Chapter 25

2785 Words
Raphael's POV I could hear her but I couldn't move. Why is this happening to me again?  I tried once more but it didn't work.    "Raph, you've got to wake up now. Please.. you're scaring me..." she whispered to me tightening her hug even more.  Tapos parang deja vu, umiyak siya sa dibdib ko.  My eyes flew open and I gasped for air.  "Raph! Oh my gosh!"  "Cassie."  Umupo ako at niyakap siya ng mahigpit. She sobbed and I tried to calm her.  "Shh.. it's okay Cassie. I'm fine. Wag ka ng umiyak. Nasasaktan ako." sabay halik ko sa tuktok ng ulo niya.    "I thought I'd lose you.."  Ngumiti ako hindi dahil masaya ako dahil inakala niyang mawawala na ako sa kanya. I smiled because she cared that much for me.  Someone finally did and it feels so overwhelming. She made me feel that I'm not worthless and that I am loved. I pulled out of the hug and held her chin.  "I got scared too because I could hear you and I could feel everything but I couldn't wake up. You saved me again Cassie. No matter what happens, you'd always be my angel." Her lips curved up into a small smile. "No matter what happens, you wouldn't leave me okay?"  I gave her a genuine smile before I slowly leaned closer and she closed her eyes. Finally, our lips collided once again.    I'm sorry Cassie but I can't promise you that because he's capable of anything and he's in control.      Mr. Z. That guy a while ago.    Cassandra's POV Nandito na kaming lahat sa iisang private plane na pag-aari talaga ng agency ni Tita Jen at papunta na sa sinasabing resort na pag-aari raw ni Mr. Zack West. Narinig ko na minsan ang pangalan niya pero alam kong sikat siya since he's a young bachelor. Other than that, wala na akong alam. "Oh em gee I'm so excited!! Ang gwapo gwapo nun!" sabi ni Marian at nakipag-apir kay Cathy. Oo nga pala, kasama namin sila kasi sabi ni Ate Jen isama ko na raw. Kilala niya naman ang dalawa kong bestfriends at para na din the more the merrier. 20 kaming lahat dito counting Tita Jen, Raph, Darra, Marian, Cathy, and the rest are the other models. "Ugh. Ang ingay ninyo. I'm trying to get some sleep here." reklamo ni Darra kasi nasa harapan siya ng dalawa. Hinayaan ko nalang sila at pumikit. Nauna na kasing natulog ang katabi ko dahil excited masyado. Para daw pagdating namin sa resort, full na energy niya para maglibot kami. Nako Raph. Wala ka talagang sinasayang na oras. Darra's POV "Ang KJ mo naman Darra. Balita ko din single pa siya. Tignan mo oh!!" at bago pa ako makasagot, nasa tapat na ng mukha ko yung magazine na hawak ni Cathy. Isang lalaki na naka black suit, matangkad, itim ang buhok na sinadyang i-messy at yung mga mata niyang grayish? Tas yung ngiti niyang misteryoso pero swabe. Woah. Ang gwapo nga. So this is Zack West. "Ui kat-kat, natameme si Darra. Na mesmerize na din ni Papa Zack. Hahaha! " komento ni Marian. "Ewan ko sa inyo. Mga isip bata. Don't disturb me. I'll be sleeping." sabi ko at tsaka pumikit na. Got to get some rest since I'll be meeting him soon. New prospect? Depends. Wink wink. *** Cassandra's POV Ang van namin ang nauna habang yung iba nakasunod din. Huminto kami sa isang malaking gate na may sign sa itaas na West Hotel and Resort. Yung gate may kakaibang pattern na parang pamilyar ata pero hindi naman siguro kasi ngayon pa ako nakapunta dito. Bumukas na nga ng tuluyan at nag-drive pa si manong ng ilang minuto bago huminto. "Woah. Ang gandaaaaaaaa!!! " si Marian iyan habang nakataas pa ang dalawang kamay. Tama nga siya. Nasa tapat na kami ng hotel at tanaw dito yung beach nila at white sand pa. Kanina, medyo na weirduhan pa ako dahil sa gate at yung security. Ewan ko ba. Tas ngayon, wow. Just wow. "Hey Cassie. Come on. I'll help you carry your things to our room tapos libot tayo. Okay??" medyo natawa ako kay Raph kasi halatang halata na excited talaga siya. Sa bagay. First time niya ring makapunta sa ganito. "Sure Raph. " Nakarating na nga kami sa Room 