DO NOT READ YET. WILL UPDATE THIS MONTH.
“Anong ibig sabihin ng initiation bago maging official?” tanong ko.
“Ah, yes. You’ll be given a test before you can fully start as a saldato or soldier. Ang pinakamababang posisyon sa isang mafia ay ang associate pero dahil direkta kitang recruit, as the underboss, I’d like you to be a saldato once you pass the test.”
“What if hindi ko maipasa?”
“Then you’ll be trained again. If you still fail, that’s the time you’ll be disposed.”
“Disposed as in---”
“Dead meat.” Patuloy ni Zhenya sa sasabihin ko na parang normal lang ito sa kanya.
This all sounds so insane pero andito na ako at wala na ngang atrasan.
“I know you have a younger brother but as early as now, it will be much better for you to not get close with any of your loved ones dahil mas magiging delikado. Aside from that, magkakaroon ng tendency na ma-distract ka and at the same time, pwede silang idamay ng kalaban para mapatumba ka.”
“Naiintindihan ko. Kailan ba ako magsisimula sa training?”
“Bukas na agad. This will be three months of training. A month of sharpening your mental abilities to learn techniques and the two months will be teaching you how to fight. Kakausapin ka rin ni Dad as the head of our family and will give you some additional briefing of what we are.”
Tumango-tango ako na parang nakikinig sa discussion ng klase.
“Pupwede pa akong umuwi ngayon at magpaalam sa pamilya ko?”
“Yes, that’s right.”
I nodded again and was about to sign the contract.
“Oh and one more thing. Any breach of confidentiality within the contractual term will terminate you and not the contract itself. Pwede mong sabihin sa pamilya mong magtatrabaho ka sakin pero hindi nila pwedeng malaman ang nature of business. Am I clear?”
“Yes. Got it.”
“O siya sige, BFF. Let’s cut the formality this time around. You can go ahead and spend the rest of the day as you please at bukas, susunduin ka ulit ni Greg the same time.”
I agreed and signed the contract tsaka nagpaalam na kay Zhenya. Tinanong ako ni Greg kung saan ako magpapahatid kaya sinabi ko siyang sa simenteryo.
“Tawagin mo lang rin ako sa pangalan ko, Miss Montez. Mag-iingat kayo.”
“Sige, ikaw din. Salamat, Greg.” Lumabas na ako sa sasakyan bago pa niya ako mapagbuksan ulit kasi kaya ko naman at nakakahiya na din.
Umaga pa at weekday kaya kaonti lang ang tao ngayon dito sa sementeryo kaya sakto rin para makapag-emote ako kay Mama. Bumili ako ng bulaklak at kandila kay ate na nagtitinda sa may entrance tsaka pumasok na at dumiretso sa puntod ni Mama. Sinindihan ko ang kandila at inilatag ang bulaklak sa tabi nito bago naupo cross-legged.
“Hi, Ma. Kamusta ka diyan? Sigurado naman akong okay ka at alam kong binabantayan mo kami. Laking pasasalamat ko talagang nakalabas na ako ng kulungan ma kaso nga lang may bagong pagsubok ako ngayon. Sana kayanin ko.”
Hinaplos ko ang pangalan ni Mama sa lapida habang nakangiti. Andami naming binuong pangarap na babangon kami sa hirap matapos maiwan ni Papa pero ngayon ay kailangan kong magpakatatag para kay Arben. Siya na lang ang meron ako at sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang buhay.
Makalipas siguro ng isang oras, kahit papaano ay gumaan rin ang loob ko kaya nagpaalam na ako kay mama na umalis dahil pupuntahan ko pa si Miss Chinie.
Ayoko na rin magpaligoy-ligoy.
***
Pagkarating ko ng coffee shop sa Mandaue branch, nagkausap kami saglit nina Jen at Dominic na kasalukuyang on shift bago ako magpaalam para puntahan na si Miss Chinie sa opisina niya.
Kumatok ako ng tatlong beses tsaka na binuksan ang pintuan nang sinabi niyang pumasok.
