DO NOT READ YET. WILL UPDATE THIS MONTH.
tanong niya, tinakpan ko na ang bunganga nito.
“We talked and we’re okay now kaya samahan mo akong kumuha ng pagkain,” hinila ko na ang babaita palayo sa magpipinsan at kumaway lang sakin si Van kaya kumaway ako pabalik.
Enebe. I cannot stop smiling na baka pati pagtulog ko, nakangiti pa rin kung makakatulog man.
“Soooo?? What happened???” pakikiusyoso ni Z habang kagat-kagat ang isang fried chicken tas ako naman ay nilalagyan ng tig-iilang piraso ang plato ko sa bawat putaheng mayroon. This is cheat day kaya lubus-lubusin na.
“He confessed that he likes me ever since. Ang kapal siguro ng mukha ko kapag sa akin pa manggaling na mahal niya ako ano pero parang ganoon na nga rin daw.”
Tumili siya kaya napaigtad ako ng kaonti at napatingin pa ang iilang tao sa paligid pero walang paki si Z at may patalon-talon pang nalalaman.
“That is insane! So kayo na??”
“Di pa ah!”
“Ay. What are you waiting for ba??”
“Love me like you do---”
“Umayos ka Tammara, masusuntok kita now.”
“Hindi pa nga kasi pero manliligaw ra siya. I said yes to that para makilala pa namin ang isa’t-isa.”
“Gosh, ano pang patatagalin mo kung matagal ka na niyang mahal? But then, come to think off it. If you can possibly hold off for 6 more months, if you know what I mean.”
Biglang naging mahina at seryoso ang boses ni Zhenya kaya pati ako ay kinabahan rin bigla. Tama nga siya dahil marami pang pwedeng mangyari sa anim na buwan at malayo pa sana ang dadatnan ng isipan ko sa mga posibleng ganap pero umiling ako ng ilang beses.
Nope, nope. Hindi ko hahayaang masira ang gabi ko kaka-overthink.
“Can we just enjoy tonight, BFF? Bukas na ulit tayo mag-isip ng problema. I’m also concerned for Lorenzo himself,” sambit ko kaya pati siya ay napatulala rin saglit at napatigil sa pagkagat ng manok niya bago umiling rin ng ilang beses kagaya ng ginawa ko.
“Yep. We better enjoy tonight and let’s get drunk like crazy, shall we?”
“I like that idea. Marami namang libreng cottages tonight sabi ni attorney hindi ba?”
“Uh-huh. We’ll be staying over then.”
Ayan nga’t hindi muna ako mag-aalala. Kumain kami ng marami ni Z habang nakikipagkwentuhan rin sa iilang mga guests ng may napansin kaming babae na umiinom mag-isa sa sulok at seryosong nakatingin sa unahan. We looked at each other at sabay na nilapitan ang babae.
“Heyyyy! You look familiar, have we met?” bungad ni Z sa babaeng halos ka-edad lang siguro namin sa tanto ko.
“Of course we have, Miss Lucchese. I’ve assisted with your case before when Atty. Sophia was on leave.”
“Ah, ikaw nga! OMG girl, you’re lookin’ hot tonight Atty. Mau!”
Attorney? Wow, ang bata niya pa tignan na parang nasa early 20s at legit ngang maganda siya. She has this pale skin like snow white at mas naging dominant ito sa suot niyang itim na two piece na may manipis na cover up tapos iyong mukha niya is square-shaped kaya halatang-halata ang hugis ng jawline and her lips is plump.
This girl is indeed pretty. Ang perfect ng kutis.
“You’re the hottest one here though, Zhenya. The ever so famous heiress of the Lucchese and I’m guessing this is your partner in crime?” tumingin siya sa direksyon ko at muntik na akong ma-tomboy. The girl’s really attractive and I’m not kidding.
“Hey, I’m Tammara Montecarlos. Nice to meet you, attorney.”
I extended my hand to shake hers. “And you too. Sobrang ganda mo nga rin sa personal as rumors has it. I’m Maureen Almonte.”
Kinilig ako sa compliment niya at kahit mukha siyang strikta, nakasabayan namin siyang mag-chikahan at mag-inuman ni Z which means ang mukha lang pala niya ang maldita pero mabait naman kagaya namin. I couldn’t count how many drinks we’ve had already but I’m feeling a bit tipsy but happy at the same time.
“Girls, girls. Looks like you’re all enjoying here. There’s a bonfire dance going on so let’s go!” biglang sulpot ni Atty. Sophia sa harapan namin na may hawak ring alak. Looks like she’s had enough dose of alcohol herself at na-engganyo na rin kaming sumunod sa kanya sa kumpulan ng mga tao sa kaninang maliit na bonfire ay mas malaki na ngayon.
“Aren’t these for couples attorney?!” pasigaw na sambit ko sa tainga niya.
“Yes it is so come now, my future daughter-in-law!” hinila niya ang kamay ko palayo kina Z at sa isang iglap, nasa harapan ko na si Van dahil hinila rin siya ni attorney palayo sa mga pinsan niya.
“I’ve been wanting to have grandchildren so you better date fast. Enjoooyy!” iyon lang ang sinabi niya at pasayaw-sayaw nang umalis. Nilabas ko na ang tawang kanina ko pa pinipigilan dahil minsan ko lang makitang sumasayaw ng ganoon ang sophisticated na abogado.
“She can be goofy at times,” komento ni Van kaya napatingin ako sa kanya. Malakas na ang tugtog ng musika at dumadami na rin ang nagsasayawan sa paligid in pairs.
The fire at the center burned freely while the people around us were noisy hanggang sa biglang napalitan ang tugtog ng music. Partida hindi iyon coincidence dahil kitang-kita kong nilapitan ni attorney ang DJ at may pinapahayag dito kaya tumango-tango ang lalaking in-charge bago kinalikot ang kung ano para maging slow ang tugtog.
“Ibang klase talaga ang mommy mo ano. Botong-boto ata sakin. Sa bagay, ang ganda ko ba naman,”
Van’s POV
Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa ko nang umamin kay Mia at nangyayari ang lahat ng ito sa mismong celebration ko pa sa pagbubukas ng kauna-unahang engineering firm ko dito sa Pinas.
“May I have this dance, then?” inilahad ko ang kaliwang palad sa harapan ng pinakamagandang babae ngayong gabi.
“Yes, you may.” She smiled and took my hand kaya ipinatong ko ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko. Marahan ko ring hinawakan ang magkabilang beywang niya at nagsimulang umindayog sa tugtog ng musika.
“Magaling ka palang sumayaw, engineer.”
“Hindi masyado basta’t ang importante ay hindi ko natatapakan ang mga paa mo.”
Nakatitig lang ako sa mukha niya at ganoon rin ang ginawa niya pabalik. Inaamin kong kahit lalaki ako, isa akong hopeless romantic at nanonood rin ng chick flick movies kahit iyong ‘The Notebook’ ni Nicholas Sparks.
Hindi ako mahihiyang aminin na sobrang perfect ng gabing ito.
“Pwede bang huwag na lang matapos ang gabing ‘to para makasama kita ng mas matagal?”
“Maaga pa naman tsaka hindi ba manliligaw na kita kaya ibig-sabihin, pwede mo na rin akong makita kahit bukas o sa mga susunod pang araw.”
“Talaga?? Sabi mo ‘yan ah. Pagbubutihan ko ang panliligaw.”
“Aasahan ko iyan.”
We continued swaying to the music while smiling at each other. Literal na gusto ko na lang itigil ang oras sa sobrang saya.
Zhenya’s POV
I admit and I am well aware that I’m quite tipsy but still sane and I couldn’t help but leer at my best friend lost in her lover’s eyes. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at minabuting i-capture ang moment nila para mabenta ko sa kanya later.
“Are you lost, baby girl?” biglang may sumulpot sa gilid ko habang busy akong pinipicture sina BFF.
“No, Enzo. We’re clearly at the Nofuente’s residence so get lost instead.”
“Ang sungit mo naman poooo! Sayaw tayo daliiiii!”
Bago pa man ako makasagot, kinuha niya ang cellphone sa kamay ko kaya napatayo ako bigla at muntikan ko nang makalimutan na nakainom ako. Heck, I’m feeling dizzy damn it.
“Oh, careful. Sasaluhin naman kita. Andito na ako palagi,” he held my waist to keep me steady while smiling like an idiot and I can’t help but stare at his reddish face.
Damn that face, Enzo. Why are you so freakin’ attractive?
“Whatever. Just shut up already and dance with me,” sambit ko at ipinulupot na ang dalawang kamay sa leeg niya. He automatically held both sides of my waist too.
“I haven’t told you yet. Sobrang ganda mo ngayong gabi, Syren. You look like a goddess mermaid who just came out to shore kaya bagay na bagay sa’yo ang pangalan mo. Baka nga goddess ka noong past life mo ano? Nakakabaliw ka kasiiii! Heheheh.”
He’s grinning like an idiot at halatang mas tinamaan pa ng alak kesa sakin. This talkative side of him is interesting.
Hmm. Mukhang chance ko na itong kausapin ang drunk side niya. Let’s see if he’s still honest.
Clayton’s POV
Tumigil na ako sa pagsayaw kasama ang iilang chikababes ko matapos ibahin ang party music dahil ayoko sa romance s**t na ‘yan. Taga-support lang dapat ako ng lovelife sa mga pinsan at kaibigan ko dahil mahal na mahal ko pa ang buhay single.
“Hey, man-whore.” Napaatras ako pagkarinig ng boses.
“Shit.”
“Anong s**t s**t ka diyan. You better dance with me right now or else I’ll annul you tomorrow too,” hinila niya ako pabalik sa bonfire party at ito pa mismo ang naglagay ng dalawa kong kamay sa magkabilang beywang niya.
Not that I’m complaining since she’s hot pero akala ko nagbibiro lang ang babaeng ‘to kanina.
“Are you serious in marrying me though? Gusto mong itali ang sarili mo sa akin o baka lasing ka lang???”
“Huwag ka munang maniwala sa ngayon pero hintayin mo ang papers bukas sa office. I’ll have it mailed and you have to send it back to me after lunch so I can process it right away.”