Cassandra's POV
Umalis na si Darra after niyang mag-dinner din. Yes she stayed and the three of us hang out. Who would've thought?
"Good night na Cassie."
"Night Raph."
After that, he became a mannequin. I sighed and stood in front of him.
"Gusto nga talaga kita but I know the feelings will never be mutual."
Napahiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Ayan na nga ba Cassandra. Diyan pa naman nagsisimula sa like like na 'yan ang love. s**t. Paano na lang kung mahulog ako ng tuluyan? Sa isang... mannequin? Where will that lead me??
*ring ring...*
Napalayo ako sa iniisip ko dahil sa pagriring ng phone. Kinuha ko ito sa bed-side table at tinignan ang caller. Si Matt. So nagparamdam na talaga siya. Ngayon pa. Oh darn.
"Hello..?"
(Baby I'm outside. Mag-usap tayo please.)
"Okay." Tumayo ako at kumuha ng jacket bago bumaba. Pagkalabas ko ng gate, andun nga si Matt at nakasandal sa kotse niya.
"Hey." He smiled genuinely. I half-smiled dahil alam kong mawawala rin ang ngiti niyang 'yan maya-maya.
"Punta tayo somewhere?"
"Wag na Matt. Dito na lang."
He sighed. "Look babe. Sorry kung ngayon lang ako nagparamdam. Umuwi muna kasi ako kina Mommy dun sa hacienda para makapagpalamig. Ayoko kasing mag-away tayo lalo and I'm sorry again for what I did a few days ago. Masyado lang akong nadala sa galit at lalong lalo na sa selos. Alam mo namang mahal kita di ba?"
Parang sinuntok ng konti ang puso ko dahil sa sinabi niya. Kahit nakapagdesisyon na ako, alam kong naging masaya rin ako sa piling ni Matt pero ayoko lang talagang magtaksil sa kahit na anong paraan.
"I'm sorry too Matt..." tinignan ko siya straight sa mata.
"Wala kang kasalanan baby." Nakangiting tugon niya. Siguro ngayon wala pa.
"Meron na kasi... gusto ko si Raphael.." the last part came out as a whisper. Bahala na talaga.
"..What.. pero.. wait you can't be...?"
"I am. I think we need to break up Matt." Napapikit ako bago dumilat ulit at suriin ang reaksyon niya.
"No Cass. Gusto mo pa lang naman diba?? Kahit ngayon din papatawarin kita. We can work it out. Tutulungan kitang mawala ang nararamdaman mo sa kanya but just please. Don't break up with me baby.." sabay lapit niya at yakap sakin ng mahigpit. Ang lakas lakas ng pintig ng puso niya.
"Matt.. ayoko na. I want to let go.." kahit alam kong masasaktan ako dahil sa nararamdaman ko kay Raph, kahit na imposibleng magkaroon ng chance na magustuhan niya rin ako, kahit posibleng walang matira sakin sa huli.. bahala na. I'll take the risk.
"But Cass.. I don't want to.." bumitaw ako sa pagkakayakap.
"Matt, you were my friend before you became my boyfriend and you know you made me happy for the past months we'd been together pero ngayon, wala na talaga. Pero kahit ganun, you will always be a part of my life and I want a good closure between us. Alam ko ding nakaramdam ka ng punto na ayaw mo na din kasi may nakita kang kulang sa akin kaya.. I want us to be apart and I hope you find someone that will truly make you happy without any doubts."
"Is.. is that what you really want Cass?"
Tumango ako at ngumiti. He sighed and smiled pero alam kong hindi iyon umabot sa mata niya.
"Okay. I'll set you free. Thank you for everything Cass and I hope we can still be friends again. Pero hindi muna ngayon. Okay lang ba 'yun?"
"Of course Matt. Thank you din sa lahat lahat. I'll look forward for us to be friends again soon."
"Goodbye Cass."
"Goodbye Matt."
And just like that, he went inside the car and drove off. Napangiti ulit ako dahil kahit papaano, magaan sa dibdib ang kinalabasan ng paghihiwalay namin. We had a good closure and I need to sleep now to prepare myself for the second step tomorrow. Wala akong sasayanging oras.
***
"Cassie! Wakey wakeeyy! Good morning!!" boses pa lang alam na alam ko na. Dumilat ako at mukha ni Raph ang bumati sakin. Sa sobrang lapit niya, bumilis ang t***k ng puso ko at nakaramdam ako ng pag-init ng mukha ko.
"You're turning red Cassie. Are you sick?" sabay dampi niya sa likod ng palad niya sa noo ko.
"N-No I'm not Raph. Wag mo ng pansinin." tapos umupo ako. Nagpaalam muna ako sa kanyang pupunta akong banyo para gawin ang iilang daily routines ko. Habang nag sho-shower, napaisip ako sa susunod kong step. Hindi ba pwedeng ipagpabukas? Siguro hindi. Wala ngang dapat sayanging oras eh tapos may kumpitensya pa ako which is Darra by the way. All is fair when it comes to love ika nga. Walang kaibiganan. War kung war. Kaya ko 'to talaga. Matapos magbihis, lumabas ako at andun si Raph nakaupo habang nakasandal sa headboard ko. Tumabi naman ako sa kanya.
"Siya nga pala Raph. Nag-usap kami ni Matt kagabi."
"What? Did he hurt you?? Anong sabi??''sunod-sunod na tanong niya ng may halong pag-aalala sa boses. He's always sweet isn't he?
I smiled. "No, he didn't. We talked and... we broke-up." deretsong sambit ko.
Nanlaki agad ang mga mata niya. "Nasaktan ka nga niya ulit. Sorry I wasn't there." malungkot na saad niya.
"Hindi ako nasaktan Raph. We actually had a good closure tsaka hindi mo din naman kasalanan kung wala ka dun okay?"
"But why did you two broke-up?"
Eto na nga ba. Ngayon na ba talaga? Sasabihin ko na? As in now na? Pero bakit parang umaatras na ang dila ko at hindi na ako makapagsalita? Oh my gosh baka hindi niya na ako pansinin pagkatapos?? Baka----
"Cassie? Cassie?? You're spacing out."
"Ay sorry. Oo nga pala. Kasi ano...ano nga.. naghiwalay kami kasi ano...uhh...."
Argh! Kinakabahan talaga ako pero ayaw talaga. Saan na yung guts ko kagabi? Na flush sa bowl? Ghaaaa. Pero teka. Kung hindi ko kayang sabihin, ipakita ko nalang? Tama tama. Naniniwala ako sa sinabi ng isang kaibigan ko nun na si Claire na 'Kung may gusto ka, halikan mo. Kung papalag edi gusto ka din pero kung hindi edi nakaisa ka.' Sundin ko nga payo niya nuh?
"Kasi ano Cassie?"
Napatitig ako sa gwapo pero inosente niyang mukha. Bahala na. Umayos ako ng umupo para makaharap ko talaga siya. Inilapit ko pa ng konti ang mukha ko pero nanatiling nakatingin sakin si Raph. Clueless. This is it.
"Cassie?"
I stared at his lips. Tapos sa mata niya ulit bago ngumiti. Mabilis kong idinampi ang mga palad ko sa magkabilang pisngi niya. And then.. I kissed him on the lips. It's now or never.
Third Person's POV
Nagulat si Raphael sa biglaang paghalik ni Cassandra sa kanya. Ilang segundo ng nakadampi ang labi ni Cassandra sa kay Raphael pero hindi kumibo si Raph, at mas lalong hindi ito humalik pabalik. Sa bawat segundong lumilipas, nawawalan ng pag-asa si Cassandra. She slowly backs away from the kiss and looked at him.
"That's the reason why we broke up. I like you Raph and I... guess you don't. Sorry dahil hinalikan kita bigla. Pasensya na talaga." sabay ngiti nito ng malungkot at umalis sa kama. "L..labas muna ako." tapos hindi na niya inintay ang sagot ni Raphael at lumabas ito ng kwarto.
Cassandra's POV
I feel like crying. Siguro natural na sa babae ang mag-assume kahit alam natin ang totoong sagot sa utak natin pero nag-aassume pa rin talaga. And it hurts. Mabilis akong naglakad pababa ng hagdan at nakatuon ang tingin ko sa pintuan para lalabas sana ng may dalawang boses akong narinig sa sala.
"Caaaasssss!!" si Marian ang unang lumapit sakin tsaka ako niyakap at sumunod si Cathy.
"Long time no see besie! Naging busy talaga. Let's hang-out??" sabi ni Cathy. Sasagot pa sana ako pero may nagsalita ulit mula sa likuran ko.
"Cassie."
Hindi ako lumingon.
"Sure. Let's hang-out. Alis muna kami Raph. Mamaya nalang." tsaka ko hinila ang dalawa palabas ng pinto at nauna akong pumasok sa kotse ni Marian matapos niyang ma-unlock. Sumakay naman siya sa driver's seat at si Cathy naman sa likuran.
"Paandarin mo na please Marian."
"Sure sure."
At ayun nga. Tahimik kaming tatlo sa kotse. Alam kong nararamdaman nilang may problema ako o kaya nagtataka sila kung sino si Raph pero walang niisa na nagtanong. I thank them for understanding pero sasabihin ko rin naman sa kanila. I just have to calm down a bit or else, I'd just end up crying then.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng building ng condominium ni Cathy. Bumaba naman kami at dumiretso sa condo ni Cathy. Pagkapasok namin, deretso kaming tatlo sa kwarto at nauna akong tumihaya sa kama ni Cathy.
"Spill now or later?" sabi ni Marian na ngayon ay nasa kaliwa ko na habang si Cathy nasa kabila.
"Now." sagot ko at ikinwento sila sa araw na dumating si Raph sa buhay ko minus sa mannequin part of course which means I mixed some lies like yung part na galing nga siyang England at baguhan siya dito sa Pinas. Naging magkaibigan kami and so on. Until sa paghalik at pag-amin ko kanina.
"Kyaaaaaaaahhhhh!!!!!" tumili ang dalawa at kilig na kilig na may halong hampasan ng unan pati ako hinampas. Heller? Nag-eemote emotan yung tao dito??
"You two are not helping at all. Ayaw nga sakin nung tao eh kinikilig pa kayo? Shouldn't I be comforted for the mean time??"
"Ay sorry naman. Hehehe. Sige eto. Ehem.. bestfriend Cass, hindi ka nga gusto nun. Maglaslas ka na." sabi ni Marian kaya tinignan ko siya ng masama at hinampas ng unan sa ulo.
"Arouch!"
Adik ka Mar. Hahaha! Pero Cass naman. Wala pa ngang sinabi sa'yo 'yung tao. Malay mo ba gusto ka din tapos mag-eemote ka agad? Hindi nga rin naunang humiwalay sa halik diba?? Kaya kilig now, emote later. Nakaisa ka girl! Dalaga ka naaaa!!" dagdag ni Cathy bago sila nagtilian ulit ni Marian.
Nasalampak ko nalang ang ulo ko sa unan. Umasa ulit akong baka may halong katotohanan ang sinabi ni Cathy.
***
Buong araw kong kasama ang dalawa kong baliw na kaibigan para maiwasan talaga si Raph. It's already past 9 kaya for sure mannequin na ulit siya. Deretso ako sa kwarto ko matapos akong ihatid nung dalawa. Ayun nga si Raph sa isang tabi. Lumapit ako sa kanya.
"Pasensya ka na iniwasan kita ng isang buong araw. I just had to. I'm sorry." tsaka ko niyakapap ang plastic niyang katawan. "Goodnight Raph."
***
Raphael's POV
Ng naging tao ulit ako, tumingin ako agad sa kama niya. Andun na nga siya at natutulog pa ng mahimbing. I slowly sat on her bed side and stared at her sleeping face. I remembered the incident yesterday and how she managed to ignore me the whole day. I felt bad when I saw the hurt on her face too.
"R..Raph.. gising ka na pala..." she spoke before sitting up farther from me. "Uh... sa kusina muna ako may sasabihin ako kay yaya." tumayo siya mula sa kabilang banda ng kama at umikot para pumunta sa may pintuan. Lalagpasan na niya sana ako ulit but then I stood up too and held her hand to stop her.
"Wait Cass. Please don't ignore me anymore. Let's talk."
'Cause we really have to. Inalis niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko bago humarap sakin. Guilt and sadness evident in her lovely eyes.
"I'm really sorry Raph. I know I shouldn't like you pero hindi ko talaga napigilan at ayoko ring pigilan no matter what the outcome might be at eto na nga. I ruined our friendship. I'm sorry for kissing you too or for ignoring you yesterday I swear I really didn't want to but I got scared and----"
I kissed her.
Cassandra's POV
Oh my... gosh. He freakin' kissed me. Ako na naman ang naistatwa lang sa kinatatayuan ko. Ang bilis bilis na ng t***k ng puso ko and I swear my blood rushed up to my head.
I stared at him still shocked from what he did a minute ago.
"Why did you...."
He smiled with his usual smile that can make any girl drool. "Why did I kissed you? Lesson 101, Cassie. Remember?"
Yes of course. A person will not kiss anyone unless.. he likes you. s**t no way. Nag-aassume ulit ako.
"No I don't remember." pagkukunyari ko.
"Should I kiss you again then? A little longer maybe?"
Sounds good este----- hindi na ui! Weh??
Pinitik ko ang noo niya. "Ow! What was that for??"
"Ba't ka gumaganyan ha? Sino ka at anong ginawa mo kay Raphael na nakilala ko??"
Tumawa siya ng konti bago ako nginitian ulit. "I guess I like you too."
Six words and I'm out. He likes me raw... totoo ba talaga 'to?
"You look confused. I got confused too but I'm very certain that I like you too and you gotta believe that. I may not have a beating heart like you but I know. I do like you. I think I've liked you first Cassie. Do you believe me or should I prove to you first?"
Speechless. Gusto niya raw talaga ako. Gusto niya rin ako. I can't believe this is happening to me right now. Ang saya saya sa pakiramdam. I grinned widely.
"I believe you."
He smiled before he hugged me. "I'll prove to you anyway."
***
Cassandra's POV
Ang ganda ng gising ko kaninang umaga lalo na't mukha ulit ni Raph ang sumalubong sakin tapos nakapag breakfast in bed pa ako thanks to him. Now he's driving the car papunta kina Tita Jenny and I'm just sitting here. Smiling like an idiot from time to time. La eh. Masaya ako ano ba. Ikaw kaya magustuhan din ng taong gusto mo? Yung tipong mutual ang feelings niyo sa isa't-isa? Ay heaven.
"Cassie? We're here. Wait. stay there." tapos agad siyang lumabas para umikot at pinagbuksan ako ng pintuan. Ngiting-ngiti ulit si ako. Kung napunit pa ang panga ko, kaninang paggising pa siguro.
"Thanks Raph."
"You're always welcome. Let's go?" he smiled and I nodded. Tapos... bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kamay namin at sa kanya na nakatingin lang ng deretso habang nakangiti.
"Saw this in the movie. Is it okay though?"
"Okay na okay! Ay--hehe. I mean, yes. Of course."
Natawa siya sa inakto ko at biglang itinaas ang magkahawak naming mga kamay.
"It feels good. Your hand fits mine perfectly. Just like how you fit just as perfect in my life." komento pa niya o banat ata? Pero hoooooohhh! Heck. Sinong hindi kikiligin dun?! Syempre hindi ako! Kyaaahhhh. Nabalik ata ako sa teenage years ko.
Nabalik lang ako sa diwa ko ng binuksan ni Raph ang pintuan sa shooting room ni Tita Jenny.
"Owww. Holding hands while walking na. Ang daya. Hindi mo man lang ako pinabwelo. Wala na akong chance Cassandra? Kayo na?" naka-pout na sabi ni Darra habang nakatingin samin ni Raph kaya sabay kaming napabitaw. Pero medyo ako lang pala. Nahiya kasi ako.
Darra smirked and wiggled her eyebrows. "Now you're blushing like a tomato. So Raph. Kayo na ba?" she turned to ask him. Pagtingin ko kay Raph, napakamot siya sa batok niya.
"No." parang bigla akong na-disappoint na ewan pero totoo nama--- "Not yet. We'll get there soon."
Oh.
Deym. Soon raw!!!
"Aweee. 'Yun naman pala Cassandra. Wag ng malungkot. Ops. Wag ka ng mag-deny. Nakita ko 'yun." sabay bhelat niya at umalis.
"Really soon Cassie. Wag mokong i-basted ah?" biglaang bulong sakin ng katabi ko bago naunang maglakad na parang wala lang. Sheesh! Mga pinagsasabi ng lalaking 'yon! Palaging pinapatalbog si heart!
***
Natapos ang shoot sa pagdiscuss ni Tita Jenny tungkol sa vacation naming this weekend which is 2 days ahead. Malapit na pero dapat ko rin palang kausapin si Raph nun kasi baka sa ibang kwarto siya matutulog kasama ang ibang lalaki at hindi maari yun kasi nga nagiging mannequin siya pag gabi which means dapat kami lang isa iisang kwarto 'matutulog'. Ng naka-locked. Pero iba naiisip ko. Naman Cassandra!
"Cassie? Tara na?"
"Ay, oh sige. Tara."
"You spaced out. Ano iniisip mo?"
"Yung vacation. Dapat magkasama tayo sa iisang kwarto."
Biglang tumaas ang gilid ng labi niya hanggang sa binigyan niya ako ng mapanglokong ngiti. "Wow Cassie. Hindi pa tayo niyan ah. Ang advance mo ng mag-isip."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Saan ba nakukuha ng 'sang 'to ang mga paganyan-ganyan niya?! Nasobrahan ata ng panunuod ng movies! Or maybe the internet!
"S..Shut up! Hindi 'yan ang ibig kong sabihin!"
"Hahaha I know I know. Gusto lang kitang asarin because you're so cute when you blush."
Umiling-iling ako pero nakangiti din. Sumakay na kami sa kotse pero nagtaka ako ng lumiko kami sa ibang daan at hindi papunta sa bahay.
"Teka, saan tayo?"
"Magde-date?" ay patanong? Hindi sigurado? Lol. xD
Masaya kaming nagkukuwentuhan ng biglang napa-break si Raph sa kotse at napatigil kami sa gilid ng kalsada. Gulat akong napatingin sa kanya pero mas lalo akong nagulat dahil napatulala siya sa harapan. Pagtingin ko, may isang matangkad na lalaki mga 6 feet ata or higit pa. Nakaitim ito na jacket at yung buhok niyang itim, nakatatabunan yung mga mata niya dahil sa haba.
"Raph? What's wrong?? Kilala mo ba iyan?" I asked pero wala akong nakuhang sagot kasi nakatulala pa din si Raph. Napatingin ulit ako sa lalaki at biglaan itong ngumisi tapos... pinitik niya ang kamay niya sa harapan namin. May bumagsak sa gilid ko.
"Raph!"
He fainted and when I looked at the guy he was staring a while ago, malayo na ang nalakad nito habang nakapamulsa. How the..?
***
Isang oras nalang at mag aalas-siyete na ng gabi pero hindi pa din gising si Raph. Pabalik-balik ako ng lakad dahil kinakabahan ako. Ewan ko basta parang bad sign 'yung lalaki kanina. Nakakakaba ang aura niya pero mas nakakatakot 'yung ginawa niya. Isang pitik ng kamay at biglaang nahimatay si Raph. I know that was far from coincidence. May kakayahan siyang gawin 'yun kay Raph.
Naiiyak na akong napaupo sa gilid ng kama. Ilang minuto na akong nakatitig sa kanya habang nanlalamig pa din ang mga kamay ko. Baka kasi.... no. Hindi pa pwede.
'Pwede Cass. He was never permanent in your life.' a voice from the back of my head spoke. Napapikit ako dahil totoo tapos napayakap ako sa bewang niya. Sobrang higpit na parang sa kanya na nakadepende ang buhay ko.