331 kung saan raw ang kwaro namin. Una, inasar pa talaga kami kasi nasa iisang kwarto nga. Mga isip nila talaga pero di bale na nga. Di naman totoo. Napasalampak agad ako sa kama matapos kong itabi yung mga gamit namin. Naramdaman ko ding ibinagsak ni Raph ang sarili niya sa gilid ko. Tumagilid ako para tignan siyang nakapikit pero may ngiti sa labi. "Tired? " tanong ko. "A little but I'm ready to go anytime if you want. " Sagot niya pero halata namang pagod siya. "Let's sleep for a while." He smiled and nodded before closing his eyes. Ako din ay umidlip na. *** Nagising ako ng naramdaman kong ako nalang mag-isa sa higaan. Madilim na ang kwarto. Pagtingin ko sa orasan, 9:01pm. Bigla akong kinabahan at agad na pinaandar ang ilaw. I scanned the room pero wala si Raph. May nakita akong maliit na papel sa higaan kaya kihuha koi yon. 'Say goodbye to your Mannequin Boyfriend.' –Mr.Z Shit. Mr. Z. Agad akong tumakbo palabas ng kwarto namin para mahanap ko siya dahil paniguradong nasa kanya si Raph. No he can't just simply take him away from me. Habang tumatakbo ako at palinga-linga, napatigil ako sa nakita ko katulad nung sa may gate. That pattern. Parehong-pareho sa box ni Raphael. Ibig sabihin.. Mr. Z is.. "Zack West.." mahinang sambit ko sa sarili ko. "The one and only, Mr. Z. Hello there Cassandra." Napalingon agad ako sa likuran ko and there he stood. Siya nga ito. Kung may mahika man siya, wala akong pakialam. Mabilis akong naglakad palapit sa kanya. "Where's Raphael?" "Huh? Sino iyan?" he smirked. "Don't play dumb with me. Ibalik mo siya sa akin." Tinawanan niya ako. Naiinis na ako sa kanya. "You named my pet. You fell for a stupid trap. And he was never yours, my dear Cassandra." "And there he is. Behind you." Turo nito sa likuran ko. Third Person's POV Gulat si Cassandra na nakikitang naglalakad si Raphael patungo sa kanya. Matutuwa na sana siya pero parang may mali. Blanko kasi ang expresyon ng mukha nito habang naglalakad papalapit sa kanya. Na para bang gusto niyang tumakbo paalis pero huli na ng hawakan nito ang kanyang braso. Ng mahigpit. "Aray ko Raph.. what are you doing??" and then suddenly she felt another hand gripped her free arm. Mas lalo siyang nagulat. Kamukha pa rin ito ni Raphael. Biglaang nahilo si Cassandra ng may naamoy siyang parang kemikal at nawalan na ng malay. *** Cassandra's POV Nagising ako bigla sa narinig kong ingay sa paligid. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko pero madilim. Sinubukan kong mag-adjust hanggang sa may nakita akong rebulto ng tao sa tapat ko. My eyes widened when I figured who it was at nakakasiguro na ako ngayon. Wala itong malay at madaming hiwa sa mukha at mga braso na tila ba sinadya. "Cassie.." "Raph! Anong ginawa nila sa'yo?!" nagpapanic na sigaw ko pero hindi ako makagalaw kasi nakagapos pala ang mga kamay ko at ganun din siya sa kabilang banda. The lights suddenly turned on at ayun nakita ko ulit ang walangyang si Zack West. "Gising ka na pala at para sa sagot mo, wala kang paki Cassandra kung anong gusto kong gawin sa kanya dahil katulad ng mga nakita mo kanina, katulad lang siya nung iba. A dummy. A stupid mannequin toy. Like them." Turo niya sa iilang lalaki na nakalinya sa gilid na kamukha si Raph at mga blanko ang mukha. Nakakainis. Ang bilis ng pangyayari. Wala akong maintindihan. "Who are you really? Bakit mo 'to ginagawa?" tanong ko. "I am, the great and well known Mr. Z. A scientist. And you my dear, is just a part of my game. Natiyempuhan kitang i-testing ang imbensyon ko kung gagana sa iyo. Pinaglalaruan ka lang ng taong--- or should I say, mannequin na nagustuhan mo. I ordered him to do so. Ang galing hindi ba? Hahahaha!" "No Cassie. I enjoyed our time---- AAARRGGHH!!" "Raph!!" Third Person's POV May gumuhit ulit na linya na nagsisilbing sugat sa mukha ni Raphael ang kaso ay walang tumutulong dugo mula dito. Pero alam ni Cassandra na nasasaktan ito. "Alam mo rin ba kung bakit ayaw ko sa iyo, Cassandra? Dahil naging walang silbi ang gawa ko dahil sa'yo. Sinira mo ang sistema niya kaya naman.. magkasama din kayong mawawala. Wala na siyang silbi sa akin dahil hindi siya sumusunod ng utos. Hahaha!" tila baliw na sambit ni Zack. "You are a psycho! Pakawalan mo kami!!" sigaw ni Cassandra pero nginitian lang siya ni Zack. Matapos iyon, ay naglabas ng isang gallon ng gasolina ang isang tauhan ni Mr. Z at ibinuhos ito sa sahig. "Goodbye lovies." Sabay labas ng lalaki habang nakasunod ang mga tauhan nito. Maya-maya pa ay may umilaw. Apoy. May balak talaga itong patayin sila. Mabilis na kumalat ang apoy. Pilit na kumakalas si Cassandra pero hindi siya makawala. Umuubo na rin ito dulot ng usok. Raphael's POV I can see her struggling in front of me and I'm not pleased with our current situation. Wala na akong maisip pang ibang paraan. She has to be saved. Tumayo ako bitbit ang upuan kung saan ako nakatali at nagmadaling pumunta kay Cassandra. Mainit pero hindi naman ako nasasaktan. I'm not human after all. "Cassie.. you need to get out.. of here." Sambit ko habang patalikod na kinakalagan ang tali niya sa likod ng upuan. The fire is fast igniting and I can hear her breathing hitch. She has to go. Now. Mas inindahan ko pa ng lakas ko para makalagan siya at sa wakas, nagawa ko din. Biglang may tumunog sa itaas at pagtingin ko, gumuguho ang lumang cottage dahil sa apoy. "Cassie go!" I shouted. "Kakalasan pa kita Raph!" she said panicking. "I can handle myself. I don't get hurt, remember? Susunod ako. Humingi ka ng tulong. Now, go. Cassie!" Kahit may pag-aalinlangan, tumakbo na siya ng pabilis palabas. At ako? I'm a dummy. A mannequin. I don't have a life, therefore I don't deserve to live. And be saved. At least I felt. Thank you for everything, Cassie. *** Cassandra's POV Nagising ako. Tiningnan ko ang relo, at mag a-alas otso na ng umaga. I'll be late for my schedules. Agad akong naligo at nagbihis na. I need to go to my boutique to check out on the arrival of my mannequins from England. Ng matapos na, sumakay ako sa sasakyan ko and drove off. A couple of minutes later, nakarating na din ako. Nagmadali akong pumasok ng may matangkad na lalaking nakatalikod ang bumungad sa akin. I'm sure wala akong ini-expect na bisita ngayong araw. "Eto na pala si Ma'am. Good morning po! This is Mr. West. Sabi nito ay direct supplier siya ng Mannequins at gusto niya kayong makilala." Sabay harap niya sa akin.   "Hi. I'm Jade Xavier West. A pleasure to meet you, again, Miss Cassandra." Sabay bungad nito ng matamis na ngiti. Shit. No way. Kamukha nito si Raphael. And his last name...     West?   He's No Mannequin.    Iyon ang unang mga kataga na pumasok sa isip ni Cassandra. Andaming tanong ang pumasok sa kanyang isipan pero hindi niya magawang magtanong.   What if... isa na naman itong patibong?? Pero mas nakakatakot na patibong.   Dahil may iba sa awra niya.  It screems power and danger. Iyon ang nakikita ni Cassandra.  Despite this feeling.. may isang bagay pa rin na sinisigaw ang katauhan niya.   Handa siya sa panibagong patibong sa puso niya kung sakali.    FLASHBACK...   Cassandra's POV Eksaktong pagkalabas ko, lumiyab ng tuluyan ang apoy. I screamed for help. Kumapit ako sa mga salita niyang hindi siya masasaktan at susunod siya sa akin. But no one came out. Napaluhod ako dahil wala akong nagawa. I'm useless. "Cass!!" may mga yabag ng paa ang papalapit sa akin pero parang nawalan ako ng konsentrasyon. I lost him. Kasalanan ko.   Third Person's POV Nakatungangang nakaluhod habang umaagos ang mga luha ni Cassandra. Agad naman siyang nilapitan nina Marian at Cathy. May mga tao na ring pumapatay sa apoy. Ang ibang kasama ni Cassandra ay nasa paligid din. "He's gone... he's gone.." "What do you mean Cass??" takang tanong ni Marian habang yakap-yakap ito. Pero bago pa siya makasagot... "Cassandra. Don't worry. I'm here." May lalaking lumapit sa kanya. Nanlalaking mga matang napatayo si Cassandra habang nakatingin sa taong nasa harap niya. Ngumiti ito. Pero blanko ang mga mata kaya napakunot ang noo niya. Alam na niya agad. "You're not Raphael. You stupid controlled-freak mannequin!! Huwag mo siyang gayahin!!!" she said hysterically. Lumapit ang lalaki sa kanya at akmang yayakapin siya pero tinulak niya lamang ito ng malakas. "Don't touch me!" she shouted. "Raph! Are you alright??" lapit ni Darra sa lalaki ng may pag-aalala. "I think she's just traumatized by the fire incident. She needs to be checked by a physician." Tugon ng lalaki. "You freak! Hindi ako baliw! Guys! Raphael is inside! He got burned by the fire! Please believe me!" she pleaded but none of them believed. Naawa pa ang iba sa kanya. "Ma'am, wala hong katawan sa loob." Sabat ng isang mamang tumulong sa pagpatay sa apoy. Hindi kita ng iba, pero alam ni Cassandra na makahulugan siyang tiningnan nito. Malamang walang katawan. Hindi tao si Raphael. "Cass.. let's get you some rest.." tugon ni Tita Jenny.   Walang maniniwala sa kanya. Malinis maglaro si Zack West lalo niya't teritoryo niya ito. Cassandra's POV I got so devastated and no one knew. No one would rather believe me dahil magaling umarte ang nagpanggap na Raphael. Sinabi lang nito na babalik na siya sa bansa niya kasama ang isa pang walangyang si Zack West. How I despised that man pero wala akong nagawa. Nagluksa ako sa pagkawala ni Raph. Kung kelan.. unti-unti na akong nahuhulog. Naudlot pa. Ang masaklap, hinding hindi ko na siya makikita muli.   *** PRESENT... Cassandra's POV "Hi. I'm Jade Xavier West. A pleasure to meet you, again, Miss Cassandra." Sabay bungad nito ng matamis na ngiti.   He can't be. Hindi siya ito. Nablanko ang isip ko. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako. Hindi ko na alam ang dapat kong isipin pero ang alam ko lang, ay kamukhang kamukha niya si Raphael Warren Davis na kilala ko. "Miss Smith?" biglang salita nito. Pati boses din may similarity! Ang kaso parang mas.. firm ang kanya. May authority. Samantalang si Raph, kalmado.  Mabait palagi ang aura at siya--- teka, ba't ko ba sila kinukumpara?? "Ma'am? Okay lang po ba kayo??" biglang salita ni May sa gilid ko. Then I came back to my senses. "Yes. Yes, I'm fine. Sorry for spacing out. And I apologize as well Mr. West. It's a pleasure to meet you." Then we shook hands. Ewan ko ba kung ako lang pero ramdam kong hinigpitan niya ang pagpisil sa kamay ko tsaka ulit ngumisi. "So, shall we talk about our business then?" tanong niya. Tumango ako habang titig na titig ulit sa kanya. Siguro ay miss ko lang talaga si Raphael at ang daming tanong na tumatakbo sa isipan ko pero hindi dapat ako magpadalos-dalos sa nilalang na ito. I sure won't be a chess piece anymore. Pinasunod ko siya sa akin patungo sa opisina ko sa kanang parte ng boutique. Glass wall kaya kitang-kita ko mula dito ang mga sasakyang dumadaan sa labas pati mga tao. Umupo ako sa swivel chair ko habang nasa tapat ko si.. Mr. Jade Xavier. Ayun nalang ang itatawag ko kahit alam ko sa sarili ko kung anong pangalan ang gusto kong sambitin sa pagkatao niya. He was about to speak when I raised my right hand so he raised an eyebrow at me. "Is there anything wrong Miss Smith?" "Before anything else, have we met already?" He smirked. Isang klaseng ngiti na nagdulot ng kaonting kaba sa dibdib ko.  "I know I'm attractive. You can directly ask me to date you rather than using that old pick up line." Sabay dekwatro niya ng upo habang prenteng nakasandal sa kanyang upuan. My jaw slightly dropped. Bago pa ako makapagsalita, he then raised his right hand. Like how I did. "Mukhang wala ka sa wisyo ngayon Miss Smith. I have another meeting to attend. Here's my calling card. I better go for now. See you soon. Really soon." then he stood up, left me his card, and went out of the room. Isa lang nasisiguro ko. He's not Raphael. And..     He's No Mannequin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD