"Lovebirds sa likod! Mamaya na 'yan at makinig muna sa diyosang nagsasalita rito okay?" si Tita Jenny. Lovebirds raw.
"No they're not Tita Jen. She's Matt's girlfriend and Raph is.. well.." pagsingit ni Darra.
"Your friend?" inosenteng tanong ni Raphael. Bigla akong natuwa sa kainosentihan niya ngayon dahil sa mukha ni Darra na tumango nalang kay Raph.
Natawa ako kaya tiningnan niya ako ng masama. Don't care.
Friendzoned. LOL.
"Success ang project natin dahil nagustuhan lahat ng clients ang shoot at dahil diyan, since summer is near, we will also have a photoshoot in his private resort and of course.. A vacation for all of us!!" masayang anunsyo ni Tita Jenny na ikinatuwa naming lahat.
A vacation for my stressful life. Dati sinasabi kong boring rin pero ngayon.. napasaglit ako kay Raph at ganun rin siya.
"Vacation raw Cassie. Ang saya nun!" masaya nga siya.
Before he came, my life had been quite boring but fortunately... not anymore.
Cassandra's POV
Natapos na rin ang araw at oras na rin para umuwi. Syempre sa isang buong araw, parang buntot ni Raph si Darra. She's really into him.
"Raph, sabay na tayong umuwi." and no that wasn't me. Si Darra ulit na nakangiting aso kay Raph.
"Sorry Darra pero sabay kami ngayon ni Cassie eh."
Napatingin si Darra sa direksyon ko kaya nginitian ko rin siya. Ops, yung ngiting ginagawa ni sakin syempre kaya naasar siya.
"Bakit naman kayo sabay??" she asked.
"Kasi, nakatira siya sa bahay ko." ako na ang sumagot. She gasped.
"What?!"
"Let's go Raph." sabay hila ko na kay Raph palabas dahil for sure, marami pang sasabihin 'yung si Darra.
Third Person's POV
Pagkarating ng dalawa sa bahay, nanood lang sila ng T.V. bago kumain ng hapunan at alas siyete na uli ng gabi. Mannequin na ulit si Raphael.
The next day, Saturday.
This time, naunang nagising si Cassandra.
Cassandra's POV
Nagpa-alarm pa talaga ako para mauna akong magising kay Raph although he's not literally 'sleeping' like me, ganun na rin 'yun. 2 minutes before 7 am. Tumayo ako sa harapan niya.
1 more minute and I counted. Unti-unti na siyang naging tao.
"Good morning Raph!" he blinked a few times before smiling. I'd never get tired of that smile.
"Morning Cassie. You just stole my line. Ako dapat niyan eh." he pouted.
I shrugged. "Gusto ko eh. Now, go and take a bath. May lesson tayo ngayon."
"Lesson?"
Tumango ako. "Uh-uh. Lesson 101 by Cassandra Smith." bago pa siya magtanong, tinulak-tulak ko na siya patungo sa banyo pero medyo mahirap. Ang tangkad niya kayang tao.
Tumawa naman siya sa inasta ko. "Okay sige na maliligo na ako Cassie." tsaka na siya tuluyang pumasok sa banyo.
Ako naman, kinuha ko pa yung eyeglasses ko na ginagamit ko kapag nagbabasa minsan tapos yung notebook din. Eto kasi ginawa ko kagabi. Isang plan para ngayon at bukas. After a couple of minutes, lumabas na si Raph ng naka pambahay. Shorts at sleeveless na pang-itaas. Gwapo pa rin as usual.
"So, what do you want to do?"
"Kakain muna tayo ng breakfast bago natin simulan ang lesson. O'rayt?"
Kaya ayun nga. Sabay namin kumain ni Raph sina yaya at ang iba pang maids. Comfortable na nga sila samin di tulad before. Mabuti naman.
"Tara sa terrace." sabi ko kay Raph matapos kumain. Sumunod naman siya sakin at umupo ako tas umupo rin siya opposite sa akin. Inayos ko ang eyeglasses ko tapos tumingin sa notebook at umayos ng upo. With poise para sosyal.
"So Cassandra's Lesson 101. First part: Learn the three basic feelings. Happy, Sad, and Angry." sabi ko. Pagtingin ko kay Raph, tutok na tutok siya sakin. Mabait na bata. Hahaha.
"So how is it done?" he asked.
"I'll explain to you first the meanings and then I'll give you situations as examples. You can say what you want or ask me anything. Okay?"
"Got it!"
"Good. So Happiness. Eto ka. Palagi kang masaya at nakangiti. You smile is really bright that it becomes contagious. Maraming bagay na nakakapagpasaya sa isang tao sa araw-araw na nabubuhay tayo. Yung tipong, carefree ka lang. Walang mabigat na nararamdaman at alam mong masaya ang isang tao pag palagi siyang ngumingiti o kahit sa mga mata niya lang na parang kumikislap. Masaya siya." pag-eexplain ko. Tumango-tango si Raph.
"Masaya kang kasama ako Cassie?" tanong niya.
"Of course." deretsong sagot ko dahil totoo naman. Biglaan niyang inilapit ang mukha niya sakin pero hindi ako umatras.
"Bakit?" bulong ko.
"I'm trying to see if your eyes does sparkle. I think it does. You are happy with me but I am happier with you." he smiled widely. Kinurot ko ang tuktok ng ilong niya.
"Ikaw talaga. So next is, Sadness. This is me when I discovered that.. Matt cheated. Eto yung nararamdaman ng isang tao kapag parang may mabigat na pinapasan at masikip sa dibdib and to some extent, kung sobrang lungkot at sakit na talaga, iiyak na lang. Sadness is accompanied with pain. Parang nasusugatan ka, pero emotionally. Makikita rin 'yan sa mata ng tao at mararamdaman. Most people smile not because they're happy but because they want to mask their sadness and pain."
"Ohh.. you look sad right now. Are you okay?" tanong niya na may pag-aalala sa boses.
"Yes. I'm fine. Nadala lang siguro. So let's move on to the third one?" he nodded for me to continue.
"So the last one. Angry. Eto 'yung feeling na parang gusto mong sumabog dahil sa nararamdaman na galit. Anger is still connected with Pain and Hate. Hindi magagalit ang isang tao kung hindi nasaktan. Mabigat pa rin ito sa kalooban. Some people are angry because they are lied on or that the person she trusted is a traitor so they tend to hate that same person. Something like that. Anger can sometimes drive people to do something or say something bad but regret it later on. Ang example ko dito ay 'yung si Matt. Nagalit siya nung nakita ka niya dito kaya nasuntok ka bigla."
"Wow. Ang galing mong mag-explain Cassie. Ibig sabihin pala, galit rin ako kay Matt." sabi niya at parang masaya pa sa nadiskubre niya pero ako, medyo nagulat.
"Galit ka sa kanya? Bakit?"
"Kasi nasaktan ka niya. Kasi hindi siya nakinig sa paliwanag mo. Kasi hindi man lang siya gumawa ng paraan para makausap ka. Kasi... basta. 'Yun yun."
"Care. That's what you call that kind of feeling."
He smiled. "Yeah. I care for you. Like this big." and then he extended both his hands to the side. I chuckled. Oh Raph.
"Care... why does a person care Cassie?"
I opened my mouth to answer but closed it again. Care. It is associated with love, isn't it? Yeah.
"A person cares because.. the person finds the other person important to him. Because that person, has a spot in your heart and it makes you happy but mad otherwise if that person gets hurt."
"Okay. How to show the person that you care about her?"
"Simple. Pero sasabihin ko ito in general kasama ang ibang feelings. If there is a need to say No, say it. If you think you feel that way, say it or better yet express it. Nasa diskarte na 'yon ng tao kung paano ba."
Tumango siya at parang napaisip bigla at maya-maya, parang may nag-lightbulb sa ulo niya at napatingin siya sakin.
"What does a kiss on the lips mean Cassie? Anong dapat maramdaman??" medyo nagulat ulit ako dun. Siguro naalala niya si Darra.
"A kiss.. is a way of showing how someone likes you or how important you are to the person. Pero hindi ito basta-basta lang ginagawa. Alam mo na ang magboyfriend at girlfriend diba?" tumango siya kaya nagpatuloy ako. "Hindi tama na nagkikiss ang dalawang tao or nangkikiss ang isang tao kung ayaw nila sa isa't-isa or kung ayaw mismo ng isa. They should at least like each other the same way. Friends don't normally kiss each other on the lips. Kung anong dapat maramdaman? Happy if you like the person who kissed you so you kiss back, Mad maybe if you hate her or simply because, you don't like her."
Medyo magulo lalo na pag-iieexplain ko na 'yung love kasi mas mahirap 'yun. Not now maybe kaya nga 'like' lang rin 'yung ginamit ko at hindi 'love'.
"How do you know when the person likes the kiss?"
"The person kisses back."
"What if I kiss you right now?"
Cassandra's POV
"H..h..ha..???" nanlalaking mga mata na tanong ko. I swear I'm not breathing right now and my cheeks are somehow burning. Ang seryoso ng mukha niya!
After a while of silence, still holding my breath.. he grinned wide.
"Kidding!" Isang salitang sabi niya bago dumistansya ng konti sakin at tumawa. Dun ako parang nakabuga ng isang baldeng hangin. Exage I know pero 'yun talaga ang naramdaman ko pero may iba ba. Disappointed?? Oh no of course not. Bakit naman??
"Adik ka Raph! Hindi magandang biro 'yun!!" singhal ko sa kanya pero nakatawa pa rin siya at dahil nakakahawa kasi ang ganda pakinggan sa tenga, natawa lang rin ako ng mahina.
"Yes it is! I I swear I had that expression on your face imprinted in my mind. Clearly. Hahaha!"
"Hmph! Diyan ka na nga!"
"Ui Cassie! Galit ka na niyan?" nasa gilid ko na siya ngayon habang papasok kami sa loob ng bahay.
"Hindi." Sagot ko kasi hindi naman talaga pero kasi, pero ano nga ba? Kasi nga sinong hindi maano dun sa ginawa niya? Maano? Aish! Ang gulo ko!
"Cassie? Okay ka na? What's on the next list?"
Hindi ko na nga iisipin 'yun. Magpapatuloy na lang muna kami sa Lesson 101 namin.
Third Person's POV
Sa araw na iyon, natutunan ni Raphael kung paano gumamit ng iba't ibang gadgets at binigyan na rin ito ni Cassandra ng isang cellphone para naman may magamit si Raph kung sakali. Sunod ay nanood sila ng iilang movies kung saan mas maiintindihan ni Rap hang mundo ng mga tao. Ang pakikihalubilo, pagta-trabaho, pagiging malungkot, at kahit ang pagiging sawi sa pag-ibig.
"Kawawa naman siya Cassie. Bakit pa kasi namatay 'yung lalaki nuh?" seryosong komento ni Raph na nakatukoy sa lalaki. Ngayon ay kasalukuyan ng pinapakita kung paano nasira ang buhay ng babae dahil sa pagkamatay ng kabiyak nito dulot ng cancer.
"Sa tingin ko mas kawawa 'yung babae. At least 'yung lalaki, wala na siyang sakit na mararamdaman at kontento na siya sa nagging buhay niya tapos nasa heaven na rin siya. Eh yung babae? Naiwan sa lupa. Devastated. Basag ang puso kasi ganun niya kamahal ang lalaki."
Tumango-tango si Raphael at biglang binigyan ng malungkot na tingin si Cassandra. Bigla kasing may sumagip sa isip niya.
"Bakit Raph? Is there something wrong??" nagtatakang tanong ni Cassandra.
Umiling ito at ngumiti. "Nothing."
Nagdalawang isip si Cassandra kung magtatanong pa siya pero hindi na niya lang ginawa at nagpatuloy na sila sa panunuod.
***
The next day...
Pagkatapos talagang kumain, dumiretso sila sa garahe kasama ang isang Driving Instructor dahil patuturuan ni Cassandra si Raphael kung paano magmaneho ng kotse. Kalahating araw talaga ang lumipas bago sila pumunta sa mataong lugar para makapag-drive si Raphael.
"Salamat Mario. Pwede ko nang ipagmaneho si Cassie ngayon." Masayang sambit ni Raphael na ikinangiti rin ng dalawa.
"Walang anuman hijo."
Umuwi na sila pagkatapos at kumain ng tanghalian.
Cassandra's POV
Masaya kaming kumakain habang nakikipagkuwentuhan sa iba kong maids ng may nag-doorbell. Tumayo ang isang maid para lumabas at tignan kung sinong andun. Maya-maya, bumalik siya.
"Sir Raphael, si Darra raw po hinahanap kayo. Papapasukin ko ho ba Ma'am Cassandra?"
Si Darra? Anong ginagawa niya rito--- oh right. Of course. Isa lang ang dahilan eh.
"Papasukin mo na Cassie." Nakangiting tugon ni Raph. Ano pa nga ba?
"Sige Manang paupuin mo dun sa living room."
Sabay na kaming tumayo ni Raph para pumuntang living room. Pagkakita ni Darra samin, kay Raph rather, tumayo ito at tumakbo para yumakap kay Raph. I rolled my eyes. Ewan ko ba pero hindi talaga ako boto kay Darra at ramdam kong ayaw niya sakin kaya syempre ayoko rin sa kanya. Mutual understanding kumbaga.
"Let's go out." Ngiting-ngiti si Darra niyan habang nakatingin kay Raph. Heller, andito pa ako at nasa pamamahay ko siya. No recognition at all? Psh. Walang modo.
Napatingin sakin si Raph, ngumiti, bago tumingin ulit kay Darra.
"No sorry. I can't."
'If there is a need to say No, say it.' Naalala ko bigla ang naturo ko kay Raph. I smiled triumphantly because he's applying it. To Darra most especially.
"But Why???" disappointed na tanong ni Darra.
He shrugged. "I just don't feel like it." Dagdag niya. Nagpapasalamat talaga ako sa Lesson:101 na itinuro ko sa kanya.
Darra's POV
Ugh! Why is he denying me right now?? Sa konting panahon na nagkakilala kami, ang alam ko hindi siya marunong tumanggi! Napalingon ako kay Cassandra na nakangiti na para bang may napanalunan siya o ano. Maybe she's the reason. Lumayo ako kay Raph at lumapit kay Cassandra.
"Can I talk to you privately?"
"Why?"
"For some important matters."
"Fine. Tara sa may pool. Usap lang kami Raph." Sabi niya.
"Sure sure. Sa kusina muna ako. Tulungan ko sila." Ngumiti siya samin bago umalis. Naunang naglakad si Cassandra kaya sumunod ako. Umupo siya and so I sat on the opposite chair.
"So ano na?"
"Why is Raph living with you here?"
"'Cause he has to. Magkaibigan kami at kailangan niya ng matitirhan kaya siya andito." I scoffed at her term 'magkaibigan'.
"Don't you have a boyfriend Cassandra?" deretsong tanong ko na ikinasimangot niya.
"I do."
"And I don't which means I'm free to like anyone else without worrying about the person I was committed to."
"What exactly is your point?"
"Don't play dumb. I'm a girl too like you. Nararamdaman ko ang masayang aura mo tuwing kasama mo si Raph, ang biglaang pagkainis mo tuwing lumalapit ako sa kanya, ang pagsusungit mo sakin, at ang tingin mo sa kanya. Don't you feel a slightest tinge of guilt towards Matt Cassandra? I've heard he cheated pero hindi ba magkalapit ang pagkakagusto mo sa ibang lalaki habang may boyfriend ka?" sabi ko dahil parang sasabog ako pag hindi ko 'to pinalabas. I really like Raph for pete's sake!
Wala siyang sinabi at nakatingin lang sakin and so I decided to continue.
"And besides, if you're really just his 'friend' you should be supporting him since he can have a chance to be happy with me but I think that would be impossible since you seem to hate me for whatever reason you got. I don't even remember anything I did wrong to you." I breathed out before closing my eyes shut and crossing my arms over my chest. Naiinis ako pero hinding-hindi ako dapat mawalan ng composure.
"Do you really think so?" finally she spoke kaya napadilat ulit ako.
"Yes."
"Then.. I'm sorry."
Cassandra's POV
Nagulat niya sa sinabi ko pero 'yun talaga ang gusto kong sabihin sa mga narinig ko sa kanya. She made me realize... my selfishness. Lalong lalo na pagdating kay Raph.
"Sorry? Are you serious? Hindi mo man lang ako sisigawan or whatsoever??"
Natawa ako bigla sa pagkaseryoso niya. "So you want us to fight rather than me apologizing to you huh?"
"No.. I mean.. ewan ko sa'yo. Ang weird mo kasi."
"Wow. Is that a compliment?"
"No."
"Straight-forward."
"Yes, I am."
Bigla kaming nagkatinginan. Bago natawa sa isa't-isa. A while ago parang ang bigat ng aura namin at may malaking gap sa gitna pero ngayon, eto. A very light atmosphere. Not bad.
"Friends?" alok ko. Bahala na.
She raised an eyebrow before grinning. "Friends." Sabay yakap niya sakin.
"Ang clingy mo talaga kahit sa babae."
"Oh shut up I know that too." Sabay ulit kaming natawa. Makalipas ang ilang segundo, umupo ulit kami. Paulit-ulit ko pa ring naiisip ang mga sinabi niya.
"Bothered? Care to share?"
"Sa tingin mo ba talaga... uh.. well nevermind."
"Na gusto mo rin si Raphael? Yes. Absolutely."
My eyes widened and she smirked. "Oh I'm a psychic as well."
Napailing ako at napasapo sa noo ko. Parang biglaan ring sumakit ang ulo ko.
"Don't be confused. Don't overthink. Wag mong pahirapan ang utak mo. Kung sa tingin mo tama ang sinabi kong gusto mo siya, tanggapin mo. I also think you fell out of love with Matt kaya ganyan. That's normal. Napapagod at napapagod rin ang puso." Sa pagsasalita niya, parang ang simple lang.
"Why do you make it sound so easy?"
Ngumisi siya. "The rumours you've heard about me is correct although not all. I've had my fair share of men. Hindi na ako magkukwento tungkol sakin because that's another story. So ano, gusto mo ba talaga si Raphael? Karibal ba kita Cassandra?"
Nakatingin kami sa isa't-isa ng seryoso. "If I say yes, friendship over ba agad tayo kahit kakasimula pa lang?"
At katulad kanina lang, seryoso tas biglang ngingiti. Ang adik lang talaga.
"Nah. If I can see that I really don't stand a chance and that he likes you too, edi fine. As I said, marami na akong na-encounter na lalaki at may tiba-tiba pang darating though Raph is like a Gold Fish."
"Gold Fish?"
"C'mon not literally. I mean kumbaga, 'yung ibang nakikita ko bronze, silver, o kahit ordinary lang talaga tas siya Gold which means, he's a great catch."
"He is."
"So what then?"
"I think you're right. I do like him."