"Raph ang kulit mo. Chill ka lang muna mukha pa akong di tao. Mag-aayos lang saglit."
"I disagree with that. You're very pretty. But okay, I'll wait for you outside?"
"O-okay." ngumiti muna siya sakin bago lumabas. Grabe. He never fails to compliment me every now and then. Nakaka-flattered kaya. Haayyst stop with this na nga. Makaligo na muna.
Matapos kong mag-ayos, lumabas na agad ako at nandoon lang si Raphael na nakasandal at pagkakita niya sakin, ngumiti siya agad at pumunta kaming kitchen.
"See! Dami noh? All of your favorite breakfast!"
"Ang dami nga at ang bango. Teka, paano mo pala nalamang mga paborito ko yan??"
"Ay nako Ineng, alas siyete gising na yang si Raphael at kinulit akong ipagluto ka raw namin ng mga paborito mo. Nakakatuwang binata. Palaging masaya eh diba?"
"Ay oo nga po Nay. Salamat po at tsaka sa'yo Raph."
"No problem. Upo ka dito Cass." then he pulled a chair for me. Ang gentleman naman.
"Thanks."
"Ako narin maglalagay ng pagkain sa pinggan mo. Hehehe." tsaka nilagyan niya rin ako ng iba't ibang klase ng pagkain.
"Uii Raph andami niyan di ko kaya yan!"
"Hindi kain ka lang to lessen your stress. Food helps a lot. How bout I feed you too??" tapos nag-slice rin siya ng pancake na may chocolate syrup narin na siya rin ang naglagay at tinusok iyon ng fork at itinapat sa bibig ko.
"Ano ba Raph nakakahiya na. Kaya ko na sige kumain ka lang diyan."
"Okay lang. Please Cassie??"
Cassie?? Siya palang ang tumawag sakin ng ganun pero dahil irresistable talaga siya eh hindi na ako pumalag pati sa pagsubo niya sakin.
"Ay nako naman bagay na bagay kayong dalawa Ineng! Ang tamis tamis o." ngumunguya pa ako kaya di agad ako nakapagsalita.
"Balak ko kasing pagsilbihan rin tong si Cassie ya. Ako nalang kaya ang pansamantalang mag-alaga sa alaga niyo ya? Hahaha!" Mga pinagsasabi't pinaggagawa talaga ng 'sang to.
"Hahaha pwede rin yan hijo. Sige ha, ipapaubaya ko muna sa iyo yang alaga kong walang ibang halos inaatubag kundi trabaho lang ng trabaho. Diyan muna kayo."
"Okay po!"
"Huuy Raph ano ka ba. Adult na kaya ako."
"But that doesn't mean na hindi mo na kelangan ng mag-aalaga. You can count on me!" sabay turo niya pa sa sarili niya. Napangiti nalang ako. Sige na nga. Hayaan na.
"Alright then. From now on, I'm hiring you as my new Yaya!"
"Yup! Ang swerte mo sa tagaalaga sa'yo Cassie ah, gwapong mabait na modelo!"
"Ay? Mahangin ka rin pala Raph?? Gutom lang yan!"
"Mean." he slightly pouted. Ang cute. Argh.
"Hahaha!"
***
Matapos naming kumain, tinuruan ko siya ng ibang mga bagay-bagay katulad ng paggamit ng mga electronics sa bahay, sa mga bulaklak sa garden tsaka nag-kwento narin ako ng kahit ano tungkol sa mundo ko dahil misyon ko nga na iparamdam sa kanyang normal na tao talaga siya at hindi mannequin.
"Mga kotse yan, motor to at mga bike yun tsaka yung nasa gilid, skate boards." Tumango ako sa kanya.
"Gusto mo turuan kitang sumakay sa lahat ng yan??"
"Talaga???" masayang tanong niya. Kitang-kita pa nga ang kislap sa mga mata niya at talagang nakakahawa ang mga ngiti sa labi niya.
"Talaga! Sooo anong gusto mong unahin natin??"
"Umm.. yung ano.. skate board!" tsaka siya tumakbo na parang bata at kinuha ang dalawang skate-boards. Actually, tatlo yun kasi ginagamit namin minsan nina Cathy at Marian. Lumabas namin kami at dahil subdivision to, walang masyadong sasakyan.
"Teka kuha ako ng caps para sa atin."