“Oh, Mia. Naparito ka? May kailangan ka ba?”
“Gusto lang po sana kitang kausapin. Pasensya na sa abala, Miss Chi. Kung busy naman po kayo this time, maghihintay ako.”
“No, no. Binawasan rin ni Alfred ang workload ko kasi alam mo na. Mukhang importante rin kasi pumunta ka talaga dito so let’s talk now. May gusto rin kasi akong imungkahi sa iyo but you go first. What is it?”
Kanina ko pa inisip ang sasabihin ko pero parang hindi ko na alam kung paano sisimulan ngayon. Napansin ata ni Miss Chinie ang pagka-hesitant ko kaya ngumiti siya.
“Mi, you know you can talk to me about anything. I treat you as family now. Kayong dalawa ni Arben kaya huwag kang matakot sabihin sakin kung ano man iyan.”
She gave her reassuring smile kaya napangiti rin ako pabalik bago huminga ng malalim at tumango.
“May inalok kasi saking trabaho ang pamilya nina Zhenya, Miss Chi at magsisimula na ako bukas na bukas din. Aalis ako kaya maiiwan si Arben. Alam kong andami niyo ng naitulong sa amin pero kakapalan ko na ang mukha ko dahil kayo na lang rin ang mayroon kami bilang guardians. Gustuhin ko mang idetalye sa inyo pero pumirma ako ng kasulatan na confidential ito. Limang taon ang kontrata at hindi ko madala si Arben dahil minor pa siya. Pupwede ko ba siyang sa inyo muna pansamantala? Pero kung hindi naman baka hahanap ako ng ibang paraan kasi nakakahiya na at----”
“Mia, Mia. Hey, calm down.” Hinawakan ni Miss Chinie ang braso kong nakapatong sa mesa.
“Naiintindihan ko. To be honest, napag-usapan namin ni Alfred at ito rin ang gusto kong sabihin sa iyo. Somehow we thought that we got blessed with our first child dahil sa inyong dalawa ni Arben. You both were also a blessing in disguise sa aming dalawang mag-asawa at hindi ko masasabing coincidence lang ang lahat ng ito dahil ikaw mismo, alam mong ilang taon naming dinalangin na magkaanak. It took us a decade and I was losing hope but here it is kaya Mia, we’ve been planning to adopt Arben even before we found out that I was pregnant. He’s really special and we’d gladly want you both in our family.”
I am speechless. Literal na wala akong masabi hindi dahil na-offend ako or what pero dahil nakakatuwa na may mga taong willing kaming tanggapin ng buong puso to the point na pati adoption ay kino-consider nila.
I guess all my worries would be lesser dahil alam kong mabuti silang tao.
“I know you both would be great parents, Miss Chi. Sobra ko na kayong pinagkatiwalaan simula pa lang at kahit ilang libong pasasalamat pa ang gawin ko ngayon, hindi pa ito magiging sapat sa lahat ng kabutihan niyo sa amin. With all my heart, I trust that you’d take good care of my brother like your own.”
“Hindi lang si Arben kundi pati ikaw ay welcome sa pamilya namin at nagpapasalamat rin ako sa tiwala mo, Mia. How about we process both your papers?”
Kahit gustuhin ko man iyon, ‘di pa ito ang tamang panahon para maging malaya ako ng tuluyan at alam kong mas complicated dahil hindi na rin ako minor.
Umiling ako habang nakangiti.
“I’ll be fine, Miss Chi. Tatapusin ko muna ang limang taon at kung open pa ang offer niyo by then, baka sakaling pupwede na.”
“You’re always welcome with open arms, Mia. For now, start calling me Ate. Si Alfred lang naman ang matanda eh pero 30s pa ako. Give me a hug, will you?”
Tumayo nga kaming dalawa at niyakap ko siya ng mahigpit.
“If you won’t let me adopt you too then treat me as your own sister. Kakausapin natin si Arben later.”
“Thank you, ate.”
Right at this moment, it felt like home again.