Cassandra is an independent woman. She can have anything that money can afford. She has the face of an angel that any girl can envy. Sabi ng karamihan, she has it all. Wealth, Family, Friends, and A Boyfriend. What more could she ask for? Pero bakit parang may kulang pa rin? Why is her life boring still? Then came the day. Something really unexpected. Raphael came to life. Not to mention, he's a mannequin. Human by day, lifeless by night. What could be the role of this mannequin in Cassandra's life??
A MANNEQUIN is a doll used by artists, tailors, dressmakers, windowdressers and others especially to display or fit clothing.
Kung makarinig tayo ng salitang 'MANNEQUIN', ang unang maiisip natin ay.... pang-display lang ito.
susuotan ng kung ano-ano...
walang buhay...
hindi nagsasalita...
But the life of this one girl named Cassandra suddenly changed when he had this 'MANNEQUIN'....
that she accidentally loved and became her.....
'MANNEQUIN BOYFRIEND'
Ano ng mangyayari sa kanya?
Cassandra's POV
First of all, let me introduce myself. I'm Cassandra Kaye R. Smith, 23 years old and the heiress of Smith Corporation. Kung bakit hindi pa pinaubaya sakin ni dad ang company? Its because, I'm not yet married. Weird ni dad ano? Hindi naman kailangan ng asawa para mamuno ng isang malaking kompanya diba? Si dad talaga.
I love designing some gowns, dresses and other stuffs that is related to fashion. Kaya naman, nagnegosyo ako. I owned some boutiques. Sikat rin ito at meron narin akong boutique sa America at sa England.
Okay, enough with this. Back to reality.
Nandito ako sa bagong branch ng boutique ko na kakabukas lang. Tinitingnan ang mga designs at pumipirma ng mga papeles.
"Ma'am, how bout the mannequins?" tanong sakin ng isa kong assistant.
"I'll order in England. Mas gusto ko ang mga products ng mannequins doon."
(a/n: Wag ng pumalag :P gawa-gawa lang ng imahinasyon ko ang mga detalye kaya kung may mali man, sorry :D)
"Okay ma'am."
Mukhang tapos na ako dito. Uuwi nalang muna ako sa bahay.
~~~Smith Residence~~~
"Good evening young lady." bati ng mga maids sakin pagkapasok ko habang nakabow at naka-lign up sa magkabilang sides. Hindi ko kasalanan kung gumaganyan sila dahil sina Mom at Dad ang may gusto. Yaan na lang.
"Good evening." bati ko pabalik at dumaan sa gitna. Buhay Prinsesa lang ano?
Dumiretso ako sa itaas kung saan ang kwarto ko.
Third Person's POV
The next day, umorder na nga si Cassandra ng ilang mannequins at inasikaso ang mga trabaho niya at kabilang na dun ang pagmomodelo.
Pagkalipas ng tatlong araw, dumating na ang package. PInabuksan niya iyon sa mga assistants niya at nakuha ang atensyon niya sa kakaibang disenyo ng kayon. Iyon lang kasi ang nag-iba sa pito pang kahon na may lamang mannequins.
"Wait." pigil ni Cassandra ng bubuksan na ang kahon.
"Can you bring this one in my mansion?" utos niya sa lalaki.
"Opo ma'am."
"Thank you."
Meron kasi siyang mini-boutique sa loob ng mansion pero para sa kanya lahat ang nandoon at sa mga kaibigan niya.
Lumipas ang oras at malapit naring gumabi kaya umuwi na si Cassandra. Wala kasi ang pamilya niya sa Pilipinas at nasa Amerika ang mga ito.
Cassandra's POV
Hihiga na sana ako pero bigla kong naalala yung mannequin.
Hmm...
Mabuksan nga 'yon.
Pumunta ako sa mini-boutique ko. Para talagang antique ang design ng box. Ang cool ah. Binuksan ko na ang malaking box.
Ang laman ay isang lalaking mannequin na 5'11 ang height. Meron ng free na wig tsaka shirt at pants?
Yung iba kasi wala.
Napansin ko yung papel na naka-stick sa dibdib niya. Kinuha ko at ang nakasulat ay...
'Not a dummy, must take care, a teardrop will repair.'
-Mr. Z
"Ano naman kaya ang ibig sabihin neto?"
