Chapter 39

2077 Words
DO NOT READ YET. WILL UPDATE THIS MONTH. Chinie was instructing some people regarding the arrangement of the chairs and tables when someone came to interrupt. “Ma’am Chinie, may bisita po kayo,” one of the maids said kaya napalingon si Chinie doon. Isang prim and proper na magandang babae dala-dala ang kulay brown na leather briefcase. “Hi. I’m Atty. Sophia Nofuente, ang lawyer ni Mia Montez. Naparito ako para makipag-usap sana sa inyo tungkol sa iilang importanteng bagay.” Gulat ang rumehistro sa mga mata ni Chinie dahil matagal na itong walang balita tungkol kay Mia kaya mabilis niyang hinarap ang bisita habang tinatawag rin ang kanyang asawa na nasa kusina at ipinakilala rin dito ang bisita. Sakto namang bumaba si Arben kaya agad itong nilapitan ng abogada. “You must be Arben Bradford Montez, Mia’s brother. I heard you’re an aspiring lawyer? I’m Atty. Sophia,” magalak na pagpapakilala ni Sophia at inabot naman ni Arben ang kanyang kamay. He was like the male version of Mia’s features and at his age, nasa 5’11 na ang tangkad nito. He had this straight face and deep set of brown eyes at parang doon sila nagkaiba ni Mia dahil di hamak na mas kulimlim ang mga mata nito. “I am. How do you know my sister? Alam mo ba kung nasaan siya?” he calmly asked with a bit of urgency in his voice. Base sa tono ng pananalita, alam agad ni attorney na tama nga ang sinabi ni Mia sa kanyang uptight ang personality ng kapatid ngunit nakikita ni Sophia na isa itong advantage kung gusto niya talagang maging abogado because being a lawyer is not for the weak heart. “Yes, alam ko at kilalang-kilala ko ang ate mo pero hindi ko muna pwedeng sabihin ang detalye. I’m sure you’ll understand the things I’m about to discuss kaya halika’t makinig sakin kasama ang mga magulang mo.” Naupo ang tatlo sa sofa kaharap si Atty. Sophia na inilagay ang kanyang suitcase sa ibabaw ng mesa para halungkatin ang iilang folders. “Before I explain the details, I’d like to tell you the main gist of why I’m here. Mia owns A.B. Press Digital na pinangalanan niya mula sa initials mo Arben,” panimula nito kaya kitang-kita ang gulat sa mukha ng mag-asawa at kumunot ang noo ni Arben. “Iyong sikat na publishing company? Nakapunta na ako ilang beses sa main branch nila for research pero bakit walang traces ni ate?” “I heard that incident from her too at nag-request ka pa sana ng interview from the CEO hindi ba? Tumanggi siya pero sinagutan nito ang form na mayroon kayo at naalala mo ba ang pangalan ng pumirma?” “It was Tammara Montecarlos,” he answered right away dahil hindi ito madaling makalimot. This boy reads a lot that made his memory very keen to details. Ngumiti ng makahulugan si Sophia. “I guess that answers your question as to why she didn’t face you personally. It wasn’t because she’s merely busy. It’s because she’s Mia Montez, your sister.” Sophia let the information sink in before she continues to explain. “The publishing company will be yours exactly on your 18th birthday which is tomorrow and 40% of the shares will also be for your younger sibling pag nasa tamang edad na rin ito at ang iilang ari-arian pa ni Mia ay ipinangalan niya sa inyong mag-asawa, Chinie at Alfred. I would also need your bank account details so I can transfer some of her savings to you. I am also here to have you sign all the papers after I explain and answer your questions but I will not entertain if you’d ask me Mia’s whereabouts.” Mahaba-haba ang naging usapan ng apat at sinubukan pang halungkatin ni Arben ang kinaroroonan ng kanyang ate ngunit hindi nagpatinag si Atty. Sophia. “Trust her timing. She’ll show up the sooner you’re expecting. Salamat sa oras niyo at mauuna na rin ako.” “Huwag mong kalimutang dumalo bukas, attorney. Kung makakausap mo man si Mia ay pakisabihang bukas na bukas ang tahanan namin sa kanya.” tugon ni Chinie. “I’ll try my best to be here tomorrow.” Iyon lang ang huling sinabi niya bago pumasok sa sasakyan at agad tinawagan si Mia na napirmahan na ng pamilya niya ang mga papeles dahil literal na ipapalabas sa balita ang pagkadisgrasya ni Tammara Montecarlos sa daan at mamatay ito kasi sasabog sasakyan. This will be a staged play so the body in the car is fake but some of Mia’s stuff will be in there and the rest is history. Malinis namang tumarbaho ang pamilya ni Zhenya kaya pagkakatiwalaan ni Mia ang mga ito. (Thank you, attorney.) “Van confronted me and I may have told him a few details about you. Narinig ko ang nangyari.” (It’s okay. Kahit buong detalye pa ng alam mo tungkol sa’kin, I don’t mind. Dapat pala sinabi ko sa kanya ang buong pagkatao ko una pa lang kesa nalaman niya ng ganoon. I’m sorry for hurting him, attorney. Hindi ko sinasadyang itago ang lahat ng ito sa kanya.) “I know you were only trying to protect my son and I completely understand, Mia. Ako man ay ayaw ring isangkot siya sa mundong ito kaya hindi natin siya masisisi na nahihirapan itong tanggapin ang katotohanan ng pagkatao mo. Let’s give him some time to think. Magtiwala ka sa anak ko at sa nararamdaman niya sa’yo dahil sigurado akong mahal na mahal ka non.” Mia was silent for a moment and Sophia heard a long sigh from the other line. (Sana nga sapat ang pagmamahal niyang iyon para tanggapin ako, attorney. Mahal na mahal ko din ang anak niyo at siguradong ikadudurog ko ulit kapag mawawala siya sa akin. Thank you for understanding me and for all the help you’ve done for me.) “Thank you for loving my son and being an inspiration to him as well, Mia. Just trust him for now and let’s see what he’ll do next.” Natapos na ang tawag kaya napatitig si Atty. Sophia sa kaka-end call lang na pangalan ni Mia sa screen. By a few details, she meant explaining to her son all the things she know about La Cricca Syren, the story behind Zhenya’s parents, why Lorenzo got mad at her and how they kill and make a living for a reason. She even got to the point of explaining how Mia was treated so badly even before she got kidn*pped and this girl managed to get back up on her feet without much of a choice. Sophia is not being biased of mainly getting on her son’s good side but because she believed how strong of a woman Mia is, and her protecting Mia secretly until Van comes back, will not go to waste. Sabi nga nila, mothers knows best and Sophia knew that Mia is a great match for her only son at hindi ito nagbibirong gusto na niyang magkaapo kaya sinabi niya pa ang ilang detalyeng siya pa lang ang nakakaalam. This secretive lawyer always gets what she wants with a bit of manipulation. “Nakalabas na ng mental hospital si Marco at alam ko kung nasaan siya. Do you like to know where he is and what he’s up to right now, son?” Iyon ang eksaktong linyang sinambit ni Sophia sa kanyang anak. Ngiting tagumpay sa likod ng kanyang isipan pagkakita sa galit na mukha ni Van bago nito hiningi ang lokasyon ng gagong ex ni Mia. Everything is in accordance with how she wants it to be. *** Ang semi-permanent na mga tattoo ni Mia sa buong katawan ay tanggal na pati ang usual na suot na wig at contact lense ay wala na rin. Even the piercings she had were gone at pati ang kanyang pananamit ay hindi na ganoon ka classy ngayong araw. She was simply herself wearing a regular skinny jeans and t-shirt tsaka kulay brown na boots. Pinatungan niya ng elbow length na denim jacket ang suot at naka-ponytail ang mahabang buhok. Nakailang lunok itong nakatutuok sa bahay nina Chinie at Arben bago bumuntong hininga at tuluyan nang pumasok. There were a few visitors around, some relatives and co-workers, kids running to play, kaya sinuri ni Mia ang paligid at nasa may unahan kung saan ang center table na may malaking cake ay kinakantahan ng pamilya ng birthday song ang nahihiya ngunit nakangiting mukha ni Arben na pakamot-kamot pa sa batok. Everyone was cheering for him to blow the candles and make a wish and so he leaned in closer to the table. Nakangiting nakatitig si Mia doon at saktong pagkabuka ni Arben sa mga mata, nakita niya si Mia. Ilang beses pa nitong kinusot ang mga pata ng isang kamay pero kinawayan pa siya ni Mia habang nakangiti. “ATE!!” he shouted and ran towards her direction enveloping Mia in the tightest hug possible to the point na bahagya na siyang nabuhat ni Arben mula sa lupa. “Ang laki mo na! Happy birthday, Arben!” she greeted him while laughing and hugging him back. “Mia! Oh my gosshhh!!! It is you!” napalapit na rin si Chinie at sumunod si Alfred na karga-karga ang kanilang bunso tsaka nakiyakap din. It felt like a déjà vu when they first welcomed Mia at hindi man lang nabawasan ngayon ang malugod na pagtanggap ng mga ito kahit ilang taon na ang nakalipas. They were all glad to see her and accepted her once again without much questions asked. Iginaya ni Arben ang kapatid sa bakanteng mesa at ito mismo ang naglagay ng iba’t-ibang klase ng putahe sa dalawang plato tsaka naupo katabi niya at nagkukwento ng kung ano-ano. “Magkaklase pa rin ba kayo nung kinukwento mo sakin noon na si Tysha?” biglang sumagi sa isip ni Mia ito at pansin niyang napatigil si Arben. “Ewan ko kung saang lupalop napunta iyon ate basta bigla na lang nag drop-out two years ago nang walang pasabi. Wala na akong balita sa kanya kahit sa social media.” “Oooww. Why the sudden change of mood, little brother? Mukhang may natitira ka pang tampo kay Tysha ah. Crush mo ba, ha?” “Di ah! Ang tomboy na uhugin na ‘yon crush ko? Asa! Sadyang inis lang ako dahil kinuha niya ang kwintas na pinadala mo sa’kin noong 13th birthday ko. Tss.” Naalala tuloy ni Mia ang iilang regalo na pinapadala niya pa rin anonymously sa tuwing may occasion kasi nga pinapanindigan rin niyang nag-trabaho lang ito abroad sa pribadong pamilya. Sinigurado ring tinikman ni Mia ang bawat pagkaing inihanda ng kapatid kahit nabubusog na hanggang sa natigil sa kwentuhan ang dalawa dahil may panibagong bisita na dumating. It was Atty. Sophia. “Sorry I’m late. May meeting lang saglit. Happy birthday, Arben! Here’s my gift,” sabay abot ni attorney ng isang maliit na paperbag at nag-thank you naman ito tsaka nagpaalam muna saglit dahil may iilang kaklaseng dumating. Luminga si Sophia sa mga katabing upuan ni Mia na parang may hinahanap kaya nagtaka ito. “Bakit po, attorney?” “Akala ko magkasama kayo ni Van papunta rito. Sabi niya tumawag ka para magpasundo at magpapasama sa party ni Arben dahil kinakabahan kang pumunta rito mag-isa.” “Huh? Ilang araw na pong hindi nagpapakita sakin si Van at niisang text o tawag ko ay hindi niya sinasagot.” “Ganoon ba? Siguro may pinuntahan lang na importante pero tawagan ko na lang saglit para sure.” Akmang kukunin na ni Sophia ang kanyang cellphone sa bag nang biglang umilaw ang cellphone ni Mia sa lamesa kaya pinindot niya ito. Isang unknown number ang nag-text. ‘Hello, mahal ko. Kasama ko pala ngayon ang prinsipe mo. Gusto mo pa siya maabutang buhay? Kung oo, pumunta ka dito mag-isa. Kitakits, Mia myloves!’ Sa baba ng message ay ang detalye ng address. “Fuck.” malutong na mura ni Mia bago napatayo. “What’s wrong? Ba’t ganyan ang reaksyon mo?” nag-aalalang tanong ni attorney. “Nag-text si Marco at kasama niya ngayon si Van.” “What?! Sasama ako! Tatawag tayo ng pulis!” “Attorney, this may be cliché and quite stupid but I have to go alone. Alam nating pareho kung paano mag-isip si Marco kaya paki-explain muna kina Arben at aalis na ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD