tinaasan niya ako ng kilay pero tumango naman kalaunan. Alright. Here goes the story telling. FLASHBACK…4 YEARS AGO… Totoong naiistress ako isang gabi sa dami ng ipapagawang plates at sunod-sunod na exams kaya naisipan kong lumabas para bumili ng kape. Nag-google ako kung saan pa ang bukas sa mga oras na ito at unang lumabas ang Coffee Chinie sa suggestions at maganda naman ang reviews at interior ng shop kaya doon na ako nagtungo. Saktong naka-shuffle ang music ko at kasalukuyang nakatugtog ang acoustic version ng ‘Out Of My League’ ni Stephen Speaks. Pagkaparada ko sa parking lot, nakita kitang mag-isang nakaupo sa bench sa ilalim ng poste at naisipan kong pagmasdan ka muna bago lumabas ng kotse. Tutal tinted naman ang sasakyan, hindi ako magmumukhang weirdo na nakatingin sa iyo. Your eyes were drooping from time to time at hindi ako sigurado kung natural lang ba iyon pero binibilang mo ata sa mga daliri mo ang iilang motorsiklo at sasakyang dumadaan tsaka napapangiti. May nalaglag na ilang hibla ng buhok sa mukha mo kaya agad mo itong sinuklay gamit ang mga daliri para bumalik ito sa ayos. Ang ganda ng ngiti mo, damn. I didn’t even notice myself smiling as well kung hindi ko lang nakita ang repleksyon ko din sa salamin. Pagkatingala mo sa langit, napatingala rin ako at napatango-tango kagaya ng ginawa mo dahil kompleto pala ang mga tala ngayong gabi. You seem to appreciate the surroundings around you like you’re living the exact moment of your life contentedly sitting on that bench. Simpleng t-shirt at jeans tsaka rubber shoes lang ang suot mo nun habang katabi mo ang pulang backpack. Hindi ako sigurado kung ilang minuto kitang tinitigan hanggang sa naisipan ko na ring lumabas ng sasakyan para mas klaruhin ang mukha mo kaya naupo ako sa kabilang bench. Legit. Ang ganda mo nga. You literally got me with your first smile and your first frown when I spoke dahil parang nainis ka pa ng kaonti dahil naistorbo ko ang peace mo. Hindi man halata pero ninerbyos ako nun kahit sinusubukan kong bumuo ng small talks. I’m really not so good with words and I’m not much of a talker myself pero susubukan ko para sa’yo. Matapos kitang bilhan ng kape, gustong-gusto ko sanang tanungin ang pangalan mo but somehow, your eyes intimidated me so my tongue rolled back. Nagpakilala ako bilang ‘Nins’hango sa second name ko na Nathaniel at iyon rin ang palayaw sakin nina mommy noong bata pa ako. Umalis akong nagsisisi kaya the day after next nung hindi na ako busy, nagbabakasakali akong makita ulit kita sa coffee shop kaya pumunta ulit ako pagdating ng gabi, around the same time at hindi naman ako na-disappoint dahil thankfully, doon ka pala nagta-trabaho. The next days, I found myself studying in the coffee shop at nagiging stress reliever ko ito lalo na’t on shift ka pa. “Excuse me miss, may itatanong ako pero secret lang sana kung pupwede?” tanong ko sa isang katrabaho na nagpupunas ng tables at ang pangalan na nasa nametag niya ay Jen. “Sure, sir! Ano po iyon?” “Pwede mo ba akong kwentuhan tungkol doon sa babae sa may cashier? Huwag kang mag-alala, wala akong masamang intensyon promise. Pupwede mo ring tignan ang I.D. ko para safe.” Natawa ng bahagya ang babae. “Nako sabi ko na nga ba, type mo si Mia sir. Ilang araw ko na ring napansin na pasulyap-sulyap ka sa kanya eh.” “Hala. Ganon ba ka-obvious? Tingin mo dapat ko nang tigilan?” “Hindi naman po. Mailap ‘yan sa lalaki kaya sigurado akong hindi ka naman po pansin tsaka kagagaling niya lang sa break-up last year pero ngayon, umaaligid iyong ka-wormate namin na si Reese. Ayaw ko nga sana siya para kay Mia eh kasi masyadong immature. Oops, ang daldal ko ba sir?” “No, no. It’s fine, I’m listening. Kung hindi ako nagkakamali, working students kayo halos lahat dito hindi ba?” “Sus dinamay mo pa kami sir. Opo, working student si Mia. Super hardworking iyan dahil breadwinner at nako, sobrang talino din.” Halata namang matalino ka sa tindig mo pa lang kaya na-question ko ang sarili ko. Hindi ako ganoon katalino sa academics at ang grado na tres ay sapat na sakin. Hindi rin ako breadwinner kasi naka-provide lahat sakin mula pagkabata pati kotse ko ngayon. Bigla tuloy akong nanliit sa sarili kumpara sa iyo. Simula sa araw na iyon, nakikilala kita ng kaonti dahil sa impormasyon na binibigay ni Jen kapalit ng tig-iisang bar ng Toblerone sa tuwing di ka on-shift para na rin manatiling sekreto ang pag-uusap namin. Isang araw nagising na lang ako, legit rin na crush na talaga kita to the point na nagseselos ako kay Reese. Nagagawa ka niyang kausapin ng hindi ninenerbyos at nakakasama pa halos araw-araw samantalang ako, nakausap lang kita ulit pagkahingi ko ng isang baso ng tubig at mukhang hindi mo pa ako naalala. The second attempt I did to talk to you was the night I let you remember that it was me who bought you coffee the other night at plano ko sanang pormal na magpakilala na talaga kaso may mga customers na dumating at umatras ulit ang dila ko. The next thing I knew, your face was all over the newspaper as you went missing. Gustong-gusto ko tumulong kaso baka magtaka rin ang mga kakilala mo kung sino ako kaya mas pinili kong lapitan ang dalawa kong pinsan. “Nawawala si Mia. Eto ang picture niya kaya sana tulungan niyo rin akong ipaskil ito kung saan-saan,” iniabot ko ang iilang copies ng picture mo tsaka binigay kina Clayton at Lorenzo dahil alam kong mapagkakatiwalaan ko ang dalawa. Kinwento ko ang kaonting alam ko sa’yo at mukhang may ideya naman pala sila kakasunod sakin. “Huwag kang mag-alala, insan. Mahahanap natin ang future girlfriend mo.” Sambit ni Lorenzo at sumang-ayon naman si Clayton na tutulong kung sakaling may makakuha ng lead sa amin. Sunod kong nilapitan ay si mommy dahil alam kong marami siyang connections. “Mommy, minsan lang talaga ako humingi ng pabor pero sana tulungan niyo ako ngayon.” “Sure, kahit ano anak. How can I help you?” “If ever you can come across this missing girl, I’d need your help. Na-kidnap siya kahapon lang.” “And who’s she?” “She’s… someone special to me.” “Ah, I see. By the look in your eyes, it explains it all. Sure, son. I’ll see what I can do to help para sa iyo.” “Thank you, my.” As I was searching without a clear lead, naiinis ako sa bawat araw na lumilipas dahil hindi ko alam kung saang lupalop ka na ng mundo naroroon. Ang sabi lang sa akin ni Jen, psychotic raw ang ex mo pero hindi niya ito dinetalye. Thankfully, tinawagan ako ni Clayton na nahanap ka raw niya sa kamay ng mga Sarcon kaya agad kaming pumunta ni Lorenzo. Sinabi ko na sa kanya ang plano na huwag na huwag sabihin sa iyo na kasali ako sa pagtulong sa’yo dahil baka isipin mong humihingi ako ng kapalit. I really just wanted you to be safe at sa oras na nalaman ko mula kay Lorenzo ang kinahinatnan mo, ang sarap sugurin ng gago mong ex pati ang girlfriend niyang psycho din at ang nakababatang kapatid nito na kunsintidor. Hihingi na sana agad ako ng tulong kay mommy sa oras na nakulong ka sa kasalanang hindi mo ginawa, nagkataon namang may business meeting siya abroad at isang linggo pa bago siya makabalik. I wanted to badly visit you at the precint pero pinigilan ako ni mommy dahil sabi niya, may kliyente rin siyang tutulungan sa loob at pati si Mia ay tutulungan niya ring makalabas. Pumunta rin ako sa burol ng mama mo at nakiiyak mula sa malayo. I just cannot imagine how you’re holding up at kahit gustong-gusto kitang tulungan, alam kong hindi mo rin kailangan ng panibagong kaibigan na papasok sa buhay mo. I wanted to wait for you to be ready. I wanted to be there for you but at the same time, alam kong sobrang independent mong babae kaya ayaw kitang guluhin in times of your own healing. I’m not even sure if it’s just a simple liking that I’m feeling towards you. Is it even possible to love someone I barely know? Ba’t ako nasasaktan para sa’yo? Ba’t gusto kong hintayin kang mag-heal muna? Ba’t willing akong gawin lahat para lang malamang okay ka? All these questions I had were never answered or confirmed when you disappeared in thin air. Bumalik ako sa coffee shop para magtanong tungkol sa’yo at pumupunta rin ako doon araw-araw dahil baka sakaling makita kita at nang makapagtapat man ako kahit papaano, di bale ng di mutual pero hindi na kita nakita. You were the one that got away. Naka-graduate na ako at hindi tres lahat ng grado ko at may iilang uno pa. Pupwede na sana ako sa’yo. Baka sakaling may chance na ako sa’yo pero mukhang ayaw talaga tayong pagtagpuin ng tadhana. “Are you ready, son? Dalawang taon ang master’s degree sa iyo abroad at mahirap ang buhay doon. Sigurado ka bang ayaw mo ng monthly support?” “Yes, mommy. Malaking tulong na iyong apartment na pinahiram mo sakin at maghahanap na ako ng parttime na trabaho para alam ko rin kung paano maging independent. I’ll make you guys proud, don’t worry.” “I am already proud, Van. Remember that if you’d ever need help, do not hesitate, okay? Call us. Kahit nasa kalagitnaan pa ako ng kaso, uunahin kita.” Natawa ako sa sinabi ni mommy. “Don’t worry. I’ll guard your heart from here until you return,” she winked. “Anong ibig mong sabihin, my? Matalino lang ako sa math pero bobo ako diyan sa English mo.” She just laughed and gave me another hug at tuluyan na nga akong sumakay ng eroplano papuntang U.S. Akala ko madali ang ginagawa mo pero ang hirap pala pero doon ko din na-appreciate mag-value ng pera. You became a different kind of inspiration for me. You kept me going. Sa tuwing naiisipan kong sumuko na dahil ang hirap hirap magtrabaho tuwing gabi bilang bartender tsaka tagahugas ng pinggan tapos aral ulit sa umaga, inaalala ulit kita. Naiiyak ako minsan lalo na’t nabubulyawan ako ng boss ko pero kinaya naman at kumapit pa ako ng mas mahigpit. I wanted my family to be proud and maybe, just maybe we’d meet again at may ibubuga na ako. Pupwede na kitang ligawan tapos sisiguraduhin ko ng hindi na ako torpe at unang date pa lang natin kung magkakaroon man ng pagkakataon, aamin na ako. I smiled again while washing the dishes. I love my job. It’s not the exact job that I wanted but it’s keeping me alive and it’s paying my bills as well so I love this job. I love my life and I promised I’d tell you all this one day para maisulat mo ang storya nating hindi man lang nasimulan ngunit natapos na ng maaga pero huwag kang mag-alala at dudugtungan pa natin ito kung mabigyan ulit ng pangalawang pagkakataon. I prayed everyday na sana okay ka kung saan ka kahit hindi man halos ako masagi sa isipan mo. I still hoped and prayed that we’d meet again in a timeline when we’re both okay and ready. I’ve loved you since the first night you
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD