DO NOT READ YET. WILL BE UPDATED THIS MONTH.
you, is that you. Anong ibig-sabihin nito, Zhenya Syren?” nakapamewang na sambit ko na parang nanay matapos ilatag ang pizza sa mesa at nilapitan ang dalawa.
“And you sir. Pupwede bang magdamit ka muna?” tumango naman si Lorenzo bago sinulyapan ng tingin si Z at umalis na sa harapan namin.
“What are you doing with your ex? Akala ko ba walang balikan eh mukhang nagmilagro pa kayo ha?”
“BFF kasiiii! We didn’t get back together naman.”
“Taylor Swift ka? Umayos ka ha malilintikan ka sakin, Zhenya!”
“Para kang nanay magalit, sorry naaaaa! You love me naman hindi ba? Tsaka totoo nga, hindi pa kami okay although we had a bit of s*x. Heheh.”
Napalingon ako sa paligid at pansin kong makalat ito na parang dinaanan ng bagyo sa loob.
“A bit?”
“Maybe more than a bit.”
Napa-facepalm talaga ako ng literal. Hindi naman sa pinagbabawalan ko siya makipag-date kahit nakapangako kami sa isa’t-isa noon pero klaro iyong usapan na walang balikan ng mga gagong ex. I may have rooted for their love story before pero matapos ko malaman lahat ng masasakit na salitang sinambit ni Lorenzo at ni hindi niya man lang maipaglaban ang kaibigan kong marupok, auto-fail siya sa akin.
“You know I love you but we both know what you’ve been through for this same man. Ang sa akin lang, huwag ka na sanang padalos-dalos this time kung sakaling susugal ka man ulit, BFF.” I said frankly.
She smiled and hugged me tight. “I know, BFF. You know I love you as much like my own sister. Promise, mag-uusap pa kami ng masinsinan. Sadyang nadala lang ako sa yumminess niya kanina.” Binulong niya pa ang last part kaya napahagikhik na rin ako kasama siya.
“How was it though?” I whispered back.
“Heaven!”
Just like that, we were okay. Hindi rin kasi namin matiis ang isa’t-isa kaya matapos kong kausapin si Z, binantaan ko pa very light si Lorenzo bago naisipang umalis na para bigyan sila ng chance to ‘reunite’ at sana hindi lang puro s*x.
“Nga pala, Mia.”
“It’s Tammara.” Koreksyon ko sa kanya.
“Ay oo nga, sorry. Nagkausap ba ulit kayo ng pinsan ko? Kakauwi niya lang eh.”
I raised an eyebrow.
“Wala akong kilalang pinsan mo as far as I remember. Sino ba?”
He was about to say something but my phone rang so I had to excuse myself and after answering it, may emergency meeting raw sa office kaya kailangan ko ng umalis.
“I really have to go. Let’s talk later okay guys? Byeeee!”
“Don’t forget your blind date later tonight, BFF! 7:00pm at Don Cuevas Resto!” pahabol ni Zhenya bago ko tuluyang naisara ang pintuan ng condo.
Habang pababa ang elevator sa basement, bigla kong naalala ang blind date na sinasabi ni Z. Pangatlong blind date na niya ito sa akin at ewan ko kung bakit pa rin ako pumapayag. I’d have to say na mas pumapayag ako dahil siya mismo ang may gusto pero hindi dahil gusto ko ng makahanap ng lalaki. After all these years of being single, I got used to it and it’s really not that bad to be honest.
Nagmadali talaga akong mag-drive pabalik ng office dahil naghihintay sa akin si Atty. Sophia and I’m very much aware that she’s more busy that I am so every minute counts. Habang mabilis akong naglalakad sa hall, binabati ako ng iilang employees kaya tinatanguan o nginingitian ko lang sila pabalik.
“Miss Montecarlos, I have some papers here for you.”
“Alright then, I’ll check with you later.”
“Thanks po!”
Pagkapasok ko sa aking office, laking pasasalamat kong andoon pa siya nakaupo habang umiinom ng kape at may kung anong tinitingnan na folder.
“Am I late, Atty. Sophia?”
“Not at all, Tammara. How are you?” tumayo siya will her glorious poise and until now naa-amaze pa rin ako sa tindig at ganda niya pati talino din.
“I’m doing well and how about you? Without a doubt though, mas lalo ka talagang gumaganda each time na nagkikita tayo attorney. Walang kupas.”
She lightly laughed. “And you never fail to compliment me each time kaya lalo akong nagiging blooming. Anyhow, I’m busy as ever but I manage to live by. Mayroon din palang welcome party ang eldest ko na galing U.S. this coming Saturday before I forget so you’ll have to be there, okay? Double celebration rin kasi sa bubuksan niyang firm dito sa Pinas.”
“Is there even a room for a ‘No’ po?”
“Wala din. I won’t take ‘No’ for an answer.”
“Then I’ll be there. Matagal ko na ring gustong makita itong eldest niyo, attorney.”
“Yes, Nins would be happy to see you too! Anyway, enough with the chit-chat muna kasi may ka-meeting pa akong client after. We’ll catch up at the party, alright?”
Nins.
Babae pala ang anak ni attorney pero mamaya na nga ang chikahan at makabalik muna sa business talk.
***
Naging busy ako buong maghapon at muntik ko ng hindi mapansin ang oras kung hindi lang tumawag si BFF.
“Oh, bakit?”
(Anong bakit, BFF? It’s already 6:30pm saan ka na? I’ve forwarded your number sa blind date mo, reserved table number 4.)
“Ah, shoot. Oo nga, muntik ko nang makalimutan. I’ll be off in a few minutes. Kung gusto niya umalis edi umalis siya.”
(BFF naman! I swear, gwapo at matalino ito promise! Now stop being workaholic and get your ass off that swivel chair! Byeeee! Use condoms! Heheh)
Hindi na ako pinasagot ng gaga at binabaan na ako. Doon ko lang rin naisipang tignan ang aking inbox at may unknown number ngang nag-text.
‘Hi. This is your date. I’m already here, see ya. :)’
Ayun ‘yung message. Taray ng pa-smiley face. Nireplyan ko namang paalis pa ako ng office pero on the way na rin. Kasalukuyan kong nililigpit ang mga gamit ko nang nag-vibrate ulit ang cellphone dahil sa reply niya.
‘Take your time. I’m not going anywhere. :)’
Mabilis mag-reply tas may smiley. Sana hindi jejemon ‘to kundi malilintikan sakin si Zhenya Syren. Sabi pa niya sakin kaninang umaga, wear something nice raw para magustuhan ng ka-date pero wala na akong panahon magpalit at nakalimutan ko ring magdala ng extra dress na pang-date. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin one last time.
I’m wearing a white coordinate set, a plain black top with a white long sleeve blazer at ang terno na pants tsaka 5 inches heels. Disente naman akong tignan kaya okay na ito.
Deretso na akong parking lot at bago ko pinaandar, tinext ko pa ang aking date na paalis ako dahil sa totoo lang, hindi ako sanay na nale-late na may pinaghihintay pa ng matagal. He replied and told me not to worry kaya pinaharurot ko na ang sasakyan pero dahil swerte nga ako ngayong gabi, traffic pa.
Of course. It’s peak hours. Nakakapikon man ang traffic pero wala rin akong magagawa kundi maghintay. On normal days without traffic, around 20 minute drive lang papuntang Don Cuevas Resto. Bahala na nga. Importante, makarating ako.
***
I am finally here. Pagkatingin ko sa relo, 7:42pm. s**t nakakahiya ang late ko na kaya nagmadali akong pumasok at hinanap sa waiter ang table 4.
“Right this way, Miss Montecarlos.”
Sinenyas na ng waiter ang table at doon may lalaking naka-itim na formal long sleeves. Dahil nakatalikod siya sakin, pumunta na ako sa katapat niyang upuan at inilagay doon ang purse ko.
“Hi, I’m really sorry to keep you waiting.”
“It’s okay. I didn’t really mind though.”
Nakangiti ako at tsaka ko lang natingan ng maayos ang mukha niya pero biglang napawi ang ngiti ko at napalitan ng panlalaki ng mga mata dahil sa gulat.
Hindi ako maaring magkamali kahit ilang taon na ang nakalipas dahil sa lalim ng dimple niya at ang ngiting parang model ng toothpaste, sure na sure ako. Isama mo pa ang ilong niyang sculpted to perfection nga.
“Grabeng reaksyon naman iyan. I’m Van Nathaniel, your date for tonight.” He stood up and extended his arm for me to shake while smiling.