Third Person’s POV Pagkatapos kumain ng dalawa, binilin ni Mia sa isang executive assistant at sekretarya ang naiwang paperworks tsaka na umalis kasama si Van. Hindi man lang nito sinabi kung saan sila exactly pupunta basta isang oras raw ang layo mula sa city. Habang bumabyahe papuntang south, nadadaanan na nila ang mga puno at iilang tanawin ng bundok mula sa malayo. May iilang pasikot-sikot pa kaya nakaramdam ng antok si Mia hanggang tuluyan na nga itong nakatulog. “Mia. Hey, andito na tayo,” mahinang tapik ni Van sa kanyang balikat. Pagkagising niya, nagpunas pa ito ng pisngi kung may laway bang tumulo at salamat naman at wala dahil baka mapaatras niya ang manliligaw. Pinagbuksan siya ni Van ng sasakyan at tumambad sa harapan niya ang two-storey Book Café na katabi ng isang man-