Pumasok ako sa bahay at kumuha ng caps tsaka bumalik kay Raphael. Isinuot ko sa ulo niya yung kanya at sa akin yung isa.
"Ayan. So tingnan mo muna ako ah."
Sinakyan ko naman yung skate board ko at nag skate in a circular motion lang tsaka pinahinto ulit ito sa tapat ni Raph.
"Wow! Ang galing!" masayang sambit niya.
"Oo nga pero mas magaling kung ikaw naman ngayon ang gagawa."
"Okay okay!"
Ginaya niya yung ginawa ko pero nung first glide ng paa niya, bigla siyang na out of balance kaya nagmadali akong hawakan siya pero dahil mabigat siya, naunang bumagsak paupo si Raph at dahil na out of balance rin ako, nadaganan ko siya at dahil sa mabigat rin ata ako, naihiga ko rin siya sa kalsada.
Parang yung dugo ko unti-unting nag-aakyatan sa ulo ko.
"A..Ah eh..." nauutal na sambit ko. Teka ba't naman ako nauutal diba??!
"Are you alright?? Nasaktan ka ba???"
"No. I..Ikaw nga ang dapat kong tanungin niyan. Ayy! Sorry pala!" tsaka ako naunang tumayo at inoffer ang kamay ko sa kanya na inabot niya naman. Pinagpagan namin ang sarili namin.
"I'm sorry too. Nadamay pa kita." sabi niya na may halong lungkot talaga ang boses.
"Ui ano ka ba! Cheer up! I'm okay. Now dahan-dahanin natin ang pagturo ko sa'yo. Papatayuin muna kita sa ibabaw ng skate board habang aalalayan kita okay ba yun?"
Tumango-tango siya at hindi rin naman nagtagal, natuto siya agad. Pumasok rin kami maya-maya kasi umiinit na lalo.
Pareho kaming bumagsak sa sofa.
"That was fun!" -Raph
"Buti at nag-enjoy ka."
"Uhm excuse me po ma'am, sir. Eto na po yung tubig niyo." sabi ng isang katulong.
"Salamat." tumango siya at umalis.
***
Madaling lumipas ang oras at movie marathon at paglalaro ng Xbox yung natripan naming dalawa habang kain ng kain.
"Malapit ng mag 7pm. Mag-dinner na muna tayo."
"Okay."
Kumain kami kasabay ni Yaya at ang iba pang katulong para raw mas masaya sabi ni Raph and yes totoo nga. The more the merrier. Nung una, medyo naiilang pa yung ibang katulong dahil nakikisalo sila sa amin pero dahil sa makulit si Raph at nakakahawa nga ang happiness niya, naging kumportable naman kaming lahat sa isa't-isa.
Ngayon, pabalik na kami sa kwarto ko. Napagdesisyunan ko naring dito nalang si Raph sa kwarto ko 'matutulog' para hindi mapaghinalaan kung sakaling magtaka sina Yaya kung bakit wala si Raph sa ibang guest rooms. Ni-lock ko na ang pinto.
"I had fun Cassie. Bukas ulit. Good night."
"Me too Raph. Bukas ulit and good night."
He gave me one last smile at dahil 7pm na, unti-unti na naman siyang naging mannequin.
***
~~~The next day~~~
"Hii!!"
And guess who??
"Mukha mo na naman Raph. Kasawa na ah." sabay hawi ko sa mukha niya.
"Uii Cassie ah! Anong nakakasawa diyan?? Ang gwapo ko kaya!" sabay pout niya at nakaisip pa ng bagong kalokohan na mag pose pose sa harapan ko.
"Hahaha oo na! Trying hard ng poses mo!"
"Know what Cassie, tulog ka nalang ulit. Asar ka ng asar eh." naka pout siya sabay talikod sakin. Natatawang tumayo ako mula sa higaan ko at hinila si Raph paupo sa kama ko at tsaka ko siya tinabian at ginulo gulo ang buhok niya.
"Tampo naman ang Nanny ko. Sige ang gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo mo! Bati na tayo Raf-raf?" tapos tinapat ko pa ang mukha ko sa mukha niya habang nakangiti.
"Totoo yan ah?"
"Hmh!" tango niya pa.
"Okay! Bati na si Cassie at.. Raf-raf? Haha!"
"Oo bagay naman ah! Kala mo ikaw lang pwede magbigay ng nickname ah."
Nagkulitan muna kami ng ilang saglit pa hanggang sa pinaayos ko muna siya sa sarili niya at pati ako rin tsaka kami bumaba para mag-breakfast.
"O maganda ata gising niyong dalawa ah?"
"Hindi kaya Nay. Si Raf-raf una kong nakita paggising eh! Hahaha!"
"There you go again Cassie."
"Ops hindi na."
"Nope last na yun. At dahil dun, kukurutin kita." at walang sabi-sabing kinurot niya ang magkabilang pisngi ko.
"Waahhh shakeett oiii!"
***
Tapos na kaming mag-lunch at nag-bake narin kami ng cake pagkatapos. Ngayon?? Naisipan naming maglaro. Nakakahawa rin pala ang pagiging isip bata ng isang to. At anong klaseng laro? Eto oh.
"Cassie ayan na mags-slide na ako! Woooohhh! " nakataas pa ang mga kamay niya at enjoy na enjoy siya niyan habang nags-slide na ang matress kung saan siya nakasakay pababa ng hagdan. Hahahaha kakatuwa siyang tignan eh.
Ako naman ang sumunod at ginaya ko siya.
"Woooooohhh!!!"
Sunod ay magkasabay na kaming dalawa. Ang aadik lang pero masaya naman.
"Iba na naman! Umm.. aha!" -siya
"O ano na naman yang naisip mo?"
"Maglaro tayo ng tagu-taguan. Malaki naman bahay mo diba? O sige ako na taya!" sabay harap sa dingding at nagbilang.
Napailing nalang ako at tumawa. "Sige wag kang sisilip ah!"
***
Walang minutong hindi ako nag-enjoy kasama ri Raph. Grabe lang. Feeling ko bumalik ako sa pagiging bata at ngayon lang ulit ako sumaya ng ganito and well.. nakalimutan ko saglit na broken-hearted pala ako.
"Hey Cassie, malungkot ka ata. Why?"
"Naalala ko lang si.. Matt."
"Cheer up okay? I'm here. I'll help you get over him. Malapit na palang mag 7pm Cass. Bye na ah. Good night."
"Good night Raph and thanks again."
At mannequin na ulit siya.
Masaya talaga akong kasamang si Raph pero hindi ko rin naman nakalimutan na.. mawawala rin siya sakin. Sana lang.. hindi ako masyadong masanay.
And about him helping me get over Matt. Gusto na ba talaga ng puso ko?
***
Raphael's POV
7 pa lang ng umaga at kakagising ko lang sa pagiging mannequin. It's like I'm sleeping but the difference is, I'm always dreamless since it seems like I'm dead every night when I turn into a mannequin.
Haayy nevermind that. I should just wake her up since she has to work and it's officially my first day of work today as a model. I stretched out a little before looking at her on bed. She's still sleeping.
I sat on her bedside. Gigisingin ko na sana siya but then I stopped. I couldn't help but admire her beauty. Grabe ang ganda niya. Both on the outside and the inside. How can a guy possibly hurt this kind of beauty? So angelic and fragile but still fights?
"Mhmm.." she moved at unti-unti naring nagising.
"Oh hey Raph.."
"Good morning Cassie!"
"Morning too. What are you doing here by the way?"
"Waking you up but nevermind since you're already awake now."
"Ikaw ah. Baka masanay ako sa paggising mo sakin every morning."
"Okay lang. It's my honor to wake up the sleeping beauty."
"Heh. Mga kakornihan mo Raph."
"Hahaha! Namula ka nga eh!"
"Di ah. Sige alis na nga muna ng makaligo ako at dun ka na rin sa guest room maligo at magbihis. Your clothes are there and from now on, yun na ang kwarto mo. Sa tabi nitong room ko."
"Aye aye captain! Byeeee!" and then I went out of the room.
***
Cassandra's POV
Kasalukuyan na akong nag d-drive papunta sa building ng kompanya kung saan kami magmomodel ng mga damit ni Raphael. Hininto ko na ang sasakyan dito sa bakanteng lugar ng parking lot.
"Stay there Cass." sabi ni Raph na ipinagtaka ko. Nagmadali kasi siyang lumabas ng kotse and... opened the car door for me.
"Hehe." tawa pa niya.
"Kala ko kung ano na. Dami mong pakulo Raph." lumabas narin ako.
"You're welcome Cass."
"Oo na po. Thank you. Let's go na."
Tumango siya kaya naglakad na kami papunta sa building.
"Cass mahirap ba pa sa'yo maging model? Matagal ka na kasi sa industriya."
"Hmm.. oo siguro kung di mo susundin o masusunod agad yung ipapagawa na pose ng photographer sa'yo or kung hindi mo makuha yung facial expression na gusto nila."
"Ohh.."
Tiningnan ko siya at parang feeling ko kinakabahan siya. Hinawakan ko ang braso niya.
"Ano ka ba. Kayang-kaya mo yan. Ikaw pa? I believe in you so you should believe in yourself too tsaka isa pa, you did great last time kahit parang trial lang yun hindi ba?."
He stopped. Looked at me. Smiled and gave me a hug. Sheeesshh!
"Thanks Cass! You'll always be the best for me!"
Sheesh. Ano ba 'to. Ba't parang kinakabahan ako na ewan.
"Y..You're welcome.." tapos medyo nauutal pa. Ugghh.
He let go. "You seem uncomfortable. Sorry."
"Okay lang. T..That's fine." Very fine. I mean. What am I saying? Oo nga siguro dahil ang sarap niya yumakap. Yup that's it Cass. Nothing more. We continued walking again hanggang sa marating na namin yung room for the photoshoots.
"Oh nandiyan na pala sila." -Tita Jenny
Nagbatian kami tapos inayusan na. Malapit na mag-summer kaya summer look nga kami ngayon.
Third Person's POV
Matapos ayusan ang dalawa, they moved on with the photoshoot. Una ay si Cassandra. Nakatutok naman sa kanya si Raph at namamangha pa sa galing nitong mag-pose at syempre sa kagandahan niya. After a few shoots, si Raph na naman.
"Okay give me your best smile and a suave pose." sabi ni Jenny. Napasulyap si Raph kay Cass kaya nginitian siya nito for encouragement.
He nodded and smiled tsaka nag pose ng pa side view habang ang dalawang kamay ay nasa may bulsa.
"Ang gwapoo!!! Waaahh!" biglang pagtili ng isang taga-ayos at sumang-ayon pa yung iba pati yung mga baklang make-up artists.
'Ang gwapo nga talaga.' isip-isip ni Cass.
Maya-maya pa'y natapos rin ang photoshoot. Sakto naman ang pagdating ng isang babae.
Darra Bree Von's POV
I already know I'm late but the heck I care. Maganda naman ako and I'm a model so they should be the one waiting for me. I came in. Tinanggal ko ang glasses ko.
"Here. My bag." sabi ko sa isang PA.
"Darra. You're late again. Ikaw dapat yung mauna dito kesa sa kanila." salubong ni Tita Jenny sakin.
"Oh c'mon Tita Jens. Hindi ka pa nasanay sakin. I'm here na naman so no need to rant na."
I saw Cassandra walking towards us. "Hey there Cassy."
"Hey Darra." at kasunod niya ang isang matangkad na lalaking naka white polo and shorts. Simple but HOT. No. HOT and HANDSOME. Nawala tuloy ang atensyon ko sa dalawa. Lumapit ako kay Mr. Oh So Hot guy.
"Hi. I'm Darra Bree Von. And you are?"
"I'm Raphael Warren Davis. Nice to meet you." then he smiled and we shook hands. Pamatay ngiti rin. Hmm...
"Are you single? Because I am."
"Darra! That's enough. May photoshoot ka pa. Ayusan niyo na siya."
Aish ang KJ ni Tita Jens. Kinuha ko ang calling card with my address there and gave it to him.
"Here. See ya later." and I kissed his left cheek.
Cassandra's POV
Wow. Grabe talaga si Darra. Matagal narin siyang modelo ng kompanya and in fact mas matagal pa sakin. Hindi kami close and I'm not even sure if we're friends but we're civilized. Sa pagkakaalam ko, may boyfriend siya but she said she was single.
The typical Darra. For sure, i-bbreak niya na naman kung sino man ang boyfriend niya dahil may natipunang bago. Si Raphael pa. Oh no. Ang bilis niya pa. Just wow.
"Cass? Hey Cass? Why are you spacing out?"
Napatingin ako kay Raph na nagwa-wave na pala ng kamay niya sa harap ng mukha ko. "Nothing. Sorry. Let's go."