Cassandra's POV
I squinted my eyes because of the light hitting my face from the sides of the window. Umupo ako at nag-unat.
"Another boring day for me." I sighed and got out of bed.
Nag exercise ako ng konti, naligo at kung ano-ano pang morning routines ko. Ng ready na ako, bumaba na ako at dumiretso sa kusina.
"Neng, may lakad ka ba?" tanong sakin ni Nay Lucia. Siya ang yaya ko simula pa pagkabata at since palaging busy ang parents ko, siya palagi ang nag-aalaga sakin kaya I'm treating her as part of my family but she's more like my second mother.
"Pupunta po sa trabaho Nay."sagot ko.
"Nako, makakalimutin ka ng bata ka, Sabado ngayon. Walang trabaho."
"Ohh.. I lost track of the date. Nakalimutan ko nga talaga Nay."
"Ayan, masyado ka kasing stress anak. Wag kang masyadong magpagod dahil baka makakasama iyan sa iyong kalusugan."
"Sige po nay. Sabay na po tayo sa pag-aalmusal."
Kumain kami at pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto ko para magbihis ng pambahay. Binagsak ko ulit ang katawan ko sa kama.
"Hayy.. makatulog na nga lang ulit."
Niyakap ko na ang malaking unan sa gilid ko at tsaka pumikit.
~~~35 minutes later~~~
*krrrinnngg krrinnng*
Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Kinapa-kapa ko ito sa lamemsa sa gilid habang nakapikit parin.
"Hello.."
(FRIEENNNDDD!!!) Etong maingay nato ay si Cathy Galera. Nilayo ko yung phone sa tenga ko.
"Hoy babae, may balak ka atang basagin ang eardrums ko?"
(Hehe! Sarreeh Beshie!! Ano? Gala tayo??)
"Ayoko.. inaantok pa ako.."
(Ihhh!!! Sige na! ----ayy!!-- HOY CASS!! Wake up kana!! Coming na kami!!!) at ang isang to na sumingit ay si Marian de Leon.
Biglang may kumatok sa pintuan kaya napaupo ako.
"Teka may tao." sabi ko sa kabilang linya.
Tumayo ako at binuksan ang pinto.
"Nandito na kami!!" they said in chorus.
Coming pa raw, nandito na pala. Pumasok naman sila agad tsaka umupo sa kama ko. Umupo rin ako sa couch ko.
"So anong nakain niyo at naisipan niyong pumunta rito?"
Eh kasi, katulad ko, may mga trabaho rin sila. Nasa Pinas lang ang mga pamilya nila kaya binibigyan rin nila ng time at may mga boyfriends rin sila katulad ko pero yung akin, out of town muna for one week.
"Mar-Mar, mukhang ayaw satin ni Cassy"-Cathy
"Tama ka diyan Cat-Cat. Uwi nalang tayo"-Marian
Tumayo silang dalawa at dumiretso sa pintuan. Edi go. Humiga ulit ako sa kama.
5 seconds later...
"Lalabas na tayo diba?"-Cathy
"Oo nga. Eto na oh, bubuksan na ang pinto."-Marian.
Akala siguro nila na pipigilan ko sila. Inayos ko pa ang kumot ko at tinalukbong sa katawan.
A few more seconds later...
"CASS!!" sabay yugyog sakin ng dalawa. Tinanggal ko na yung kumot.
"Oh? Akala ko ba aalis na kayo??"
"Ehhh!! Cass naman eh! Minsan na nga lang tayo nakakapag-bonding tapos ayaw mo pa!"-Cathy pouted.
"O sige na. sige na. Tara sa mini-boutique ko."
Dumiretso na kami sa mini-boutique ko. Kumuha ako ng damit at nagbihis.
"Kung gusto niyo ring magpalit, feel free to pick some clothes."
"Talaga? thanks!"-Marian
At ayun pumili na sila tsaka nagbihis narin. Bestfriends ko na sila simula highschool pa kaya kung anong meron ako, i-she-share ko rin sa kanila. After a few minutes, natapos narin sila kaya nag make-uip kami ng konti.
"Bes, kelan pa yan??"-sabi ni Cathy ng nakaturo sa mannequin.
"Ah, yan ba, I just got it yesterday. Feel ko lang dalhin dito eh."
"owwwkkaay."
Pumunta na nga kami sa mall gamit ang mga sasakyan namin.
Shopping dito.
Shopping doon.
Kumain rin kami tapos nagkuwentuhan pa ng biglang may nahagip ang mga mata ko.
"Pst. Ui Cass. Okay ka lang?" tanong sakin ni Cathy
"Parang.. si Matt yun ah.."
Si Matt ay yung boyfriend ko.
"Huh? Hindi naman siguro bes, kasi diba out of town pa siya at next week pa ang balik?"-Marian
"Hmm.. siguro nga. Namamalikmata lang siguro ako."
"Asuuus. Namiss mo lang ang boyfie mo sis." sabi ni Cathy tapos siniko-siko pa ako.
"Whatever."
~~~Sunday~~~
Cassandra's POV
Another weekend for me. Ano kayang gagawin ko ngayon?
Hmm.. Aha! Alam ko na. Bumaba ako at pumunta sa mini-boutique ko at hinanda ang mga gamit ko para.. I-make-over ang mannequin ko. Wala na kasi akong ibang maisip na pwedeng gawin kaya eto nalang, pampalipas ng oras.
Sinimulan ko sa wig. Blonde yung buhok neto kaya naman nilagyan ko ng konting light-brown para maging dark ng konti.
Sunod ay yung t-shirt na pinalitan ko ng light-blue na polo that matches his pants. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Ayan! Gwapo ka na! Ano sa tingin mo?" sabay tingin ko sa kanya ng nakangisi. Napaupo ako sa malapit na sofa dahil sa kashungahan ko.
"This is just stupid. I'm talking to a lifeless mannequin. Siguro eto ang napapala ko kapag bored."
Matawagan nga yung dalawang bruha. Una kong kinontact ay si Cathy. Nag ring naman at agad na sinagot.
(Hello Cass, bakit?)
"Cathy, busy ka ba? Pwede mokong samahan?"
(Naku girl, gusto ko sana kaso may pinapaasikaso pa si mommy at daddy eh. Next time nalang?)
"Okay sige. No problem. bye."
Binaba ko na at tinawagan si Marian rin but turns out, busy rin siya. Well, mag sho-shopping na lang ako at maglilibot-libot sa mall mag-isa.
***
After kong mag-shopping, umuwi ako para matulog. Konti lang naman ang pinamili ko pero nakakapagod pa rin.
~~~8:00pm~~~
After I ate my dinner, I decided na pumunta sa bar. Hindi naman ako maglalasing. Sasayaw lang.
Naglagay ako ng light make-up lang. Nakalugay ang mahaba kong buhok at nakasuot ng purple fitted dress which is an inch above the knees and is also matched with my 5-inches heels and lastly, ang maliit na black na hand bag ko.
So I'm ready to go.
***
Pinarada ko ang kotse ko sa parking lot tsaka pumasok na sa bar.
Pagkapasok ko, bumungad sakin ang malakas na music at ang iba't ibang amoy tulad ng mga alak and cigarettes. Well, what do I expect diba? ganito talaga sa mga bars. Umupo muna ako sa isang stool sa may bar counter.
"What can I get you ma'am?" tanong sakin nung bartender.
"A glass of lost cherry."
"Okay ma'am."
After a few minutes, binigay na sakin nung bartender yung order ko. Pagkatapos kong inumin ito, dumiretso ako sa dancefloor. I danced with some strangers. Okay lang naman sakin at least I'm enjoying for the mean time.
Tumigil muna ako sa pagsasayaw kasi kailangan kong pumunta sa bathroom. Nag re-touch ako ng konti and natapos rin ako.
Sa paglabas ko, hindi ko ini-expect ang makikita ko sa may gilid. Lumapit ako sa dalawang taong nagme-make-out para makasigurado.
And I was right.
Hinablot ko ang buhok ng babae para makalayo siya sa boyfriend ko.
Yes. It was Matt.
"What the heck?!?!" inis na sabi sakin nung babae.
"Cassandra??!!" gulat rin si Matt pagkakita sakin.
"The one and only. At ikaw!" sabay duro ko sa pagmumukha ng babae. "Do you know that he's my boyfriend??" singhal ko sa kanya.
"Oh please! Ako kaya ang girlfriend!" sabi nung malanding babae.
Ngayon napatingin ako kay Matt.
Tinanggal ko yung singsing sa daliri ko na bigay niya nung first anniversary namin last month.
"Here! you fuckin' asshole!! One week out of town pala ah? Manloloko ka! We are totally over! Magsama kayo ng babae mo!"
"Cass! Let me explain!"
Rinig ko pa si Matt na tinatawag ako but I've had enough of him. Dumiretso ako sa parking lot and went home.
Its already 11pm kaya tulog na ang mga tao. Kumuha ako ng wine at dumiretso sa mini-boutique ko. Nilaklak ko ang alak without any glass. Inom lang ako ng inom hanggang sa nag-replay sakin yung sa bar. He cheated on me.
This time, tumulo na talaga ang mga luha ko.
"Akala ko ba... pag iinumin kita... makakalimutan ko sagilt...ang sakit ha??!!"
Binagsak ko yung wine sa maliit na table.
Third Person's POV
Umiyak ng umiyak si Cassandra tapos uminom ulit. Tumayo siya at naglakad patungo sa mannequin ng pagewang-gewang na.
Dahil narin sa kalasingan, inakala niya na si Matt yung mannequin.
"Ikaw! Alam mo.. bang.. mashaaaakkiitt yung ginawa mooooo??!!!!"
Hinahampas hampas niya ito sa dibdib habang umiiyak.
"Pero.. halam mo?? mahaaal na mahhaaal kitaa..."
Nakaramdam siya ng pagod dahil sa pag-iyak.
"Pa huuugg nga...*"
"Ang shakeeet.. mashakeeet.. sa puso..." then she sobbed.
Cassandra's POV
Hindi na ako masyadong nakakapag-isip kung ano bang ginagawa ko but one thing is for sure..
I felt this mannequin hugged back tapos...
"Okay lang yan."
BLACKOUT
~~~7 am~~~
Cassandra's POV
Kinusut-kusot ko ang mga mata ko at pagdilat ko...
"AAHHHHHHHHH!!!!!!" napasigaw ako ng di oras.
May kumatok agad ng ilang beses sa pintuan ko.
"Ma'am? Okay lang po ba kayo??" boses ng isang katulong mula sa labas.
".A..Ah... O..okay lang ako.."
Pero yung mannequin kasi.. yung mukha niya agad ang nakita ko habang nasa gilid siya ng kama ko nakaupo. Nasobrahan lang siguro ako sa alak kagabi pero teka nga din... nasa boutique ako ah?? Paano ako napunta dito??
"Paanong.. hindi.. hindi nga ito totoo. This is all a dream. Tama tama.." pagkukumbinsi ko sa sarili ko at humiga tsaka pumikit ulit.
....
.........
...............
.........................
......................................
Okay sabi na nga ba panaginip lang. Wala na.
Kaso may biglang kumulbit sa braso ko.
"Hey."
Dahan-dahan akong dumilat at lumingon ulit sa gilid. Nandun pa rin siya!
"KYAAAHHHHH!!!!!" I shouted once more kaya napatakip siya sa dalawang tenga niya.
"Shh!"
Third Person's POV
Hahawakan sana ng mannequin si Cassandra para pakalmahin ito pero umalis naman si Cassandra sa kama niya at pumunta sa pinakasulok ng kwarto niya sa gilid.
"Hu..huwag na wag kang lalapit! Isusumpa kita!" sabi nito na puno ng kaba at naka form pa ng cross ang dalawang hintuturo.
"Hey! I'm not a ghost. I swear." naka-pout na sambit ng mannequin na ngayon ay tao na kaya napatitig si Cassandra sa kanya.
Ang kinis ng mukha, may pagka singkit yung mga mata, matangos ang ilong at mapula ang labi. Napaisip siya bigla. Ang gwapo ng nilalang na nasa harapan niya.
"B..Bakit ka naging t..tao?" nauutal na tanong ni Cassandra sa lalaki habang pilit pinapakalma ang sarili. Umupo ulit ito sa dulo ng kama.
"Naalala mo yung note na nakadikit sa dibdib ko? It says, 'Not a dummy, must take care, a teardrop will repair' It means, mabubuhay ako kung mapatakan ako ng luha. I didn't know that Master Z would send me to you." simpleng paliwanag ng lalaki.
"Wh..Who's Master Z?"
"My creator." nakangiting sagot niya na siyang paglitaw ng dalawang malalalim na dimples sa pisngi nito.
"Isosoli ba kita sa kanya? Saan siya nakatira? Teka, since sa England ako nag-order, taga dun ka rin diba? Sige, magpapa-book na ako ng flight----"
"Hep! no, no no. My master wouldn't send me here for no reason. You might be lonely? If so, I'll accompany you. Don't worry, I won't stay forever."
"Teka, naguguluhan ako sayo. Kailan ka naman aalis o mawawala?"
"Depende kay Master but for now, I'll stay here with you. Alright?"
Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Cassandra sa sinabi nito.
"Eh ano nalang ang sasabihin ko sa mga kaibigan ko, nina yaya, ang parents ko? Na isa kang mannequin na naging tao, ganun? For sure, di ako paniniwalaan."
"I don't know. Hey, I'm hungry." sabay himas nito sa tiyan niya.
"Kumakain ka?"
"Of course."
Cassandra's POV
Halaa. Totoo ba talaga to??? Grabe ah, hindi ako makapaniwala! Pero ano pa bang magagawa ko? Alangan namang palayasin ko to ng basta basta? Baka ma r**e pa to eh, gwapo pa naman at mukhang ang inosente kasi ang amo ng mukha.
Haayyy. Bahala na nga.
"Sige, dito ka lang. Kukuha akong pagkain. Huwag kang magpapasok ng iba."
"Okay! Hehehe."
Pansin ko lang, englishero ang mannequin na yun. Pansin niyo rin siguro noh?
Pumunta ako sa kitchen at kumuha ng pang breakfast.
"Oh neng, magandang umaga." bati sakin ni Nay Lucia.
"Magandang umaga rin Nay."
"Dun ka sa taas kakain? Tinawag mo nalang sana ako." tapos napatingin siya sa tray na hawak ko. Parang pang-dalawang tao sa dami ng pagkain.
"Ba't ang dami ata Ineng?"
"Ah.. kasi nay... gutom na gutom ako! Sige, akyat muna ako sa taas." palusot ko at bumalik na sa kwarto ko.
Nilapag ko yung tray sa lamesa ko sa kwarto.
"Eto."
"Thanks." he smiled. Palagi rin siyang nakangiti pero bagay na bagay naman.
Kinuha ko na yung kutsara't tinidor ko. Hiniwa ko narin yung pork. Kumain na ako at napansin kong nakatingin lang sakin yung mannequin.
"Oh?"
"How do you use that?" he asked with an innocent face.
Owkaayy?
"Di mo alam?"
Umiling lang siya na parang bata. Naku. Hiniwa ko yung pork steak niya.
"Ganito lang yan." tapos pinasunod ko siya sakin kung paano gamitin ang kutsara't tinidor.
"Oohhh." sabi niya ng na gets na at nagsimulang kumain.
***
"Psst."
"Yes?"
"What's your name?"
"I don't know."
"Wala kang pangalan?"
He just shrugged his shoulders. E di papangalanan ko siya. Hmm.. ano kaya. Matagal-tagal akong nanahimik para mapag-isip hanggang sa...
"How bout... Raphael Warren??" sabi ko.
"That's a nice name!" he said with a thumbs up.
Okay. So now.. since galing siya sa england, ang last name niya ay.......... Davis.
"Okay. From now on, you are Raphael Warren Davis."
"Got it!"
Nginitian ko rin siya pabalik. He ain't that bad after all.
~~~8:30am~~~
Third Person's POV
"What's your name?" tanong ni Raphael kay Cassandra.
"Cassandra Kaye Smith."
"What a beautiful name. Suits you well." sabay ngiti nito.
"Pssh. Ang aga-aga nambobola ka na."
"Totoo kaya."
~~~9:00am~~~
Cassandra's POV
Tapos ko ng gawin ang daily routines ko. Tiningnan ko si Raphael. Tumingin rin siya sakin ng may halong pagtataka.
"Maligo ka." sabi ko. Hindi naman ibig sabihin na mabaho siya or what pero kasi, everyday routine yun diba so kailangan lang.
"I don't have extra clothes."
"Oo nga pala. Madali lang yan."
Tinawagan ko ang isa sa mga staff ko at pinakuha ko ng casual set: shirt, shorts, brief, shoes na panlalaki at maya-maya ay dumating na rin kaya lumabas ako para kunin yun at bumalik ulit sa kwarto ko.