DO NOT READ YET. WILL UPDATE THIS MONTH.
kaming dalawa dito sa sala dahil may sarili kaming gym equipments.
“So ano na. Huwag kang magka-amnesia at ikwento mo na sakin ang nangyari sa inyo ni Lorenzo matapos kong umalis. By ‘nangyari’ I don’t mean sex.”
“We didn’t have s*x after you left. So ganito ‘yun.”
FLASHBACK…
Zhenya’s POV
Lumipas ang isang buong araw hanggang sa gumabi na nga. We spent our day cooking together, cleaning, doing laundry and watching movies like the usual stuffs we did back when we were okay as a couple. Hindi naman ako nakakalimot kaya pagsapit ng 12 midnight, which is exactly the end of the day and the end of our small play.
“What were you doing next door, Enzo? Tapos na ang araw kaya tama na rin ang gaguhan natin."
“Hinanap nga kasi kita kaya inupahan ko ang kabilang condo. Pangatlong araw ko na ngayon dito.”
“Ano?? You’re unbelievable. So aside from f*****g me, what else did you needed?”
Naging seryoso at mukhang galit ang mukha niya dahil ata sa sinabi ko. Looks like I hit a nerve.
“I’m not just after your v****a, Zhenya Syren. Kung iyon lang ang habol ko, marami---- ”
“Marami namang gustong i-offer ang sarili nila just to have you. Of course, why didn’t I think that, Enzo.”
Napahilamos siya sa mukha at hinilot ang magkabilang sentido. This is the exact thing he does before too each time he gets annoyed with me.
“Hindi ako pumunta rito para makipag-away Syren at lalong hindi ko tinalikuran ang trabaho ko para lang sa simpleng s*x. That wasn’t just f*****g though. We made love over and over again and you know yourself, you enjoyed that.”
Sobrang lapit ng mukha niya sakin habang nakatitig sa mga mata ko. It was so intense that I was about to back out pero hindi ko rin kayang magpatalo.
“You’re giving up everything now just to be with me. Is that why, Enzo?”
“Oo!”
“Eh bakit ngayon pa?! What took you so long to realize that I’m worth the risk?!”
“Dahil nga gago ako! Kaya gusto kong bumawi ngayon kung bibigyan mo ako ng isa pang pagkakataon. Kung kinakailangan kong patunayan ang sarili ko sa’yo nang paulit-ulit na hindi na kita ulit tatalikuran at basta-basta sasaktan, gagawin ko. I badly want to earn your trust back. Just, give me another chance. Give us another chance, Syren. Maaayos pa natin ito. Let’s fight the odds again. Together this time, please.”
Naiiyak ako habang nakatitig sa mukha niyang paiyak na rin.
My heart aches seeing him beg like this but then I can also see my old pitiful self mirroring him right now. Ilang beses rin akong humingi ng pagkakataon sa kanyang pakinggan ako at ipaglaban ako noon pero niisa ay hindi niya nagawang pagbigyan.
“Did you love me, Enzo?”
“I did and I still do love you, Syren.”
“And I do too but the damaged you’ve caused was way too much. Hindi ko alam kung kaya kong bigyan tayo ng isa pang pagkakataon but I’ll let you try. I’ll let you in one more time in my life but I can’t guarantee that I’d let you stay forever.”
He nodded a few times and smiled. Hindi ko rin naman kasi kayang makipag gaguhan sa sarili ko dahil sigurado akong mahal na mahal ko pa siya hanggang ngayon.
“That’s enough for me. Kung sakaling dumating man ang araw na sa tingin mo hindi talaga tayo magwo-work out, sabihin mo lang. Aalis ako kung doon ka sasaya.”
“Alright then. That’s a deal.”
“Thank you, Syren. This is more than enough chance and I won’t be putting it to waste.”
END OF FLASHBACK…
Mia/Tammara’s POV
“Marupok ka nga pero naiintindihan ko. Ganoon ba naman ka yummy, walang makakatanggi uy.”
Akmang ibabato sakin ni Z ang dumbbell kaya natawa ako at nagtago sa likod ng treadmill.
“Magseryoso ka kasi, BFF! Nage-emote ako eh!”
“Kaya nga nagbibiro ako ng kaonti kasi masyado kang seryoso! But really though. Tama naman ang desisyon mo kasi iyon ang nararamdaman mo eh. Malay mo this time, mag work-out kayo. Ngayon, tayo muna ang magpatuloy sa work-out kasi may lakad pa tayo.”
She rolled her eyes heavenwards again before laughing.
Hindi ko rin naman talaga siya masisisi. Kung ganoon ba naman ang efforts ni Lorenzo na pati dream job niya, tinalikuran at nag-rent pa ng katabing condo para maka- score kay BFF--- I mean makapag-ayos, deserve nga iyon ng second chance.
“Pero pag saktan ka ulit ng heavy, ako na tatapos kay Lorenzo.”
“Likewise kapag gagaguhin ka rin nung Van. Ako din tatapos.”
“Hoy wala lang iyong amin. Iba ang inyo.”
“Nah-uh. May something iyon, BFF. You should’ve seen yourself smiling like an idiot last night. Ibang-iba iyon kumpara don sa busangot mong mukha sa past blind dates na si-net ko.”
Napangiti ako.
“Oh, see. There it goes again! You’re really in trouble. Tanga-tanga mo pa naman sa pag-ibig.”
Napabusangot ako at tinignan siya ng masama.
“Alam mo ang gulo mo. Akala ko ba gusto mo akong magka-lovelife ha? Suntukan na lang?”
“Luh. Gagalet agad si BFF. Love ya! Hehehe! Let’s finish this work-out na so we can goooo!”
Minsan talaga napapaisip ako kung bakit ko naging kaibigan ang babaeng ‘to. Ang lakas ng attitude shet.
***
‘Cottage Chill Out’ ang theme ng party na gaganapin sa isa sa mga beach house na pagmamay-ari nina attorney kaya nakasuot kami ng bikinis underneath sa maxi dresses namin. Off shoulder na boho type iyong akin na kulay puti at above the knee habang kay Z, pulang sleeveless na halterneck crop top at itim na skirt na may mahabang slit. Of course, sa aming dalawa she’s more of the bad girl type while I’m a bit of the conservative one. A bit lang kasi di pa tayo sure.
Nagsuot ng dark red matte lipstick si Z para kompletuhin ang look niya habang nude brown naman ang akin na pinatungan ko ng lipgloss.
“Tara na nga. Daig pa naman ni Attorney Sophia ang principal kapag nagalit pag sobrang late natin.”
“Chill nga, Tams. Walang dyosa na early bird. Dapat late tayo ng very light ano ba.”
By very light, it means 30 minutes to an hour late. Ganoon ang definition niya non. Kahit ganito ang mga suot namin, mayroong nakatagong mga armas sa may boobs, sa legs, at pati sa heels. Syempre hindi rin nawawala ang baril sa mga sasakyan namin at napagdesisyonang isang kotse lang ang gagamitin at ang paboritong pula na convertible sports car ni Z iyon.
Matapos niyang titigan ang sariling repleksyon sa full sized mirror, nag-aya na rin itong umalis finally. Palabas na kami ng condo nang tumunog ang phone ko.
From: Van
‘You busy? Anong ginagawa mo ngayon? :)’
Nag-reply naman akong paalis na kami ni Z papuntang party.
“Wow, textmates na rin kayo. Si Enzo ni hindi na nakapag-reply kanina pa dahil tutulong raw siya sa preparations para sa pinsan niya. Gaano ba ka-busy iyon at hindi na ako mapansin-pansin?”
“Ang clingy mo sa part na ‘yan, BFF. Kumalma ka nga at 30 minutes na tayong late. Let’s go.”
Patuloy lang kami sa pagte-text hangga’t makarating na kami ni Z sa parking at pinaandar na niya ang sasakyan nang biglang lumitaw ang pangalan ni Van sa homecreen ko makalipas ng ilang minuto sa daan. Tumatawag.
“Hala, BFF. Tumatawag siya, bakit???”
“Ba’t sakin mo tinatanong? Sagutin mo tas itanong mo sa kanya, duuuh!” she rolled her eyes so I did the same and stared at my screen.
I was about to press the answer button nang may nahagip ang mga mata ko sa side mirror kaya napatingin ako kay Z. Nagkaintindihan kami at tumango ako bago niya pinaharurot ang sasakyan paliko sa kabilaang daan habang ako naman ay kinuha ang nakatagong riffle sa likod ng upuan.
Mukhang mapapasabak muna kami.
(Hey----)
“I’ll call you back later,” sagot ko sa tawag ni Van at agad rin itong binaba tsaka pinuntirya ang baril sa likuran namin.
“Tangina ginagalit nila ako, ayaw ko na ngang ma-late lalo leche naman!” inis na sambit ko bago pinaputok ang baril sa gulong ng sasakyan na sumusunod samin pero mabilis itong nakailag at naglabas rin ng baril at tinutok sa direksyon ko kaya napaubo ako pabalik para kumapit tsaka din nag U-turn si Z sa kabilang kalsada.
“Just finish them off! Ayoko rin masira ang dress-up ko tonight, my gosh!”
Isa pang nakakagalit ay hindi ko man lang nakausap sa telepono si Van. Pag ang mga ito talaga ang maging dahilan para ma-delay ang lovelife ko, pasasabugin ko ang buong gang kung saan sila nabibilang. Minsan na nga lang may mahanap na medyo matino tapos hindi pa matutuloy.
Pakshet lang diba? Not that I’m desperate pero baka naman chance ko na ito at chance rin ng storya kong maging love story pa dahil patapos na.
“Taena, gusto kong happy ending!”
Saktong tumapat sa kabilang kalsada ang humahabol na sasakyan samin, lumuhod ako ulit sa upuan at mabilis na