Nauna akong lumabas. Humabol naman sakin si Raph sa paglalakad.
"Darra is very pretty. What was that thing called when she... she..."
"She what?"
"She.. you know.. a while ago?"
At dahil nalito ako sa sinasabi niya, sumakay muna kami ng elevator at pinindot ang 'G' bago ako nagsalita ulit.
"Ano nga ulit?"
"Yung.. aish!"
He unexpectedly leant close and.... kissed me. On the cheek.
"That?" inosenteng tanong niya.
"K..kiss.."
"Kiss?"
I nodded. Parang feeling ko tuloy ang init na na mukha ko dahil ang pula pula ko na. Sinong hindi??? Raph naman!
***
Third Person's POV
Umuwi na muna ang dalawa.
"Raph dito ka lang muna kasama si Yaya. I'll just check my boutique. Akala ko wala na akong gagawin, meron pala."
"Oh. Want me to come with you?"
"No I'm fine. Mabilis lang naman."
"Oh okay."
Cassandra's POV
Nakarating ako agad dito sa tapat ng boutique after a few minutes drive. Bumaba na ako ng kotse at dahil nga sa malas talaga ako, kilalang kilala ko na ang taong nasa tapat ng boutique ko.
"Guard please sabihin niyo sakin kung asan si Cass o kahit papasok nalang."
"Hindi talaga pwede Sir."
Aish.
"Matt." I called him kaya lumingon siya agad sakin. He ran towards me and hugged me. Damn. I know he cheated with me and all but there's still this part of me hoping.. hoping it was all a dream.
"Get off me."
"Cass please.. I know nagkamali ako but just please.. give me one last chance to prove myself. Last na talaga 'to. Please.. I love you.."
I pushed him away. "Go home."
"No Cassandra please.." tapos unti-unti siyang lumuluhod. "Please.." and pleaded over and over again with those eyes. Yang mga mata niyang una't sapul, nahulog na ako.
"Pinagsisihan ko talaga yung ginawa ko. Please Cass.. maawa ka.."
I closed my eyes. Siguro.. isa pa. Isa na lang talaga.
"Okay.."
Cassandra's POV
Matapos ang eksenang iyon namin ni Matt, nag-dinner kami sa isang restaurant bago niya ako hinatid sa bahay. Hindi ko rin naman sinabi sa kanya na nasa bahay nakatira si Raphael dahil panigurado, magagalit siya. The car came to a halt dahil andito na kami sa tapat ng bahay ko.
"So, goodnight?" nakangiting sambit niya sakin. Ngumiti rin ako pabalik.
"Good night Matt." and then he was about to lean in for a kiss pero agad ko siyang pinigilan.
"Not now. Not yet. Bye, Matt." tsaka ko binuksan ang pinto ng sasakyan at pumasok na sa loob ng gate. Naabutan ko si yaya.
"Oh, hija. Bakit ngayon ka lang? Kanina pa nag-aalala si Raphael sa iyo. Hindi pa nga iyon kumain kasi sabay raw kayo. Alam mo bang pinagluto ka niya? Nagpaturo pa siya sakin. Nako, ang bait na bata." masayang tugon sakin ni Yaya.
"Talaga po Ya? Sige po. Puntahan ko lang."
Tumango naman siya sakin kaya nagmadali akong umakyat patungo sa kwarto niya na katabi nung sakin pero wala siya. Siguro nasa kwarto ko. Hindi na ako kumatok at pumasok agad.
"Raph--- oh.."
Mannequin na siya. Tumingin ako sa relo ko. 8:45pm. Lampas na pala. Kakausapin ko nalang siya bukas pero pupunta muna akong kusina para tikman man lang ang luto niya.
***
Raphael's POV
I'm human again at nandito pa pala ako sa kwarto ni Cass kakahintay sa kanya. Speaking of, she's sleeping so soundly with a very serene face. I sat on her bed side.
"Cassie, hey. Wake up." I slightly nudged the side of her pretty face.
"Mm.." then she slowly opened her eyes and so I smiled at her.
"Good morning Cassie!"
"Morning to you too Raph." she yawned and stretched out both her arms.
"Anong oras ka nakauwi? I got worried. I thought of finding you but it would be risky for me when the clock reaches 7pm."
"Almost 9pm. Pasensya ka na at napag-alala kita and by the way, you can really cook."
"Really??"
"Yup!"