Chapter 41

1663 Words
DO NOT READ YET. WILL BE UPDATED THIS MONTH. Nanatili akong nakatulala dito sa labas ng kulungan nang may nagsalita sa gilid ko. “I’m glad to hear you got the freedom you truly deserved, Mia.” Si Sir Lorenzo. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na tignan siya. Matangkad at may matipunong katawan. Clean cut hair, chiseled jaw line, pointed nose. Walang kahit niisang tigyawat at dark brown ang mga mata na parang itim na. For short, he’s a physically attractive man. “Salamat rin sa mga tulong niyo at sa pagtitiwala, Sir Lorenzo. Sa totoo lang, ang laki ng naitulong ni Zhenya sakin. Kilala mo ba siya? Sabay kaming lalabas ngayon eh.” Mula sa pagkakangiti, pansin ko agad ang pag-iba ng reaksyon niya at may kung ano doon na parang galit din. “Huwag kang masyadong magtiwala sa kanya. She’s bad news.” Bago ko pa ma-depensahan ang pangalan ni Zhenya, dumating na siya sa harapan namin. Zhenya’s POV “I am, indeed.” Sagot ko kaya napatingin ang dalawa sakin. I let out a usual grin bago inilagay ang bag ko sa paanan ni Mia. “Pwede bang hintayin mo ako dito saglit, Mia? Darating din ang sundo natin maya-maya.” Tumango lang siya kaya binaling ko ang atensyon kay Lorenzo. “Can we talk for a moment, officer?” Alam ko namang gagawa siya ng excuse para tanggihan ako kaya inilabas ko ang hawak ko sa kaliwang kamay. His badge. “Paano mo nakuha iyan? Akin na.” akmang aabutin niya din pero inilayo ko ang kamay ko. “Come and get it then after talking to me.” Nauna akong maglakad para pumunta sa bakanteng lote ng presinto. May iilang piraso ng upos na sigarilyo sa paanan ko at buti na lang walang ibang tao ngayon. “Anong gusto mong pag-usapan nang makaalis na ako.” “Awwe. Why so cold, Enzo?” His head snapped at the mention of his name. Ako lang kasi ang tumatawag sa kanya nito bago nagkagulo ang lahat ng mayroon kami. “Stop calling me that and go straight to the point, Syren.” He then spit my second name like venom. Grabe ang harsh talaga, I can’t even. Lumapit ako sa kanya at tumingala sa gwapo niyang mukha. I’ve been drawn to his dark eyes the first time we met. Sobrang ganda nito at ang haba ng pilikmata niya. I raised my left hand to touch his face pero agad niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan. I came back to my senses. “Why do you hate me that much, Enzo? Can I not be your exemption?” seryosong tanong ko at kahit wala naman akong kinakatakutan kahit si kamatayan, inaamin kong na-iintimidate ako sa pagkakatitig niya sakin ngayon. “You’re the daughter of Don Fabricio and the next in line of La Cricca. Ginamit mo lang ako noon at hindi ko makakalimutan ang pag-traydor mo, Syren.” “So what if I’m the daughter of a mafia boss? At oo, inaamin ko naman ang pagkakamali kong ginamit kita nung una pero nag-iba ang paningin ko dahil sa’yo, Enzo. Lahat ng pinagsamahan natin kahit sa maikling panahon doon sa isla ay hindi peke!” Binitawan niya ang kamay ko at hindi iyong gentle na pagkakabitaw. Literal na parang nadidiri siya. “You and the likes of your family’s business is what I hate the most. Ang mga kagaya mong hindi rumerespeto sa patakarang ipinaglalaban ng mga katulad ko ay hindi ko sasantuhin. The next time I see you do it again, I’ll turn you in myself.” Napaatras na ako ng kaonti dahil sa sakit niya magsalita. There’s not a single remorse on his face. Hinayaan ko ring ipakita ang emosyon sa mukha ko mismo dahil halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. There’s the longing for him and anger at the same time. “f**k the damn rules, Enzo. Ba’t ako hindi mo kayang ipaglaban? Why don’t you just turn me in right now, huh? Ba’t di na lang ngayon para sumaya ka na??!” He laughed sarcastically. “You could also be an actress, you know that? Huwag kang umasta na nasasaktan ka ngayon at alam kong walang maniniwala sakin kapag wala akong sapat na ebidensya. Sino nga lang ba ako para kalabanin ang kagaya mo, hindi ba?” Mas lalo akong nagalit sa sinabi niya but I still can’t bring myself to hate him so much. I hate his words but not him. Stupid self. “Alam mo kung anong pinagkaiba mo sa kanila? Sa’yo pa lang talo na ako. Kaya kitang ipaglaban Enzo, but I can’t fight alone if you’re already despising me that much. Did I ever judged your beliefs? Hindi ‘di ba kaya wala kang karapatang husgahan ang buong pamilya ko.” He was about to speak again but I raised my hand to stop him. “Shut up. Just shut the hell up if you’ll just add salt to the wound, Enzo. You want some goddamn evidence right? O, ayan. Singsing ko. That’s our mafia ensemble that’s been passed over for years. And here’s your stupid badge, asshole.” Kinuha ko ang palad niya at ibinagsak doon ang dalawang kagamitan tsaka siya tinalikuran para umalis na. I wiped the side of my eyes dahil hindi umiiyak ang isang Zhenya Syren. Our talk didn’t go exactly as planned. Gusto ko sanang linisin ang pangalan ko sa kanya at makipag-ayos pero mukhang malabo. I never gave a damn of what the world thinks of our family but Lorenzo’s opinion became different. Akala ko kaya niya akong tanggapin but it looks like he’s only loved my bright side. Ang saklap. I guess someone like me who’s not fond of following the rules will never be entitled for someone like Lorenzo. Ngayon lang ako nanliit sa sarili ko. Fuck, love. *** Mia’s POV Hindi ko alam kung anong nangyari pero pagkabalik ni Zhenya, nakabusangot na siya at nanatiling tahimik buong biyahe papunta sa bahay nina Miss Chinie. Hindi pala nila alam na nakalabas na ako at gusto ko silang surpresahin. “Are you okay, Zhenya?” natanong ko bigla bago ko pa mapigilan. Alam kong hindi pa kami ganoon ka-close pero siya lang ang naturingan kong kaibigan sa loob ng kulungan kahit papaano. “Not really. Gusto ko ngang mambugbog eh.” Napausod ako kaagad kaya napatingin siya sa ginawa ko. “Gaga, hindi ikaw ang bubugbugin ko. To be specific, gusto kong lumpuhin ang isang gwapong pulis na masungit para mapaamin ko siya sa totoo niyang nararamdaman pero hindi iyon ang nangyari. See? I’m ranting. Sa ganda kong ‘to my goodness.” “Pasensya na sa istorbo pero nandito pa po tayo.” Pagkalingon ko sa labas, nasa tapat na nga kami ng bahay nina Miss Chinie. “Okay then. Anyways, wala ako sa mood ngayon para ipaliwanag sa’yo ang deal natin, Mia. Ipapasundo kita bukas ng umaga, 8am sharp so be ready.” “Sige. Salamat ulit at ingat kayo, Zhenya.” *** Zhenya’s POV Pagkarating namin mansyon, binati ako ng iilang tauhan namin kaya hinanap ko agad si mommy dahil sigurado akong busy si daddy at gabi pa iyon uuwi. Sabi ng isang maid, nasa art room raw niya at panigurado nag pe-paint na naman iyon. I knocked twice before going in. “Baby Z? Hey, welcome home!” she stood from her seat right away and offered me her embrace. This is home. Yumakap ako pabalik na mas mahigpit. “I missed you, Mom. You still look like a goddess even with some paint on your face right now.” Totoo naman kasi. Dalawa lang kaming magkakapatid ni Zander pero parang ka-edad ko lang si mommy dahil sa ganda niya. Syempre, saan pa ba ako magmamana. “Right. Let me wipe this off first para makapag-usap tayo.” “Give me that. Let me do it.” Kinuha ko ang panyo sa kamay niya at ako ang pumunas sa magkabilang pisngi. “Are we really that bad, Ma? Why do they hate us so much?” natanong ko bigla. “They? They nga ba talaga o ‘he’?” Napatingin ako sa mukha ni mommy na nakangiti pa rin. Ika nga nila, mother knows best. “Come here. Sit down and let’s talk as I braid your hair.” Tumango naman ako at naupo patalikod kay mommy. “So tell me. Ano bang nangyari? Is this the same police officer you’re into?” “Wala namang iba, my. Siya lang naman talaga. Nag-usap kami kanina eh para sana magkaayos pero kung ano-ano nang sinasabi. Kaya kong marinig kung nanggaling sa iba ang husga sa pamilya natin pero ansakit pag sa bibig niya mismo.” “Ganyan din ang nangyari sakin noon. Antagal natanggap ng pamilya ko ang daddy mo pero mahal talaga namin ang isa’t-isa kaya pinakasalan ko siya nevertheless. Ayun naman ang importante na willing niyong ipaglaban ang magmamahal niyong dalawa, baby Z.” I smiled sadly. “Ayun na nga ang problema mommy. Kaya ko siyang ipaglaban pero hindi niya man lang ako hinahayaang ipaliwanag ang sarili ko. He can’t even listen to me, what more na ipaglaban kami? I’m not even sure if he loves me though.” “Didn’t you guys made it official for three months? Imposibleng hindi ka minahal non, baby Z. Siguro hindi lang tanggap ng sarili niya ang buong pagkatao mo but hopefully he’ll come around. Just give him time for now kasi fresh pa sa kanya ang nangyari. Even I would be furious if it happened to me.” I nodded and thought for a moment. Baka nga kailangan niya lang ng panahon kaya ibibigay ko iyon. “I gave him my ring.” Pagkasabi ko non, napatigil si mommy. “Delikado iyon, anak at posible kang mapahamak. You know what that ring is made of and only our family can produce it.” I understand her worries but I shrugged it off.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD