Chapter 20

2897 Words
Pumunta naman agad si Raphael sa banyo.  Kinuha ko muna yung laptop ko at chineck ang website ko habang nakaupo sa kama at may tinigpan pa ng kung ano-ano. After a couple of minutes, bumukas ang pinto ng banyo kaya napalingon ako.  "I'm done." sabi niya.  Oh. Naglakbay ang paningin ko mula sa paa niya patungo sa tuwalyang nakabalot sa bewang, tapos sa abs, sa chest na medyo basa pa tapos sa mukha niya.. holy s**t. I am checking him out!  Napaiwas ako bigla ng tingin. "B..Ba't di ka pa nakabihis?" tanong ko ng hindi pa rin nakatingin but in my perepheral vision, I can see him.  "I forgot the paperbag." "Ohh. Okay. Eto." sabay abot ko sa kanya sa bag. "Thank you. Why are you not looking at me? Is there something wrong??"  Napalingon agad ako sa kanya. "No No! Nothing at all." focus sa mukha Cassandra.  "Okay. Sige, magbibihis lang ako." he smiled and turned his back on me bago naglakad patungong banyo. Look at how those back muscles flex as he walks.  Sexy.  Argh! Bakit ang hot ng mannequin na 'yun?! And he's not even aware! Babae pa rin ako at lalaki siya. There's this thing called hormones but wait, meron ba siya nun?? Aba ewan. Palibhasa, masyado siyang inosente.  Six packs. Darn. Ughh. Hinampas ko ang ulo ko.  Kababae kong tao tapos ganun naging reaksyon ko pero hindi siguro matatawag na normal na babae kung hindi hahanga sa ganung katawan.      *** Pinasuot ko ng hoody jacket at shades si Raphael at sumilip ako sa labas ng kwarto ko at tumingin tingin sa hallway. All clear.  "Dali, sa likod tayo dadaan." sabay hila ko sa kamay niya at lumiko sa gilid. At salamat naman at nakarating kami sa likod ng bahay. Iniwan ko muna si Raphael dun at kinuha sa garrage yung kotse ko at dumiretso ako sa likod para pasakayin si Raphael. "Buti nalang at nakalusot tayo." he nodded. "Where are we going?" tanong niya. "Shopping! Ipamimili kita ng bagong damit!" "Why? Okay naman to ah." "Oo nga pero hindi naman pwedeng yan lang ang isusuot mo everyday diba?" "Hmm.. yeah?"   Third Person's POV Nag-drive na si Cassandra papuntang mall at si Raphael naman ay nakatingin lang sa  bintana at pinagmamasdan ang bawat madadaanan nilang mga tao, tindahan, at kung ano-ano pa.  Maya-maya pa'y nakarating na rin sila sa mall at pinarada muna ni Cassandra ang sasakyan sa parking lot tas bumaba na at dumiretso sa entrance. "Wooahh." namangha si Raphael pagkapasok nila sa mall. Napangiti si Cassandra.  "Halika na nga." tapos pumunta sila sa iba't ibang boutiques para bumili ng iba't ibang damit na panlalaki. Shirts, polos, shorts, jeans, shoes, and other stuffs.  Marami silang nabili kaya tinawagan ni Cass ang assistant niya para ipakuha ang mga pinamili niya. "Tara kain muna tayo. Nagutom ako eh." then pumasok sila sa isang restaurabt. Umupo sila sa may gilid at tiningnan ni Cass ang menu. "Hello ma'am, sir. May I take your order?" sabi ng waitress habang nakangiti kay Raphael. Napansin naman iyon ni Cassandra. "Raph, anong gusto mo?" "Umm.. pwede ikaw nalang ang umorder para sakin?" he smiled. "Agad kumislap ang mga mata ng waitress ng gwapong nilalang na nasa harapan niya. "Sir! Meron kaming specialty. Eto oh." turo niya sa menu. "No, it's okay. I'll order our food." singit ni Cassandra at sinabi na ang order nila. Nilista ito ng waitress bago sumaglit ulit ng tingin kay Raph na tila kinikilig tsaka umalis.  Matapos kumain, naglibot libot lang sila sa mall at ng mapagod na si Cass, naisipan na niyang umuwi na sila. "You tired already?" tanong ni Raphael. "Yep." sagot ni Cass. "Want me to carry you home??" "Ha? Naku. Wag na. Thanks though." They headed to the parking lot and drove home.    *** Cassandra's POV Pagkabukas ko sa pinto, may narinig akong nag-uusap sa living room. Agad akong dumiretso doon habang nakasunod si Raphael sakin. "Mom? Dad???" it is them! Hindi ako nasabihan ah. "Surprise honey!" sabay lapit nila sakin ni Mommy at niyakap ako tapos ganun rin ang ginawa ni Daddy. "Kelan pa kayo dumating?" "Kanina lang anak." sagot ni Dad. "Ohh, that's good. Kamusta naman po kayo?" "Nako, eto busy parin and we just came to visit you and...." napatingin si Mommy sa may likuran ko. Oh yeah, si Raph. Hala. "Who's this young man?" she asked.  "Uh.. my friend Mom." "Hi! I'm Raphael Warren Davis." pakilala ni Raphael at nakipag shake hands kina Mommy at DFaddy. "Are you sure friends lang???" tanong ni Dad na may halong pagdududa ang boses. "Yes sir." sagot agad ni Raphael. Umupo kami sa living room. Paano ko ba i-eexplain to na dito na titira si Raphael? "Uh.. Mom, Dad.." "Yes honey?" "Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na dito na muna titira si Raphael. Kasi..." napatingin ako kay Raphael. Think Cassandra. Ano bang sasabihin ko?? "Ma'am, Sir, If it's okay with you, can I stay here with my friend Cassandra? I won't stay too long. I just need to find a place to live. I'm new to this country of yours and I ain't familiar with the places yet." deretsong pagsasalita ni Raph na medyo ikinagulat ko. Napatingin ako sa reaksyon ng dalawa. "Ohhh. I see. Okay lang sakin. Ikaw dad?" tanong ni Mommy kay Daddy. "Okay lang din. I can sense that you're a good man and besides, our daughter trusts you so we will too." "Thank you very much sir." "Oh no dear, you can call us Tito and Tita." And that's how it went. Napapayag niya ang parents ko ng ganun lang at nag-dinner kami ng sabay.     *** ~~~6:45pm~~~ "Cass, I got 15 minutes left." "Huh?" "I'll be a mannequin again at 7pm to 7am." "Really?" Tumango lang siya. May schedule rin pala ang pagiging tao niya? Dinala ko siya sa boutique ko at tumayo siya dun sa gilid.   6:59pm.... He stood there and smiled at me at... unti-unti pumuti ang katawan niya, ang balat niya, ang mga kamay niya, ang ulo ay hindi narin gumagalaw. He's a mannequin again.   *** ~~~The next Morning, Wednesday~~~ Third Person's POV At exactly 7:01am, naging tao ulit si Raphael. Umakyat ito patungo sa kwarto ni Cassandra. Kumatok siya pero walang sumagot at sinubukan niyang pihitin yung door knob. Hindi naman nakalock kaya pumasok siya. Tulog parin si Cassandra. Dahan-dahang lumapit at umupo si Raphael sa gilid ng kama. Tinitigan niya ang mukha ng dalaga at biglang gusto niyang haplusin ang mukha nito kaya ginawa nga niya. Napamulat si Cassandra sa ginawa ni Raphael. "You're really beautiful. Good morning Cassandra." Namula naman agad si Cassandra sa sinabi ni Raphael. "Good Morning to you too." "Are you hungry? Gusto mo dalhan kita ng pagkain dito??" "No it's fine. Sabay na tayong mag-breakfast later. Maliligo muna ako ah?" Tumango naman si Raphael kaya pumunta na ng banyo si Cassandra.      *** Cassandra's POV Tapos ko ng gawin ang daily routines ko kaya inaya ko si Raphael na bumaba na para makapag-breakfast kami. "May lakad nga ngayon Cass?" "Oo. May photoshoot ako tsaka ichecheck ko ang boutiques ko. Sama ka??" "Sige sige." Masya namang kausap si Raphael. Sobrang bait niya and of course, sobrang inosente rin at tsaka meron pa. Ang gwapo din. Okay, enough of it.    "Tara?" aya ko sa kanya. "Tara." "Ma'am, may naghahanap po sa inyo." sabi ng isa kong maid. "Sino raw?" tanong ko naman. "Si Sir Matt po." Napatigil ako saglit. What on earth is he doing here this early?   "Paalisin mo." Naramdaman ko namang kinalabit ako ni Raphael kaya napalingon ako sa kanya. "I think you better talk to him. Maybe it's better that way." "Hmm.. fine."Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Matt sa tapat ng gate. "Cass! Let's talk please!" Sinenyasan ko ang guard na papasukin siya. Ng nakapasok na siya at akmang hahawakan niya ako, I stopped him. "Don't dare. Ano bang gusto mong pag-usapan?" "Yung tungkol satin. Cass, it was all a misunderstanding." "Ow? Really? You mean you accidentally kissed a girl in the bar and lied to me that you were away for a week? Bullshit Matt! Don't dare make up any other excuses. Diba dapat masaya ka na because you're free to flirt with that b***h. Wala na akong pakialam." "Cassandra please..." sabay yakap niya sakin. "Ano ba!" pilit ko siyang tinutulak pero niyayakap niya lang ulit ako ng mas mahigpit. "Dude. Let her go." narinig kong sabi ni Raphael mula sa likod ko kaya napabitaw sakin si Matt at seryosong napatingin kay Raphael. "Sino ka?" "I'm Raphael Warren Davis. Her boyfriend." Huh?! Ano raw????! "What?! Cass, Is this true?!"  di makapaniwalang sigaw niya sakin matapos siyang bumitaw sa pagkakayakap. "And dude, don't shout at my girl like that." sabay akbay sa akin ni Raphael. Kita ko naman ang galit sa mukha ni Matt. Napailing-iling siya. "Akala mo kung sinong tama. Pareho lang pala tayong nangangaliwa Cass." sabi niya habang nakatingin sakin ng seryoso. Raphael removes his arm around my shoulder. "See dude. Actually, I'm not her boyfriend but you admitted that you really did cheated. You're free to leave now." "WHAT?!" "Umalis ka na Matt. We're over." Tumalikod naman siya agad at lumabas ng gate. Napahinga ako ng malalim. "Cass."   "Bak------"   He hugged me. "Don't worry. His not worthy enough for your love. You deserve someone better but for now, know that I'm here. I'll be your crying shoulder." I just smiled and hugged him back. "Thank you Raph.."       Third Person's POV "Why don't you skip work for today and go somewhere else?" sabi ni Raphael habang hinagod-hagod pa ang likod ni Cassandra. Bumitaw naman si Cass tsaka nagpunas ng mga luha niya. "No. Kailangan kong pumunta sa boutique pero pwede mo ba akong samahan after?" "Of course." Ngumiti rin si Cassandra sa kanya tsaka umalis na sila para pumunta sa boutique. Pagkapasok nila, bumati ang mga tao. "Good Morning Ma'am Cassandra." bati ng isang sales-lady. Bumati narin yung iba pa. May nagtaka at napatingin kay Raphael. "Hi. I'm Raphael Warren Davis. Cassandra's friend." masayang pakilala nito. Bumati naman pabalik yung iba tsaka ngumiti. Iba kasi talaga ang aura ni Raphael. Yung tipong pag nakangiti siya, siguradong mapapangiti ka rin.  "Ang gwapo ma'am ah. Manliligaw niyo?" pagbibiro ng isa. "Hahaha. Hindi. Magkaibigan lang talaga kami." sagot ni Cass. "Pero bagay kayo ma'am." "Yiieeeeehhhh!" they all said in chorus.  Tumawa lang ang dalawa at umiling. Nagsimula na si Cassandra sa trabaho niya habang nakasunod sa kanya si Raphael at inoobserbahan ang pasikot sikot niya sa boutique. "Di ka napapagod niyan?" tanong ni Cass. "Hindi naman. Sige lang.   Cassandra's POV Buti na rin at nasa tabi ko itong si Raph. Kahit pa hindi siya totoong tao, nasasandalan ko naman siya at sobrang bait niya talaga. After we settled everything, pinabuksan ko na ang boutique. "Okay na dito Raph." "Alright. Saan ang sunod?" "May photoshoot ako ngayon." "Sige. Tara na?" "Okay."   Third Person's POV Pumunta na nga sila sa *** Modelling Agency. Habang naglalakad, maraming napapatingin sa kanila but mostly, kay Raphael kasi naninibago ang mga ito sa mukhang ngayon lang nila nakita. "OMG! Ang pogiiii!" komento ng isang  babae. "Oo nga! Is he a model rin??" sabi ng isa pa. "Siguro. Gusto ko siyang makilala! Waah!!" marami pang ibang nagbubulung-bulungan na rinig naman nila Cass. Lumapit naman si Raph kay Cassandra at bumulong. "Hey Cass.. are they really like this?"  Napatawa ng konti si Cassandra. "Yeah. Pagpasensyahan mo na sila and don't mind them. Ang gwapo mo kasi." "You find me attractive?" Napatigil si Cassandra at parang nahiya sa sinabi niya kaya namula siya. "A..ah.. Most of the girls find you attractive. Tara na nga." sabay hila ni Cass sa braso ni Raphael papasok sa isang room kung saan gaganapin ang photoshoot. "Cassandra!" sabay lapit ng isang bakla at nakipag beso kay Cass. "Tita Jenny. Hey." "How are you doing-- and oohh, who's this handsome guy here?" "I'm fine. And Tita Jen, this is my friend. Raphael." "Hello. I'm Raphael Warren Davis." at nakipag shake-hands siya kay Jenny. "Nice to meet you." tapos binaling niya ulit ang atensyon niya kay Cassandra. "Boyfriend mo?" "Hindi. Friends lang kami." "Ohh. Hmm.. anong work mo Raph?" "Wala pa eh." "Do you want to be part of my company? I can hire you as a model. You've got all the requirements I want." "Really?" "Yes." "Sure!" "That's great. We'll talk about it later along with the contract but right now, I want to pair you up with Cassandra."   Cassandra's POV Wow. I didn't expect that to happen pero hindi naman ako magtataka kasi gwapo naman talaga siya at er... maganda rin yung hubog ng katawan. Very Manly. Pinagbihis na kami ni Tita Jen sa dressing rooms namin with the help of some assistants of course. Nasa kabila yung dressing room kung saan si Raphael. Ang theme? Beach. So ang suot ko ay black na two-pieace bikini tas pinacurl nila yung buhok ko tapos nilagyan ako ng make-up. Natapos narin kaya lumabas na ako and to my surprise... tapos narin pala si Raphael at.. Behold. He is the definition of perfection.  "Hey Cass." sabay lapit niya sakin. Yung mata mo Cassandra. Sa mukha lang dapat. "Hey." "Wow. You look dazzling." komento niya. "You look nice too.." nice is an understatement. Hot dapat eh. "Guys dali na kayo." tawag samin ni Tita Jenny kaya pumunta na kami sa kanya. Nauna akong maglakad. "Okay so you guys have to look like a real couple tsaka dapat hot. Okay?" Alright. Let's be professional on this then.      *** Third Person's POV Natapos narin ang photoshoot after 1 hour and 30 minutes. Nagpaalam na ang dalawa at umalis na sila. "Lunch muna tayo?" tanong ni Cass. "Okay." Pumunta nga sila sa isang restaurant para kumain ng lunch. "Ilang taon ka nang nagmomodel Cass?" "4 years na. Why?" "Nothing. Nakaka-enjoy palang mag modelling noh?" "Oo pero nakakapagod rin sometimes." Tumango tango naman si Raphael. After they ate lunch, bumalik na sila sa kotse. "Saan na tayo pupunta Cass?" "Sa dalawa ko pang boutiques tapos okay na." "Alright."     *** ~~~3 hours later..4:30pm~~~ "Whew! Tapos narin!" tapos nag-inat ng konti si Cassandra. "Are you tired?" "Konti." "Where do you want to go now?" "Let's go somewhere.. peaceful." tapos pumasok na sila sa kotse at nag-drive na si Cassandra papunta sa private resort ng family nila. Binati rin sila ng mga tauhan doon. Raphael's POV (nagka-POV rin si Raf. Masanay na kayo kung english siya ng english okay. :3) This is a peaceful place indeed. Fresh air and quiet. Naglakad-lakad kami sa sea side until we reached a small hut. May duyan rin sa gilid. "Let's sit there Cass." "Okay." We stayed quiet while watching the sunset. It's beautiful. "Ang ganda noh?" "Yeah." Napatingin ako sa kanya. I wonder why that Matt managed to cheat on such a lovely lady like her and besides her pretty face, she's very kind. "Uy ba't ka nakatingin?" tanong niya. "You're such a nice view." Then after that, I saw her cheeks flushed a little. Cute. "Psh. Yan ka na naman eh."  "You're blushing?" "No I'm not!" Napatawa ako sa reaksyon niya. "Okay.. ang totoo Cass is.. I'm just wondering kung bakit ka nagawang saktan ni Matt."   Cassandra's POV Napatingin ako sa kanya ng seryoso. Hindi ko alam. Akala ko talaga siya na dahil college pa lang, magkaibigan na kami and we already had a thing back then tapos naging kami 2 years ago.  "I don't know pero siguro.. may kulang sa akin kasi bakit pa siya maghahanap ng iba kung kuntento na siya----" "No. Don't say that. You're wrong. Siya ang may mali. Hindi ikaw." he said firmly kaya napangiti ako.   "You never fail to make me feel better all the time." sabi ko at lumapit sa kanya para sumandal.    "Thank you Raph. Salamat dahil nakilala kita." He encircled his arms around me and hugged me tight. "And I'm thankful that I've met you too." Napapikit ako. Ang sarap ng feeling ng may nagmamalasakit sakin ng ganito. After a few  seconds.. may narealize ako kaya napabitiw ako sa kanya. "Raph? Bakit hindi ko marinig ang t***k ng puso mo?"  Totoo. Wala talaga kahit konting pitik lang.   "Because I'm not a real human Cass." "Ohh... Akala ko kasi pag maging tao ka, as in yung kagaya ko talaga na tumitibok rin yung puso." "Hmm.. hindi eh. Why'd you asked?" "Nacurious lang." sabi ko naman. "Oh. I thought you wanted it to beat for you."    "Ha?! Hindi ah!" "Hahaha! Kidding! Masyado kang seryoso Cass!" sabay tawa niya.  "Psh! Porke't gwapo ka, ginaganun moko ah!" "Hindi rin ah. Truth is, I want to have a beating heart and might as well fall for a girl. In short, I want to be a real human." tapos biglang lumungkot yung mukha niya. "Hindi ba yun possible?" Nagkibit-balikat lang siya. Tinapit ko naman ang balikat niya. "Don't worry. Tutulungan kitang totohanin yan. Ipaparamdam ko sayo na totoong tao ka. Okay ba?" "Okay na okay! Thanks Cassandra." "You're welcome Raph." and then we remained quiet after that. A peaceful kind of silence.   *** Cassandra's POV  Pagkadilat ko sa mga mata kong medyo mugto, ang gwapong mukha na naman ni Raphael na nakangiti ang bumulagta sakin. Aba kung ganito pala araw-araw ang sasalubong sakin, ayos na ata.  "Morning Cass! We've prepared some breakfast already. Baba tayo!!" excited na tugon niya sakin habang hinihila-hila pa ang isang braso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD