Chapter 26

3001 Words
********************************************************************************************* Lahat raw ng tao ay may karapatang magmahal.  But not everyone knows how to love and to stay in love.    Bakit ba kasi pinapaikot ng mundo ang katagang pag-ibig na 'to?  Sabi pa ng iba.. they had the right love at the wrong time. Why can't they just fight the bad timing and still fall in love?   Devhone Katreese believes in love, but does not want to find her other half. I mean can you blame her to be in this cruel world? Bakit ba raw kasi dapat may samang sakit ang pagmamahal? Di ba pwedeng happy lang ganon? At isa pa ang pinakaayaw niya sa lahat.   His beloved past. This isn't your love story honey.      Devhone's POV Panibagong araw. Panibagong eskwelahan. Panibagong simula na naman. Can't this life get any better? Makabangon na nga lang. "Devvvvss bangon na diyan!" Sigaw ni mommy sa baba. "Yes po Ma! Maliligo na!" Sigaw ko pabalik. Pero dahil tamad ako, of course. Humiga ako pabalik. Oh please kama take me. *** And yes I am late. First day of school and mind you. I'm not a high schooler. Isang mabait na kolehiyala. Shiftee nga naman kaya first year  ulit as an irregular student. Nursing ang dati kong kurso at ngayon ay Business Ad. Isn't it ironic? Duh. Nilampasan ko ang guard at iilang estudyante habang hawak-hawak ko ang study load ko. Punyeta. Anim na classroom at wala pa akong ideya kung nasaan. Palakad-lakad ako tsaka tumitingin sa classrooms pero wala pa rin. May nasinag agad ang maganda kong mga mata sa canopy. Isang grupo na halata namang hindi na newbies na naghahalakhakan. May isang lalaking kumaway sakin at kumindat pa. "Nawawala ka Miss? Guide kita!" Sigaw niya pa. Tss. Mukha mo. Hindi naman ako takot ma late dahil panigurado naman, introduction shits lang na pambata ang gagawin during first week. Kung gugustuhin, makakaabsent pa ako pero trip ko munang i-check ang skwelahang ito at hanapin mga classrooms ko. Times three ata ang laki ng dati kong school. Oh well. The smaller circle, the better. Naupo ako sa may lobby nila kung saan ako lang sa iisang linyahan. May napansin agad akong tatlong babae sa harapan ko na alam kong kanina pang nakatingin. I'm sure they'd wanna be friends with someone like me. Sila dapat lalapit aba. Maya maya nga.. "Hi! Ako nga pala si Claudette!" Pakilala ng morenang babae na hindi katangkaran na medyo singkit rin. For short, average face. Naka eyeglasses rin siya. Hm. Di naman ganoon ka nerdy. I hope so. "Ako naman si Anna!" Said the other girl. Maputi siya na payat pero maganda naman. Mukhang mahinhin but looks could always be deceiving. Kagaya ko. Ambait bait ng mukha ko pero mahilig akong mag criticize at least sa isipan lang. "Devhone." Sagot ko ang ngumiti ng konti. Yung demure smile kumbaga. Kunyari mabait. Nakipagkamayan rin ako sa dalawa hanggang sa pinagitnaan nila ako ng upo. "Panigurado bago ka. Pero ang ganda mo girl!" "Ang tangkad mo rin! Parang model!" Pamumuri ng dalawa sakin. Oh I know. C'mon. "Thank you and yep. Transferee ako galing Malcolm University." "Woow mayaman ka siguro."manghang sambit ni Claudette. "Kala ko mukhang mayaman lang. Mayaman ka pala talaga. Ba't ka nagtransfer? Eh ang ganda na siguro ng buhay mo don."   Oh girl. If only  you knew. "Nasa abroad lang mga Tita ko nagsusupport sakin kaya nakapag-aral ako don. Pero kung ba't ako nagtransfer? Wala. Trip ko lang. Tara muna tour niyo ko dito sa mga rooms ko." pag-iba ko ng topic at na engganyo naman silang i-tour ako sa maliit na unibersidad. Hindi sa nagmamayabang pero maliit lang talaga siya compared sa MU. I just need to accept na andito na ako sa Citrus University. Parang juice diba? Ang weird but whatever. Makapag tour na nga muna.     *** Last subject at matatapos na rin ako. Finallyyyy. Katamad talaga mag-aral--- "Psst. Miss." Hindi ko nilingon ang nasa likuran ko. "Miss! Ganda sana kaso bingi." Tapos may narinig pa akong katawanan niya. Kinakalikot ko lang ang phone ko hanggang sa... May tumamang maliit na papel ata sa batok ko. Napaigtad ako ng kaonti. Pucha.  Napalingon ako ng walang humigit tatlong segundo.   "Lilingon din pala eh. Hiii!" sabay kaway ng lintek. I draw out my pointing finger na parang nagpapakyu pero hindi naman. "Tantanan mo ako you freak." "Ohh. Spokening english pre." sabi ng katabi niyang unggoy.  "Yeeh.freek oh yeeehh." sambit nung, teka eto yung kumindat sakin kanina sa canopy. Tss. "You're not my type. FYI. Wag kang papansin di ka cute." "Hala. Miss na inglesera, type kita. Pengeng number?"    I rolled my eyes. Boys will be boys. Kung anong ikaganda ng nakikita ng mga mata, kakagat agad tapos kung magsasawa, echapwera na.  "Di seryoso. Gregory nga pala. Greg for short. And yuuu areeeee???" nakangising sambit nito. Tsk. whatever. "Devhone Katreese." simpleng pakilala ko. Marunong naman akong makisama ng kaonti. I need to survive this school and get the hell out. At hindi pwedeng mag-isa lang ako. Sa ganda kong 'to s**t.    "Ako naman si Nikolas! Nick for short!" sambit nung katawanan niya kanina.  "Ang bantot naman ng pangalan mo." "Grabe ang harsh! Kung anong ikinaganda mo, ganon din pangalan mo."  "Di ako madadaan sa ganyan. Mukha niyo."    Natigil ang usapan namin ng nagdismiss na nga at nauna nakong lumabas para iwas chikahan. Limitado din kaya ang mga salitang lumalabas sa maganda kong lips.  Well, this day isn't so bad after all.  Pumunta ako sa parking lot ng school kung saan nakaparada ang pula kong raider. Meron naman kaming sasakyan pero si Mommy lang ang nalilibang. Ang traffic na sa mga panahon ngayon.  Kasalukuyan akong nagdadrive ng parang may lumagapak ng kaonti pero binalewala ko lang muna. Mahilig akong magpaharurot pero dahil hapon ngayon, di muna pwede. Paliko na sana ako ng biglang may parang malakas na tunog ng makina ko at parang may natanggal. s**t. Pa dalusdos pa naman ang kalsada.  Fck yung break ko. Ayaw na kumapit ang harap at likod and to my luck, may sasakyan sa unahan ko.  It won't stop. Nagpapanic na ako and suddenly..   ..there I go. Tumama ako sa likod ng sasakyan.  Just my luck.      Broken-hearted na nga, mukhang broken bones pa later. I love my life.            Chapter 2: Past 2 Past meaning FLASHBACKS. 3 years before Devhone's broken-hearted s***h broken bones motor accident... *** Devhone's POV "Graduate na tayoooo woooohhh!!!" sigaw namin ng mga batchmates ko sabay hagis ng toga sa ere. You know. The cliché stuffs you do in highschool but never gets tired of doing it. "Babe! Finally!" and of course, si bebe ko. My dear, Alec. Binuhat niya ako na mala Kathryn x Daniel ng The How's of Us. "Yeess!" sigaw ko rin. Di no joke, maluha-luha rin naman ako kasi ika nga, high school is the best part of our teenage years. Matapos niya akong ibaba, nag-hug kami ng very tight tsaka sa mga barkada ko. Pagkatapos syempre nag-hug sa mga parents namin pagkalabas ng auditorium. Picture ganon. Legal kaya kami noh. We've been neighbors and best friends since nung sipunin pa lang. Naging kami, like literally. Ngayon lang din. As in today, March 14. As promised sa parents namin na at least magtatapos ng highschool bago maging official. "Deevsss mygaashh mamimiss ko kayo huhuhu!!" at sino ba 'to? Syempre ang bakla kong bespren since first year high na si Vincent Marcelo. Vam for short. "Ang OA mong bakla ka eh same school pa rin naman tayo. Sa college division nga lang." dagdag ni Almeera, ang pangalawa kong bespren. Ang friendly ko noh? Pero di talaga, maganda lang. "Eh kahit naaaa. I'll miss my papables here noh! Hayssstt!" "Nako ka naman Vam. Sigurado akong marami ka pang makikilala na hindi lang load hihingin sa'yo." Dadgag ni Alec bebe ko na nagpatawa saming lahat. Totoo naman kasi.  Matapos naming magdramahan pa, nagsiuwian muna kami kasi syempre kanya-kanyang celebration yan eh.  Yung after party namin eh two days from today pa. SI bebe ko naman eh pupunta muna sa kanila tas magkikita kami later. May ibibigay raw siya eh. Hihihi.   "Congrats anak! Dalaga kana talaga!" maluha-luhang pagdadrama na naman ni Mommy. "Nako ka naman ma, 13 palang dalaga na ako. Di ka ba na-informed?" pambabara ko sa kanya. "Wag mokong inaano bata ka. Magsikainan na tayo para karaoke tayo later!" At ayun chibugan na kasama ang iba ko pang relatives. Bati dito, bati doon. HIndi ako rich kid pero masaya ako. Isang normal na magandang dyosa dito sa balat ng kalupaan at sigurado akong maya-maya magbabaliw-baliwan na naman yung mga lasinggero kong uncle for sure.   "TWOO LESS PEOPLE LONELY IN THE WORLD, ANDDD ITS RRIGGHHT FINALLLYY~~~!!!" birit nung isa. Kitams. "Hoy Bartolome mali yung lyrics mo!" birit ni lasing uncle number 2. "Weh? Eh di mo nga alam title nito eh! AND IT'S LESS TWO MINUS PIIPOOLLLL IN DA WORRLLD!!" "Alam ko uyy! Ano yan eh, ano. A whole new WORRLDD!!"   Mga kaadikan nila nakakabobo. Makalabas na nga lang ng makapagpahangin. Hindi ko pa na-feel masyado yung fresh air eh may papel ng tumama sa pretty kong mukha. I smiled. Alam ko na pag ganto eh. Alam na alam. "Miss byutipul, pengeng number." at sino pa nga ba? "Ayoko. Taken na ako eh." At ilang segundo lang, nasa harap ko na siya. Inilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko. Pumikit ako syempre. And then... I felt his lips on my forehead. "Ayan muna." sabi niya kaya napadilat ako. "Saka eto." tas bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko tsaka naglakad kami ng onti. "Tapos Eto pa." and then a single red rose he took out from his back pocket I think. Shet. O kayganda ko dre. Magsasalita na sana ako kaso pinigil niya ako.   "Hep. Amuyin mo muna ang bulaklak." he smiled. Ang isang malalim na dimple na kumawala sakin sa left cheek niya. Damn it ang gwapo. Yung mga mata niyang parang galit lagi pero pagngingiti, nakakatunaw din ang mga titig. "O titigan nalang to ah?" tsaka pinitik niya gamit ang hinlalaking daliri ang dulo ng ilong ko. A hobby he got used to doing. "Ano ba! Eto na eto na--- Oh." natigil rin naman ako agad.   May singsing sa gitna ng rosas. Ang bilis kumalabog ng puso ko. He took and raised my chin to meet his eyes. "Alam kong bata pa tayo but I know right here," turo niya sa puso. "That I've admired you since God knows when. I've loved you as  a bestfriend, and now I'll continue loving you, as my girlfriend. Iingatan kita. Pangako kong isusuot ko ang singsing na'to sa'yo, that in 8 years time. I promise, to marry you. That is if you say yes of course. I love you. I love you and I you." sabay suot niya sakin ng singsing. His promise ring.   "I freakin' love you too! Shiit nakakainis ambakla mo! Nakakaiyak! Damn it!" di ko na napigilang mapaiyak kahit pinipigilan ko at mabilis ko ring naisuot ang kapirasong singsing sa kanya sa sobrang excited. "Sshh stop cursing. Pero joke lang. Shet I love you too parekoy!" natatawang sambit niya, ginulo buhok ko at niyakap ako ng sobrang higpit. And I hugged him back.   I'll savor this moment and I shall never forget this promise. I know we're young, pero alam kong sigurado ako sa kanya. Hindi ako naniniwala sa forever, pero wala naman talaga nun eh.   Basta. All I know, is I love him now and tomorrow.      Still a few years ago... From another side of the story... Markus' POV Periodical exam at heto na naman tayo pero syempre ako pa ba, di ko kailangang mag-aral. Di dahil matalino ako, kundi tamad lang talagang mag-aral. High school pa naman eh. May iba kasi akong pinagkakaabalahan na higit pa na mas importante sa buhay ko. Hehehe. "Hala iwan ko na kayo mga dre. Nag-ring na. Salubungin ko muna si labidabs ko." sambit ko sa barkada ko.  "Sus! Pag ikaw bumagsak papaluin ka ulit sa pwet ng mama mo oy!" ika ni Manuel.  "Iiwan ka rin niyan parekoy. Wag kang masyadong paalipin!" dagdag pa ni Jun.  "Ikaw ng pinakabakla saming lahat! Buti ako pogi lang. Tsk." isa pa 'tong si Kirk.  "Mga gagu! Ako pinakapogi satin oy at di baleng bumagsak sa exam, pasado naman ako kay Angie babes my queen!" proud na sagot ko na siyang paglakas ng kantyaw sakin. Bala kayo.  Basta ako, happy.  At nauna na nga ako. Mga 20 minutes pa bago maglabasan pero nasa tapat na ako ng classroom niya.  "Mahal. Kanina ka pa?" at ayan na nga ang pinakadyosa sa balat ng lupa. Ang reyna ko. Si Angie Queen Sy. Ang kauna-unahan kong girlfriend na sure kong panghuli na din kahit sa ganitong edad.  "Kakarating ko nga lang Mahal eh. Saktong-sakto. Ako na magdala ng bag mo tsaka hatid na kita. Pero teka, saan mo gustong kumain?"  Nasanay rin naman ang mga kaibigan niya sa isang taon at mahigit na mag-syota kaya pinapabayaan rin lang kami tuwing uwian. Binitbit ko nga ang shoulder bag niya habang nasa likod ko naman ang itim kong bagpack.  "Siguro dun lang sa halo-halohan ni Ate Minda. Pampalamig para makauwi ng maaga at makapag-aral tayo sa exams." "Okeey! Sagot kita mahal na reyna!" saludo ko pa kaya napangiti ko siya. Syet tol ang ganda. Swerte ko talaga boii. Hinding-hindi ko pagsasawaan ang babaeng 'to.  Nakarating na nga kami sa Halo-halohan ni Ate Minda na kinagawian namin. Dito ko rin kasi nahingi number niya. Hehehe. Pogi kasi ako. Nag-order ako ng dalawa at dalawa ding piraso ng chocolate cake.  "Mahal, pagkatapos ng exams. Gala sana tayo sa arcade para makapag-relax."  "Ay oo syempre naman. Akong bahala." "Thank you! Kaya love na love kita eh." sabay kurot niya sa magkabilang pisngi ko na alam kong umiinit na ngayon.  "Syempre." tsaka ko hinalikan ang tuktok ng ilong niya.  "Ay jusko besh ang PDA na ng mga teenagers ngayon. Alis na tayo!" dinig naming sambit ng bading sa gilid kasama ang isa pang bading. "Ow my gosh gurrl! Mas pretty aketch rigght???" pagbabading-badingan ko din kasama pa ang pagpitik ng mga daliri.  "Ang adik mo uy! Hahahahaha!"  "Totoo kayaah like duuh!" tas todo pose pa ako.  Kahit ano basta masaya ka lang. Wala akong pake.  *** "Dito nako. Salamat, Markus." sabi niya saka ako hinalikan sa pisngi. Ganito kami lagi. Hatid sundo ko siya araw-araw kahit nagcocommute lang din naman ako at di bale ring halos isang oras ang uwi ko papunta samin.  "Walang anuman basta safe ang Reyna ko. Sunduin kita ulit bukas, alas syete."  At ayun na nga, inintay ko siyang pumasok saka na ako umalis ng may ngisi sa labi. Napatingin ako sa kalangitan. Kung paano ko siya niligawan sa simula ay liligawan ko pa rin araw-araw. Walang kupas dapat.  *** Kainis! matatalo na naman ako neto oh! Nakakalintek 'tong laro na 'to. Klase ngayon pero dahil nagkayayaan tapos wala na naman masyadong lesson kasi review lang, edi andito kami ng tropa ko sa paboritong internet cafe. Aissh hindi ko talaga matalo tangina naman oh! "Markus!"  Bigla kong naibagsak ang headset ko. Si myloves, shet. Hala. "Ba't di ka raw pumasok sa last subject mo? Tsaka uwian na pero wala ka sa labas ng room kaya nahanap kita dito."  "Hala mahal sor---"  "Hmph!" at ayun nagdabog palabas.  "Halaka pareee!"  "Under ka under! Whaahahaha!" "Booohh!" Wala nakong pake sa kanila at hinablot ko yung bag ko saka lumabas.  "Queen ko, sorry na uyy!" sabay kuha ko sana ng kamay niya pero umiwas.  "Sorry ka diyan. Mukha mo."  "Eeeh sorry na kassiiii. Wala naman sakin yung cutting sa last subject pero di ko namalayan 'yung oras. Kain tayong ice cream para pambawi ko." saka ko inilapit ang mukha ko sa kanya.  "Ayoko------"  At ayun one point na kiss sa labi sabay tawa ko at tumakbo. "Hoyy ikaw na adik ka bumalik ka dito!!"  At doon din nauwi sa ice cream ang tampu-tampuhan ng reyna ko. Ganyan naman dapat tayong mga lalaki. Pag nagtatampo girlfriends natin, hindi dapat magalit. Kulang lang ng suyo 'yan eh o kung di naman, idaan mo sa pagkain. Panigurado, swak sa kanila.   "Mahal naman, pag di ka mag-aaral magagalit si Mama mo." "Na Mama mo na din in the future." birit ko sabay kindat. Ayun namula oh! Hahaha. "Di nga seryoso! Nagkita kami nung isang araw, pagsabihan pa raw kitang mag-aral." "Sabi din ng Ate ko ang ganda mo raw." dagdag ko pa sa kanya.  "Ehh! Di ka nakikinig eh!"  "Nakikinig naman Mahal. Eh sadyang di talaga ako mahilig mag-aral eh. Pag pasensyahan muna kung di ganoon katalino 'tong boypren mo ah. Di bale na, pogi naman. Kaya baliw na baliw ka sakin hindi ba?"  Pak! Hindi sampal 'yun. Yung palad niya tumama sa buong pagmumukha ko.  "Ayan diyan magaling eh, diyan talaga nakuuu!"  Saka dinilaan ko ng kaonti yung palad niya para maalis sa mukha ko. Hehehe. In 3,2,1----- "Yuuuk naman Markus ang dugyot mo!" saka punas siya ng punas sa palda niya. "Makapagpunas parang hindi mo nalasan ang matamis kong labi~~~!" "Shhh! Yung bunganga mo!" ang cute ng mukha niya pag nahihiya. Nakakabakla lalo. Hahaha! Yung girlfriend mong sinusubukang mag galit-galitan pero gumaganda lalo. Eto 'yon eh. Napangiti ako. "Oh bakit?"  "Lapit mo tenga mo dali. May bulong ako."  Inilapit niya naman tenga niya kahit may konting pagtataka.  "I love you, Mahal. Sagad na sagad." Oo ganito akong tao. Kung mahal ko, binibigay kong lahat. Wala eh. Lakas ng turok ng pana ni kupido. Wala akong pake sa kung ano ang isipin nila.  Taya na kung taya.    Angie's POV Oo na, mahal ko siya. Pero alam ko kung saan ang hangganan namin. I'm sorry.  "Mahal? May problema ba?" inosenteng tanong niya sakin na siyang nagpasikip lalo ng dibdib ko. Umiling ako at saka ngumiti. "Wala naman. Malapit na kasi graduation natin. Excited lang ako."  "Ako rin! Sabay tayong gagraduate tapos, sabay rin tayo sa kolehiyo. Couple goals sabi nila! Hehehe."  Tumawa lang din ako bilang tugon. Eto na nga ba ang kinatatakutan ko. Ba't kasi ambilis ng panahon sa tuwing kasama ko siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD